Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 13 Matutulungan Kita

Share

Kabanata 13 Matutulungan Kita

“Paano mo ito ipapaliwanag?” dumagungdong ang boses ni Evan, batid sa boses niya ang pagiging sarcastic.

Ngumiti siya ng mapait. Paano niya ito maipapaliwanag?

Malinaw na minanipula ang surveillance video, pero wala siyang ebidensiya para patunayan ito.

“Magsalita ka!” nangingig siya sa galit na sigaw ni Evan.

Pumikit siya at walang nasabi maliban sa, “Ano pa ang sasabihin ko?”

Nagalit lang lalo at nainis si Evan sa walang pakielam na sagot ni Caroline.

Ganito siya lagi sumagot. Sa tuwing hindi niya maipaglaban ang sarili niya, susuko na lang siya, hahayaan niya ang mga nangaapi sa kanya.

Ginawa din niya ito sa surveillance video, at ngayon din, habang nakatayo sa harapan niya.

Nandidiri siyang umiwas ng tingin at nagbigay ng malamig na babala. “Simula sa araw na ito, hindi ka na maaaring umalis ng villa, maliban sa trabaho.”

Hindi makapaniwalang tumigin si Caroline sa kanya, “Sino ka para alisin ang kalayaan ko?”

“Ako ang boss mo!” Pagkatapos iwan ang mga salitang ito, lumabas ng kuwarto si Evan at ibinalibag ng pasarado ang pinto.

Walang masabi si Caroline. Sumakit ang puso niya matapos maalala kung gaano kababa ang estado niya.

Matapos labanan ang pisikal at mental na pagod, dumiretso siya ng tayo habang nakadantay sa lamesa. Bigla, nakakita siya ng saradong drawer sa gitna.

Tinitigan niya ito, na tila nahuhumaling.

Alam niya kung anong laman nito—ang kahinaan ni Evan.

Isa itong lugar na hinawakan niya noon ng mahigpit noong lasing siya. Noong mga oras na pagod siya, bumulong siya, “Caroline, ang akala ng lahat, wala akong kahinaan, pero alam mo ba kung nasaan ang kahinaan ko? Nandito sa drawer na ito. Sa tuwing binubuksan ko ito, nababalot ang puso ko ng sakit.”

Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang bigo at malungkot si Evan.

Sa oras na iyon, hindi niya alam kung anong laman ng drawer. Hindi niya lubos maisip kung anong naging dahilan para maging desperado ang katulad ni Evan.

Ngayon, matapos ito mapagtanto.

Maaaring may kinalaman kay Daniella ang laman.

Desperado nga naman si Evan na hanapin siya.

Lalong nasaktan si Caroline matapos ito maisip.

*

Pagkatapos ng almusal, gusto niyang bisitahin ang ina niya sa ospital, si Katie.

Noong binuksan niya ang pinto ng villa, si Reuben ang nakaharap niya.

“Ms. Shenton, inutos ni Mr. Jordan na hindi ka maaaring umalis kung hindi ito importante,” sambit niya.

Sumimangot si Caroline, “Gusto ko pumunta sa ospital para makita ang ina ko.”

Inilabas ni Reuben ang phone niya. “Kailangan ko muna magtanong.”

Nagalit siya habang tinatawagan ni Reuben ang numero ni Evan.

Ginalit ba niya si Evan? Kung totoo ang mga nangyari sa surveillance video, mandidiri lang siya sa kanya at gugustuhin na mawala siya. Bakit pinipilit niyang manatili siya?

Ibinaba ni Reuben ang tawag. “Ms. Shenton, hayaan mo na ihatid kita.”

Pinigilan ni Caroline ang galit niya at sumakay sa sasakyan.

Matapos ang tatlumpung minuto, dumating sila sa ospital.

Sinamahan siya ni Reuben sa ospital at tumigil siya sa pinto noong pumasok si Caroline.

Naluha si Caroline ng makita niya ang ina niya na nanghihinang kumakain.

Isinuot niya ang mask niya para maitago ang namamaga niyang mukha bago nilapitan ang ina niya. “Ma.”

Pagod si Katie pero nagawa niyang ngumiti. “Carol, nandito ka.”

Pagkatapos, sumimangot siya, “Bakti ka nakamask?”

Naupo si Caroline sa tabi ni Katie, “May sakit ako. Hindi ko gusto na mahawa ka.”

Nagtanong si Katie, “May lagnat ka pa ba?”

Siniguro siya ni Caroline, “Okay lang ako. Magfocus ka lang sa pag-aalaga sa sarili mo.”

*

Matapos makasama si Katie, napagdesisyunan ni Caroline na oras na para umalis. Kakatapos lang ni Katie sumailalim sa chemotheraphy at kailangan niyang magpahinga. Hindi niya gusto istorbohin ang pagpapagaling ng ina niya.

Noong lumabas siya ng ward, napansin niya si Reuben na nakatayo sa tabi ng pinto.

Nagkataon, lumapit si Scott habang katabi ang isang nurse. Gumaan ang mukha niya ng makita niya si Caroline. Bago pa siya makapagsalita, pumagitna si Reuben sa kanila.

Habang nakaharang si Reuben, tinitigan siya ng masama ni Caroline, hindi siya natutuwang nagtanong. “Anong ibig sabihin nito?”

Sumagot si Reuben, “Ms. Shenton, pinagbawalan ka ni Mr. Jordan makipagusap sa kahit na sinong lalake.”

Nanginig sa galit si Caroline, “Si Dr. Wilson ang attending physician ng ina ko. Ang pinaguusapan namin ay tungkol lamang sa kundisyon ng ina ko!”

Hindi sumagot si Reuben. Humarap siya kay Scott. “Dr. Wilson, ang payo ko ay huwag ninyo pag-usapan ang mga bagay na walang kinalaman sa kalusugan ng ina niya, kung hindi mo gusto magkaroon ng problema.”

Kumunot ang noo ni Scott. Nagtanong siya, “Anong ibig mo sabihin?”

Sumagot si Reuben, “Wala akong obligasyon na sagutin ang tanong mo.”

Tumingin si Scott kay Caroline na nakatayo sa likod ni Reuben. “Caroline, may problema ka ba?”

Kinagat niya ang labi niya at umiling-iling. “Hindi, okay lang ako. Paalam.”

Habang nakasara ang mga kamao, naglakad siya patungo sa elevator.

Hindi niya maaaring isiwalat ang sitwasyon niya, at hindi rin niya gusto bigyan ng problema si Scott.

Sa loob ng sasakyan, nakatanggap ng mensahe si Caroline mula kay Scott sa WhatsApp.

Ang sinabi ni Scott, [Napasok ka ba sa gulo?]

Sumagot si Caroline, [Hindi, alagaan mo ng mabuti ang ina ko.]

Sumagot si Scott gamit ang buntong hininga na emoji. [Magkaibigan tayo. Sabihin mo sa akin kung may nangyari. Matutulungan kita.]

Ngunit, magalang siyang tinanggihan ni Caroline. [Okay lang ako. Salamat, Dr. Wilson.]

*

Lunes na ng umaga. Matapos gumising, nag-ayos ng sarili si Caroline at bumaba. Nakita niya si Evan na nakaupo sa hapagkainin, humihigop ng kape. Dalawang araw na ng huli nilang makita ang isa’t isa.

Lumapit siya sa lamesa at naupo sa tapat niya. Matapos mag-isip ng ilang sandali, nagtanong siya, “Kailan mo ititigil ang pagbabantay nila sa akin?”

Tumingila si Evan at sumagot, “Makinig ka at manatili dito kung gusto mo maasikaso ang mga medical expenses ng ina mo.”

“Ako ang lagi na nagbabayad sa medical expenses ng ina ko gamit ang sahod ko.” Galit na sagot ni Caroline.

Sa nakalipas na mga taon, ginamit niya ang pinagpaguran niyang sahod para bayaran ang medical expenses ng ina niya at mga utang ng ama niya.

Bakit niya ngayon ginagamit bilang panakot ang medical expenses ng ina niya?

Ngumisi si Evan. “Malaya kang umalis kung gusto mo kalimutan ang trabaho mo.”

Isinara ni Caroline ang mga kamao niya ng maghipit at sinabi, “Binablackmail mo ako!”

“Ano naman?” walang pakielam na sumagot si Evan. “Sa tingin mo mabubuhay ka ng wala ang trabahong ito?”

Kaya niyang bigyan si Caroline ng sahod na higit sa ibang mga empleyado, pero kailangan niyang manatiling masunurin.

Ngunit, kailan lang, lagi siyang sumusuway.

Ngumiti siya sa lalakeng doktor para maayos ang medical expenses ng ina niya. Humingi din siya ng pabor sa mga tao mula sa casino para bayaran ang mga utang ng ama niya.

Basta hilingin niya sa kanya, maaari niyang sagutin ang lahat ng pangangailangan niya.

Pero, hindi niya ginawa.

Napaisip siya kung hanggang kailan niya magagawang magmatigas sa harapan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status