Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 4 Ginagawang Madali ang mga Bagay para sa Kanya

Share

Kabanata 4 Ginagawang Madali ang mga Bagay para sa Kanya

Matapos ang almusal, ipinagmaneho sila ng driver sakay ang itim na Maybach ni Evan.

Pagkalipas ng kalahating oras, tumigil ang itim na Maybach sa harap ng kumpanya.

Magalang na ipinagbukas ng pinto ng driver si Evan, na lumabas suot ang eleganteng black coat, at mayroong mapagmataas na aura.

Habang niluluwagan niya ang neck tie niya, inabot ni Evan kay Caroline ang mga dokumento, at tumigil siya ng mapatitig sa mga pink na labi ni Caroline.

Bigla, itinaas Evan ang kamay niya at hinawakan ang sulok ng mga labi niya gamit ang mga kamay niyang may kalyo.

“May kaunting sumobra na lipstick sa lipline mo.”

Pinunasan ni Evan ang lipstick mula sa mga labi ni Caroline gamit ang hinlalaki niya, nanginig ng wala sa kontrol si Caroline sa mainit at mahinahon na paghawak niya.

Matapos makita ang natatarantang sarili sa repleksiyon ng mga mata ni Evan, mabilis na inayos ni Caroline ang sarili niya. Nagpasalamat siya ng kalmado, kahit na mabilis ang tibok ng puso niya.

Inilayo ni Evan ang kamay niya at ngumiti bago kumpiyansa naglakad patungo sa opisina.

Samantala, napigilan si Caroline ang mabilis na tibok ng puso niya noong binuksan niya ang kanyang iPad at agad na sinundan si Evan. Kailangan niya iulat ang work schedule niya ngayon.

“Mr. Jordan, may meeting sa mga nakatataas ng alas nuwebe—”

“Mr. Jordan!”

Bago pa matapos si Caroline magsalita, isang hindi kilalang babae ang mabilis na lumapit.

Sinunggaban ng babae si Evan at hinawakan ang sulok ng damit niya habang desperadong nagmamakaawa, “Mr. Jordan! Parang awa mo na, paki sabi sa HR na huwag akong tanggalin. Kailangan na kailangan ko ang trabahong ito!”

Puno ng panghahamak ang mga mata ni Evan noong sinulyapan niya ang mga bodyguard sa tabi niya at isinigaw, “Alisin ang babaeng ito sa harapan ko!”

Noong narinig ito ng mga bodyguard, mabilis silang humakbang palapit. Kinuha nila ang kamay ng babae at kinaladkad siya palayo.

Ngunit, mukhang nabaliw ang babae. Ginamit niya ang buong lakas niya para kumawala sa mga bodyguard.

“Pakawalan ninyo ako! Pakiusap, bigyan ninyo ako ng oras para makausap si Mr. Jordan! Mr. Jordan, kahit ilang minuto lang! Parang awa mo na!”

Matapos mapansin na hindi natutuwa si Evan, hinigpitan ng mga bodyguard ang pagkakahawak nila.

Habang nagpupumiglas siya laban sa mga bodyguard, lumugay ang buhok niya sa liwanag ng araw. Lumitaw ang tenga niya kung saan kita ang pulang nunal sa earlobe niya na pumukaw sa atensyon ni Evan at nanigas ang tingin niya sa babae.

Agad niyang inutusan ang mga bodyguard, “Tigil!”

Noong tumigil ang mga bodyguard, lumapit ang babae kay Evan, nanginginig sa takot at desperado.

Tumulo ang mga luha niya habang nagpapakilala, “Mr. Jordan, ang pangalan ko po ay Daniella Love. May gusto po akong sabihin sa iyo. Parang awa mo na po.”

Kumplikado ang pagtingin ni Evan habang nakatitig siya sa earlobe ng babae. Hindi niya napansin na lumambot ang boses niya, “Sundan mo ako.”

Habang batid ang pagpapasalamat sa mga mata niya, sumagot ang babae, “Maraming salamat, Mr. Jordan.”

Humarap si Evan kay Caroline at iniutos, “Ipostpone ang meeting.”

Ibinukas ni Caroline ang bibig niya ng kaunti para sana may sabihin pero nilunok niya ito agad.

Habang pinapanood niyang umalis si Evan kasama ang babae, pinilit ni Caroline na ngumiti at tumahimik.

*

Bumalik si Caroline sa office desk niya matapos sundin ang lahat ng utos ng boss niya.

Ngunit, bago pa siya makalapit sa upuan, nahilo siya at halos matumba pero napahawak siya sa lamesa para iayos ang sarili niya.

Matapos niya maayos ang sarili niya, narinig niya ang pagtawa ni Daniella na parang pilak na kampana ang tunog.

Tumingin siya sa harap niya kung saan makikita ang opisina ng CEO na salamin lang ang pagitan, nakita ni Caroline si Evan at Daniella na masayang nagkukuwentuhan. Kahit na hindi niya alam kung anong pinaguusapan nila, batid sa masasaya nilang mga itsura na maaaring si Daniella ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Nakaramdam ng pagkabitter si Caroline sa puso niya pero pinigilan niya ito habang paupo siya sa desk niya at nagfocus siya sa trabaho.

*

Noong tanghali, inanunsiyo ng Human Resources Department na sumali si Daniella sa fashion design department bilang bago nitong deputy head.

Noong nakita ito ni Caroline, pakiramdam niya may bumara sa lalamunan niya.

Hindi niya mapigilan na alalahanin ang araw kung saan unang beses napansin ni Evan ang nunal niya, ang bagay na nakatulong sa kanya ng malaki para mamukod tangi sa ibang mga tao at masecure ang posisyon bilang personal assistant. Ngayon, may kaparehong lamang si Daniella.

Sapagkat nagbalik na ang taong hinahanap niya, siguradong tatratuhin ng maayos ni Evan si Daniella.

Habang malalim ang iniisip niya, may pagkatok sa pinto. “Ms. Shenton.”

Pinigilan ni Caroline ang lungkot niya at isinara ang announcement message. “Tuloy ka.”

Bumukas ang pinto at pumasok si Reuben. May malagim siyang itsura.

“Ms. Shenton, gusto ni Mr. Jordan na alagaan mo ang bagong deputy head ng fashion design department, si Ms. Daniella Love,” sagot niya.

Nabigla si Caroline sa hindi inaasahan na request. Wala siyang awtoridad sa fashion design department, bukod pa doon, isang beses lang sila nagkita ni Daniella. Paano niyang aalagaan ang taong ito?

Batid ang pag-aalinlangan ni Caroline, kaya ipinaliwanag ni Reuben, “Gusto ni Mr. Jordan na tumungo ka sa fashion design department para masiguro na walang gagawa ng problema para kay Ms. Love.”

Huminga ng malalim si Caroline, habang itinatago ang inis niya. Isinara niya ang mga kamao niya sa ilalim ng desk at umiwas siya ng tingin, at sumagot habang pinipilit kumalma, “Naiintindihan ko.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status