Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 6 Alagaan Mo Si Daniella

Share

Kabanata 6 Alagaan Mo Si Daniella

Sumagot si Caroline, “Sige, nakikinig ako.”

Iminulat ni Katie ang mga mata niya at tumingin siya sa kisame. Huminga siya ng malalim at nagsalita.

“Carol, hindi ka talaga…”

“Honey!”

Habang nagsasalita si Katie, biglaang may hindi inaasahan na bisita sa ward. Isang lalake na amoy alak at sigarilyo ang pumasok, magulo ang itsura niya. Naupo siya sa tapat ni Caroline.

“Kumusta? Hindi ka naman inapi ni Clay, hindi ba?”

Nabaluktot sa pandidiri ang mukha ni Katie. “Anong ginagawa mo dito? Hindi pa ba sapat ang perwisyong ibinibigay mo sa amin?”

Hindi niya binigyan pansin ang galit ni Katie, humarap si Bradley Shenton kay Caroline at nagsalita. “Carol, puwede ba na lumabas ka muna saglit? Kailangan ko makausap mag-isa ang ina mo.”

Nag-alinlangan si Caroline. Ngunit, alam niyang bihira bumisita ang ama niya, kaya napagdesisyunan niyang bigyan sila ng oras para mag-usap. Tumayo siya mula sa upuan at binalaan si Bradley, “Huwag mong gagalitin si mama.”

Tumango si Bradley, pero tumingin siya muli sa kanila matapos maglakad ng ilang hakbang noong palabas na siya ng ward.

Sa oras na sumarado ang pinto, nawala ang pagkukunwari sa mukha ni Bradley. Napalitan ito ng malupit at walang awang ekspresyon. “Hindi ka ba puwedeng tumahimik?” sambit niya gamit ang mahinang boses.

Napuno ng galit ang mga mata ni Katie habang nagngangalit niyang sinabi, “Huwag mong gamitin si Caroline para bayaran ang mga utang mo kahit na kailan!”

Ngumisi si Bradley, “Gumastos ako sa pagpapalaki sa kanya, kaya anong mali na hingin ko ang tulong niya ngayon? Basta manahimik ka, walang masama na mangyayari sa atin. Pero kung may pagsasabihan ka, huwag mo akong sisisihin kapag nawalan ng trabaho si Caroline.”

Isinara ni Katie ang mga kamao niya sa ilalim ng kumot at nanginig sa galit. “Bradley! Wala kang puso!”

Nanatiling walang pakielam si Bradley. “Tama. Wala akong puso, kaya piliin mo ang mga salita mo. Kung wala kang sasabihin na hindi dapat, lahat tayo mapapahamak.”

At pagkatapos noon, lumabas si Bradley ng hindi tumitingin pabalik.

Matapos buksan ang pinto, nakita niya si Caroline na nakatayo doon, nagbago bigla ang ugali niya.

“Carol, aalis na ako! Ilista mo ang 4,000 dollars. Ikunsidera mo na hiniram ko ito sa iyo, okay?”

Sasagot sana si Caroline habang pagod, pero umalis na agad si Bradley bago siya nakapagsalita.

Bumuntong hininga si Caroline, inayos ang sarili at naghanda na bumalik sa ward. Sa oras na pabalik na siya, tumunog ang phone niya sa bulsa.

Noong makita ang pangalan ni Evan, kinabahan siya at agad na sinagot ang tawag.

Narinig niya ang malamig at malalim na boses ni Evan mula sa kabilang linya, “Nasaan ka?”

Sinulyapan ni Caroline ang ward at pabulong na sumagot, “May inaasikaso akong importante.”

May katahimikan bago nagpatuloy si Evan, “Hindi mo sinunod ang utos ko na alagaan si Daniella?”

Sumikip ang lalamunan ni Caroline. Sersermonan ba siya?

Gayunpaman, tama naman si Evan. Bilang personal na secretary, trabaho niya na sundin ang utos niya, kahit na hindi niya gusto na tinatrato siyang laruan.

Kasalanan niya at hindi niya sinunod agad ang utos na ibinigay kanina.

Pabulong siyang humingi ng tawad, “Pasensiya na, Mr. Jordan. Ipapaalam ko agad sa head ng fashion design department.”

“Hindi na kailangan…”

“Caroline.”

Habang nagsasalita si Evan, tinawag siya bigla ni Scott mula sa likod.

Sa oras na humarap si Caroline, inabutan siya ni Scott ng isang tableta ng gamot.

“Inumin mo itong gamot sa lagnat. Hindi na maganda ang itsura mo.”

Ngumiti ng kaunti si Caroline at magalang na kinuha ang gamot. “Maraming salamat, Dr. Wilson. Itatransfer ko sa iyo ang pera mamaya.”

Ngumiti si Scott at itinuro ang phone sa tabi ni Caroline. “Sige na.”

Tumango si Caroline at nagtanong muli, “Mr. Jordan, ano pong sinabi ninyo?” Balak sana ituloy ni Caroline ang tawag nila ni Evan. Pero, walang sumagot mula sa kabilang linya.

Matapos ang ilang sandali, ibinaba niya ang phone at tinignan ang screen. Mukhang natigil ang tawag habang nakikipagusap siya kay Scott.

Agad na tinawagan ni Caroline ang fashion design department para ipasa ang request ni Evan, kahit na sinabi ni Evan na hindi na kailangan.

Ang tao na nasa kabilang linya ay si Paige Watson, na grumaduate sa kapareho niyang unibersidad. Mabuting magkaibigan sila, kaya kaswal ang kanilang pag-uusap.

“Carol, bakit ka nag-aalala sa kanya? Umalis siya sa tamang oras ng trabaho niya,” naiinis na sagot ni Paige, kung saan natulala si Caroline at walang masabi.

Bigla nag-isip ng mabilis si Caroline. Anong ibig sabihin ni Evan sa tawag kanina kung ganoon?

Samantala, matapos ibaba ang phone, naupo si Evan sa sasakyan habang madilim ang ekspresyon niya, puno ng pagdududa ang malamig niyang mga mata.

“Bakit iinom ng gamot sa lagnat si Caroline? Kailan siya nagkasakit?”’ napaisip siya. Kahit na may sakit siya, dapat kailangan niya itong tiisin at hindi umalis ng trabaho. Hindi katanggap-tanggap na umalis siya ng oras ng trabaho at sabihin na may sakit siya sa ibang lalake, lalo na ng hindi sinasabi sa kanya.

“Dr. Wilson… Iyon ang pangalan niya,” bulong niya sa sarili.

Matapos mag-isip ng ilang sandali, tinignan ni Evan si Reuben na nagmamaneho. “May miyembro ba ng pamilya ba si Caroline na nasa ospital?”

Tumango si Reuben. “Opo, ang ina ni Ms. Shenton ay naospital dahil sa uterine cancer. Hindi po ako sigurado tungkol sa kundisyon niya.”

Lalo lulalim ang simangot ni Evan. “Bakit wala siyang sinabi sa akin?”

Hindi napigilan ni Reuben na sumagot ng pabalang ng mahina. “Kasi lagi kang malamig sa harap ni Ms. Shenton. Siyempre, wala siyang sasabihin sa iyo.”

Noong maisip niya ito, napagdesisyon ni Reuben na magsabi ng makakatulong kay Caroline. “Mr. Jordan, sa totoo lang mahirap ang sitwasyon ni Ms. Shenton. Ang pamilya niya…”

Bago matapos si Reuben, tumunog ang phone ni Evan.

Si Daniella ang tumatawag.

Kanina, inutusan ni Evan si Reuben na magbook ng restaurant para igunita ang pagkakahanap sawakas kay Daniella, ang babaeng ilang taon na niyang hinahanap. Ngayon, dumating sila sa restaurant at tumigil sa tapat ng entrance ang Maybach.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status