Sa Florencia Hospital.Matapos makumpleto ang formalities ng pagpapaospital, bumalik sina Caroline at Paige sa ward.Binigyan ng sedative si Daniella at nakahiga sa kama, namumutla ang mukha niya.Samantala, bakas ang pagiging guilty sa mukha ni Evan habang nag-aalala siya para kay Daniella.Pinilit itago ni Caroline ang pait sa puso niya at lumapit kay Jordan. “Mr. Jordan, tapos ko na asikasuhin.”Ngunit, hindi ito tinanggap ni Evan. “Tanungin mo si Reuben kung nahanap na niya ang medical records ni Daniella.”Tumango si Caroline at nilisan ang ward kasama si Paige.Matapos makontak si Reuben, sinabi niya ang hiling ni Evan.May kaunting katahimikan sa kabilang linya bago sumagot si Reuben. “Dumanas siya ng matinding psychological trauma noong bata pa siya, kung saan kinailangan niya ng regular sessions kasama ang therapist at paggamit ng psychotropic medication. Nakipagkita ako sa dating director para magtanong, pero hindi malinaw ang mga detalye. Kinokontak ko ang deputy director ng
Naiwan si Daniella sa ospital habang tulala. Hindi nagtagal para mapagtanto niya kung sino ang makakapagmadali kay Evan, maliban kay Caroline.Bakit ang taas ng tingin ni Evan kay Caroline? Walang hiyang kabit lang naman siya.Habang malungkot ang itsura, napagdesisyunan ni Daniella na sapagkat ayaw niyang iwan ang lalake niya, hindi siya dapat sisihin sa pagiging malupit niya…*Matapos ibigay ang lokasyon niya kay Evan, kalmadong inilagay ni Caroline ang phone niya sa bulsa. Delikado ang tumalon mula sa sasakyan. Kailangan niyang mag-isip ng kalmado.Pumikit si Caroline habang nakasandal sa bintana ng sasakyan, iniisip kung paano kukumprontahin ang sitwasyon.Matapos ang sampung minuto, tumigil ang sasakyan.Tumingala siya at nakita ang isang sira-sirang warehouse sa harapan niya.“Lumabas ka ng sasakyan!”Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at hinatak siya ng lalake.Nagkunwari si Caroline na natatakot at tinignan ang hindi kilalang lalake. “Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?”Ngumi
Dumating na siya sawakas.Nakakapanlamig ang tingin ni Evan kay Caroline noong nakita niya ito sa sahig.Tumitig siya ng masama na tila gusto niyang patayin si Mark. “Well, Mark, kahanga-hanga ka. Ang lakas ng loob mo na kidnapin ang babae ko?”Agad na tumayo si Mark, at nagtago sa likod ng mga secretary niya habang nanginginig. “Tito… Tito Evan!”Mabilis siyang nilapitan ni Evan, at sumingkit ang mga mata niya habang nagtatanong, “So kinikilala mo na din ako sawakas na tito mo?”Malinaw ang takot ni Mark habang kinakabahan siyang napapalunok.May bigla siya napagtanto, sinulyapan ni Mark si Caroline. “Tito Evan, ako nga ang nag-utos na dalhin siya dito pero para sa kapakanan mo ito! Hindi mo alam kung anong nadiskubre ko kanina. May masama siyang balak sa iyo. Kinamumuhian ka niya at gusto ka niya lasunin. Kailangan mo ako paniwalaan!”Sinulyapan ni Evan si Caroline na kalmado sa isang tabi at ngumisi. “Well, sapagkat napakaconsiderate mo, dapat kita maappreciate.”Humarap siya sa mga
Nagtype si Scott. [Dumating ang ama mo kagabi at nag-away sila ng nanay mo. Pinilit pa niya na ang nanay mo na ibigay sa kanya ang bayad sa medical fees.]Kumunot ang noo ni Caroline dahil sa pag-aalala. [Okay lang ba ang nanay ko?]Ipinaliwanag ni Scott. [Nandito ako kasama niya. Huwag ka mag-alala. Binigyan ko siya ng 150 dollars at umalis na siya.]Nabigla si Caroline. Hindi niya maintindihan kung gaano kakapal ang mukha ng ama niya para kumuha ng pera mula sa doktor ng ina niya.Kahit na hindi siya natutuwa sa ginawa ni Scott ng hindi siya kinukunsulta, hindi niya magawang makipagtalo dahil ginawa niya ito para sa kapakanan ng ina niya.Ngunit, sapagkat nangyari ito ng isang beses, natatakot siyang baka mangyari ito muli.Habang iniisip ito, napagdesisyunan niyang kausapin siya tungkol dito.Matapos magtransfer ng 150 dollars sa account niya, nagtype siya. [Dr. Wilson, maraming salamat sa pagtulong mo sa nanay ko. Pero huwag mo na muli bigyan ng pera ang ama ko. Kung lalapitan ka n
Kahit na nagseselos siya, ipinakita ni Daniella na mahinhin siya sa harap ng lahat.Pagkaraan ng ilang oras, bumalik sila sa Angelbay City. Sa pagkakataong ito, hindi sinabi ni Evan kay Reuben na isama pabalik sa Villa Rosa si Caroline. Sa halip, tumungo sila ng magkasama sa company.Matapos makabalik sa opisina na matagal na niyang hindi nakita, nabigla si Caroline ng makita na nawawala ang salamin na naghihiwalay sa opisina niya mula sa presidente. Ngayon, naging shared space ito. Bigla nadurog ang sabik niya sa pagbalik sa company. “Balak ba niyang bantayan ang bawat kilos at salita ko?”Nakaramdam siya ng galit sa loob niya, at naglakad siya palapit kay Evan na nakaupo sa desk niya. “Hindi mo ba naisip na sumosobra ka na?”Kalmado siyang tinignan ni Evan. “Galit ka ba?”“Galit? Ang lakas ng loob niya na tanungin ako? Matatanggap ba niya kung siya ang bantayan ng ganito?” sa isip ni Caroline.Nagtiim bagang siya. “Hindi ko gusto magtrabaho ngayon. Gusto ko umalis.”Nanlumo ang mukh
Nalukot ang mukha ni Caroline sa panghahamak. “Kung ganoon, siguraduhin mo na didisiplinahin mo siya ng maayos simula ngayon. Sabihin mo na tumigil na siya kakahanap ng mali sa akin lagi!”Matapos iwan ang mga salitang iyon, galit na umalis si Caroline ng kuwarto, iniwan niyang nakatayo ng mag-isa si Evan sa opisina na nakakunot ang noo habang nag-iisip.Matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Reuben. “Kumusta ang progreso ng imbestigasyon?”Narinig niya ang boses ni Reuben mula sa kabilang linya. “Mr. Jordan, pumanaw na ang deputy dean, kaya wala kaming makumpirma. Ngunit, nakita namin ang guro na nagturo kay Ms. Love sa taon na iyon.”Nagpatuloy siya, “Ipinaliwanag niya na inaapi noon si Ms. Love, kaya nagkaroon siya ng trauma. Pero pinagtakpan ito ng orphanage.”Naging madilim ang ekspresyon ni Evan.“May isa pang bagay,” dagdag ni Reuben.“Ituloy mo,” sagot ni Evan.“Ipinaalam sa akin ng dean na ang babaeng may pulang nunal sa tenga ay tinatawag na Lyr
Matapos iyon, tahimik lang…Walang masabi si Caroline habang nasa pinto, puno ng mga tanong ang isip niya. “Sinong anak ang tinutukoy ni Ina? Imposible na ako. Siguradong anak ako ni Ama. Oo, nagbago ng husto ang ugali niya sa nakalipas na mga taon, pero hindi magbabago na siya ang responsable na ama noong bata pa ako.”Umiling-iling si Caroline, kinalimutan ang mga iniisip niya.Binuksan niya ang pinto at pumasok, nakita niyang nakaupo si Katie sa kama habang galit.“Ma, nag-away na nanaman ba kayo ni Ama?”Nagulat si Katie sa pagdating ng anak niya, humarap siya kay Caroline ng may kaunting pagpanic. “Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?”Naupo si Caroline sa tabi niya sa kama. Matapos ang kaunting katahimikan, nagtanong siya, “Ma, anong ibig mo sabihin noong sinabi mo na hindi ako ang bata na anak ni Ama?”Umiwas ng tingin si Katie at sinabi, “Bata ito na anak ng kamaganak ng ama mo. Wala itong kinalaman sa iyo. Huwag ka na magtanong.”Naramdaman ni Caroline na may mali, pero hindi
“Ang boss mo?” nabigla si Katie.Sumagot si Caroline, “Lagi akong ginugulo ng mga pinagkakautangan ni Ama. Napansin ito ng boss ko at inalok ako na bigyan ng ilang mga bodyguards para sa proteksyon ko.”Nakahinga ng maluwag si Katie at bumuntong hininga, “Masaya ako at okay ka lang. Huwag mo na papatayin ang phone mo katulad ng ganoon. Tinakot mo ako.”Pinakalma ni Caroline ang nanay niya bago ibinaba ang tawag. Pagkatapos, naglakad siya patungo sa bintana, tumingin siya sa ibaba at naghintay habang kinakabahan.Sa loob ng sampung minuto, isang itim na Maybach ang mabilis na dumating at tumigil sa hardin. Bumaba mula doon si Evan at pumasok sa villa, masama ang aura niya.Ipinikit ni Caroline ang mga mata niya. Kinain siya ng pagod habang hinihintay ang inaasahan niyang galit ni Evan.Humarap siya sa pinto, at tumungo sa pinto ng kuwarto habang hindi mapakali. Noong hahawakan na niya ang doorknob, bigla itong bumukas ng malakas at tinamaan ang balikat niya.Agad niyang hinawakan ang ba