Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 2 Kahihiyan

Share

Kabanata 2 Kahihiyan

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Nagpakita si Henry sa tapat ng pinto, habang nakasuot ng maluwag na bathrobe. Tinitigan niya ng may pagnanasa si Caroline gamit ang berde niyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya, pero pinilit niyang ngumiti para sa 70,000 dollars na commission.

“Monsieur Deveraux, pasensiya na sa istorbo,” sambit niya, at pumasok siya sa presedential suite.

Nagkibit balikat si Henry at ngumiti, “Ms. Shenton, kanina pa kita hinihintay.”

Mabilis ang tibok ng puso ni Caroline, pero pinanatili niyang kalmado siya at inilagay ang kontrata sa coffee table.

Sinuri niya ng mabilis ang presidential suite gamit ang sulok ng mata niya, at tinandaan ang bawat detalye.

Sa oras na naupo si Henry sa sofa, tumigil si Caroline sa pagsuri sa paligid at naupo din, habang dumidistansiya sa kanya.

Inabutan siya ni Henry ng isang baso ng wine, at pinatunog nila ito sa baso ng bawat isa. “Maraming salamat sa hospitality, Monsieur Deveraux.”

Kuminang ang mga mata ni Henry, “Ms. Shenton, napakatalino mo, at hindi ka mahiyain. Gusto ko ito!”

Pinilit ni Caroline na ngumiti, malinaw na kailangan niyang mapahanga si Henry para sa kontrata. Sumandal siya ng kaunti at ininom ng isang diretso ang wine.

Pero, malinaw ang awa sa mga mata ni Henry. “Kahanga-hanga, pero hindi mo siguro inaasahan na isang baso lang ng wine at okay na, hindi ba?”

Inaasahan ni Caroline na hindi ito gagawing madali ni Henry para sa kanya. Ibinaba niya ang wine glass, at sumagot siya, “Monsieur Deveraux, naiintindihan ko na matagal ka ng interesado na makatrabaho ang MK. Siguradong pamilyar ka sa abilidad ng MK sa Etes continent.”

“Kaysa umalis ka pa para makipagkita kay Mr. Jordan, bakit hindi ako ang pumirma sa kontrata para sa kanya bilang pag galang sa iyo? Naniniwala ako na magandang ideya ito, sangayon ka ba, Monsieur Deveraux?”

Nawala ang ngiti ni Henry at naging masama ang tingin niya kay Caroline matapos niya sabihin ang mungkahi niya.

Kahit na kinakabahan siya, pinanatili niyang kalmado ang itsura niya.

Ang gamitin ang pangalan ni Evan para pumirma si Henry ay ang nag-iisa niyang paraan.

Naging tense ang atmosphere sa kuwarto, pero nabasag ang katahimikan sa pagtawa ni Henry.

“Ms. Shenton, naa-appreciate ko ang proposal. Iginalang ako ng MK, kaya natural lamang na pirmahan ko ang kontrata.”

At pagkatapos nito, pinirmahan ni Henry ang papel matapos tignan ang kontrata.

Nabigla si Caroline. Hindi niya inaasahan na papayag si Henry ng ganoon na lang.

Pero, dahil sa ganitong sitwasyon, hindi naging pabaya si Caroline.

Matapos pirmahan ang kontrata, iniabot ito ni Henry pabalik kay Caroline, “Well, naibigay ko na ang pakay mo. Hindi ba dapat at samahan mo muna ako ngayon?”

Nagbago ang ekspresyon ni Caroline at nagkunwari siyang walang alam. “Monsieur Deveraux, hindi ko kayang tapatan ang tibay mo pagdating sa pag inom.”

“Sinong may sabi na gusto kitang makasama uminom?” Lumapit si Henry at hinawakan ang braso ni Caroline. “Ms. Shenton, three percent profit margin lang ang makukuha ko sa MK. Sapagkat isinuko ko ang pagkakaroon ng malaking tubo, naniniwala ako na dapat mo akong bigyan ng dagdag na benepisyo.”

Nagblangko ang isip ni Caroline. Nabago ba ang kontrata? Ginawa ba ito ni Evan? Silang dalawa nga lang naman ang may kinalaman sa pag gawa ng kontrata.

Nanlumo si Caroline, pero mainit ang pakiramdam niya. Nanlaki ang mga mata ni Caroline habang nakatitig siya sa wine glass sa coffee table. Kung tama ang hinala niya, nilagyan ni Henry ng droga ang wine!

Nagtiim-bagang siya at ginawa ang lahat ng makakaya niya para itulak palayo si Henry. Nakikita niya ang pagkaubos ng pasensiya ni Henry sa berdeng mga mata niya at napagtanto niyang ininom din ni Henry ang wine na inihanda niya.

Kahit na gawin niya ang lahat ng makakaya niya, masyadong malakas si Henry para sa kanya. Naramdaman niya ang mga labi nito na dumikit sa mga labi niya at alam niyang kailangan na niyang kumilos ng mabilis. Yumuko si Caroline at kinagat ang likod ng kamay ni Henry para mapasigaw siya sa sakit.

Dahil sa galit, malakas na sinampal ni Henry si Caroline. Sa lakas ng sampal sa kanya, nagsimula siyang mahilo, mawalan ng malay at may malasahan na bakal sa bibig niya.

“Naparito ka para makipagkita sa akin. Bakit ka pa nagkukunwari?” ngumisi si Henry at kinuha niya ang vodka sa coffee table.

Habang ang isang kamay ay nakahawak sa mukha ni Caroline, pinilit niyang inumin ni Caroline ang alak. Pumasok ang alak sa bibig niya at ilong, kung saan nahirapan siyang huminga.

Nagpumiglas siya pero hindi siya makakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Henry.

Malapit na magcollapse si Caroline at basa na ng luha ang mga pisngi niya.

Inasahan na niya dapat na mangyayari ito.

Sa nakalipas na tatlong taon, walang commission mula sa MK ang umabot sa 70,000 dollars. Uto-uto siyang naniwala kay Evan, naniwala na hindi siya mamanipulahin para mapasakamay ng katulad ni Henry.

Malinaw na nagkamali siya, at ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay nagtiwala siya kay Evan.

Magkasama sila sa kama gabi-gabi, pero ang trato sa kanya ay laruan, isang bagay na madaling itapon gamit ang pera.

Pinunit ni Henry ang damit niya. Dahil sa kawalan ng pag-asa, bigla nakakita ng vase si Caroline sa tabi niya.

Kinuha niya ang vase at ginamit ang buong lakas niya, para batuhin si Henry sa ulo.

Tinamaan siya ng malakas sa ulo, kung saan nabitawan niya si Caroline at napasigaw siya sa sakit habang nakahawak siya sa ulo niya. Habang galit na galit, minura niya si Caroline, “P*ta kang babae ka! Ang lakas ng loob mo na saktan ako!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status