Share

Kabanata 7

“Madam Beautiful, mag-o-audition po kami!” Tumingala si Daisie, para bang mayroong nakatagong bituin sa mga mata niya dahil sa linaw ng mga ito.

Huminga nang malalim si Nova at pinakalma ang puso niya.

‘Paanong magiging anak ni Mr. Goldmann ang mga cute at magagandang bata na ito? Ayon sa pagkakakilala ko kay Mr. Goldmann, imposibleng nagkaroon siya ng mga anak.’

Lumuhod siya at hinawakan ang kanilang mga maliliit na ulo. “Anong mga pangalan niyo?”

“Ako po si Daisie.”

“Ako po si Waylon.”

Sabay na sagot ng dalawang bata.

Namamangha si Nova sa sobrang cute ng mga bata.

‘Bukod sa kanilang cuteness, napakaganda rin nila. Kung ilalagay sila sa harapan ng camera…’

Nakabalik si Nova mula sa malalim niyang iniisip, tumayo, at sumigaw sa staff sa paligid niya, “Kayo, bilisan niyo! Kunin niyo ang dalawang model na ito at bihisan sila!”

Hindi na siya makapaghintay na makita ang mga resulta!

Huminto ang Maybach sa gilid ng kalsada sa harapan ng Blackgold Tower. Sinabihan ng driver ang lahat ng bodyguards na naghihintay sa entrance na itabi ang mga nakapaligid na tao at gumawa ng dalawang pila.

Lumabas si Nolan sa kotse at dumiretso sa lobby gamit ang mahahaba niyang mga binti.

Sa kabilang bahagi ng headquarters, si Nova na kumuha ng ilang set ng litrato ay nagpadala ng dalawang litrato kay Quincy. Hindi na niya pinaayos pa ang mga litrato.

Binagalan ni Quincy ang paglalakad, nilabas ang phone mula sa kaniyang bulsa at tiningnan ito. Halata sa mukha niya ang gulat pinalaki niya pa ang litrato dahil sa kaniyang pagkamangha.

Mabilis niyang hinabol si Quincy “Mr. Goldmann.”

“Anong problema?” Lumakad si Nolan sa elevator na para lamang sa kaniya at pinindot naman ng security guard ang button para bumukas ang elevator. Saka siya pumasok sa elevator at saka naman inabot ni Quincy ang phone sa kaniya. “Dapat niyong makita ito.”

Tiningnan ni Nolan ang screen, nagdilim ang mga mata niya.

Bukod sa mga importanteng bagay, hindi nagtatagal ng isang minuto ang pagtingin niy sa screen. Gayunpaman, tatlong minuto niyang tinitigan ang screen sa pagkakataong ito.

“Si Nova Daniell ang nagpadala sa akin ng mga litratong ito. Ang brand endorsement department ng ‘Young Faces’ ang nakakita sa dalawang models, at kamukha nila…kayo.”

Kung titingnan nang mabuti, ang mata ng batang lalaki ay katulad na katulad ng kay Nolan. Halos parehong-pareho din ang itsura ng dalawang bata sa kaniya, lalong-lalo na ang lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nolan at binalik ang phone kay Quincy. “Nasaan na ang dalawang bata ngayon?”

“Nasa studio pa siguro sila.”

Pinindot ni Nolan ang floor number para dalhin siya sa floor kung saan ginagawa ang shooting. Sa kung anumang dahilan, gusto niyang makita ang dalawang bata.

Habang nakaharap sa computer, pinasok ni Colton ang control center ng Blackgold at binabantayan ang surveillance ng buong Blackgold Tower. Pinidot niya ang screen para mag-zoom in, nakita niya si Nolan na papunta sa photography department, tinawagan niya si Waylon.

Nag-vibrate ang smartwatch na suot ni Waylon, kaya tahimik siyang pumunta sa isang sulok at sinagot ang tawag. “Colton, anong nangyari?”

“Pupuntahan na kayo ni Nolan ngayon. Tawagin mo si Daisie at lapitan niyo siya. Huwag mong kalimutan na kumuha ng buhok niya!”

“OKay!”

Lumapit si Waylon kay Daisie at bumulong pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Natapos ang bulungan nang tumango si Daisie habang sinasabing, “Roger that.”

Habang nasa harapan si Colton ng computer ay tumawa siya.

‘Walang maaabot kung walang itataya. Malalaman namin kung si Nolan Goldmann nga ang daddy namin o hindi pagkatapos naming makuha ang hibla ng buhok niya para sa DNA Verification. Malalaman namin ang lahat!”

Dumating si Nolan sa labas ng filming department, malapad ang ngiti ni Nova nang batiin siya. “Mr. Goldmann, bakit kayo narito?”

Nagsalita si Quincy bago pa bumukas ang bibig ni Nolan. “Nasaan na ang dalawang batang model?”

“Ang mga model? Naroon sila.” Tinuro ni Nova ang direksyon ng dalawang bata.

Nakatuntong sa upuan ang dalawang bata at sinisilip ang lens ng camera na para bang manghang-mangha sila.

Lumapit sa kanila si Nolan.

“Daisie, Waylon,” Tinawag sila ni Nova, at lumingon naman ang dalawang bata para makita si Nolan na nasa likod na nila.

Tumingala sila pareho at nakipagpalitan ng tingin kay Nolan. Tumayo rin si Waylon sa harapan ni Daisie nang hindi niya namamalayan, pinoprotektahan niya ang kapatid.

Magkamukhang-magkamukha sila ni Nolan kapag nakakunot ang noo.

“Sino ka?” Tanong ni Waylon kahit alam niya na ang sagot. Tinititigan lang niya si Nolan.

Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Sino ka?”

“Mayroon ka bang pakialam doon?”

Nagpapawis ang mga noo nina Quincy at Nova.

‘Hindi ba’t masiyado namang matapang at masungit ang batang ito?’

Hinila ni Daisie ang laylayan ng damit ni Waylon, nagpanggap siyang natatakot. “Waylon, gusto ko nang umuwi.”

Hinaplos ni Waylon ang ulo niya para pagaanin ang loob ni Daisie. “Huwag kang matakot, nandito lang ako.”

Bakas ang awa sa mga mata ni Nolan.

“Mukha ba akong masungit at nakakatakot? Iniisip ba ng batang ito na mayroon akong masamang balak sa kanila?’

“Ako ang may-ari ng kumpanyang ito. Nasaan ang mga magulang niyo?” Naging kalmado ang tono at attitude niya.

Gulat na gulat sina Quincy at Nova nang marinig nila sa unang pagkakataon ang malambot at banayad na boses ni Nolan.

Mahinang sumagot si Daisie, “Busy po ang mommy namin, at hindi namin alam kung nasaan ang daddy namin.”

Malalim ang iniisip ni Nolan nang biglang lumapit si Daisie sa kaniya at inunat ang mga kamay. “Mr. Pogi, gusto ko po ng yakap!”

Nagulat ang lahat ng naroon. Ang lakas ng loob ng batang ito para magpabuhat kay Nolan!

Hinila ni Waylon si Daisie. “Daisie, ang sabi ni Mommy ay hindi dapat tayo magpabuhat sa hindi natin kakilala. Maki-kidnap tayo.”

“Pero, hindi naman siya mukhang masama, hindi ba?”

Nasa ere na ang maliit at malambot na katawan ni Daisie pagkatapos niyang magsalita.

Nagulat na naman ang lahat.

Pinulupot ni Daisie ang mga braso niya sa leeg ni Nolan at tinitigan si Nolan gamit ang malalaki at cute niyang mga mata. “Mr. Pogi, pareho kayo ng mata ng kapatid ko!”

Hindi pa kailanman nasubukan ni Nolan na magbuhat ng isang bata, kaya naman kakaibang karanasan ang naibigay sa kaniya ng yakap na ito.

‘Mayroong kamukha ang batang babae na ito.’

“Anong pangalan ng mommy mo?”
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gie Mar
I think the same ang story na ito sa the tycoon triplets,,
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana sabihin mo Daisie kung sino ang ina nyo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status