Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
“Mr. Jordan, dumating na ang resulta. Ang resulta ng gynecological exam ni Miss Shenton ay virgin pa siya at pasok sa lahat ng standards. Malinis siya.” Magalang na ipinaalam ng bodyguard sa lalake sa kabilang linya ang resulta sa tapat ng pinto ng examination room ng ospital.Yumuko si Caroline Shenton at tumayo sa mataong bahagi ng corridor, habang hindi binibigyan pansin ang mga kakaibang tingin sa kanya ng mga dumadaan.Bigat na bigat na ang kalooban niya dahil sa mga pasanin niyang may sakit na ina at maraming utang sa sugal na ama. Kaya, ginamit niya ang katawan niya bilang bargaining chip at sumangayon na magpakama kay Evan Jordan.Matapos ang ilang sandali, narinig mula sa kabilang linya ang malalim at kaakit-akit na boses ni Evan. “Ipadala siya sa Villa Rosa.”*Sa Villa Rosa, sa madilim na kuwarto, balot ng kumot si Caroline habang kinakabahan.Ang lalake na nakatayo sa paanan ng kama ay walang kapantay ang kaguwapuhan habang nakatitig ng malamig sa kanya.Alam ni Caroline na
Hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Nagpakita si Henry sa tapat ng pinto, habang nakasuot ng maluwag na bathrobe. Tinitigan niya ng may pagnanasa si Caroline gamit ang berde niyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya, pero pinilit niyang ngumiti para sa 70,000 dollars na commission.“Monsieur Deveraux, pasensiya na sa istorbo,” sambit niya, at pumasok siya sa presedential suite.Nagkibit balikat si Henry at ngumiti, “Ms. Shenton, kanina pa kita hinihintay.”Mabilis ang tibok ng puso ni Caroline, pero pinanatili niyang kalmado siya at inilagay ang kontrata sa coffee table.Sinuri niya ng mabilis ang presidential suite gamit ang sulok ng mata niya, at tinandaan ang bawat detalye.Sa oras na naupo si Henry sa sofa, tumigil si Caroline sa pagsuri sa paligid at naupo din, habang dumidistansiya sa kanya.Inabutan siya ni Henry ng isang baso ng wine, at pinatunog nila ito sa baso ng bawat isa. “Maraming salamat sa hospitality, Monsieur Deveraux.”Kuminang ang mga mata ni Henry, “Ms. Shent
Kahit na nahihilo siya, nagawa ni Caroline na kunin ang kontrata mula sa coffee table bago siya tumakas.Habang nagmamadali, may nakabangga siyang matangkad na tao—isang pamilyar na guwapo at masamang mukha.Tumulo ang mga luha ni Caroline habang nahihirapan siyang manatiling nakatayo, isinaksak niya sa mga braso ni Evan ang kontrata.Kahit na nakahawak siya sa damit ni Evan, nanghihina siyang dumulas pababa.Habang malat ang boses, bumulong si Caroline, “Evan, napapirma ko na ang kontrata. Tandaan mo ang 70,000 dollars na commission…”Nasalo siya ni Evan bago siya bumagsak. Pagkatapos, lumabas bigla si Henry mula sa suite.Matapos makita si Evan na buhat si Caroline, nag-utos si Henry, “Ibigay mo sa akin ang babaeng iyan!”Ang malamig na ugali ni Evan ay mas malong tumindi noong marinig niya ang utos ni Henry.Si Reuben na malapit lang ay agad na nakielam. Binalaan niya ng mabuti si Henry, “Monsieur Deveraux, babae siya ni Mr. Jordan. Ang lakas ng loob mo na pagtangkaan siya.”Naging
Matapos ang almusal, ipinagmaneho sila ng driver sakay ang itim na Maybach ni Evan.Pagkalipas ng kalahating oras, tumigil ang itim na Maybach sa harap ng kumpanya.Magalang na ipinagbukas ng pinto ng driver si Evan, na lumabas suot ang eleganteng black coat, at mayroong mapagmataas na aura.Habang niluluwagan niya ang neck tie niya, inabot ni Evan kay Caroline ang mga dokumento, at tumigil siya ng mapatitig sa mga pink na labi ni Caroline.Bigla, itinaas Evan ang kamay niya at hinawakan ang sulok ng mga labi niya gamit ang mga kamay niyang may kalyo.“May kaunting sumobra na lipstick sa lipline mo.”Pinunasan ni Evan ang lipstick mula sa mga labi ni Caroline gamit ang hinlalaki niya, nanginig ng wala sa kontrol si Caroline sa mainit at mahinahon na paghawak niya.Matapos makita ang natatarantang sarili sa repleksiyon ng mga mata ni Evan, mabilis na inayos ni Caroline ang sarili niya. Nagpasalamat siya ng kalmado, kahit na mabilis ang tibok ng puso niya.Inilayo ni Evan ang kamay niya
Umalis si Reuben ng hindi nagsasalita, at nanlumo si Caroline sa upuan niya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya para maitago ang lungkot na kumakain sa kanya.Malinaw sa ikinikilos ni Evan na wala siyang intensyon na panatilihin siya bilang personal secretary, ngayon at nagbalik na ang babaeng tunay niyang gusto. Oras na para tanggapin niyang pamalit lang siya.Buzz—Nagulo ang mga iniisip niya noong tumunog ang phone niya sa desk. Ito ang doctor ng ina niya, si Scott Wilson.Nababalisang sinagot ni Caroline ang tawag. “Dr. Wilson, may problema po ba sa nanay ko?”“Caroline, may oras ka ba para pumunta ng ospital ngayon?” sagot ni Scott.Noong narinig ni Caroline ang tono ng salita niya, agad siyang tumayo, mabilis ang tibok ng puso niya. “Opo, papunta na ako!”*Makalipas ang dalawampung minuto, dumating si Caroline sa entrance ng ospital suot ang simpleng shirt.Humatsing siya sa lamig ng hangin matapos bumaba sa sasakyan sa entrance ng ospital, nagmamadali siyang