“Bilis! Tumabi kayo. Baka may HIV siya!”“Walanghiya talaga! Ginawa niya ito para sa pera at estado. Walang hiyang p*ta!”“Layas! Lumayas ka dito!”Bigla, narinig ang echo ng sigaw mula sa ward. Boses ito ni Katie.Inayos ni Caroline ang sarili niya at mabilis na dumaan sa mga tao, para makapasok sa ward.Magulo ang sahig, at may mga basag na salamin kung saan-saan.Nahirapan huminga si Caroline noong nakita niya ang kalat. Naging mahirap din para sa kanya ang lumunok. Napatingin siya kay Katie na nasa kama ng ospital, mukhang maputla at nahihirapan huminga.Maluha-luha ang mga mata ni Caroline noong tinawag niya ang nanay niya, “Ma…”“Huwag mo akong tawagin na nanay mo!” sigaw ni Katie.Nanginig ang buong katawan ni Caroline, at umiyak siya, sinusubukan makipagrason sa nanay niya, “Ma, huwag ka magalit. Hayaan mo ako magpaliwanag, okay?”“Caroline! Ikaw… ikaw!”Pero bago matapos ni Katie ang sasabihin niya, nagblackout siya at nagcollapse sa sahig.“Ma! Nagmadali na lumapit si Carolin
Gumalaw ng kaunti ang mga labi ni Katie. Pinanood ito ni Caroline, pero wala siyang narinig.Tumunog ng matagal ang makina sa tabi niya, at nabasag ang puso ni Caroline.Sa pagmamadali, dumating si Evan sa eksena, ginabayan siya ng pagsigaw at iyak ni Caroline na nag-echo mula sa ward. Mabilis ang tibok ng puso niya sa bawat hakbang niya at binilisan pa niya para makarating siya sa tabi niya.Bago siya makarating sa ward, nagulat siya ng makita si Scott na tinatapik ang likod ni Caroline, pinapakalma siya. Napalitan ng galit ang sakit na nararamdaman sa puso ni Evan, kung saan sumara ang mga kamao niya.Habang tense ang ekspresyon ng mukha niya, humarap si Evan kay Reuben na nakatayo sa tabi niya habang nanginginig sa galit. “Papasok ba tayo sa loob, Mr. Jordan?” maingat na tanong ni Reuben.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Evan, humarap siya kay Reuben at nag-utos. “Imbestigahan ninyo ito. Gusto ko malaman kung sino ang responsable dito!” malamig ang boses niya.Noong aalis na s
Ibinaba ni Evan ang tawag matapos malukot ang mukha niya sa pandidiri.“Mr. Jordan,” nagsalita si Evan matapos maramdaman na hindi mapakali si Evan.Minasahe ni Evan ang mga sentido niya at sinabi, “Sabihin mo ang lahat ng alam mo tungkol sa kanya.”Sumunod si Reuben sa utos at sinabi ang mga detalye. “Kinausap namin ang mga umampon kay Ms. Love. Tugma ang mga sinabi nila sa medical records ni Ms. Love. Sinabi din nila kung paano ka iniligtas noong inuwi ka ilang taon na ang nakararaan.”Noong narinig ito ni Evan, sumingkit ang mga mata niya, naghalo ang pagkakumpirma niya at pagdududa.Kakaiba ang nararamdaman niya lagi kay Daniella, pero ngayon sigurado na siya.Masam ang pakiramdam ni Evan sa puso niya. Tumingin siya kay Reuben. “Dalhin mo ako sa ospital.”Nabigla si Reuben. “Mr. Jordan, may video conference ka ngayon tanghali.”“Ireschedule ito mamayang gabi,” utos ni Evan.Hindi nagsalita si Reuben at iniliko ang manibela patungo sa ospital.Ngunit, noong dumating sila sa entrance
Noong hinatak niya ang ma maleta palabas ng pinto, isang Maybach ang tumigil sa harap. Si Evan na nakaupo sa loob ay nakita si Caroline na palabas ng pinto dala ang mga maleta.Lumabas siya ng sasakyan at malungkot na nagtanong kay Caroline, “Anong ginagawa mo?”Walang ekspresyon na sumagot si Caroline, “Evan, ikunsidera mo ng maayos ang mga salita ko, ngayon at nakapagdesisyon ka na.”Tinignan niya ang mga maleta ni Caroline, ngumisi at sinabi, “Gusto mo ikunsidera ko na bitiwan ka na?”Tumingala si Caroline, tinignan niya si Evan at kalmadong nagsalita, “Oo.”Naging seryoso siya. “Sabik ka na ba makasama si Doctor Wilson?”Para mapigilan siya na sipain ang mga maleta niya, inilagay niya ito sa likod niya.“Evan, wala akong kontrol sa iniisip mo. Tulad ng sinabi ko noon, hindi ko gusto maging homewrecker. Kahit na isang buwan pa bago maging opisyal ang engagement ninyo, hindi ko na gusto maging kabit mo.”Malamig ang iniwang mga salita ni Caroline. “Paano mo nalaman na eengage ako sa
Nakatayo si Bradley sa harap ng company habang nakapamulsa, balbas sarado siya at nakatingala sa gusali.“Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na ipakulong ako! Nagdusa ako ng sobra doon,” galit na galit si Bradley. “Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ito ngayon.”Habang nawawala sa sarili kakaisipm sumigaw siya bigla, “Caroline, bumaba ka dito!”Napansin na ng mga guwardiya ng company si Bradley, pero hindi sila nakielam sapagkat nakatingin lang siya mula sa malayo. Ngunit, nasisira ang imahe ng kumpanya dahil sa pagsigaw niya, kaya isang security guard ang mabilis na lumapit sa kanya.“Sir, huwag po kayo sumigaw sa labas ng company,” sambit ng guwardiya.Dumura si Bradley sa sahig bago nagsalita. “Huwag mo akong pigilan! Nandito ako para hanapin ang anak ko. Wala kayong pakielam dito!”“Sumimangot ang guwardiya, pinilit niya, “Kung miyembro ng pamilya ang hanap ninyo, tumawag na lang kayo.”“Namatay na ang baterya ng phone ko. Tulungan mo ako sunduin siya pababa,” hiling ni Bradley.
Nanginig ang mga kamay ni Caroline noong tinignan niya ang Facebook matapos ibaba ang tawag. Nadismaya siya ng makakita siya ng nakakaalarmang mga topic na pumukaw sa atensyon niya:“Walang pusong chief secretary ng sikat na kumpanya ay malupit na ipinakulong ang ama niya!”Namutla siya noong nabasa ang headline. Nabalisa siya at tinignan ang comment section habang nanginginig ang mga daliri.“Naniniwala ka ba na may ganitong tao? At secretary pa siya ng sikat na kumpanyang iyon?”“May kilala ako na nagtatrabaho doon. Ang chismis ay kabit siya.”“Hindi siya nararapat magtrabaho sa prestihiyosong kumpanya. Hindi ito magandang ehemplo!”“Basura! P*ta! Nakakadiri!”Iba’t ibang masasakit na salita ang nabasa niya. Alam niya kung gaano kalakas ang mga salita na kayang sumira sa reputasyon ng isang tao.Napansin ni Paige ang pagkadismaya ni Caroline at agad na nagtanong, “Anong problema? Hindi ba maganda nag pakiramdam mo?”Nagpanic si Caroline at ipinakita ang phone kay Paige, nakita niya a
Noong binuksan ni Bradley ang pinto, sumilip siya sa corridor para masiguro na walang nakasunod kay Caroline. Nong kuntento siya, pinapasok niya si Caroline at sinuri habang paupo siya.“May sinabi ka na dala mo para sa akin. Nasaan na?” tanong niya.Nagsinungaling si Caroline. “Iniwan ko sa sasakyan.”Nagduda si Reuben at nagtanong pa, “At ang pera?”“Mabibigyan kita ng pera,” sagot niya habang nakatitig ng malamig sa kanya, “Pero sana sabihin mo sa akin ang totoo tungkol sa isang bagay.”Nagdilim ang mukha niya, naging defensive siya, “Wala akong alam. Huwag mo akong tanungin.”Batid ang galit sa mga mata ni Caroline. “Malakas ba ang loob mo na mangako sa libingan ni nanay na hindi ka nakipagtulugnan sa kahit na kanino para ipahiya ako? Kung malakas ang loob mo, bibigyan kita ng 2,800 dollars. Kung hindi, patunayan mo na guilty ka!”Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Bradley. “Caroline! Ang lakas ng loob mo na kausapin ako ng ganyan?! Walang hiya ka sa pagiging kabit ng iba
Natawa si Evan at nakangising nagtanong. “Bilhin mula sa iyo?”Kinakabahang tumawa si Bradley. “Sasabihin ko sa iyo kung babayaran mo ako at pakakawalan.”Puno ng panghahamak ang mga mata ni Evan. “Ikukunsidera ko ito kapag narinig ko na ang impormasyon.”“Hindi ko anak si Caroline. Inampon siya ni Katie,” isiniwalat ni Bradley.“Sumangayon ako na manatili si Caroline noong nililigawan ko noon si Katie.”“Inampon si Caroline? Ampon ba siya?” sa isip ni Evan.Napasimangot si Evan, bigla siyang may napagtanto. Nagpanic siya noong nagtanong, “Saan siya inampon?”Umiling-iling si Bradley. “Hindi ko alam. Pero may adoption certificate si Katie, at nakasulat dapat ito doon.”“Nasaan ang certificate?” agad na tanong ni Evan.Kinakabahan na lumunok si Bradley. “Ipinadala ko ito lahat sa reclamation depot noong ibinenta ko ang bahay.”Matapos ito isipin ng ilang sandali, may tinanong pa si Evan. “Isa pang bagay. Bakit ka niya ipinadala sa detention center?”“Kasi masama siyang tao!” galit na sa