Nahirapan si Caroline sa samu’t saring emosyon na nararamdaman niya habang nakatitig si Evan.Hindi niya magawang humingi mula kay Evan ng advance payment para sa ina niya at anak bilang dahilan. Pakiramdam niya responsable siya para sa pag-aalaga ng nanay niya at sa bata, parang hindi tama na humingi siya ng pera mula sa iba.Bukod pa doon, hindi niya masiguro na hindi maghihinala si Evan.Bilang resulta, nagdahilan siya, “Nakalimutan ko bigla ang sasabihin ko. Sasabihin ko sa iyo kapag naalala ko na.” Pagkatapos, mabilis siyang umalis.Matapos maramdaman na may hindi tama kay Caroline, nagsalubong ang mga kilay ni Evan at tinawagan niya si Reuben.*Sa sumunod na araw na gumising siya, nakatanggap siya ng notification sa phone niya na nakatanggap siya ng 280,000 dollars. Dagdag pa dito, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Reuben na ang sinasabi [Ms. Shenton, binigyan ka ni Mr. Jordan ng bahay. Ang address ay…]Tulala siya at walang masabi. Wala siyang sinabi tungkol dito, pero binig
Humarap si Paige at tinitigan ng masama si Daniella. “Anong sinabi mo? Ayusin mo ang pananalita mo!”Mapanghamak na tinignan ni Daniella si Paige bilang sagot sa sinabi niya at hindi siya sineryoso.Pagkatapos, lumapit siya kay Caroline at nakangiting sinabi. “Hindi matiis ni Evan na sa pangit na bahay ako nakatira noon, kaya ibinili niya ako ng bahay. Sigurado akong malapit na kami maging couple.”Tumawa si Caroline at sumagot, “So, hindi pa pala kayo couple, huh?”“Pfft…” Nanigas ang ngiti ni Daniella habang tumatawa si Paige.“Malapit na kami maging couple. Mas maganda ang pagtrato sa akin ni Evan kaysa sa inyong dalawa.” Kinutya ni Daniella si Caroline.“Hmm, ibinili din niya ako ng bahay,” walang pakielam na sagot ni Caroline bago tumalikod at binuksan ang pinto.Nawala ang ngiti ni Daniella at naguluhan siya. Samantala, hindi mapigilan ni Paige ang pagtawa niya. Tinapik niya ang balikat ni Daniella at sinabi, “Tumigil ka na, ginagawa mong t*nga ang sarili mo. Mukha kang payaso.”
Walang ekspresyon na kumatok si Caroline sa salamin at agad na nakuha ang atensyon ng lahat ng secretary sa opisina. Noong humarap sila, nakita nila si Caroline at natahimik sila bigla.Habang nakangiti, pumasok si Caroline sa opisina at nagsalita, “Bakit tumigil kayo bigla sa pinag-uusapan ninyo noong dumating ako? Hindi ba’t kasama dapat ako sapagkat ako ang pinag-uusapan?”Kinakabahan na nagkatinginan ang mga secretary.Hawak ni Caroline ang mga dokumento noong lumapit siya sa lamesa at tinitigan ang mga secretary ng masama. “Marahil mas maganda na ituon ninyo ang oras ninyo sa trabaho kaysa pagtsismisan ang iba.”Noong inilagay niya ang mga dokumento sa lamesa, nagpatuloy siya, “Ms. Walker, bilang head ng mga secretary, kailangan mo maging ehemplo sa kanila kaysa makipagtsismisan. Bago ka umalis, pakikuha ang sahod mo mula sa finance department para sa buwang ito.”Nanlaki ang mga mata ni Jane Walker at tumayo siya bigla. “Balak mo akong tanggalin ng dahil lang dito?”Tumawa si Car
Sa Florencia Hospital.Matapos makumpleto ang formalities ng pagpapaospital, bumalik sina Caroline at Paige sa ward.Binigyan ng sedative si Daniella at nakahiga sa kama, namumutla ang mukha niya.Samantala, bakas ang pagiging guilty sa mukha ni Evan habang nag-aalala siya para kay Daniella.Pinilit itago ni Caroline ang pait sa puso niya at lumapit kay Jordan. “Mr. Jordan, tapos ko na asikasuhin.”Ngunit, hindi ito tinanggap ni Evan. “Tanungin mo si Reuben kung nahanap na niya ang medical records ni Daniella.”Tumango si Caroline at nilisan ang ward kasama si Paige.Matapos makontak si Reuben, sinabi niya ang hiling ni Evan.May kaunting katahimikan sa kabilang linya bago sumagot si Reuben. “Dumanas siya ng matinding psychological trauma noong bata pa siya, kung saan kinailangan niya ng regular sessions kasama ang therapist at paggamit ng psychotropic medication. Nakipagkita ako sa dating director para magtanong, pero hindi malinaw ang mga detalye. Kinokontak ko ang deputy director ng
Naiwan si Daniella sa ospital habang tulala. Hindi nagtagal para mapagtanto niya kung sino ang makakapagmadali kay Evan, maliban kay Caroline.Bakit ang taas ng tingin ni Evan kay Caroline? Walang hiyang kabit lang naman siya.Habang malungkot ang itsura, napagdesisyunan ni Daniella na sapagkat ayaw niyang iwan ang lalake niya, hindi siya dapat sisihin sa pagiging malupit niya…*Matapos ibigay ang lokasyon niya kay Evan, kalmadong inilagay ni Caroline ang phone niya sa bulsa. Delikado ang tumalon mula sa sasakyan. Kailangan niyang mag-isip ng kalmado.Pumikit si Caroline habang nakasandal sa bintana ng sasakyan, iniisip kung paano kukumprontahin ang sitwasyon.Matapos ang sampung minuto, tumigil ang sasakyan.Tumingala siya at nakita ang isang sira-sirang warehouse sa harapan niya.“Lumabas ka ng sasakyan!”Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at hinatak siya ng lalake.Nagkunwari si Caroline na natatakot at tinignan ang hindi kilalang lalake. “Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?”Ngumi
Dumating na siya sawakas.Nakakapanlamig ang tingin ni Evan kay Caroline noong nakita niya ito sa sahig.Tumitig siya ng masama na tila gusto niyang patayin si Mark. “Well, Mark, kahanga-hanga ka. Ang lakas ng loob mo na kidnapin ang babae ko?”Agad na tumayo si Mark, at nagtago sa likod ng mga secretary niya habang nanginginig. “Tito… Tito Evan!”Mabilis siyang nilapitan ni Evan, at sumingkit ang mga mata niya habang nagtatanong, “So kinikilala mo na din ako sawakas na tito mo?”Malinaw ang takot ni Mark habang kinakabahan siyang napapalunok.May bigla siya napagtanto, sinulyapan ni Mark si Caroline. “Tito Evan, ako nga ang nag-utos na dalhin siya dito pero para sa kapakanan mo ito! Hindi mo alam kung anong nadiskubre ko kanina. May masama siyang balak sa iyo. Kinamumuhian ka niya at gusto ka niya lasunin. Kailangan mo ako paniwalaan!”Sinulyapan ni Evan si Caroline na kalmado sa isang tabi at ngumisi. “Well, sapagkat napakaconsiderate mo, dapat kita maappreciate.”Humarap siya sa mga
Nagtype si Scott. [Dumating ang ama mo kagabi at nag-away sila ng nanay mo. Pinilit pa niya na ang nanay mo na ibigay sa kanya ang bayad sa medical fees.]Kumunot ang noo ni Caroline dahil sa pag-aalala. [Okay lang ba ang nanay ko?]Ipinaliwanag ni Scott. [Nandito ako kasama niya. Huwag ka mag-alala. Binigyan ko siya ng 150 dollars at umalis na siya.]Nabigla si Caroline. Hindi niya maintindihan kung gaano kakapal ang mukha ng ama niya para kumuha ng pera mula sa doktor ng ina niya.Kahit na hindi siya natutuwa sa ginawa ni Scott ng hindi siya kinukunsulta, hindi niya magawang makipagtalo dahil ginawa niya ito para sa kapakanan ng ina niya.Ngunit, sapagkat nangyari ito ng isang beses, natatakot siyang baka mangyari ito muli.Habang iniisip ito, napagdesisyunan niyang kausapin siya tungkol dito.Matapos magtransfer ng 150 dollars sa account niya, nagtype siya. [Dr. Wilson, maraming salamat sa pagtulong mo sa nanay ko. Pero huwag mo na muli bigyan ng pera ang ama ko. Kung lalapitan ka n
Kahit na nagseselos siya, ipinakita ni Daniella na mahinhin siya sa harap ng lahat.Pagkaraan ng ilang oras, bumalik sila sa Angelbay City. Sa pagkakataong ito, hindi sinabi ni Evan kay Reuben na isama pabalik sa Villa Rosa si Caroline. Sa halip, tumungo sila ng magkasama sa company.Matapos makabalik sa opisina na matagal na niyang hindi nakita, nabigla si Caroline ng makita na nawawala ang salamin na naghihiwalay sa opisina niya mula sa presidente. Ngayon, naging shared space ito. Bigla nadurog ang sabik niya sa pagbalik sa company. “Balak ba niyang bantayan ang bawat kilos at salita ko?”Nakaramdam siya ng galit sa loob niya, at naglakad siya palapit kay Evan na nakaupo sa desk niya. “Hindi mo ba naisip na sumosobra ka na?”Kalmado siyang tinignan ni Evan. “Galit ka ba?”“Galit? Ang lakas ng loob niya na tanungin ako? Matatanggap ba niya kung siya ang bantayan ng ganito?” sa isip ni Caroline.Nagtiim bagang siya. “Hindi ko gusto magtrabaho ngayon. Gusto ko umalis.”Nanlumo ang mukh