Kahit na nagseselos siya, ipinakita ni Daniella na mahinhin siya sa harap ng lahat.Pagkaraan ng ilang oras, bumalik sila sa Angelbay City. Sa pagkakataong ito, hindi sinabi ni Evan kay Reuben na isama pabalik sa Villa Rosa si Caroline. Sa halip, tumungo sila ng magkasama sa company.Matapos makabalik sa opisina na matagal na niyang hindi nakita, nabigla si Caroline ng makita na nawawala ang salamin na naghihiwalay sa opisina niya mula sa presidente. Ngayon, naging shared space ito. Bigla nadurog ang sabik niya sa pagbalik sa company. “Balak ba niyang bantayan ang bawat kilos at salita ko?”Nakaramdam siya ng galit sa loob niya, at naglakad siya palapit kay Evan na nakaupo sa desk niya. “Hindi mo ba naisip na sumosobra ka na?”Kalmado siyang tinignan ni Evan. “Galit ka ba?”“Galit? Ang lakas ng loob niya na tanungin ako? Matatanggap ba niya kung siya ang bantayan ng ganito?” sa isip ni Caroline.Nagtiim bagang siya. “Hindi ko gusto magtrabaho ngayon. Gusto ko umalis.”Nanlumo ang mukh
Nalukot ang mukha ni Caroline sa panghahamak. “Kung ganoon, siguraduhin mo na didisiplinahin mo siya ng maayos simula ngayon. Sabihin mo na tumigil na siya kakahanap ng mali sa akin lagi!”Matapos iwan ang mga salitang iyon, galit na umalis si Caroline ng kuwarto, iniwan niyang nakatayo ng mag-isa si Evan sa opisina na nakakunot ang noo habang nag-iisip.Matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Reuben. “Kumusta ang progreso ng imbestigasyon?”Narinig niya ang boses ni Reuben mula sa kabilang linya. “Mr. Jordan, pumanaw na ang deputy dean, kaya wala kaming makumpirma. Ngunit, nakita namin ang guro na nagturo kay Ms. Love sa taon na iyon.”Nagpatuloy siya, “Ipinaliwanag niya na inaapi noon si Ms. Love, kaya nagkaroon siya ng trauma. Pero pinagtakpan ito ng orphanage.”Naging madilim ang ekspresyon ni Evan.“May isa pang bagay,” dagdag ni Reuben.“Ituloy mo,” sagot ni Evan.“Ipinaalam sa akin ng dean na ang babaeng may pulang nunal sa tenga ay tinatawag na Lyr
Matapos iyon, tahimik lang…Walang masabi si Caroline habang nasa pinto, puno ng mga tanong ang isip niya. “Sinong anak ang tinutukoy ni Ina? Imposible na ako. Siguradong anak ako ni Ama. Oo, nagbago ng husto ang ugali niya sa nakalipas na mga taon, pero hindi magbabago na siya ang responsable na ama noong bata pa ako.”Umiling-iling si Caroline, kinalimutan ang mga iniisip niya.Binuksan niya ang pinto at pumasok, nakita niyang nakaupo si Katie sa kama habang galit.“Ma, nag-away na nanaman ba kayo ni Ama?”Nagulat si Katie sa pagdating ng anak niya, humarap siya kay Caroline ng may kaunting pagpanic. “Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?”Naupo si Caroline sa tabi niya sa kama. Matapos ang kaunting katahimikan, nagtanong siya, “Ma, anong ibig mo sabihin noong sinabi mo na hindi ako ang bata na anak ni Ama?”Umiwas ng tingin si Katie at sinabi, “Bata ito na anak ng kamaganak ng ama mo. Wala itong kinalaman sa iyo. Huwag ka na magtanong.”Naramdaman ni Caroline na may mali, pero hindi
“Ang boss mo?” nabigla si Katie.Sumagot si Caroline, “Lagi akong ginugulo ng mga pinagkakautangan ni Ama. Napansin ito ng boss ko at inalok ako na bigyan ng ilang mga bodyguards para sa proteksyon ko.”Nakahinga ng maluwag si Katie at bumuntong hininga, “Masaya ako at okay ka lang. Huwag mo na papatayin ang phone mo katulad ng ganoon. Tinakot mo ako.”Pinakalma ni Caroline ang nanay niya bago ibinaba ang tawag. Pagkatapos, naglakad siya patungo sa bintana, tumingin siya sa ibaba at naghintay habang kinakabahan.Sa loob ng sampung minuto, isang itim na Maybach ang mabilis na dumating at tumigil sa hardin. Bumaba mula doon si Evan at pumasok sa villa, masama ang aura niya.Ipinikit ni Caroline ang mga mata niya. Kinain siya ng pagod habang hinihintay ang inaasahan niyang galit ni Evan.Humarap siya sa pinto, at tumungo sa pinto ng kuwarto habang hindi mapakali. Noong hahawakan na niya ang doorknob, bigla itong bumukas ng malakas at tinamaan ang balikat niya.Agad niyang hinawakan ang ba
Napagdesisyunan ni Evan na bisitahin sa ospital si Daniella matapos makumpleto ang dapat niyang gawin ngayong gabi. Noong pumasok siya sa ward, agad na naupo si Daniella at napangiti.“Evan, nandito ka!” masaya niyang sinabi.Sumagot siya, “Mahiga ka, hindi mo kailangan tumayo.”May kaunting pagkabigo sa mga mata niya noong napansin niya na hindi lumapit si Evan sa kanya.“Okay lang ako. Okay na ako matapos magpahinga buong gabi.” Buntong hininga niya. “Pasensiya na sa abala kahapon.”Kumunot ang noo niya. “Huwag mo na siyang puntahan. Masama siyang tao. Protektahan mo ang sarili mo.”Nahihiyang nagtanong si Daniella, “Puwede ko ba iassume na may pakielam ka sa akin?”Naging blangko ang mga mata ni Evan. “May mga bagay ka na maiiwasan mo.”Nanigas ang ekspresyon ni Daniella, hindi niya narinig ang inaashan niyang sagot. Pero, napansin niya ang pagod sa guwapo niyang mukha.“Hindi ka ba nakatulog ng mahimbing kagabi, Evan?” malambing niyang tanong.Sumagot siya ng walang emosyon, “Aalis
Sa sumunod na tatlong araw, ipinapaalam ni Lily kay Evan sa tuwing ayaw kumain ni Caroline kapag dumadating siya sa bahay. Tiniis niya ito noong una, pero pagkatapos ng tatlong araw, umabot na siya sa hangganan niya.Willing siyang isuko ang kalusugan niya para sumama sa ibang lalake?!Habang malagim ang ekspresyon, umakyat siya sa itaas. Matapos paalisin ang mga guwardiya, pumasok siya sa kuwarto ni Caroline.Ang nag-iisang pinagmumulan ng liwanag ng kuwarto ay ang computer. Napansin niya na yakap ni Caroline ang tuhod niya habang payapa ang tulog sa kama.Noong lumapit siya, nakita niya ang dalawang bote ng gamot sa tabi ng computer. Sumimangot siya lalo ng kinuha niya ito at nakita na acute pain relievers ito at hindi gastric medicine tulad ng inaasahan niya. Binuksan niya ang bote at napansin na wala na itong masyadong laman.Isinantabi niya ang gamot at lumapit sa kama para gisingin si Caroline. “Gising.”Habang nahihilo sa gutom, iminulat ni Caroline ang mga mata niya at nakita a
Naging malagim ang ekspresyon ni Daniella, agad siyang bumangon. “Sige. Naiintindihan ko.”Matapos umalis ni Nic, nagshower siya at nagsuot ng bathrobe bago naupo sa living room at may tinawagan.Noong kumonekta ang tawag, inutos niya, “Kakausapin ko sila.”Noong bumukas ang pinto, narinig niya ang boses ng ama niyang umampon sa kanya. “Umalis ka na! Hindi ko siya kakausapin!”Nagsalita ang bantay, “Makakapagsalita ka na, Ms. Love.”Habang nakangiti, bumati siya, “Ma, Pa, matagal na noong huli akong tumawag. Mukhang naging mainitin ang ulo ninyo.”“Tumahimik ka! Hindi ka na dapat namin inampon!” puno ng galit ang boses ng nanay niyang umampon sa kanya.“Huwag ka naman maging ganyan. Gusto ko lang malaman kung nagbago na ba ang isip ninyo sa sinabi ko.”“Naging tuwid at totoo akong tao buong buhay ko! Hindi ko kaya magsinungaling ng dilat ang mga mata ko!” sagot ng ama niya.“Ikaw, Ma?” Pareho ba kayo ni Ama?” tanong ni Daniella matapos humigop ng wine.“Hindi magbabago ang desisyon ko!
“Ano bang iniisip mo?” narinig ni Caroline ang boses ni Evan at nabalik siya sa realidad habang malalim ang iniisip.Tumingala siya, puno ng pagsisisi ang ekspresyon. “Pasensiya na. Hindi agad ako nakakilos.”Matapos makita na nagsisisi siya, mukhang naglaho ang galit niya at bumuntong hininga siya. “Kalimutan mo na, sumakay ka na sa sasakyan.”Tumango ng tahimik si Caroline at tinignan mula sa malayo ang ospital. Pagkatapos, sumunod siya sa sasakyan.Noong nabuhay ang makina ng sasakyan, bumulong siya, “Salamat.”Inalis ni Evan ang madumi niyang coat ng hindi tinatanggap ang pasasalamat niya. May bahid ng pagkairita ang mga mata niya noong napapaisip siya, “Nagmadali ako ng hindi nag-iisip para iligtas si Caroline sa peligro. Anong problema ko? Mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa kanya!”“May nakaaway ka ba kailan lang?” malamig niyang tanong, may bahid ng paghihinala.Umiling-iling si Caroline habang nakakunot ang noo. “Hindi ko alam. Maliban kay Mark, wala na akong maisip na iba.”“B