“Ang boss mo?” nabigla si Katie.Sumagot si Caroline, “Lagi akong ginugulo ng mga pinagkakautangan ni Ama. Napansin ito ng boss ko at inalok ako na bigyan ng ilang mga bodyguards para sa proteksyon ko.”Nakahinga ng maluwag si Katie at bumuntong hininga, “Masaya ako at okay ka lang. Huwag mo na papatayin ang phone mo katulad ng ganoon. Tinakot mo ako.”Pinakalma ni Caroline ang nanay niya bago ibinaba ang tawag. Pagkatapos, naglakad siya patungo sa bintana, tumingin siya sa ibaba at naghintay habang kinakabahan.Sa loob ng sampung minuto, isang itim na Maybach ang mabilis na dumating at tumigil sa hardin. Bumaba mula doon si Evan at pumasok sa villa, masama ang aura niya.Ipinikit ni Caroline ang mga mata niya. Kinain siya ng pagod habang hinihintay ang inaasahan niyang galit ni Evan.Humarap siya sa pinto, at tumungo sa pinto ng kuwarto habang hindi mapakali. Noong hahawakan na niya ang doorknob, bigla itong bumukas ng malakas at tinamaan ang balikat niya.Agad niyang hinawakan ang ba
Napagdesisyunan ni Evan na bisitahin sa ospital si Daniella matapos makumpleto ang dapat niyang gawin ngayong gabi. Noong pumasok siya sa ward, agad na naupo si Daniella at napangiti.“Evan, nandito ka!” masaya niyang sinabi.Sumagot siya, “Mahiga ka, hindi mo kailangan tumayo.”May kaunting pagkabigo sa mga mata niya noong napansin niya na hindi lumapit si Evan sa kanya.“Okay lang ako. Okay na ako matapos magpahinga buong gabi.” Buntong hininga niya. “Pasensiya na sa abala kahapon.”Kumunot ang noo niya. “Huwag mo na siyang puntahan. Masama siyang tao. Protektahan mo ang sarili mo.”Nahihiyang nagtanong si Daniella, “Puwede ko ba iassume na may pakielam ka sa akin?”Naging blangko ang mga mata ni Evan. “May mga bagay ka na maiiwasan mo.”Nanigas ang ekspresyon ni Daniella, hindi niya narinig ang inaashan niyang sagot. Pero, napansin niya ang pagod sa guwapo niyang mukha.“Hindi ka ba nakatulog ng mahimbing kagabi, Evan?” malambing niyang tanong.Sumagot siya ng walang emosyon, “Aalis
Sa sumunod na tatlong araw, ipinapaalam ni Lily kay Evan sa tuwing ayaw kumain ni Caroline kapag dumadating siya sa bahay. Tiniis niya ito noong una, pero pagkatapos ng tatlong araw, umabot na siya sa hangganan niya.Willing siyang isuko ang kalusugan niya para sumama sa ibang lalake?!Habang malagim ang ekspresyon, umakyat siya sa itaas. Matapos paalisin ang mga guwardiya, pumasok siya sa kuwarto ni Caroline.Ang nag-iisang pinagmumulan ng liwanag ng kuwarto ay ang computer. Napansin niya na yakap ni Caroline ang tuhod niya habang payapa ang tulog sa kama.Noong lumapit siya, nakita niya ang dalawang bote ng gamot sa tabi ng computer. Sumimangot siya lalo ng kinuha niya ito at nakita na acute pain relievers ito at hindi gastric medicine tulad ng inaasahan niya. Binuksan niya ang bote at napansin na wala na itong masyadong laman.Isinantabi niya ang gamot at lumapit sa kama para gisingin si Caroline. “Gising.”Habang nahihilo sa gutom, iminulat ni Caroline ang mga mata niya at nakita a
Naging malagim ang ekspresyon ni Daniella, agad siyang bumangon. “Sige. Naiintindihan ko.”Matapos umalis ni Nic, nagshower siya at nagsuot ng bathrobe bago naupo sa living room at may tinawagan.Noong kumonekta ang tawag, inutos niya, “Kakausapin ko sila.”Noong bumukas ang pinto, narinig niya ang boses ng ama niyang umampon sa kanya. “Umalis ka na! Hindi ko siya kakausapin!”Nagsalita ang bantay, “Makakapagsalita ka na, Ms. Love.”Habang nakangiti, bumati siya, “Ma, Pa, matagal na noong huli akong tumawag. Mukhang naging mainitin ang ulo ninyo.”“Tumahimik ka! Hindi ka na dapat namin inampon!” puno ng galit ang boses ng nanay niyang umampon sa kanya.“Huwag ka naman maging ganyan. Gusto ko lang malaman kung nagbago na ba ang isip ninyo sa sinabi ko.”“Naging tuwid at totoo akong tao buong buhay ko! Hindi ko kaya magsinungaling ng dilat ang mga mata ko!” sagot ng ama niya.“Ikaw, Ma?” Pareho ba kayo ni Ama?” tanong ni Daniella matapos humigop ng wine.“Hindi magbabago ang desisyon ko!
“Ano bang iniisip mo?” narinig ni Caroline ang boses ni Evan at nabalik siya sa realidad habang malalim ang iniisip.Tumingala siya, puno ng pagsisisi ang ekspresyon. “Pasensiya na. Hindi agad ako nakakilos.”Matapos makita na nagsisisi siya, mukhang naglaho ang galit niya at bumuntong hininga siya. “Kalimutan mo na, sumakay ka na sa sasakyan.”Tumango ng tahimik si Caroline at tinignan mula sa malayo ang ospital. Pagkatapos, sumunod siya sa sasakyan.Noong nabuhay ang makina ng sasakyan, bumulong siya, “Salamat.”Inalis ni Evan ang madumi niyang coat ng hindi tinatanggap ang pasasalamat niya. May bahid ng pagkairita ang mga mata niya noong napapaisip siya, “Nagmadali ako ng hindi nag-iisip para iligtas si Caroline sa peligro. Anong problema ko? Mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa kanya!”“May nakaaway ka ba kailan lang?” malamig niyang tanong, may bahid ng paghihinala.Umiling-iling si Caroline habang nakakunot ang noo. “Hindi ko alam. Maliban kay Mark, wala na akong maisip na iba.”“B
Sa sumunod na dalawang araw, sinusundan ng mga guwardiya si Caroline sa tuwing pupunta siya sa ospital.Okay lang sa kanya ang presensiya nila dahil paalala ito na hindi pa nila nahuhuli ang may pakana ng pangyayari kailan lang.Ngunit, may isang issue siyang kinakaharap dahil dito—hindi siya makapunta sa gynecologist para sa pregnancy test.Matapos ito isipin ng mabuti, humingi siya ng tulong kay Paige.Mabilis siyang nagtext, “Paige, matutulungan mo ba ako?”Sumagot agad si Paige, ipinakita na willing siyang tumulong. “Sige, ano iyon?”Sinabi ni Caroline ang mga detalye ng problema niya at sinabi kung anong kailangan niya mula kay Paige.“Ngayon na?” tanong ni Paige.“Oo, kaya mo ba?”“Siyempre. Magkita tayo sa entrance ng ospital ng 10.”Noong napansin ni Caroline na alas nuwebe na, agad siyang nagbihis at lumabas.Noong dumating siya sa ospital, nabigla si Paige noong nakita niya ang dalawang bodyguard sa likod ni Caroline. “Ibang level talaga ang boss natin. Walang maglalakas loob
Naglakad si Daniella patungo sa fire exit matapos ang tawag, at hindi niya inaasahan na makasalubong doon si Caroline, na hinihintay ang elevator.Tumayo si Daniella sa tabi niya at ngumiti sa kanya, umaasa na babatiin siya. “Pagkakataon nga naman, Ms. Shenton.”Hindi siya binigyan pansin ni Caroline.Hindi nagpadala si Daniella sa hindi pagpansin ni Caroline, aroganteng nagkrus ang mga braso niya at sinabi niya, “Narinig ko na hindi maganda ang pakiramdam mo. Palitan na ba kita bukas sa pagdalo sa event kasama ni Evan?”Nagpatulyo si Caroline na hindi bigyan ng pansin si Daniella.Matapos paulit-ulit na hindi pansinin, napahiya si Daniella ng husto.Kumaway siya at naiinis na nagsalita gamit ang mahinang boses. “Bakit ang yabang mo, Caroline?”Natawa si Caroline at tinitigan siya ng masama. “Tapos na agad ang parte mo ng ganoon na lang?”Nainis lalo si Daniella, at tiim bagang siyang nagsalita, “Sinabi ko sa iyo na matatapos din ang maliligayang mga araw mo. Ako ang makakasama ni Evan
Nag-aalinlangan na kinaladkad si Caroline patungo kay Evan, habang wala sa sarili at naguguluhan.Narinig niya ang mga salitang sinabi ni Alex kay Daniella. “Ms. Love, mas mabuti na si Ms. Shenton ang hayaan natin sa bagay na ito.”Hindi maintindihan ni Caroline kung bakit siya ang dapat gumawa ng bagay na hindi naman siya papasalamatan.Tinignan niya si Evan na walang malay at lasing matapos uminom ng kalahating oras. Lihim siyang naalarma.Gaano karami ang pinainom nila sa kanya?Nabigla si Daniella. Hindi niya inaasahan na isasama ni Alex si Caroline.Pinilit niyang pigilan ang inis niya, kaya pinilit niyang ngumiti. “Mr. Price, hayaan mo na ako ang mag-alaga kay Evan. Hindi maganda ang pakiramdam ni Ms. Shenton lately, huwag na natin siyang abalahin.”“Ms. Love, may mga bagay na dapat mong malaman kapag umiinom si Evan. Kumpiyansa ka ba na kaya mo ito?” tanong ni Alex.“Siyempre.” Kumpiyansang sagot ni Daniella.Walang masabi si Caroline.Hindi niya maintindihan kung bakit siya pin