Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 8 Maagang Pagtapos Sa Kontrata

Share

Kabanata 8 Maagang Pagtapos Sa Kontrata

Umiwas ng tingin si Dr. Wilson at tinignan si Caroline. Tumango siya at umalis.

Matapos mapansin na hindi magandang manatili dito, umalis si Reuben at tumungo sa elevator para doon matiyagang maghintay.

Naging mabigat ang pakiramdam ni Caroline dahil sa katahimikan. Pinilit niyang lakasan ang loob niya para magsalita, “Mr. Jordan…”

“Anong napala mo sa lahat ng ito?” malamig na sinabi ni Evan.

Tumalikod siya, batid ang panghahamak sa mga mata niya. “Sa tingin mo ba makikisimpatya ako?”

Tumayo doon si Caroline, tulala, “Mr. Jordan, hindi ko maintindihan ang tinutukoy mo!”

Humarap si Evan, yumuko at tinignan si Caroline na mas maliit sa kanya. Batid ang lamig sa guwapo niyang mukha.

Ang mga mata niya ay parang manipis na yelo, malamig ang pananalita niya, “Hindi mo ba naisip na parang bata ang pag-uugaling pinapakita mo para umani ng simpatya? O dahil pakiramdam mo hindi sapat ang ibinibigay ko sa iyo, at ngayon humahanap ka ng malabong koneksyon sa doktor para masiguro ang libreng pagpapagamot sa ina mo?”

Parang sinaksak sa puso si Caroline sa mga salitang binitawan ni Evan.

Nahihirapan siya huminga sa sakit, halos hindi na niya kayanin.

Hindi nga niya alam na may lagnat siya, paano siya magkukunwari?

Malinaw ngayon. Sa simula pa lang, sa mga mata ni Evan, pera lang ang habol ni Caroline.

Isinara ni Caroline ang mga kamao niya, deteminado na kumalma.

Pinilit niyang ngumiti at nagtanong, “Mr. Jordan, anong klaseng sagot ang inaasahan mo mula sa akin?”

Lalong nagalit si Evan dahil sa malayo at kalmadong sagot ni Caroline.

Humakbang siya palapit kay Caroline, ang matalim niyang mga mata niya ay nakatitig ng husto.

“Kung pera ang kailangan mo, gawin mo ng maayos ang trabaho mo. At kung balak mo magkaroon ng hindi malinaw na relasyon sa ibang lalake bago matapos ang relasyon natin, humanda ka para sa mga maaaring mangyari sa iyo!”

Halos masugatan ng mga kuko ni Caroline ang palad niya, pero nanatiling kalmado ang tono niya. “Mr. Jordan, malinaw ang termino ng kontrata ko. Sa oras na magbalik ang tao na hinahanap mo, tapos na ang kontrata, at malaya na akong gustohin ang kahit na sino.”

Sawakas, inilabas ni Caroline ang galit niya.

Bihira niyang kinakalaban si Evan, at sa mga mata niya, dapat maging sunod-sunuran lamang siya.

Ito ang unang pagkakataon na nakipagsabayan sa kanya si Caroline.

Hinawakan ni Evan ang baba niya, “Caroline, tumapang ka ba?”

Lumuha si Caroline. Matapos maging sunod-sunuran ng ilang taon, sapat ba ang pagsuway niya para dumanas ng ganitong galit?

Malaming na ngumiti si Caroline, “Maraming salamat sa papuri, Mr. Jordan.”

Humigpit ang kapit ni Evan. “Gusto mo tapusin agad ang kontrata ng maaga? Hindi kita hahayaan, Caroline!”

Matapos iyon, binitiwan siya ni Evan.

Sa isang iglap, nagbago ang galit ni Evan at naging pandidiri habang malakas niyang itinulak si Caroline at naglakad palayo.

Dumikit sa pader si Caroline, at unti-unting dumulas pababa habang lumuluha.

*

Inayos ni Caroline ang sarili niya at bumalik sa ward. Matapos makasama ang ina niya ng ilang oras, bumalik siya sa tinutuluyan niya.

Ang bahay ng pamilya niya ay matatagpuan sa lumang kapitbahayan. Ang bahay na ibinili niya sa ina niya ay ibinenta ng ama niya para mabayaran ang mga utang niya.

Ngayon, ang natitira na lamang ay ang masikip at lumang bahay na halos 60 square meters lang.

Umakyat si Caroline sa second floor at binuksan agad ang pinto. Bigla, naamoy niya ang baho ng alak.

Nakatayo siya sa tapat ng pinto at sinuri ang paligid na puno ng bote ng alak sa sahig at pagod na bumuntong hininga.

Matapos maglinis, inayos ni Caroline ang sarili niya sa harap ng computer. At bigla, may mensaheng dumating.

[G, masyado kang nagtatagal. Malapit na maubos ang pasensiya ng boss ko!]

Sumagot si Caroline. [Pasensiya na. Naging abala ako. Pakiusap, bigyan mo pa ako ng kalahating oras.]

Matapos ipadala ang sagot niya, naging abala siya sa fashion design draft na nasa kalahati na ang progreso.

Bukod pa sa role bilang personal na secretary ni Evan, freelance fashion designer din si Caroline para may extra siyang kita sa free time niya.

Mabilis na sumagot ang kabilang panig sa mensahe niya. [G, sa galing mo sa pagdedesign, kung buong puso mo ito na gagawin, maaari ka maging sikat na international designer sa loob ng maikling oras. Bakit mo pa din pinipilit na sundin si Mr. Jordan?]

Mabilis na sumagot si Caroline. [Mabilis na pera.]

Ang medical expenses ng ina niya ay umaabot ng libo-libo kada buwan, at ang utang ng ama niya ay umaabot sa daang libo. Wala siyang iba na pagpipilian.

*

Matapos gawin ang mga responsibilidad niya, napansin ni Caroline na may kaunting oras pa siya. Kinuha niya ang bag niya at nagmadaling pumasok sa opisina.

Noong palabas siya ng elevator, nakasalubong niya si Evan at Daniella.

Batid ang pag-aalala sa boses ni Daniella noong nagtanong siya, “Ms. Shenton, okay na ba ang pakiramdam mo?”

Hindi tinignan ng direkta ni Caroline si Evan at sumagot kay Daniella, “Okay na ako. Salamat sa pag-aalala.”

Matamis ang ngiti ni Daniella. “Walang anuman. Habang mas maaga kang gumaling, mas maaga mo matutulungan si Mr. Jordan sa mga pasanin niya.”

Noong nagsalita siya, inipit ni Daniella ang buhok niya sa likod ng tenga niya, at kita ang pulang nunal niya dito.

Sinulyapan niya si Evan. “Mr. Jordan, bakit hindi tayo mag-uwi ng pagkain para kay Ms. Shenton sa dinner natin mamaya?”

Naging malamig ang ekspresyon ni Evan. “Hindi na kailangan! Malaki na siya at kaya niyang alagaan ang sarili niya.”

Matapos iyon, hinawakan niya ng mahigpit ang bewang ni Daniella at pumasok sila sa elevator.

Tumabi si Caroline para makapasok sila sa elevator at tumungo na siya sa opisina.

Ngunit, pagdating niya sa opisina, napangiti siya ng mapait, “Hindi dapat ako bumalik sa opisina ng ganitong oras.”

Sumakit ang puso ni Caroline noong maalala niya ang walang ka-effort effort na interaksyon ng dalawa, na tila walang ibang tao sa paligid nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status