'Isang designer?'Bahagyang naging seryoso ang mukha ni Nolan, at hindi niya mapigilang titigan si Colton. "Anong pangalan niya?""Hindi ganoon kasikat ang mommy namin, kaya hindi niyo siya makikikala kahit na sabihin namin ang pangalan niya sa inyo. Nga pala, mister, mayroon ba kayong girlfriend?" Mabilis na binago ni Colton ang usapan.Naningkit ang mga mata ni Nolan.'Girlfriend? mayroon akong kasamang babae, pero hindi ko kailanman inamin ja girlfriend ko siya.'Ngumiti si Colton. "Bakit hindi namin ipakilala sa inyo ang mommy namin? kahit na hindi gaanong sikat ang Mommy namin, napakagaling naman niya. Napakaganda rin ng mommy namin. Tingnan mo naman kami! Nakikita niyo na dapat kung gaano kaganda amg mommy namin!'Tinikom ni Nolan ang mga labi at walang anumang sinabi.‘Sobrang naiiba nga ang itsura ng dalawang batang ito, kaya marahil ay maganda rin ang babaeng nagsilang sa kanila.‘Pero sa anumang kadahilanan, imposible para sa akin na hindi maniwalang wala silang kaugn
Nang makita na talagang naiinis na si Nolan, alam ni Leila na walang mabuting maidudulot sa kaniya kung mas lalo niya pang gagalitin si Nolan.Nagngalit ang mga ngipin niya at yumuko sa dalawang bata. “Pasensiya na, mga bata. Kasalanan ni tita, kaya patawarin niyo na ako.”'Bwiset, hindi ko kayang dalhin nang mas magaan itong problema. Talagang hindi sila magtatagal dito kung ganun sila kasasamang mga bata!'Pag-alis ni Leila, tumingin si Nolan kay Daisie. Bigla namang inangat ni Daisie ang kaniyang mukha at hinawakan ang kamay ni Colton. "Pasensya na, ayaw na naming kumain. Gusto na naming umuwi."Naguguluhan si Nolan, pero kung iisipin kung ano ang nangyari, alam niya na baka natatakot din ang mga bata. "Sige, ihahatid ko na kayo pabalik.""Hayaan mo na, kami na lang ang babalik." Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Colton at biglang umalis.Tulala namn si Quincy, "Mr. Goldmann, medyo may galit ang mga batang ito, huh?"Hindi siya sinagot ni Nolan pero tumingin siya sa dalawang
Marahil galit nga si Leila kay Maisie, pero naipon niya na ang lahat ng poot sa loob niya. Kaya naman, pagkauwi niya ay nagpunta siya kay Stephen at nagreklamo tungkol kay Maisie.Binaba ni Stephen ang diyaryo, halatang nagulat siya. “Bumalik na si Zee sa Zlokova?”“Oo, siya na si Zora ngayon, isang world-renowned jewelry designer. Narinig kong sinabi ni Willow na sa sobrang lakas ng loob niya ay wala siyang pakialam na igalang si Mr. Goldmann, lalo na kami ni Willow.”Dahil alam ni Stephen na karelasyon ng anak niyang si Willow si Mr. Goldmann, malaki ang inaasahan niya rito at pinapahalagahan niya ito nang sobra.Kaya naman, natural lamang na hindi siya pwedeng maupo at manood na lang mula sa sulok ngayong nalaman niyang nakikipagsagutan si Maisie kay Mr. Goldmann. Pagkatapos ng lahat, hindi lang reputasyon at status ang gusto ni Stephen, ayaw niya rin galitin ang mga Goldmann. Paano niya magagawang maupo na lang sa buong insidenteng ito at panooring makuha sa kaniya ang perpekto
“Huminga nang malalim si Maisie upang pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Hindi ako sigurado sa kung anong klaseng attitude ang gustong makita ni Mr. Goldmann mula sa amin. Kung paghingi iyon ng patawad, ako na ang hihingi alang-alang sa kaibigan ko.”‘Paghingi lang ng patawad ang gusto niya, hindi ba?’Inipon ni Maisie ang lahat ng positibong emosyon sa loob niya at yumuko sa harapan ni Nolan. “Pasensiya na, Mr. Goldmann.”Nang makita ang pagyuko ni Maisie, ang ironic ng pakiramdam ni Nolan. “Hindi ko inaasahang hihingi ng patawad si Miss Vanderbilt para sa kaibigan niya. Hindi ko makitang ikaw ang klase ng taong gagawa ng ikasasakit ng kapatid mo.”Mapaghinalang tinuwid ni Maisie ang kaniyang tayo. “Anong ibig sabihin ni Mr. Goldmann?”‘Sinaktan ko ang kapatid ko? Si Willow ba ang tinutukoy niya?’Lumapit si Nolan sa kaniya, at walang emosyong sinabing, “Akala ko ay isa kang taong tatanggapin ang consequences ng mga nagawa niya, pero mukhang hindi ka ganoon.”Tumalikod na siya
Walang sinabi si Maisie.'Binuhos nila ang lahat ng makakaya nila para mapauwi ako para sa dinner. Inimbita pa nila si Nolan dito at pinipilit akong huwag manatili para sa dinner. Kung ganoon, kailangan kong manatili rito para makita kung anong pinaplano ng mag-inang ito.'Tumingala sita at tumawa. "Okay, hindi na ako aalis para sa dinner."Hindi inaasahan nina Willow at Leila na papayag si Maisie, pero sumasang-ayon ang lahat sa plano nila.Nakayuko lamang si Maisie at hindi nagsasalita habang kumakain. Halos tahimik rin sina Stephen at Leila buong dinner, marahil dahil sa presensya ni Nolan.Hindi gaanong kumain si Nolan. Gusto niyang tanggihan ang imbitasyon ni Willow nang magpasama ito sa kaniya pabalik sa bahay ng mga Vanderbilt, pero nabanggit si Maisie.Dahil sa sinabi ni Willow na si Maisie ang nag-imbita sa kaniya sa bahay ng mga Vanderbilt, gusto niyang makita kung anong tinatago ni Maisie."Zee, anong nangyari sa iyo nitong nakaraang mga taon?"Iyon lang siguro ang p
"Mr.Goldmann, bakit mo naman naisip na sinadya ko iyon? ang tanging ginawa ko lang ay ipareha ka kay Willow, hindi ha?" Paliwanag niya habang nagpupumiglas.Sapilitan siyang hinila ni Nolan, at muntik nang bumagsak si Maisie sa mga braso niya.Malamig ang kaniyang boses. "Ikaw ang nagsabi kay Willow na imbitahin ako sa bahay ng mga Vanderbilt. At iyon ang pinaplano mong gawin?"Nagulat si Maisie at nagduda. Saka siya tumingala, pinantayan ang tingin ni Nolan at natawa. "Ako pala ang nagsabi kay Willow na imbitahin ka sa bahay ng mga Vanderbilt? napakaganda ng reputasyon ko, ano?"Mariin at malamig ang titig ni Nolan. "Maisie Vanderbilt, wala ka sa posisyon para pakialaman ang kung anumang mayroon sa amin ni Willow. Wala akong pakialam kung anong balak mo, huwag kang umaktong parang isa lanh wisenheimer.""Nolan, mayroon akong sasabihin sa iyo ngayon. Hindi ko sinabi kay Willow na imbitahin ka rito. Kahit na hindi ko alam kung anong sinabi sa iyo ni Willow, wala akong kinalaman rit
"Nakahalukipkip si Maisie habang nakatingin kay Willow. “Bakit hindi ka mismo magtanong sa boyfriend mo? Bakit mo ako tinatanong?”‘Nakakatawa ito. Para bang pinapalabas niyang inagaw ko ang boyfriend niya sa kaniya.’Namutla ang mukha ni Willow dahil sa galit. “Maisie Vanderbilt, mawawala rin ang yabang mo, maghintay ka lang!’Tinabig niya ang braso niya at umalis matapos magbigay ng ganoong banta.Naningkit ang mga mata ni Maisie habang tinitingnan ang pag-alis ni Willow sa eksena. Sino ang mananalo sa huli? Wala pang nakakaalam.’Sa opisina ni Maisie…Nakaupo si Maisie sa harapan ng computer niya at nagsu-surf sa internet nang biglang isang staff member ang nagmamadaling pumasok. “Ms. Zora, mayroong nangyari!”Mahinahong tinaas ni Maisie ang tingin nang makita kung gaano kakabado ang staff. “Anong nangyari?”“Ilang customer ang bumili ng alahas sa store natin at nalaman nilang peke lahat iyon. Natrack nila ang pinaggalingan ng alahas sa kumpanya natin at nasa office building
Tiningnan ni Maisie si Willow, binaba niya ang hawak na pearl bracelet. Bahagyang nakakurba ang sulok ng kaniyang mga labi. “Hindi ko inorder ang batch ng mga pekeng ito, kaya hindi ko aakuin ang sisi.”Lumapit si Willow at hinawakan ang kamay ni Maisie. “Zee, sabihin mo dapat ang totoo. Pagkatapos ng lahat, kumpanya pa rin ng tatay mo ang Vaenna. Hindi mo dapat sirain ang pinaghirapan ng tatay mo, tama?”“Nagsasabi ako ng totoo.” Seryoso ang mukha ni Maisie habang hinihila ang kamay niya palayo, kinuha niya ang pear bracelet at lumapit sa babae. “Madam, bumili kayo ng pekeng alahas sa Vaenna at alam kong hindi maganda ang mood niyo. Binayaran niyo ito ng pera niyo.“Pero huwag kayong mag-alala, hindi ko pwedeng hayaan na bumagsak ang reputasyon ng Venna sa putikan dahil lang sa ilang peke. Pinapangako kong hindi lang maibabalik ang pera niyo, pero makukuha niyo rin ang tunay na produkto pagkatapos kong malaman ang nasa likod ng insidenteng ito.”Nabigla ang babae. Natural lang na