Walang ekspresyon na kumatok si Caroline sa salamin at agad na nakuha ang atensyon ng lahat ng secretary sa opisina. Noong humarap sila, nakita nila si Caroline at natahimik sila bigla.Habang nakangiti, pumasok si Caroline sa opisina at nagsalita, “Bakit tumigil kayo bigla sa pinag-uusapan ninyo noong dumating ako? Hindi ba’t kasama dapat ako sapagkat ako ang pinag-uusapan?”Kinakabahan na nagkatinginan ang mga secretary.Hawak ni Caroline ang mga dokumento noong lumapit siya sa lamesa at tinitigan ang mga secretary ng masama. “Marahil mas maganda na ituon ninyo ang oras ninyo sa trabaho kaysa pagtsismisan ang iba.”Noong inilagay niya ang mga dokumento sa lamesa, nagpatuloy siya, “Ms. Walker, bilang head ng mga secretary, kailangan mo maging ehemplo sa kanila kaysa makipagtsismisan. Bago ka umalis, pakikuha ang sahod mo mula sa finance department para sa buwang ito.”Nanlaki ang mga mata ni Jane Walker at tumayo siya bigla. “Balak mo akong tanggalin ng dahil lang dito?”Tumawa si Car
Sa Florencia Hospital.Matapos makumpleto ang formalities ng pagpapaospital, bumalik sina Caroline at Paige sa ward.Binigyan ng sedative si Daniella at nakahiga sa kama, namumutla ang mukha niya.Samantala, bakas ang pagiging guilty sa mukha ni Evan habang nag-aalala siya para kay Daniella.Pinilit itago ni Caroline ang pait sa puso niya at lumapit kay Jordan. “Mr. Jordan, tapos ko na asikasuhin.”Ngunit, hindi ito tinanggap ni Evan. “Tanungin mo si Reuben kung nahanap na niya ang medical records ni Daniella.”Tumango si Caroline at nilisan ang ward kasama si Paige.Matapos makontak si Reuben, sinabi niya ang hiling ni Evan.May kaunting katahimikan sa kabilang linya bago sumagot si Reuben. “Dumanas siya ng matinding psychological trauma noong bata pa siya, kung saan kinailangan niya ng regular sessions kasama ang therapist at paggamit ng psychotropic medication. Nakipagkita ako sa dating director para magtanong, pero hindi malinaw ang mga detalye. Kinokontak ko ang deputy director ng
Naiwan si Daniella sa ospital habang tulala. Hindi nagtagal para mapagtanto niya kung sino ang makakapagmadali kay Evan, maliban kay Caroline.Bakit ang taas ng tingin ni Evan kay Caroline? Walang hiyang kabit lang naman siya.Habang malungkot ang itsura, napagdesisyunan ni Daniella na sapagkat ayaw niyang iwan ang lalake niya, hindi siya dapat sisihin sa pagiging malupit niya…*Matapos ibigay ang lokasyon niya kay Evan, kalmadong inilagay ni Caroline ang phone niya sa bulsa. Delikado ang tumalon mula sa sasakyan. Kailangan niyang mag-isip ng kalmado.Pumikit si Caroline habang nakasandal sa bintana ng sasakyan, iniisip kung paano kukumprontahin ang sitwasyon.Matapos ang sampung minuto, tumigil ang sasakyan.Tumingala siya at nakita ang isang sira-sirang warehouse sa harapan niya.“Lumabas ka ng sasakyan!”Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at hinatak siya ng lalake.Nagkunwari si Caroline na natatakot at tinignan ang hindi kilalang lalake. “Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?”Ngumi
Dumating na siya sawakas.Nakakapanlamig ang tingin ni Evan kay Caroline noong nakita niya ito sa sahig.Tumitig siya ng masama na tila gusto niyang patayin si Mark. “Well, Mark, kahanga-hanga ka. Ang lakas ng loob mo na kidnapin ang babae ko?”Agad na tumayo si Mark, at nagtago sa likod ng mga secretary niya habang nanginginig. “Tito… Tito Evan!”Mabilis siyang nilapitan ni Evan, at sumingkit ang mga mata niya habang nagtatanong, “So kinikilala mo na din ako sawakas na tito mo?”Malinaw ang takot ni Mark habang kinakabahan siyang napapalunok.May bigla siya napagtanto, sinulyapan ni Mark si Caroline. “Tito Evan, ako nga ang nag-utos na dalhin siya dito pero para sa kapakanan mo ito! Hindi mo alam kung anong nadiskubre ko kanina. May masama siyang balak sa iyo. Kinamumuhian ka niya at gusto ka niya lasunin. Kailangan mo ako paniwalaan!”Sinulyapan ni Evan si Caroline na kalmado sa isang tabi at ngumisi. “Well, sapagkat napakaconsiderate mo, dapat kita maappreciate.”Humarap siya sa mga
Nagtype si Scott. [Dumating ang ama mo kagabi at nag-away sila ng nanay mo. Pinilit pa niya na ang nanay mo na ibigay sa kanya ang bayad sa medical fees.]Kumunot ang noo ni Caroline dahil sa pag-aalala. [Okay lang ba ang nanay ko?]Ipinaliwanag ni Scott. [Nandito ako kasama niya. Huwag ka mag-alala. Binigyan ko siya ng 150 dollars at umalis na siya.]Nabigla si Caroline. Hindi niya maintindihan kung gaano kakapal ang mukha ng ama niya para kumuha ng pera mula sa doktor ng ina niya.Kahit na hindi siya natutuwa sa ginawa ni Scott ng hindi siya kinukunsulta, hindi niya magawang makipagtalo dahil ginawa niya ito para sa kapakanan ng ina niya.Ngunit, sapagkat nangyari ito ng isang beses, natatakot siyang baka mangyari ito muli.Habang iniisip ito, napagdesisyunan niyang kausapin siya tungkol dito.Matapos magtransfer ng 150 dollars sa account niya, nagtype siya. [Dr. Wilson, maraming salamat sa pagtulong mo sa nanay ko. Pero huwag mo na muli bigyan ng pera ang ama ko. Kung lalapitan ka n
Kahit na nagseselos siya, ipinakita ni Daniella na mahinhin siya sa harap ng lahat.Pagkaraan ng ilang oras, bumalik sila sa Angelbay City. Sa pagkakataong ito, hindi sinabi ni Evan kay Reuben na isama pabalik sa Villa Rosa si Caroline. Sa halip, tumungo sila ng magkasama sa company.Matapos makabalik sa opisina na matagal na niyang hindi nakita, nabigla si Caroline ng makita na nawawala ang salamin na naghihiwalay sa opisina niya mula sa presidente. Ngayon, naging shared space ito. Bigla nadurog ang sabik niya sa pagbalik sa company. “Balak ba niyang bantayan ang bawat kilos at salita ko?”Nakaramdam siya ng galit sa loob niya, at naglakad siya palapit kay Evan na nakaupo sa desk niya. “Hindi mo ba naisip na sumosobra ka na?”Kalmado siyang tinignan ni Evan. “Galit ka ba?”“Galit? Ang lakas ng loob niya na tanungin ako? Matatanggap ba niya kung siya ang bantayan ng ganito?” sa isip ni Caroline.Nagtiim bagang siya. “Hindi ko gusto magtrabaho ngayon. Gusto ko umalis.”Nanlumo ang mukh
Nalukot ang mukha ni Caroline sa panghahamak. “Kung ganoon, siguraduhin mo na didisiplinahin mo siya ng maayos simula ngayon. Sabihin mo na tumigil na siya kakahanap ng mali sa akin lagi!”Matapos iwan ang mga salitang iyon, galit na umalis si Caroline ng kuwarto, iniwan niyang nakatayo ng mag-isa si Evan sa opisina na nakakunot ang noo habang nag-iisip.Matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Reuben. “Kumusta ang progreso ng imbestigasyon?”Narinig niya ang boses ni Reuben mula sa kabilang linya. “Mr. Jordan, pumanaw na ang deputy dean, kaya wala kaming makumpirma. Ngunit, nakita namin ang guro na nagturo kay Ms. Love sa taon na iyon.”Nagpatuloy siya, “Ipinaliwanag niya na inaapi noon si Ms. Love, kaya nagkaroon siya ng trauma. Pero pinagtakpan ito ng orphanage.”Naging madilim ang ekspresyon ni Evan.“May isa pang bagay,” dagdag ni Reuben.“Ituloy mo,” sagot ni Evan.“Ipinaalam sa akin ng dean na ang babaeng may pulang nunal sa tenga ay tinatawag na Lyr
Matapos iyon, tahimik lang…Walang masabi si Caroline habang nasa pinto, puno ng mga tanong ang isip niya. “Sinong anak ang tinutukoy ni Ina? Imposible na ako. Siguradong anak ako ni Ama. Oo, nagbago ng husto ang ugali niya sa nakalipas na mga taon, pero hindi magbabago na siya ang responsable na ama noong bata pa ako.”Umiling-iling si Caroline, kinalimutan ang mga iniisip niya.Binuksan niya ang pinto at pumasok, nakita niyang nakaupo si Katie sa kama habang galit.“Ma, nag-away na nanaman ba kayo ni Ama?”Nagulat si Katie sa pagdating ng anak niya, humarap siya kay Caroline ng may kaunting pagpanic. “Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?”Naupo si Caroline sa tabi niya sa kama. Matapos ang kaunting katahimikan, nagtanong siya, “Ma, anong ibig mo sabihin noong sinabi mo na hindi ako ang bata na anak ni Ama?”Umiwas ng tingin si Katie at sinabi, “Bata ito na anak ng kamaganak ng ama mo. Wala itong kinalaman sa iyo. Huwag ka na magtanong.”Naramdaman ni Caroline na may mali, pero hindi
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa