Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 5 Pagbabayad sa mga Utang

Share

Kabanata 5 Pagbabayad sa mga Utang

Umalis si Reuben ng hindi nagsasalita, at nanlumo si Caroline sa upuan niya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya para maitago ang lungkot na kumakain sa kanya.

Malinaw sa ikinikilos ni Evan na wala siyang intensyon na panatilihin siya bilang personal secretary, ngayon at nagbalik na ang babaeng tunay niyang gusto. Oras na para tanggapin niyang pamalit lang siya.

Buzz—

Nagulo ang mga iniisip niya noong tumunog ang phone niya sa desk. Ito ang doctor ng ina niya, si Scott Wilson.

Nababalisang sinagot ni Caroline ang tawag. “Dr. Wilson, may problema po ba sa nanay ko?”

“Caroline, may oras ka ba para pumunta ng ospital ngayon?” sagot ni Scott.

Noong narinig ni Caroline ang tono ng salita niya, agad siyang tumayo, mabilis ang tibok ng puso niya. “Opo, papunta na ako!”

*

Makalipas ang dalawampung minuto, dumating si Caroline sa entrance ng ospital suot ang simpleng shirt.

Humatsing siya sa lamig ng hangin matapos bumaba sa sasakyan sa entrance ng ospital, nagmamadali siyang pumasok sa inpatient building.

Pagkatapos niya sa elevator, nagulat siya sa lalake na nakasuot ng leather jacket na nakatayo sa harap ng ward ng ina niya, naninigarilyo ito at kausap ang attending doctor ng ina niya, na si Scott Wilson, sa bruskong paraan.

Isinara ni Caroline ang kamao niya at mabilis na lumapit.

Napaharap si Dr. Wilson at ang lalake noong marinig ang mga yabag niya.

Ngumisi ang lalake ng makita si Caroline, “Yo, ang magaling na si secretary Caroline ay nagpakita din sawakas!”

Tumingin si Caroline kay Dr. Wilson na tila humihingi ng tawad bago kinausap ng malamig ang lalake. “Clay, naging malinaw ako. Kahit hinahanap mo kami para harassin tungkol sa pera, huwag na huwag kang pupunta sa ward ng ina ko.”

Kinagat ni Clay Davis ang sigarilyo sa bibig niya at sinabi, “Naglaho ang ama mo. Sino pa ang pupuntahan ko para sa pera kung hindi ang ina mo?”

Habang pinipigilan ang galit niya, nagtanong si Caroline, “Magkano ang gusto mo ngayon?”

“Hindi naman ganoon kalaki, mga 4,000 dollars lang, kabilang ang interest,” sagot ni Clay.

Naging maasim ang ekspresyon ni Caroline, “2,000 dollars lang noong nakaraang buwan!”

Sinuri ni Clay si Caroline habang nakangiti ng malamig, “Kung ganoon, kailangan mo tanungin ang ama mo kung anong ginawa niya para tumaas ang utang. Nandito ang IOU, at kilala mo ang sulat kamay ng ama mo. Nandito lang ako para kolektahin ang pera na inutang sa akin.”

Inilabas niya ang IOU at ipinakita ito kay Caroline.

Napilitan ang ama niya na mangutang dahil sa pagiging adik nito sa sugal at si Caroline lagi ang pumapasan sa pagbabayad ng mga utang niya. Kahit na nagpapakahirap siya, palaki lamang palaki ang utang kung saan pinapasok na ng mga loan shark ang hospital ward ng ina niya.

Dahil sa maselan na kundisyon ng ina niya, nahirapan ng husto si Caroline na pigilin ang galit niya para hindi gumawa ng eksena. “Sige, ibibigay ko sa iyo ang pera ngayon. Pero kung tatapak ka muli sa ospital na ito, huwag kang aasa na magbibigay ako kahit isang kusing.”

Matapos ang mabigat na buntong hininga, inilabas ni Caroline ang phone niya at kinuha ang bank details ni Clay, pagkatapos nagtransfer siya ng 4,000 dollars.

Matapos matanggap ang bayad, yumuko si Clay at umalis.

Nag-aalalang tinignan ni Dr. Wilson si Caroline. “Caroline, hindi mo ito puwedeng gawin ng paulit-ulit. Hindi magtatagal, bibigay ang katawan mo sa pressure.”

Ngumiti si Caroline na may bakas ng pait, “Ama ko pa din siya.”

Napansin ni Scott na namumutla ang itsura ni Caroline, at nagsalubong ang mga kilay niya sa pag-aalala. “Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”

“Okay lang ako,” pilit niya, habang umiiling, pero nawalan siya ng balanse matapos mahilo bigla.

Agad na iniabot ni Scott ang kamay niya para maiayos niya ang tayo niya at biglaang nagalinlangan matapos mahawakan ang mainit niyang balat. “Caroline, alam mo ba na nilalagnat ka?”

Ang kadalasang mahinahon at kalmadong ekspresyon niya ay may bakas ng sermon.

Matapos lumayo sa kanya, hinawakan ni Caroline ang mainit niyang mukha. “Masyado akong abala sa trabaho para mapansin. Iinom ako ng gamot mamaya. Maraming salamat, Dr. Wilson, para sa pag-aalala mo, pero ngayon, kailangan ko makita ang ina ko.”

Matapos iyon, dumaan siya sa harapan ni Scott at pumasok sa ward.

Sa loob ng ward, sumakit ang puso ni Caroline noong nakita niya ang namamayat na mukha ng ina niya, na nanghihina dahil sa sakit.

Kumurap siya ng kumurap para pigilan ang mga luha bago siya lumapit, “Ma, tapos ka na ba sa drip ngayon?”

Sa kama, dahan-dahang humarap si Katie Lloyd kay Caroline, puno ng sakit ang ekspresyon niya. “Pasensiya na at naabala ka na naman dahil sa utang ng ama mo.”

Ngumiti si Caroline at ipinagbuhos ng tubig si Caroline sa baso. “Ma, hindi mo ako naabala. Pamilya tayo. Natural lang na tulungan natin ang isa’t isa.”

Habang mas matino si Caroline, mas lalo nababalisa si Katie.

Matapos ang kaunting katahimikan, “Carol, iwan mo na ang pamilyang ito.”

Nanigas ang kamay ni Caroline na hawak ang baso. “Huwag ka magsalita ng ganyan. Ina kita. Hindi kita puwedeng iwan.”

“Mas pipiliin mo ba na kaladkarin ka pababa ng mga utang ng ama mo?!” biglaang sigaw ni Katie, malinaw na hindi siya mapakali.

Habang nagkukunwaring kalmado, ngumiti si Caroline at sinabi, “Ma, malaki na ang kinikita ko ngayon. Kayo ni Ama ang nagpalaki sa akin, oras na para ako naman ang mag-alaga sa inyong dalawa.”

Sumimangot si Katie at mahigpit na sinabi, “Magkaibang magkaiba ang pag-aalaga sa amin at pagsasakripisyo ng buhay mo para sa amin! Alam ko ang sitwasyon ko. Limitado na ang oras ko. Makinig ka sa akin, anak ko. Tapusin mo na ang koneksyon mo sa pamilyang ito at lumayo ka na!”

“Ma!” hinawakan ni Caroline ng mahigpit ang kamay ni Katie. “Nangangako ako sa iyo, okay lang ako, at inaalagaan ko ang sarili ko, okay?”

Tumingin si Katie sa mga matang lumuluha ni Caroline at nakaramdam ng sakit sa puso. Hindi niya makayanang isipin na mag-isang dinadala ni Caroline ang mabigat na pasanin.

Ngunit, alam na alam niya ang walang tigil na kaadikan ng asawa niya sa sugal. Mukhang nakulong na siya sa walang tigil na ikot ng sugal, utang, sugal, utang at walang bakas ng pagbabago.

Habang naiinis, pumikit si Katie at matagal na huminga ng malalim. “Carol, may mahalaga akong kailangan sabihin sa iyo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status