Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 15 Ang Limitasyon Niya

Share

Kabanata 15 Ang Limitasyon Niya

Agad na lumapit si Lily para batiin siya. “Mr. Jordan, maligayang pagbabalik.”

Ibinigay ni Evan ang coat niya at nagtanong, “Nasaan siya?”

Sumagot si Lily, “Kakaakyat lang ni Ms. Shenton. Hindi siya kumain masyado. Mukhang hindi maganda ang mood niya.”

Kumunot ang noon ni Evan. Hindi pa niya natatanong kung bakit niya itinulak si Daniella pero hindi na agad maganda ang mood niya.

Sinulyapan niya ang mga pagkain na hindi halos nagalaw, umakyat siya sa hagdan habang malamig ang ekspresyon at kumatok sa pinto ng walang emosyon.

Hindi nagtagal, binuksan ni Caroline ang pinto. Habang inoobserbahan ang malamig na lalakeng nakatayo sa labas, wala siyang pakielam na nagtanong, “Mr. Jordan, mayroon ba akong maitutulong sa iyo?”

Nairita si Evan sa malayo niyang pakikitungo. “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng paliwanag?” tanong niya.

Nanatili si Caroline na nakatingin sa ibaba. “Hindi ko alam kung anong ibig mo sabihin.”

Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Caroline, huwag ka magkunwaring walang alam at huwag mo din subukin ang pasensiya ko!”

Ngunit, tumawa si Caroline. Bigla siya humarap kay Evan at tinitigan siya. “Kung ganoon, kahit na magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ang totoo, maniniwala ka ba?”

Malamig na sumagot si Evan, “So, iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mo magpaliwanag? Caroline, natapilok siya dahil sa iyo!”

Pinigilan ni Caroline ang sarili niya na matawa.

Guilty na nga ang tingin ni Evan sa kanya sa simula pa lang, kaya ano pa ang silbi ng pagtatanong sa kanya?

Ngumiti ng peke si Caroline. “Ikaw ang nagtanong mismo. Gusto mo lang aminin ko na ako ang tumulak sa kanya, tama? Sige. Ayan. Ang sama kong babae.”

Hindi ba’t galit siya at ayaw niyang may karelasyon siyang ibang lalake? Hindi ba’t nakikisimpatya siya sa first love niya? Sapagkat ayaw naman ni Evan sa kanya, dapat palayasin na lang siya.

Nagalit lang lalo si Evan matapos makita na inamin ni Caroline ang binibintang niya ng buo ang kumpiyansa.

Sapilitan niyang hinatak si Caroline.

Pinilit niyang halikan si Caroline at kinagat sa labi. Sumigaw si Caroline natikman nila pareho ang lasa ng dugo.

Sinubukan niyang itulak si Evan palayo pero lalo lamang humigpit ang yakap niya habang nagpupumiglas siya.

Sa oras na ito, napagtanto niyang isa lamang siyang bagay para sa ikatutuwa niya. Lumuha siya ng mapait matapos ihanda ang sarili niya sa mangyayari.

Bigla, naramdaman niya ang mga luha ni Caroline, at biglaan siya bumitiw. Naghalo ang lungkot at hindi mapakali sa mga mata niya matapos makita ang mga luha ni Caroline sa mahaba niyang mga pilik mata. Nagsalubong ang mga kilay niya, batid ang magkahalong pag-aalala at gulo ng isip.

Hindi niya maiwasang maramdaman na may nawawala sa kanya ng unti-unti.

Ngunit, ang bagay na ito ay mabilis na napaltitan ng galit, malinaw sa tindi ng titig niya.

Naging malamig ang boses niya noong sumigaw siya, “Ganoon ba kasakit para sa iyo ang halikan ako?”

Nanatiling tahimik si Caroline habang nakayuko at nakatayo ng tuwid.

Matapos makita ang tigas ng ulo niya, tumalikod siya at galit na umalis.

Hindi nagtagal, maririnig ang tunog ng makina sa baba.

Tulala siyang tumingin sa bintana.

Minsan na niyang napagtanto ang pagiging substitute niya, pero ngayon napagtanto na niya ang hangganan niya—hindi niya gusto maging homewrecker.

*

Samantala, sa loob ng private room sa Wild Sides Club, dismayadong nagkatinginan ang dalawang lalake matapos pumasok ni Evan.

Tiniis nila ang nakakasulasok na katahimikan ng ilang sandali. Kinalaunan, hindi na nakapagpigil ang isa.

Si Alex Price ay lumapit kay Evan at sinabi,” Evan, maling tao nanaman ba ang nahanap mo?”

Tinitigan siya ng masama ni Evan, “Piliin mo ang mga salita mo!”

Natahimik bigla si Alex at tinignan bigla si Lucas Jensen, na nakaupo sa malapit.

Tumango si Lucas at nagsalita, “Evan, bakit hindi mo isinama ang secretary mo ngayon?”

Nagdilim ang mukha ni Evan. “Banggitin mo siya ulit at hindi mo makakasama ang mga babae ng anim na buwan.”

Nanlaki ang mga mata ni Lucas sa takot at mabilis siyang tumayo para dumistansya mula kay Evan.

Ngayon alam na ni Alex na galit si Evan dahil kay Caroline.

Matapos mag-isip ng ilang sandali, pinalitan niya ang topic. “Evan, kailan mo kami ipapakilala sa bago mong partner?”

Ginamit ni Lucas ang pagkakataon na ito at sinabi, “Oo, hayaan mo kami na makilala ang babae na araw at gabi mong nasa isip.”

Naging tahimik si Evan. “Anong dahilan para magbago bigla ang tao?”

Nagkapalitan ng tingin sina Alex at Lucas, nakaramdam sila ng tsimis.

Sumagot si Alex, “Karanasan sa buhay at mga tao sa paligid nila.”

Tinignan siya ni Evan habang napapaisip.

*

Sawakas at nagawa rin ni Caroline na makatulog bago mag madaling araw, pero nagising siya bigla sa pagtunog ng phone niya.

Inabot niya ang phone niya at nakita na ang tumatawag ay si Alex, kung saan sinagot niya agad ang tawag.

“Ms. Shenton, tulog ka na ba?” tanong ni Alex.

Naupo si Caroline, gising na ngayon. “ Mr. Price, anong maitutulong ko?”

Sinulyapan niya si Evan sa tabi niya na nalasing dahil sa kanila ni Lucas. “Lasing na si Mr. Jordan. Maaari mo ba siya sunduin?”

Nabigla si Caroline sa hiling.

Alam niya na hindi malapit na kaibigan ni Evan sina Alex at Lucas, pero lagi silang kasama. Naghihinala siya na nilasing nila si Evan para mapaamin siya.

Hindi niya alam kung anong binabalak nila sa ngayon, at hindi niya gusto magpaloko. Kaya tinanggihan niya ang hiling nila. “Mr. Price, pakitawagan si Reuben. Hindi okay na umalis ako sa ngayon. Kung wala ng iba, ibababa ko na ang tawag.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status