Share

Chapter 1-MEET ZUZANE DELA FUENTE

Applause, a tidal wave of adoration, crashed over me as I took my final bow. The standing ovation, a symphony for my performance, was a familiar melody, yet tonight felt different for me.

“Shesh Clara sobrang sakit ng katawan ko!” Reklamo ko sa P.A. ko pagkauwi namin sa bahay.

Kagagaling lamang namin sa isang event kung saan nanalo ako bilang Best Actress sa ginampanang isang movie. Hindi ko nga alam na nanominate ako dun, ang alam ko lang ay invited kami ng partner ko pero sa kasamaan, ako lamang ang umattend dahil nagbabakasyon iyon sa ibang bansa ngayon.

Sa movie na iyon ay isa akong bidang katulong sa ibang bansa. Sumikat ito dahil maraming nakarelate na mga ofw sa story at syempre hindi mawawala ang kilig kaya lalo itong sumikat dahil sa chemistry namin ng partner ko.

“Congrats Zane!” Bati ng PA ko sa akin. May dala dala na siyang cake na hindi ko naman alam saan niya kinuha. “Si ante naman makatingin. Binili ko ito ano kaba?” sabi nito na naka nguso na.

Natawa naman ako sabay yakap sa kaibigan. Yup kaibigan. Don’t get me wrong, may mga kaibigan din naman ako nasa showbiz man or wala pero itong si Clara, hindi lang kaibigan. Pamilya na ang turing ko sa kanya at isa sa pinagkakatiwalaan ko.

“Wala naman akong sinabi na ninakaw mo yan. Nagulat lang talaga ako kung saan mo iyan nakuha” Natatawang sabi ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi siya nabigo na surpresahin ako sa mga bagay bagay.

“Thank you so much, Clara!” Pagpapasalamat pa din na sabi ko.

“Your welcome, kamahalan! Tumawag ang mama mo kanina, Zane. Nag congrats din ito sayo at binilin na tumawag ka daw sa kanila pag uwi mo,” wika niya sabay bigay ng cellphone ko.

“I can’t call right now. I’m too tired to do it” Reklamo ko naman dahil talagang pagod ako. Tumango nalang si Clara at kinuha ang cellphone niya para ichat ni mama.

Nasa ibang bansa si mama kasama ng mga kapatid ko. Dun na sila naninirahan simula ng naging legal age ako at andun padin sila kahit 29 na ako ngayon. Wala na silang balak tumira dito. Hindi tulad ko, ang mga kapatid ko ay nakalayo sa spotlight na meron ako.

Grabe ilang taon din yon at tanging visita lamang ang ginagawa nila dito sa pinas. May mga araw ng uwi nila na minsan ay wala ako, nagtatrabaho ako at uuwi ng pagod kaya hindi ko na sila nakakausap.

“Your mom said that it's okay if you’ll not call but send her a picture of you with the trophy. She will going to myday it,” naririnig ko na sabi ni Clara. Nakapikit na kasi ako at bagsak na ang katawan sa inuupuang malambot na sofa.

Wow, my mama was so sweet.

“Yeah tell her I will do it tomorrow,” sabi ko na lang at hindi namalayan na nakatulog na.

Paggising ko kinaumagahan ay wala na ang aking sandals, nakaalis na din ang mga hairpin sa buhok ko at malinis na din ang mukha ko pero andito pa din ako sa sofa, nakahiga ng maayos.

Tumayo ako at nagpunta na sa kwarto para maligo at mapreskuhan.

Clara can’t do all things for me. Tulad na lang na hinayaan niya akong matulog ng naka gown pa at sa sofa nahiga. Kahit inalis niya na ang make up ko ay hindi niya na ako binihisan kagabi, respeto na daw iyon kahit nakikita naman na niya ako na naka two piece sa mga shooting ko.

Pagbaba ko ay naaamoy ko na ang niluluto niyang ulam.

“Good morning!” masiglang bati ko.

“Hey, how are you today?” sagot naman nito ng hindi ako tinitignan.

“I’m feeling good and of course, hungry” sabi ko sabay upo sa lamensang tiles na nasa kaharap namin.

Nasa condo ko kami ngayon, pag nasa manila ay dito kami tumutuloy. Hindi naman kalakihan at hindi din maliit, sakto lamang sa dalawang tao.

May sala, tatlong kwarto na may sari sariling cr at bathroom, may isang dressing room na para sa akin, kusina, terres, may sarili na ring gym, dancefloor at music room. Basta saktong condo lang. Nabili ko ito noong namuhay na akong mag-isa at syempre sinama ko si Clara.

“Your mom is calling earlier. Asan na daw yung picture,” sabi nito sa akin pagkalapag ng niluto niyang ulam. “Sa akin siya nagrereklamo. Nahuli na daw siya sa pag popost ng picture mo. wala na daw siyang kwentang ina.” Dagdag na sabi niya.

“Kagigising ko lang, wait lang oh. Ito na kukunin ko na” sagot ko nalang sa masungit na si Clara.

Maaga kasing diniwaraan ng nanay ko, ayan tuloy damay damay lahat.

As you know I’m 4 years older than her but between the two of us, she looks like my older sister. Super strict niya minsan nga hindi na older sister tingin ko sa kanya eh, minsan feeling ko gusto na niya palitan yung nanay ko.

“Siguro ay tulog na sila. Hindi na nagdedeliver ang message ko eh” sabi ko habang sumusubo ng hotdog. Tinanguan lamang ako ni Clara at hindi na nagsalita pa.

Nag scroll ako sa twitter, nakikita ko kasi na trending na naman ako dun na may hashtag na #ZuzaneBestActress, #Zaness, #MissZuzaneforthebest at kung ano ano pa.

I’m so happy that I’m always trending pero syempre hindi puro positive, lagi itong may karugtong na negative tulad na lang ng nabasa ko ngayon.

“Kaya lang naman nanalo yan, maraming kapit eh”

“Eh ikaw ba naman malakas backer dika manalo”

At kung ano ano pang masasamang comment. Goosh hindi naman sila pwedeng patulan, yun ang unang bilin sa akin.

Deadma dapat sa basher kahit ang sakit sakit na.

“Restday mo ngayon, maggym ka mamaya ah ang dami mong kinain kagabi.” Mahigpit na bilin ni Clara sa akin.

Lumabas siya ng condo para bumili ng mga gamit namin dito sa bahay, naubusan na kami ng stock na pang isang linggo lang. Babalik kasi kami ng Cabanatuan pagkayari mismo ng shooting ko sa isang comercial ng shampoo.

Maghapon akong walang ginawa kung hindi mag scroll lamang sa f******k, tiktok, twitter at I*, nung sumapit na ang alas kwatro ay saka lamang ako nagsimulang mag gym.

Hanggang ngayon ay wala pa si Clara, nagbilin din naman kasi siya na may imemeet siyang kaibigan mamaya.

“Mom, kayayari ko lang pong mag gym” sabi ko pagsagot ng tawag ni mama.

“That’s good, Clara told me that you ate a lot yesterday. Gurl maintain your figures bawal kang tumaba” Mahigpit na bilin ni mama.

Ano pa bang aasahan.

We always like this actually. Lalo na nung siya ang nagaalaga sa akin. Kung tutuusin nga ay free pa ako kay Clara pero need pa din namin ireport kay mama kung ano na ang nangyayari. Kahit nga ang issue kay Mr. Martinez ay hindi niya ako tinantanan.

“Mama easy lang. Matanda na ako at alam ko na ang gagawin” wika ko naman.

“Talaga lang ah. Paano naman ang kagagahan mo nung nakaraan. Matanda ba ang tawag dun” sermon na namin nito.

Nakikita ko na tahimik na naglakad si Clara papunta sa kitchen dala ang mga pinamiling grocery at sinundan ko naman siya.

“Mama, may problema ako nun kaya naglasing ako. Ilang beses ko ba sasabihin na aksidente ang nangyari sa pagitan namin ni Mr. Martinez. Hindi ko nga siya kilala eh dahil lang sa social media saka ko siya nakilala” mahabang paliwanag ko.

Kung alam niyo lang ay ilang beses ko na ito inulit ulit sa nanay ko.

“Oo at hanggang ngayon nakikita ko pa din ang tungkol dun” sabi nito. “Pumapatol na ako sa mga amiga ko tungkol dyan pero hanggang ngayon sinisira pa din ang image mo. ayusin mo naman kasi mga pinaggagawa mo.” Reklamo niya sa akin.

Umiiling naman na tinuro ni Clara ang nilabas niyang pagkain.

Gosh kelan ba mayayari itong buhay na ito. Lagi nalang ganito ang set up namin kapag may issue na nilalabas tungkol sa akin.

“Mama, Si Mamang nga hindi nagrereklamo tungkol dyan eh pero ikaw marami kang sinasabi” Medyo napipikon na na sabi ko sa kanya.

Si Mamang ay ang manager ko simula pagkabata. Siya ang isa sa naging matalik kong kaibigan dito sa industriya, inaalagaan niya ako at siya rin ang umaayos ng mga problema ko sa buhay minsan.

Hindi siya strikto sa mga artistang hawak niya. Lalong lalo na sa akin.

“Eh ano naman aasahan mo kay Mamang, inispoiled ka nga ng baklang iyan eh” sabi nito.

Maraming dakdak pa ang inabot ko kay Mama. Minsan nga ay gusto na ni Clara na patayin na lang ang tawag dahil kahit siya ay napipikon din minsan sa sinasabi ni mama.

Ako man eh.

Natapos ang tawag na si Mr. Martinez ang topic namin dahil pinagalitan din aki ni mama tungkol dun, ayusin ko daw ito sa lalong madaling panahon.

Speaking of Mr. Martinez, ano na kaya ang nangyari sa lalaki na iyon? Hindi man lang ako nakapag sorry pero nasukahan ko siya alam ko eh?

Nung araw na iyon ang pinaka worst sa lahat.

Hindi dahil sikat na artista ako ay masaya na iyon, dumadating talaga sa araw na gusto ko na mag give up sa pagiging artista pero ito na ang buhay ko. Hindi ko na kayang umalis at nasanay na ako sa ganitong gawain.

Yun iyong problema ko nung araw na iyon. Kung paano ako tatakas sa realidad ng buhay ko. Kung saan ako pwede tumakas at magtago ng walang nakakaalam.

Pero hindi iyon pupuwede sapagkat marami akong contract baka mamulubi ako at makulong kung tatakasan ko ang mga iyon.

Grabe nakakaiyak. Kaya nag lasing ako nun tapos sa kamalas malasan maiisue pa sa isang sikat na bilyonaryo.

Yung akala mo matatakasan mo buhay mo pero mali ka, kasi may dadagdag palang problema.

Ito ang mahirap sa pagiging artista, walang privacy ang buhay namin kahit gustuhin man namin na kahit konting privacy ay bigyan naman kami. Pero pag pumasok ka kasi sa showbiz dapat handa ka na sa maging consequences nito.Positive man or negative ang kalalabasan.

Minsan nga ay natatawa nalang ako sa mga batang papasok sa showbiz. Nagrereklamo sila na bigyan sila ng privacy dahil hindi na daw ayos iyon.

Tama nga naman pero may mga tao kasing bastos eh. Alam niyo yun? Wala silang pakialam sa ginagawa nila basta lang alam nila gawin ang ikakatuwa nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status