Naging malagim ang ekspresyon ni Daniella, agad siyang bumangon. “Sige. Naiintindihan ko.”Matapos umalis ni Nic, nagshower siya at nagsuot ng bathrobe bago naupo sa living room at may tinawagan.Noong kumonekta ang tawag, inutos niya, “Kakausapin ko sila.”Noong bumukas ang pinto, narinig niya ang boses ng ama niyang umampon sa kanya. “Umalis ka na! Hindi ko siya kakausapin!”Nagsalita ang bantay, “Makakapagsalita ka na, Ms. Love.”Habang nakangiti, bumati siya, “Ma, Pa, matagal na noong huli akong tumawag. Mukhang naging mainitin ang ulo ninyo.”“Tumahimik ka! Hindi ka na dapat namin inampon!” puno ng galit ang boses ng nanay niyang umampon sa kanya.“Huwag ka naman maging ganyan. Gusto ko lang malaman kung nagbago na ba ang isip ninyo sa sinabi ko.”“Naging tuwid at totoo akong tao buong buhay ko! Hindi ko kaya magsinungaling ng dilat ang mga mata ko!” sagot ng ama niya.“Ikaw, Ma?” Pareho ba kayo ni Ama?” tanong ni Daniella matapos humigop ng wine.“Hindi magbabago ang desisyon ko!
“Ano bang iniisip mo?” narinig ni Caroline ang boses ni Evan at nabalik siya sa realidad habang malalim ang iniisip.Tumingala siya, puno ng pagsisisi ang ekspresyon. “Pasensiya na. Hindi agad ako nakakilos.”Matapos makita na nagsisisi siya, mukhang naglaho ang galit niya at bumuntong hininga siya. “Kalimutan mo na, sumakay ka na sa sasakyan.”Tumango ng tahimik si Caroline at tinignan mula sa malayo ang ospital. Pagkatapos, sumunod siya sa sasakyan.Noong nabuhay ang makina ng sasakyan, bumulong siya, “Salamat.”Inalis ni Evan ang madumi niyang coat ng hindi tinatanggap ang pasasalamat niya. May bahid ng pagkairita ang mga mata niya noong napapaisip siya, “Nagmadali ako ng hindi nag-iisip para iligtas si Caroline sa peligro. Anong problema ko? Mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa kanya!”“May nakaaway ka ba kailan lang?” malamig niyang tanong, may bahid ng paghihinala.Umiling-iling si Caroline habang nakakunot ang noo. “Hindi ko alam. Maliban kay Mark, wala na akong maisip na iba.”“B
Sa sumunod na dalawang araw, sinusundan ng mga guwardiya si Caroline sa tuwing pupunta siya sa ospital.Okay lang sa kanya ang presensiya nila dahil paalala ito na hindi pa nila nahuhuli ang may pakana ng pangyayari kailan lang.Ngunit, may isang issue siyang kinakaharap dahil dito—hindi siya makapunta sa gynecologist para sa pregnancy test.Matapos ito isipin ng mabuti, humingi siya ng tulong kay Paige.Mabilis siyang nagtext, “Paige, matutulungan mo ba ako?”Sumagot agad si Paige, ipinakita na willing siyang tumulong. “Sige, ano iyon?”Sinabi ni Caroline ang mga detalye ng problema niya at sinabi kung anong kailangan niya mula kay Paige.“Ngayon na?” tanong ni Paige.“Oo, kaya mo ba?”“Siyempre. Magkita tayo sa entrance ng ospital ng 10.”Noong napansin ni Caroline na alas nuwebe na, agad siyang nagbihis at lumabas.Noong dumating siya sa ospital, nabigla si Paige noong nakita niya ang dalawang bodyguard sa likod ni Caroline. “Ibang level talaga ang boss natin. Walang maglalakas loob
Naglakad si Daniella patungo sa fire exit matapos ang tawag, at hindi niya inaasahan na makasalubong doon si Caroline, na hinihintay ang elevator.Tumayo si Daniella sa tabi niya at ngumiti sa kanya, umaasa na babatiin siya. “Pagkakataon nga naman, Ms. Shenton.”Hindi siya binigyan pansin ni Caroline.Hindi nagpadala si Daniella sa hindi pagpansin ni Caroline, aroganteng nagkrus ang mga braso niya at sinabi niya, “Narinig ko na hindi maganda ang pakiramdam mo. Palitan na ba kita bukas sa pagdalo sa event kasama ni Evan?”Nagpatulyo si Caroline na hindi bigyan ng pansin si Daniella.Matapos paulit-ulit na hindi pansinin, napahiya si Daniella ng husto.Kumaway siya at naiinis na nagsalita gamit ang mahinang boses. “Bakit ang yabang mo, Caroline?”Natawa si Caroline at tinitigan siya ng masama. “Tapos na agad ang parte mo ng ganoon na lang?”Nainis lalo si Daniella, at tiim bagang siyang nagsalita, “Sinabi ko sa iyo na matatapos din ang maliligayang mga araw mo. Ako ang makakasama ni Evan
Nag-aalinlangan na kinaladkad si Caroline patungo kay Evan, habang wala sa sarili at naguguluhan.Narinig niya ang mga salitang sinabi ni Alex kay Daniella. “Ms. Love, mas mabuti na si Ms. Shenton ang hayaan natin sa bagay na ito.”Hindi maintindihan ni Caroline kung bakit siya ang dapat gumawa ng bagay na hindi naman siya papasalamatan.Tinignan niya si Evan na walang malay at lasing matapos uminom ng kalahating oras. Lihim siyang naalarma.Gaano karami ang pinainom nila sa kanya?Nabigla si Daniella. Hindi niya inaasahan na isasama ni Alex si Caroline.Pinilit niyang pigilan ang inis niya, kaya pinilit niyang ngumiti. “Mr. Price, hayaan mo na ako ang mag-alaga kay Evan. Hindi maganda ang pakiramdam ni Ms. Shenton lately, huwag na natin siyang abalahin.”“Ms. Love, may mga bagay na dapat mong malaman kapag umiinom si Evan. Kumpiyansa ka ba na kaya mo ito?” tanong ni Alex.“Siyempre.” Kumpiyansang sagot ni Daniella.Walang masabi si Caroline.Hindi niya maintindihan kung bakit siya pin
Binuksan ni Daniella ang pinto at pumasok ng nakaheels.Pinanood niya ang lalake na natutulog ng mahimbing sa kama, inalis niya ng walang alinlangan ang mga damit niya, at hinayaan itong malaglag sa sahig. Maingat siyang umakyat sa kama, at siniguro na hindi niya maiistorbo ang tulog niya.Natulog siya ng mahimbing hanggang 7 a.m.Bigla, bumukas ang mga mata ni Evan dahil sa sakit ng tiyan, nalukot ang mukha niya sa nararamdaman niya.Napasimangot niya ng mapansin na nasa kuwarto siya ng hotel.“Mmph… Evan, gising ka na?” narinig ni Evan ang boses ni Daniella, na inaantok pa habang nahihiyang nakatingin sa kanya.Sa oras na iyon, naalala ni Evan ang mga nangyari kagabi. Naalala niya ang tunog ng doorbell, malabo ang alaala niya habang papunta sa pinto, at may hinatak siya papasok sa loob na pamilyar ang boses. Napagkamalan niya si Daniella na si Caroline—nanlumo siya.Nainis si Evan at inihagis ang kumot para bumangon, batid ang inis sa guwapo niyang mukha.Habang disappointed ang bose
Pinilit ngumiti ng peke niyang ama at sinabi, “Hi, Daniella. Maupo ka.”Tinignan ng peke niyang ina si Evan at sadyang nagtanong, “Sino ito, Daniella?”Nagblush si Daniella. “Ma, ito si Evan, ang lalake na ikinukuwento ko sa iyo lagi.”Nagmukhang tulala ang pekeng ina, pero tumango siya. “Ah, so ito pala si Mr. Jordan. Samahan mo kami.”Naupo si Evan, nakatitig siya sa mag-asawang sumulpot mula sa kawalan. Ipinagbuhos siya ng tubig at nakipagusap sa kanya.Halos hindi pa sila nakakaupo ng matagal ng dumating ang waiter dala ang pagkain.“Daniella, mukhang maasahan na tao si Mr. Jordan. Makakahinga na kami ng maluwag sapagkat nakakita ka ng katulad niya,” kumento ng peke niyang ama.“Oo, tama!” dagdag ng peke niyang ina, noong napatingin kay Evan. “Mr. Jordan, kailan mo balak gawin na opisyal ang relasyon ninyo ni Daniella?”Pinunasan ni Evan ang kamay niya ng napkin, malamig at malayo ang tono niya. “Anong relasyon ang tinutukoy niyo?”“Malamang, engagement.”“Hindi pa kami umaabot sa
Nanigas si Katie, malinaw ang galit niya habang nahihirapan huminga. “Imposible! Sinisiraan mo siya! Puwede kitang kasuhan para dito!” sagot niya.Pingilan ni Daniella ang galit niya noong tumayo siya. “Kung hindi ka naniniwala sa akin, tawagan mo siya, Mrs. Shenton! Iyon lang ang masasabi ko. Pakisabihan si Caroline na lumugar siya!” pagkatapos nito, lumabas na siya ng ward at kumpiyansang umalis.Samantala, hindi makalimutan ni Katie ang mga sinambit na salita ni Daniella, lalo siyang nababalisa. Palakas ng palakas ang galit at pagdududa niya, para kumprontahin niya si Caroline.Samantala, sa kuwarto ng Villa Rosa, narinig ni Caroline na tumutunog ang phone niya sa tabi ng lamesa at napatingin siya doon.Tinapik niya ang dibdib ni Evan. “May ano… mmph…”Bago pa siya matapos magsalita, hinalikan siya ni Evan para mapunta sa iba ang atensyon niya.Hindi na niya nabigyan ng pansin ang phone niyaNoong natapos sila, agad siyang tumungo sa banyo habang hawak ng mahigpit ang phone.Hindi m