Pinilit ngumiti ng peke niyang ama at sinabi, “Hi, Daniella. Maupo ka.”Tinignan ng peke niyang ina si Evan at sadyang nagtanong, “Sino ito, Daniella?”Nagblush si Daniella. “Ma, ito si Evan, ang lalake na ikinukuwento ko sa iyo lagi.”Nagmukhang tulala ang pekeng ina, pero tumango siya. “Ah, so ito pala si Mr. Jordan. Samahan mo kami.”Naupo si Evan, nakatitig siya sa mag-asawang sumulpot mula sa kawalan. Ipinagbuhos siya ng tubig at nakipagusap sa kanya.Halos hindi pa sila nakakaupo ng matagal ng dumating ang waiter dala ang pagkain.“Daniella, mukhang maasahan na tao si Mr. Jordan. Makakahinga na kami ng maluwag sapagkat nakakita ka ng katulad niya,” kumento ng peke niyang ama.“Oo, tama!” dagdag ng peke niyang ina, noong napatingin kay Evan. “Mr. Jordan, kailan mo balak gawin na opisyal ang relasyon ninyo ni Daniella?”Pinunasan ni Evan ang kamay niya ng napkin, malamig at malayo ang tono niya. “Anong relasyon ang tinutukoy niyo?”“Malamang, engagement.”“Hindi pa kami umaabot sa
Nanigas si Katie, malinaw ang galit niya habang nahihirapan huminga. “Imposible! Sinisiraan mo siya! Puwede kitang kasuhan para dito!” sagot niya.Pingilan ni Daniella ang galit niya noong tumayo siya. “Kung hindi ka naniniwala sa akin, tawagan mo siya, Mrs. Shenton! Iyon lang ang masasabi ko. Pakisabihan si Caroline na lumugar siya!” pagkatapos nito, lumabas na siya ng ward at kumpiyansang umalis.Samantala, hindi makalimutan ni Katie ang mga sinambit na salita ni Daniella, lalo siyang nababalisa. Palakas ng palakas ang galit at pagdududa niya, para kumprontahin niya si Caroline.Samantala, sa kuwarto ng Villa Rosa, narinig ni Caroline na tumutunog ang phone niya sa tabi ng lamesa at napatingin siya doon.Tinapik niya ang dibdib ni Evan. “May ano… mmph…”Bago pa siya matapos magsalita, hinalikan siya ni Evan para mapunta sa iba ang atensyon niya.Hindi na niya nabigyan ng pansin ang phone niyaNoong natapos sila, agad siyang tumungo sa banyo habang hawak ng mahigpit ang phone.Hindi m
“Bilis! Tumabi kayo. Baka may HIV siya!”“Walanghiya talaga! Ginawa niya ito para sa pera at estado. Walang hiyang p*ta!”“Layas! Lumayas ka dito!”Bigla, narinig ang echo ng sigaw mula sa ward. Boses ito ni Katie.Inayos ni Caroline ang sarili niya at mabilis na dumaan sa mga tao, para makapasok sa ward.Magulo ang sahig, at may mga basag na salamin kung saan-saan.Nahirapan huminga si Caroline noong nakita niya ang kalat. Naging mahirap din para sa kanya ang lumunok. Napatingin siya kay Katie na nasa kama ng ospital, mukhang maputla at nahihirapan huminga.Maluha-luha ang mga mata ni Caroline noong tinawag niya ang nanay niya, “Ma…”“Huwag mo akong tawagin na nanay mo!” sigaw ni Katie.Nanginig ang buong katawan ni Caroline, at umiyak siya, sinusubukan makipagrason sa nanay niya, “Ma, huwag ka magalit. Hayaan mo ako magpaliwanag, okay?”“Caroline! Ikaw… ikaw!”Pero bago matapos ni Katie ang sasabihin niya, nagblackout siya at nagcollapse sa sahig.“Ma! Nagmadali na lumapit si Carolin
Gumalaw ng kaunti ang mga labi ni Katie. Pinanood ito ni Caroline, pero wala siyang narinig.Tumunog ng matagal ang makina sa tabi niya, at nabasag ang puso ni Caroline.Sa pagmamadali, dumating si Evan sa eksena, ginabayan siya ng pagsigaw at iyak ni Caroline na nag-echo mula sa ward. Mabilis ang tibok ng puso niya sa bawat hakbang niya at binilisan pa niya para makarating siya sa tabi niya.Bago siya makarating sa ward, nagulat siya ng makita si Scott na tinatapik ang likod ni Caroline, pinapakalma siya. Napalitan ng galit ang sakit na nararamdaman sa puso ni Evan, kung saan sumara ang mga kamao niya.Habang tense ang ekspresyon ng mukha niya, humarap si Evan kay Reuben na nakatayo sa tabi niya habang nanginginig sa galit. “Papasok ba tayo sa loob, Mr. Jordan?” maingat na tanong ni Reuben.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Evan, humarap siya kay Reuben at nag-utos. “Imbestigahan ninyo ito. Gusto ko malaman kung sino ang responsable dito!” malamig ang boses niya.Noong aalis na s
Ibinaba ni Evan ang tawag matapos malukot ang mukha niya sa pandidiri.“Mr. Jordan,” nagsalita si Evan matapos maramdaman na hindi mapakali si Evan.Minasahe ni Evan ang mga sentido niya at sinabi, “Sabihin mo ang lahat ng alam mo tungkol sa kanya.”Sumunod si Reuben sa utos at sinabi ang mga detalye. “Kinausap namin ang mga umampon kay Ms. Love. Tugma ang mga sinabi nila sa medical records ni Ms. Love. Sinabi din nila kung paano ka iniligtas noong inuwi ka ilang taon na ang nakararaan.”Noong narinig ito ni Evan, sumingkit ang mga mata niya, naghalo ang pagkakumpirma niya at pagdududa.Kakaiba ang nararamdaman niya lagi kay Daniella, pero ngayon sigurado na siya.Masam ang pakiramdam ni Evan sa puso niya. Tumingin siya kay Reuben. “Dalhin mo ako sa ospital.”Nabigla si Reuben. “Mr. Jordan, may video conference ka ngayon tanghali.”“Ireschedule ito mamayang gabi,” utos ni Evan.Hindi nagsalita si Reuben at iniliko ang manibela patungo sa ospital.Ngunit, noong dumating sila sa entrance
Noong hinatak niya ang ma maleta palabas ng pinto, isang Maybach ang tumigil sa harap. Si Evan na nakaupo sa loob ay nakita si Caroline na palabas ng pinto dala ang mga maleta.Lumabas siya ng sasakyan at malungkot na nagtanong kay Caroline, “Anong ginagawa mo?”Walang ekspresyon na sumagot si Caroline, “Evan, ikunsidera mo ng maayos ang mga salita ko, ngayon at nakapagdesisyon ka na.”Tinignan niya ang mga maleta ni Caroline, ngumisi at sinabi, “Gusto mo ikunsidera ko na bitiwan ka na?”Tumingala si Caroline, tinignan niya si Evan at kalmadong nagsalita, “Oo.”Naging seryoso siya. “Sabik ka na ba makasama si Doctor Wilson?”Para mapigilan siya na sipain ang mga maleta niya, inilagay niya ito sa likod niya.“Evan, wala akong kontrol sa iniisip mo. Tulad ng sinabi ko noon, hindi ko gusto maging homewrecker. Kahit na isang buwan pa bago maging opisyal ang engagement ninyo, hindi ko na gusto maging kabit mo.”Malamig ang iniwang mga salita ni Caroline. “Paano mo nalaman na eengage ako sa
Nakatayo si Bradley sa harap ng company habang nakapamulsa, balbas sarado siya at nakatingala sa gusali.“Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na ipakulong ako! Nagdusa ako ng sobra doon,” galit na galit si Bradley. “Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ito ngayon.”Habang nawawala sa sarili kakaisipm sumigaw siya bigla, “Caroline, bumaba ka dito!”Napansin na ng mga guwardiya ng company si Bradley, pero hindi sila nakielam sapagkat nakatingin lang siya mula sa malayo. Ngunit, nasisira ang imahe ng kumpanya dahil sa pagsigaw niya, kaya isang security guard ang mabilis na lumapit sa kanya.“Sir, huwag po kayo sumigaw sa labas ng company,” sambit ng guwardiya.Dumura si Bradley sa sahig bago nagsalita. “Huwag mo akong pigilan! Nandito ako para hanapin ang anak ko. Wala kayong pakielam dito!”“Sumimangot ang guwardiya, pinilit niya, “Kung miyembro ng pamilya ang hanap ninyo, tumawag na lang kayo.”“Namatay na ang baterya ng phone ko. Tulungan mo ako sunduin siya pababa,” hiling ni Bradley.
Nanginig ang mga kamay ni Caroline noong tinignan niya ang Facebook matapos ibaba ang tawag. Nadismaya siya ng makakita siya ng nakakaalarmang mga topic na pumukaw sa atensyon niya:“Walang pusong chief secretary ng sikat na kumpanya ay malupit na ipinakulong ang ama niya!”Namutla siya noong nabasa ang headline. Nabalisa siya at tinignan ang comment section habang nanginginig ang mga daliri.“Naniniwala ka ba na may ganitong tao? At secretary pa siya ng sikat na kumpanyang iyon?”“May kilala ako na nagtatrabaho doon. Ang chismis ay kabit siya.”“Hindi siya nararapat magtrabaho sa prestihiyosong kumpanya. Hindi ito magandang ehemplo!”“Basura! P*ta! Nakakadiri!”Iba’t ibang masasakit na salita ang nabasa niya. Alam niya kung gaano kalakas ang mga salita na kayang sumira sa reputasyon ng isang tao.Napansin ni Paige ang pagkadismaya ni Caroline at agad na nagtanong, “Anong problema? Hindi ba maganda nag pakiramdam mo?”Nagpanic si Caroline at ipinakita ang phone kay Paige, nakita niya a