Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 16 Mukhang May Lalake

Share

Kabanata 16 Mukhang May Lalake

“Sandali!” Agad na pinigilan ni Alex si Caroline noong ibababa na niya ang tawag.

Kalmado siyang nagsinungaling, “Hindi makakapunta si Reuben dahil may mga issue siya.”

Natahimik si Caroline bago siya sumagot, “Sige, ipadala mo sa akin ang address.”

Matapos ang dalawampung minuto, bumaba si Caroline mula sa sasakyan at pumasok sa Wild Sides.

Naghihintay pareho sina Alex at Lucas sa entrance, habang sinusuportahan si Evan na nakayuko.

Kumunot ang noo ni Caroline noong lumapit siya. Noong napansin niya na mapula si Evan, nakumpirma niya na lasing nga siya.

Ngunit, 170 centimeters lang siya. Paano niya masusuportahan si Evan na 190 centimeters?

Iniabot ni Alex si Evan kay Caroline at nagtanong, “Ms. Shenton, nakita mo ba ang babaeng hinahanap ni Evan?”

Yumuko siya, at sumagot, “Oo.”

Ngumiti si Alex, “Mukhang siya ang dahilan kung bakit uminom si Alex ngayong gabi, pero hindi ako sigurado sa dahilan. Paki uwi siya sa kanila at alagaan siya ng mabuti.”

Bigla, napuno ng sakit ang puso ni Caroline.

Ngunit, hindi ganoon kapansin pansin ang sakit kumpara noon.

Ngumiti siya kay Alex ng kaunti habang nahihirapan alalayan si Evan.

Sa oras na nakalayo na sila, agad na sinabi ni Lucas, “Alex, nababaliw ka na ba?”

Tumaas ang kilay ni Alex, “Anong problema?”

Itinuro ni Lucas si Caroline na palayo. “Alam na alam mo na kaya uminom si Alex dahil kay Ms. Shenton, pero sinabi mo na dahil sa first love niya.”

Tumawa si Alex, “Makakatulong kay Evan na dumanas ng kaunting sakit.”

Naguluhan si Lucas. “Paano ito makakatulong?”

Ipinaliwanag ni Alex, “Chill. Malalaman mo sa hinaharap.”

Walang masabi si Lucas.

*

Matapos bumalik sa Villa Rosa, sinagad ni Caroline ang sarili niya para maihatid si Evan sa master bedroom.

Bilang resulta, sa sobrang pagod, bumigay siya sa paanan ng kama.

Tumingin siya at sinuri ang makinis niyang mukha.

Magulo ang maiksi niyang buhok, at natatakpan ng kaunti ang noo niya.

Nakapikit ng husto ang mga mata niya. Ang manipis na labi niya at matangos na ilong ay malapit sa isa’t isa na nangangahulugan na nahihirapan siya.

Inobserbahan niya si Evan, at bigla siya nagkaroon ng kagustuhan. Nagkaroon siya ng kagustuhan na ayusin ang nagsasalubong niyang mga kilay.

Ngunit, iminulat ni Evan ang mga mata niya noong hinawakan ni Caroline ang mukha niya. Hinawakan ni Evan bigla ang braso ni Caroline.

Nagulat si Caroline sa ginawa niya. Sinubukan niya umatras, pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Evan.

“Bakit hindi ka pa tumakas ng magkaroon ka ng pagkakataon?” galit na sinabi ni Evan.

Sumagot si Caroline ng hindi sinsero, “Hindi ko makukuha ang pera ko kung tatakas ako.”

Naging matigas ang ekspresyon ni Evan at hinigpitan niya ang kapit niya sa braso ni Caroline.

“Saan ka pa ba may pakielam maliban sa pera?” tanong niya.

Nagkunwari siyang nag-iisip, “Base sa sinabi ng isang tao, mukhang may pakielam din ako sa ibang lalake.”

Hindi ba’t ito ang sagot na gusto ni Evan? Heto at ibinigay niya ang gusto niya.

Tulad ng inaasahan, nabahid ng pandidiri ang mga itim na mata ni Evan.

“Hindi pa tapos ang kontrata natin. Umarte ka kung paano dapat umarte ang kabit,” sigaw niya.

Nasaktan siya ng husto dahil sa pagsigaw ni Evan, sa punto na nahirapan siyang huminga.

Wala siyang pakundangan na kinakasama ang first love niya, habang siya ay sobrang baba na itinatago niya bilang kabit, masyadong nakakahiya para kilalanin.

Hindi niya gusto na tanggapin ang ganitong papel sa buhay.

Kaya, pinilit niyang ikubli ang pait na nararamdaman niya at huminga ng malalim.

Tinignan niya si Evan. “Evan, itigil na natin ang relasyon na ito, okay?”

Bigla, bumilis ang paghinga ni Evan. Sa sumunod na iglap, hinawakan niya ang baba ni Caroline at idineklara ng mabangis, “Caroline, ako ang may huling sabi sa relasyon natin. Wala kang karapatan na tapusin ito!”

“Simula sa araw na ito, wala kang karapatan umalis ng Villa Rosa ng wala kong permiso!”

*

Hindi maintindihan ni Caroline kung paano niya nagawang makalabas sa kuwarto ni Evan.

Kasunod ng malupit niyang babala, walang awa niyang ikinama si Caroline.

Kung maibabalik lang niya ang oras, babawiin niya ang mga sinabi niya. Sa ganitong paraan, makakapasok pa din siya sa opisina at mabibisita ang ina niya sa ospital na tila nabubuhay pa din ng maayos.

Pero ngayon, tila naging alagang hayop na lang siya, isang bagay na maaaring paglaruan at itapon kung kailan gusto.

*

Ininda ni Caroline ang pagkakakulong sa bahay ng isang linggo.

Nagpakabusy siya sa mga design drafts.

Sa oras na natanggap niya ang bayad para sa commission, agad niya itong itinransfer sa bank account ni Katie.

Noong maglologout na siya mula sa social media, minessage siya ng mabuti niyang kaibigan na si Paige.

[Caroline, magoorganisa ng fashion event si Ylesir. Interesado ka ba na sumali?]

Nabigla si Caroline. [Maaari mo ba ipadala sa akin ang qualifications at participation requirements?]

Agad na ipinadala ni Paige ang link, at pinindot ito ni Caroline para suriin ang website. Nakita niya na pasok siya sa requirements para makilahok.

Tatlong buwan ang tatagal ng kumpetisyon at mayroong tatlong rounds.

Ang cash prize ng champion ay 700,000 dollars.

Sapat na ang halaga na iyon para mabayaran ang lahat ng medical expenses ng ina niya, at mabibigyan din siya nito ng kumpiyansa na iwan si Evan.

Sumagot si Caroline, [Salamat. Napakaimportante sa akin nito.]

Sumagot si Paige, [Walang anuman. Ilibre mo lang ako kapag may oras ka na.]

Sumangayon si Caroline.

Noong natapos siyang fill-upan ang application form, kumatok si Lily sa pinto at ipinaalam sa kanya na handa na ang pagkain.

Isinara ni Caroline ang laptop niya at bumaba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status