Home / Romance / The Unwritten Contract / Chapter 4-PROBLEM AFTER PROBLEM

Share

Chapter 4-PROBLEM AFTER PROBLEM

Akala ko ay matatapos na ang araw ko pagkayari ko manggaling sa building nila Noah, hindi pala. Nagulat nalang ako na marami ang nakaabang na mga reporter sa baba ng condominium namin, hindi magkamayaw ang mga ito lalo na nung nakita nila ang sasakyan ko na papasok sa building.

Marami na ding guard ang nakabantay nung huminto iyong sasakyan. Mabilis ko naman inilabas ang cellphone ko para sana tawagan si Clara ngunit sa kasamaang palad ay lowbat ito.

“Kuya meron ka bang charger ng phone dyan?” tanong ko sa driver namin na kausap na ngayon ang isang guard.

“Ma’am wala po pero kung tatawagan niyo si Clara ay pwede ko ipahiram ang cellphone ko” Suggestion ni Kuya Tim at inilabas ang keyboard niyang cellphone. Huh? Uso pa pala ito. Madalang na ako makakita ng ganito, hindi pa nga lalo na sa industry kaya nakakagulat naman.

Tumawag nga pala si Clara kay kuya kanina at itinanong nito kung saan kami galing dahil bigla nga daw kaming umalis ng hindi man lang nagpapaalam. I felt bad dahil nasigawan siya ng manager ko kanina dahil sa ginawa ko.

Akala ko ay matatagalan pa bago ako makapasok ng building pero thanks sa mga kuya guards sa baba dahil tinulungan nila kami.

Pagpasok ko naman sa loob ng condo ay naabutan ko na pabalik balik si Mamang at nakaupo naman si Clara sa sofa. Kabado ang mga itsura nito pero nung makita ako na pumasok sa loob ay mabilis nila akong dinaluhan.

“Nababaliw ka na talaga hano?” nag aalala na wika ng manager sa akin. Niyakap din ako nito.

“Ano bang nangyari?” Walang idea na tanong ko, biglaan lamang kasi iyong nangyari at nangyayari lamang ang mga kaguluhan pag may issue na lumalabas at gusto nila makuha ang sagot.

“Magkasama kayo ni Mr. Noah Martinez kanina, hindi niya sinabi?” Tanong ni Clara.

“Wag mo ikaila may picture ulit kayo, sa company” sabi naman ni Mamang. Nabasa niya ang itsura ng mukha ko dahil plano ko ito itanggi. Pero ano pa bang aasahan, syempre may lalabas na mga picture.

“Tawagan mo nalang si Noah, tanong mo sa kanya” wika ni Clara.

“Lowbat ako, drain na drain.” Sabi ko sa dalawa, inilabas ang cp at iwinagayway sa kanila.

Sabay pa itong napa facepalm. Mabilis naman akong pumunta sa kwarto ko para icharge ito. Bumaba na din muna at kumain kasabay ang dalawang kaibigan.

Hindi nila binabanggit kung tungkol saan iyong issue ko ngayon. Bahala na daw ako dahil marami na ang gulong ginawa ngayong araw.

After kumain ay naligo na din ako para sana makahiga na at magpahinga, Si Mamang ay dito na din muna matutulog ngayong gabi dahil marami pa ding nasa baba na reporter, hindi naman titigil ang mga iyon hanggat walang makukuhang sagot. Napansin ko na may tumatawag sa cellphone ko na ngayon ay nakabukas na at malapit ng macharge.

The penthouse was silent, the only sound was the rhythmic hum of the air conditioner battling the sweltering Manila night and of course the phone.

Number lang ang tumatawag pero dahil phone ko ito ay sinagot ko agad. Iba kasi ang phone na ginagamit namin para sa mga raket ko.

Sinagot ko iyong tawag pero wala namang nagsasalita sa kabila. Tanging tahimik lamang ang naririnig ko, pero maya maya ay may huminga ng malalim.

“Hmm hi!” wika sa kabilang linya.

"Noah?"I asked when I heard the voice, laced with concern.

"Hey, Zuzane," sabi nito ng mahina.

"I saw the pictures. You guys look...happy," sarcasm na sabi ko. Pinakita kasi ni Clara kanina sakin iyong picture na may kasama na namang ibang babae si Noah. eh ka kausap ko palang nito sa company nila diba.

Noah scoffed. "Staged happiness. We haven't spoken a word to each other since the photoshoot ended."

A beat of silence followed. "So, what's the new problem?" I finally asked. Iniba na bigla ang topic. Ahh girl anong problema mo.

Noah sighed. "Apparently, the board isn't comfortable handing over the CEO position unless..." bitin pa na wika niya. Nakakainis

"Unless?" tanong ko.

"Unless I settle down, have a family," mabilis na sabi niya.

“Ano? Hindi ko maintindihan?” tanong ko ulit, sobrang bilis kasi ng pagkakasabi niya eh.

“I said, I need to settle down, find a wife… you are my wife now, right? We need to build a family” sabi nito. Muntik na ako malaglag sa kama dahil sa sinabi niya. Nablanko na din ang utak ko.

"Are you kidding me? We talked about this, Noah! This isn't some 19th-century novel where the company needs an heir. It's about capability, not some outdated notion of family!" pagkayari kong sabihin iyon ay tumahimik sa kabilang side.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status