Noong palapit na siya sa sasakyan, ipinagbukas siya ni Reuben ng pinto.Agad, nakaramdam siya ng malamig na aura na nagmumula sa loob.Nanlumo siya ng marinig niya ang sigaw ni Evan, “Pasok!”Lumunok siya ng madiin, at kinakabahan na pumasok.Bago pa siya makaupo, hinawakan ni Evan ang baba niya at napilitan siyang makipagtitigan sa galit niyang mga mata.Sumigaw siya ng malakas, “Caroline, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?”Namutla siya habang nagpapaliwanag, “Evan, mali ka ng iniisip…”“Anong totoo kung ganoon?” hindi siya pinatapos ni Evan magsalita, “Caroline, hindi ako makapaniwala sa nakita ko!”Hinigpitan ni Evan ang pagkakahawak niya sa baba ni Caroline. Nabalot siya ng sakit at maluhaluha siya.Paano niya ito ipapaliwanag sa paraang maiintindihan ni Evan? O wala ng kuwenta ang magpaliwaang kahit na mag-effort pa siya? Ang nakita niya ay hindi ang buong katotohanan pero mukhang hindi niya gusto maniwala dito.Tinitigan ni Evan ng malamig na mga mata ni Caroline, habang umaasa
Nakita ni Caroline ang intensyon ni Daniella, pero pinili niyang huwag ito bigyan ng pansin. Kalmado siyang naupo sa tapat nila at kumain.Awkward na tinignan ni Daniella si Evan. “Evan, hindi ba masaya si Ms. Shenton dahil nandito ako?”“Huwag mo siya bigyan ng pansin,” sagot ni Evan, habang pinauupo si Daniella sa tabi niya.Sumunod si Daniella at wala sa sariling kumain. “Ms. Shenton, hindi kita sinisisi sa nangyari noong isang araw. Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakatayo ng maayos.”Noong nagsalita siya, namula ang mga mata niya. Huwag ka magalit sa akin, okay?”Parang nakakasukang karne ang mga salita ni Daniella para kay Caroline. Pinilit niyang pigilan ang pagkasuklam niya, kung hindi ay baka nagsuka na siya.Tinignan ni Caroline si Danielle at sinabi. “Hindi ako kasing petty ng isang tao.”Noong narinig ni Daniella ang sinabi ni Caroline, humigpit ang hawak niya sa tinidor.Ngunit, magaling siya umarte. Agad niyang pinalitan ang galit at nagpaawa. “Hindi, hindi iyon tot
Batid ang pagod ni Caroline habang kinukuha niya ang phone niya at nakita na ang ama niya ang tumatawag.Habang tinitiis ang sakit ng pilay niya, mabilis niyang nilisan ang kusina at sinagot ang tawag.“Hello,” walang gana ang boses ni Caroline.“Bakit hindi mo ako tinawagan, Carol?” tanong ni Bradley.Sumagot si Caroline, “Nilagay mo ang number ko sa blacklist dahil natatakot ka na baka matrace ka kapag tumawag ako. Nakalimutan mo na?”Awkward na natawa si Bradley. “Oo nga pala. Kalimutan mo na iyon. Nasaan ka ngayon?”“Nag-oovertime ako ngayon,” sagot ni Caroline.Nagkumento si Bradley, “Ah, maganda na nagoovertime ka. Mas marami ka kikitain. Carol, may pera ka ba ngayon?”Humigpit ang kapit ni Caroline sa baso na hawak niya. Wala na ba siyang ibang pakielam kung hindi pera? Nakalimutan na ba niya agad na iniwan niya si Caroline sa casino noong isang araw lang?“Wala. Ginamit ko na ang lahat ng natitira kong pera para bayaran ang utang mo!” naging masakit ang pananalita ni Caroline.
“Kanino niya balak ipakita ang cleavage niya?” naiinis na inisip ni Evan.Walang masabi si Caroline sa sinabi ni Evan.Iyon ang klase ng mga gown na sinusuot ni Caroline noon, bakit niya ito ipinagbabawal ngayon?Sapagkat hindi niya gusto makipagtalo, nagpalit siya sa mahabang puti na gown na pa letter V ang likod, umaasa na papasa to sa gusto ni Evan.Ngunit, lalo naging kapansin pansin ang galit sa mukha ni Evan.Ang pinakanakakaakit niyang katangian ay ang likod niya, ang payat niyang likod at kaakit-akit na mga balikat ang hindi nabigo gumising sa malalim niyang kagustuhan sa tuwing nasa kama sila.Nakareserba lang dapat iyon para sa mga mata niya. Pero ngayon, gusto niya ito ipakita sa buong mundo. Sino ba ang sinusubukan niyang akitin?Habang galit ang ekspresyon niya, lumapit si Evan sa hilera ng mga dress.Matapos mamili sa dalawang dress, pinili niya ang conservative pink long dress na bagay kay Caroline.Sa oras na nakapagpalit na siya sa napili na dress, wala ng nakaexpose s
“Itinago ni Caroline ang business card niya at magalang na sumagot, “Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Xander. Mauuna na ako.”Hindi maalis ni Neil ang tingin niya hanggang sa nakaalis si Caroline.“Masyado… Masyado silang magkamukha…” hindi niya mapigilan na isipin.“Neil!” nagulo ang iniisip niya dahil sa boses ni Yuliana.Napansin ni Yuliana na nakatitig si Neil habang paalis si Caroline, galit niyang sinabi. “Neil, bakit nakatitig ka pa din sa babaeng iyon?”Kumunot ang noo ni Neil. “Tumigil ka na, hindi ka ba puwedeng umasta bilang marangal na dalaga?”“May nararamdaman ka ba para sa babaeng iyon? Bakit mo siya dinedepensahan?” sagot ni Yuliana.*Mabilis na bumalik si Caroline sa tabi ni Evan para makaiwas sa gulo.Noong naupo siya sa tabi ni Evan, naghihinala niyang tinignan ang namumutlang mukha ni Caroline. “Masama ba ang pakiramdam mo?”Nagdahilan si Caroline, “Medyo nahihirapan lang ako huminga.”Noong narinig ito ni Evan, lumingon siya palayo at sinabi, “Sabihin mo sa akin
Tumingala si Caroline at nakita si Bradley na pasuray-suray pumasok sa ward. Namumula ang mukha niya dahil sa alak.Noong makita si Caroline, agad lumapad ang ngiti ni Bradley. “Carol, nandyan ka pala!”Ngunit, tinitigan siya ng masama ni Katie at galit na nagsalita, “Anong ginagawa mo dito? Layas!”Agad na tumayo si Caroline para pakalmahin ang ina niya “Ma, kumalma ka. Hindi ka dapat magalit pagkatapos ng opera mo.”Sumimangot si Bradley. “Aalis ako kapag binigyan mo ako ng pera.”Hindi makapaniwalang tinignan ni Caroline si Bradley. “Ama! Nagpapagaling pa sa Ina. Hindi ka niya mabibigyan ng pera!”Tinitigan niya ng masama si Caroline. “Ginamit ng mama mo ang pera mo para maging kumportable sa ospital. Pero paano naman ako? Wala na tayong bahay ngayon. Sa kalye ako natutulog. Naiintindihan mo ba ang sitwasyon ko ngayon?”Napansin niya na may mali siyang sinabi, bigla siyang natahimik. Ngunit, narinig ni Caroline at Katie ang mga salita niya.Namumutlang itinuro ni Katie si Bradley. “
Nahirapan si Caroline sa samu’t saring emosyon na nararamdaman niya habang nakatitig si Evan.Hindi niya magawang humingi mula kay Evan ng advance payment para sa ina niya at anak bilang dahilan. Pakiramdam niya responsable siya para sa pag-aalaga ng nanay niya at sa bata, parang hindi tama na humingi siya ng pera mula sa iba.Bukod pa doon, hindi niya masiguro na hindi maghihinala si Evan.Bilang resulta, nagdahilan siya, “Nakalimutan ko bigla ang sasabihin ko. Sasabihin ko sa iyo kapag naalala ko na.” Pagkatapos, mabilis siyang umalis.Matapos maramdaman na may hindi tama kay Caroline, nagsalubong ang mga kilay ni Evan at tinawagan niya si Reuben.*Sa sumunod na araw na gumising siya, nakatanggap siya ng notification sa phone niya na nakatanggap siya ng 280,000 dollars. Dagdag pa dito, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Reuben na ang sinasabi [Ms. Shenton, binigyan ka ni Mr. Jordan ng bahay. Ang address ay…]Tulala siya at walang masabi. Wala siyang sinabi tungkol dito, pero binig
Humarap si Paige at tinitigan ng masama si Daniella. “Anong sinabi mo? Ayusin mo ang pananalita mo!”Mapanghamak na tinignan ni Daniella si Paige bilang sagot sa sinabi niya at hindi siya sineryoso.Pagkatapos, lumapit siya kay Caroline at nakangiting sinabi. “Hindi matiis ni Evan na sa pangit na bahay ako nakatira noon, kaya ibinili niya ako ng bahay. Sigurado akong malapit na kami maging couple.”Tumawa si Caroline at sumagot, “So, hindi pa pala kayo couple, huh?”“Pfft…” Nanigas ang ngiti ni Daniella habang tumatawa si Paige.“Malapit na kami maging couple. Mas maganda ang pagtrato sa akin ni Evan kaysa sa inyong dalawa.” Kinutya ni Daniella si Caroline.“Hmm, ibinili din niya ako ng bahay,” walang pakielam na sagot ni Caroline bago tumalikod at binuksan ang pinto.Nawala ang ngiti ni Daniella at naguluhan siya. Samantala, hindi mapigilan ni Paige ang pagtawa niya. Tinapik niya ang balikat ni Daniella at sinabi, “Tumigil ka na, ginagawa mong t*nga ang sarili mo. Mukha kang payaso.”
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa