“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi
Ang matalim na tingin ng lalaki ang tumambad kay Maisie nang lumingon siya. Natulala siya dahil sa mukha nito.Maputi ang balat ng lalaki, napakaganda ng features ng mukha nito, kapansin-pansin ang kulay amber nitong mga mata na tila mayroong tinatagong lalim, at isang linya ng maninipis na labi na kasing talim ng kutsilyo.Kamukhang-kamukha nito sina Colton at Waylon. Pareho din sila ng kulay ng mga mata!Nalaman lang ni Maisie na triplets ang magiging anak niya noong nasa labor na siya sa Stoslo. Walang namana sa itsura niya ang panganay at pangalawa niyang anak. Pero, mayroong kaunting pagkakahawig sa kaniya ang bunso na mayroong itim na itim na buhok–kapareho din ng lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang tinititigan niya ang lalaki sa harapan niya.‘Sino ang lalaking ito? Anong relasyon niya kay WIllow?’Naka-focus ang mga mata ni Nolan Goldmann sa mukha ni Maisie. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. ‘Ang babaeng ito…’Nang makitang
”Alam ng lahat na isang VIP si Nolan na minsan na rin inimbita ng royal family ng Stoslo, at kaibigan niya rin ang prinsesa ng Stoslo. Natural lamang na nakita na niya ang commemorative medal ng royal family. Makikita niya ang tricks ni Maisie kahit na mayrooon man itong maipakita!”Ngumisi si Maisie. “Bakit ko ipapakita sa iyo ang ganoong kahalagang bagay?”Pinapahawatig nitong hindi siya karapat-dapat!Nanginginig na sa galit si Willow pero mayroon pa rin ngisi sa mukha niya. “Ibig bang sabihin ay wala kang lakas ng loob na maipakita iyon?”“Tingnan mo siya, Nolan. Sinungaling siya. Alam niyang minsan ka ng bumisita sa royal family at makikilala mo ang medal. Kaya wala siyang lakas ng loob na ilabas iyon.” Ibang-iba ang ugali ni Willow pagdating kay Nolan.Seryosong tumaas ang maninipis na labi ni Nolan. “Ideya ko ang pagbabayad ng $150,000,000. Ideya ko rin ang pagkuha kay Zora bilang designer namin. Kaya naman, palalagpasin ko ang nangyari ngayong araw kung mapapatunayan mong
Dinaka ni Maisi ang cell phone papunta sa balcony at sinagot ang tawag. “Anong nangyari, pinagsisisihan na ba ni DIrector Vanderbilt ang ginawa niya?”Nagngangalit ang mga ngipin ni WIllow sa inis nang marinig niya iyon. “Maisie, huwag kang magpakampante.Karangalan mo na handa kaming bayaran ka ng $150,000,000 para magtrabaho sa amin!”“Oh talaga? Parang pinapalabas mo namang kailangan na kailangan ko ng milyones niyo.” Sumandal si Maisie sa balcony habang mayroong ngiti sa mga labi. “Dahil hindi naman sincere ang collaboration na ito, huwag mo na akong tawagan.”“Sandali!” Sigaw ni Willow, umupo siya sa kaniyang office’s desk at ngumisi. “Maisie Vanderbilt, huwag mong kalimutan na hawak ko pa rin ang video.”Unti-unting nagdilim ang ekspresyon ni Maisie nang marinig niya ang salitang “video.”Ngumisi si WIlow nang wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. “Kung ayaw mong ilabas ko ang nangyari noon, pinapayuhan kitang pumunta rito at makipag-usap sa akin bukas nang umaga.”
‘Humingi ng patawad? Gusto niyang bumalik ako at humingi ng patawad kay Willow?’Ngumisi si Maisie at tiningnan nang masama si Nolan. “Mamamatay muna ako.”Hindi inaasahan ni Nolan na bukod sa matapang at mayabang ang babaeng ito, matigas rin pala ang ulo nito. Naninigas ang mukha niya sa inis. “Kung hindi ka hihingi ng patawad, mabubura ang pangalan ni Zora sa fashion at jewelry field bukas.”Noong una ay ayaw niyang pahirapan si Maisie, pero itinuturing niyang tagapagligtas si WIllow. Mas-set up sana siya anim na taon na ang nakalilipas nang gabing iyon kung hindi dahil sa kaniya.Kahit na wala siyang nararadaman para kay Willow, hindi niya ito iniwanan sa mga nagdaang taon at hindi hinihindian ang mga materyal na pangangailan nito.Talagang hindi maganda ang lagay ng Vaenna Jewelry sa mga nakalipas na taon, kaya naman siya na ang magbabayad ng $150,000,000 kay Zora.Alam niyang kasalanan ni WIllow sampal na iyon, kaya sasabihin niya rin kay WIllow na humingi ng patawad kay Zor
“Madam Beautiful, mag-o-audition po kami!” Tumingala si Daisie, para bang mayroong nakatagong bituin sa mga mata niya dahil sa linaw ng mga ito.Huminga nang malalim si Nova at pinakalma ang puso niya.‘Paanong magiging anak ni Mr. Goldmann ang mga cute at magagandang bata na ito? Ayon sa pagkakakilala ko kay Mr. Goldmann, imposibleng nagkaroon siya ng mga anak.’Lumuhod siya at hinawakan ang kanilang mga maliliit na ulo. “Anong mga pangalan niyo?”“Ako po si Daisie.”“Ako po si Waylon.”Sabay na sagot ng dalawang bata.Namamangha si Nova sa sobrang cute ng mga bata.‘Bukod sa kanilang cuteness, napakaganda rin nila. Kung ilalagay sila sa harapan ng camera…’Nakabalik si Nova mula sa malalim niyang iniisip, tumayo, at sumigaw sa staff sa paligid niya, “Kayo, bilisan niyo! Kunin niyo ang dalawang model na ito at bihisan sila!”Hindi na siya makapaghintay na makita ang mga resulta!Huminto ang Maybach sa gilid ng kalsada sa harapan ng Blackgold Tower. Sinabihan ng driver ang l
“Ang sabi sa amin ni Mommy pwede lang namin sabihing Her Royal Highness ang pangalan niya kapag mayroong magtanong.” Tumawa si Daisie.Hindi napigilan ni Nova ang matawa, pero kaagad niya itong pinigil.‘Haha, hindi ba’t napaka-adorable ng dalawang batang ito? Anong klaseng ina ang nagtuturo sa kanila?’Dumapo ang tingin ni Nolan kay Waylon na kamukhang-kamukha niya.Kung hindi dahil sa katotohanang si Willow lang ang nakatalik niya, mapapaisip siya kung siya nga ang ama ng dalawang batang ito.Tiningnan ni Daisie ang relo niya at sinabing, “Mr. Pogi, kailangan na namin umuwi. Kung hindi, mag-aalala na si Her Royal Highness.:Binaba siya ni Nolan, tumalikod at sinabi kay Quincy, “Ihatid mo silang dalawa.”Sandaling natulala si Quincy bagio tumango. “Yes, sir.”“Paalam po, Mr. Pogi!” Kinawayan ni Daisie si Nolan, hinawakan niya ang kamay ng kapatid at umalis sa studio kasama ni Quincy.Sa sandaling nakalabas siya, masaya niyang pinakita kay Waylon ang hibla ng buhok.Hinila ni
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini