Home / Romance / The Unwritten Contract / Chapter 2-MEET CEO OF MARTINEZ COMPANY

Share

Chapter 2-MEET CEO OF MARTINEZ COMPANY

Sa sobrang init sa Cabanatuan ay hindi na tumatagal ang tatlong aircon ng Cabana Brew. Isang sikat na coffeeshop na pag aari ng isa sa mga naging kaibigan ko nung college. Yes, taga Cabanatuan ako at dito ako nagaral nun sa cabanatuan kahit sa manila naman ang trabaho ko.

Kung paano ko nakayanan? Hindi ko din alam.

Bawat punta ko dito ay lalo pang umiinit or baka ako lang iyon dahil hot ako? Kidding. Mainit na talaga dito sa Cab. at lalo pang umiinit dahil wala ng puno, puro building na din ang mga nakatayo.

Taga dito si mama, si papa naman talaga Romblon.

I perched on a stool by the window, nursing a lukewarm iced latte and a simmering frustration. My agent's voice echoed in my head, a litany of rejections and cancellations.

"You're too old for the role, Zuzane," sabi nito sa akin bago kami bumalik ng Cabanatuan pagkatapos ng shooting ko, "but not established enough for the leading lady parts." Hindi pa naman ako ganong katanda eh, at the age of 29 I was considered past my prime in this cutthroat industry?

May nakita akong isang post sa office kanina, naghahanap ito ng artist na gaganap bilang kontrabida sa isang teleserye. Gusto kung kunin ang roles pero ayaw pumayag ng agent ko. Nagtalo kami pero hindi ako nanalo dahil sinang-ayunan siya ng manager ko at ni Clara.

Hindi daw bagay sa akin na gumanap na isang college students.

Ang theme kasi nun ay horror at school based. Pang matandang roles daw dapata ako dahil nasimulan ko na.

Habang nag iisip ng malamin ay bigla nalang ako nakarinig ng tawa ng isang lalaki sa gilid ko. Turning, I found myself face-to-face with a man, hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatago sa newspaper. Tanging ang suot lamang na white t-shirt at brown short ang napansin ko. Nakataas din ang kaliwang paa nito na ipinatong sa kanan na hita.

"Excuse me?" I said, a touch of annoyance creeping into my voice. Halata kasi na ako ang pinagtawanan nito. Napansin kasi niya na kanina pa ako nagdadabog.

Yes, nakikita ko sa peripheral vision ko na tingin siya ng tingin.

Ibinaba nito ang newspaper na hawak hawak, revealing a face that could have launched a thousand magazine covers – sharp jawline, eyes the color of storm clouds, and a mess of dark hair that defied gravity. He was breathtaking, pero bakit siya naman ang kaharap ko?

Yeah the one and only, Noah Martinez, everyone!

Mataray itong nakatingin sa akin. Halatang nangiinsunto ang lalaking ito. Paano naman ito nakarating sa lugar namin. Abe naman.

"Just enjoying the dramatics," sabi nito, his voice a low rumble. "Lost your big break, did you?" napataas naman ako ng kilay dahil dun.

"Excuse me? I wasn't aware my personal life was public entertainment." Inis na sabi ko.

Nung nakaraan lang ay wala itong pakialam sa akin ah ano nangyari sa lalaki na to ngayon. Nahipan ata ang utak nito.

Wait, wait. Nasabi ko ba sa inyo bat inis ako sa kanya?

Sa bar? Yung time na nasukahan ko siya, naalala ko na. Tinulak lang naman ako nito at nasprain ako after ay iniwan ako na umiiyak sa tabi ng basurahan. Nahh ungentleman, sana man lang ay tumawag siya ng tulong diba? Inabot pa ko ng syam syam at sa lupa na ako nakatulog kaiiyak.

Pasalamat nga ako dahil hindi iyon ang nafeature sa newspaper. Mas kasira sira iyon sa image ko kesa ang sabihing nangabit daw ako.

"Public enough for an outburst in a coffee shop," he countered, a smirk playing on his lips. Diba mayabang?

"There you go again, assuming the worst," basag ko sa sinabi niya, nilakasan ko pa para marinig niya. "Maybe I just have bad coffee."

He chuckled, a rich sound that sent shivers down to my spine despite my annoyance. "Or maybe you're just not that good an actress."

Pinagsasabi nito? Tumayo ako sa kinauupuan ko saka tumabi sa kanya. Nasa isang lamensa kasi siya na may dalawang upuan. Ang kinalalagyan ko naman na kaharap niya ay may isang upuan lamang. Sa kamalas malasan ulit sa dami ng upuan ay duun pa sa kung nasaan siya ako napunta.

“Kung ayaw mo ng pangalawang issue tungkol satin ay mas mainam na lumayo ka sakin Miss” sabi nito pero naunahan na ako ng inis ko kanina eh.

Kaya sa halip na tumayo dahil tama siya ay pinilit ko pa din ang gusto ko para hindi mapahiya sa harap niya.

"And maybe you're just a rich jerk with nothing better to do than belittle struggling artists!" sigaw ko.

Hindi pinansin ang sinabi niya tungkol sa paglayo ko sa kanya. Don’t worry kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa loob ng coffeeshop at saka iyong kaibigan ko na may ari.

Alam naman na nito ang kalakaran sa showbiz kaya hindi niya na kami pinansin dalawa dito.

"Struggling artist, huh?" He folded the newspaper neatly, revealing a headline that screamed 'Noah Martinez - Bachelor and Ceo of Martinez Company'. "Well, Ms. Struggling Artist/Lasinggerang di marunong umuwi plus iyakin, I happen to be Noah Martinez, and trust me, I know a thing or two about struggle."

Hindi ba? Ganyan siya kayabang. Akala mo naman dumaan sa hirap eh mga ninuno niya nagtayo ng kumpanyang hinawakan niya. Spoiled brat.

Kung magsalita parang pinagdaanan lahat ng hirap sa buong mundo. Struggle your ass.

"So the billionaire wants to play therapist?" I said, my voice is cooler now, laced with sarcasm.

"Not exactly," sagot naman nito, his gaze softening slightly. "But maybe a little perspective wouldn't hurt. The world doesn't owe you a starring role, sweetheart. You gotta fight for it."

Ay ang taray diba? "And what would you know about fighting?" I challenged him. "Your biggest battle is probably choosing which yacht to buy."

Noah's eyes narrowed. "You have no idea," he said, his voice clipped.

“Ah talaga ba?” nangiinis na wika ko.

“Hindi porjket mayaman ay wala na kaming problema” sabi naman nito.

Sasagot na sana ako pero bigla nalang nag buzz iyong cellphone ko. Tumatawag si Clara.

Lumayo ako kay Noah at sinagot ang tawag.

“Asan ka na naman, jusko ka,” wika nito pagkasagot ko. “Alam mo bang may lumabas na naman na picture ninyo ni Mr. Martinez na magkatabi sa isang lamensa” sagot nito sa akin.

Napatingin naman ako sa humihigop na kape na si Noah. Hindi aware sa nangyayari sa paligid.

“San naman nanggaling ang picture na iyon, kaming dalawa lang ang tao dito sa Caba” medyo panic na sabi ko.

“Bilisan mo at umuwi ka na bago pa makita ng manager mo iyon. Mag isip ka na ng paliwanag mo” sabi niya sabay patay sa cellphone.

Isang problema na naman.

Bumalik ako sa table namin ni Noah kanina. Naabutan ko pa ito na mataray ang tingin sa akin kaya inirapan ko ito noong nagkatinginan kami.

“May picture na kumakalat na naman online” mahinhin na sabi ko sabay pakita sa kanya nung picture na sinend sa akin ni Clara pagkapatay niya sa tawag.

Nakunan iyon sa labas nitong coffee shop dahil may salamin at kita lang kami na nasa loob. Tulad nung upo ni Noah na nakahawak sa newspaper kanina. Kung sa gawi ko ay nakatago ang mukha ni Noah kanina kaya hindi ko siya napansin dun sa picture ay kitang kita ang mukha niya.

Kitang kita ang mukha naming dalawa. Halata pa sa itsura ko na problemadong problemado ko.

“Ayos ang, ang pogi ko dyan” wika nito.

Napahead to foot naman ako sa kanya kahit nakaupo siya sa bangko. Infairness pogi nga siya dun.

“Anong gagawin namin? May kumakalat na naman” medyo panic na sabi ko.

Tahimik naman na inubos ni Noah ang kape niya na malamig na.

“None” sabi nito.

Saka tumayo sa upuan at naglakad na palabas ng coffeeshop. Abe iiwan na agad ko pagkatapos manginsulto kanina?

Masama talaga ang ugali ng lalaki nato.

“Be my wife. That’s the solution” sabi nito bago sumara ang pintuan ng Coffeeshop.

Naiwan naman akong nakatanga dito sa may upuan.

“Be your wife?” bulong ko sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status