Share

Kabanata 2

Sa airport ng royal capital of Bassburgh…

Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.

Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.

Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.

Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!

Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”

Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hindi na mahalaga na triplets ang mga anak ni Maisie, ang talagang nakakagulat ay ang mala-anghel na itsura ng mga bata, at sobrang bata pa nila! HIndi mapigilang magtaka ng babae kung sino ang napakagwapong diyos na nakabuntis kay Maisie!

Binaba ni Maisie ang buhat niyang batang babae. Hinaplos niya ang maliliit na ulo ng tatlo at sinabi sa kanila, “Siya ang ninang niyo, si Ryleigh HIll.”

Si Ryleigh ang best friend ni Maisie Vanderbilt. Matapos niyang mapalayas sa bahay ng mga Vanderbilt, nagpunta siya sa ibang bansa. Hindi siya iniwan ni Ryleigh.

Hindi nagtagal ay nalaman niyang buntis siya. Naisip niya ang abortion. Si Ryleigh ang kumumbinsi sa kaniya na huwag gawin iyon hanggang sa nagdesisyon siyang ituloy ang pagbubuntis sa mga bata.

Upang magkaroon ng komportableng buhay ang best friend niya sa ibang bansa, ang matigas ang ulong daddy’s princess ay binenta ang isa sa mga antigo ng tatay niya na nagkakahalaga ng $900,000, at ibinigay kay Maisie ang pera.

Frozen ang bank cards ni Maisie nang mapalayas siya sa bahay ng mga Vanderbilt. Kung hindi dahil kay Ryleigh, sa kalsada siya nakatira.

“Hello po, ninang!” Hindi sabay-sabay na yumuko ang tatlong bata nang batiin nila si Ryleigh gamit ang kanilang napakatatamis na boses.

Namula ang mukha ni Ryleigh dahil sa sobrang cuteness ng mga bata. Ngumiti siya at kumaway sa kanila. “Awww, para kayong mga anghel.”

Ang pangalawa sa magkakapatid na si Colton Vanderbilt ay lumingon sa kuya niyang si Waylon Vanderbilt at sinabing, “Nakakatawa ang itsura ng ninang natin!”

Hinawakan ni Maisie ang buhok ng dalawang batang lalaki. “Anong pinagbubulungan niyong dalawa?”

“Umm..” Nag-alinlangan si Colton.

Ang pinakabata sa kanila, si Daisie Vanderbilt ay malakas ang loob na nagsumbong. “Nagtataka si Waylon at Colton kung bakit nakakatawa itsura ni ninang!”

Nagulat ang dalawang batang lalaki. Siya nga ang kapatid nila.

Habang nagmamaneho si Ryleigh, sinulyapan niya ang rear-view mirror para makita ang tatlong bata na nakasandal sa isa’t-isa habang natutulog. Nagtanong na siya, “Zee, bakit ka nagdesisyong bumalik ngayon sa Zlokova?”

Si Maisie na nakasandal sa bintana ng passenger seat at nilalaro ang kulot niyang buhok ay biglang tumawa. “Binayaran ako ng $7,000,000 ng Vaenna Jewelry para makuha nila ako bilang designer nila.”

“HIndi ba’t pagmamay-ari ng pamilya niyo ang Vaenna Jewelry?” Napailing si Ryleigh dahil hindi siya makapaniwala. “Ang bruha mong kapatid na si WIllow ang director ng Vaenna ngayon. Sinasabi mo ba sa akin na binayaran ka niya ng $7,000,000 para magtrabaho sa kaniya?” Natawa siya nang maisip iyon. “Kapag nalaman niyang ikaw si Zora, ang world-renowned designer from Stoslo, siguradong magwawala siya!”

Gumawa ng malaking ingay si Zora sa international jewelry scene. Ang mga gawa niya ay pinagsamang modern jewelry at vintage Victorian-style craftsmanship. Bawat isa sa mga gawa niya ay kilala ng mga tao bilang gawa ng diyos.

Kahit ang royal crown na suot ng reyna ng Stoslo noong nakaraang taon sa kasal nito ay si Zora ang maingat na nag-disenyo.

Nag-isip nang mabuti si Ryleigh pero hindi niya pa rin ito maintindihan. “Bumalik ka para lang sa $7,000,000? Mas malaki ang halaga mo kumpara diyan. Bakit mo sila binibigyan ng napakagandang deal?”

Noong gusto siyang kunin ng isang jewelry company sa Stostlo, Luxella, inalok nila si Maisie ng $90,000,000!

Nakangisi si Maisie nang lumingon kay Ryleigh. “Kaya ko nga tinanggihan ang alok nila at ginawa nilang $150,000,000. Kung gusto akong bayaran ng mga Vanderbilts ng $150,000,00, matatanggihan ko ba sila?”

Ngayong bumalik na si Maisie, gagawin niya ang lahat para mabawi ang shares niya sa Vaenna!

Huminga nang malalim si Ryleigh. Pamilya laban sa pamilya. Ang brutal!

Gusto niyang makita ang itsura ni WIllow kapag napahiya na ito.

Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng entrance ng Vaenna Jewelry, lumingon si Maisie sa tatlo niyang mga anghel. “Mayroon lang aasikasuhin si Mommy. Si NInang Ryleigh na muna ang maghahatid sa inyo pauwi.”

Tumango naman ang tatlong anghel.

Pagkatapos lumabas ni Maisie sa kotse, nagtinginan ang tatlong bata, at pinalibutan si Ryleigh sa loob ng kotse.

“Ninnag, sabihin niyo sa amin lahat ng nalalaman niyo tungkol sa mga Vanderbilts at kay mommy!”

“Opo! Sikretro lang natin ito. Pinapangako namin na hindi malalaman ni Mommy!”

Sa gulat, huminto si Ryleigh at tiningnan ang maliliit na bata. “Bakit gusto niyong malaman?”

“Dahil kami ang mga sweethearts ni Mommy, at ayaw naming maapi ng kahit na sino si Mommy!”

Sumama sila sa kanilang ina pabalik sa bansang ito dahil gusto nilang ipaghiganti ang kanilang ina. Walang sinumang makakatakas sa pang-aapi sa nanay nila!

Nanlamig ang likod ni Ryleigh. 5 taon pa lang ba talaga sila?

Tumapak si Maisie sa lobby ng Vaenna headquarters. Kahit na pagmamay-ari ng mga Vanderbilts ang Vaenna, dugo, pawis at luha ng kaniyang ina ang bumuo nito. Hindi siya makapaniwalang binigay nga ng ama niya ang Vaenna sa mga kamay ni Willow!

Sa mga taong nasa ibang bansa siya, palagi niyang alam ang balita tungkol sa Vaenna. Gamit ang bago niyang status bilang MIss Vanderbilt, inalis ni Willow ang ilang high-level executives na mahalaga sa nanay ni Maisie. Dahilan para bumagsak ang reputasyon ng Vaenna sa mga nagdaang taon.

Nagbayad ang Vaenna ng $150,000,000 para kumuha ng isang designer mula sa ibang bansa. Kilalang-kilala ni Maisie ang mga Vanderbilts. Imposibleng mayroon silang ganoong kalaking halaga. Nagtataka si Maisie kung sino ang tumulong para mabayaran ang $150,000,000!

Lumapit siya sa receptionist. “Hi, gusto kong makausap si Miss Vanderbilt.”

Kaswal na nagtanong ang babae sa mesa, “Mayroon ka bang appointment?”

“Wala sa ngayon. Pero si MIss Vanderbilt ang kumausap sa akin.” Naiinis si Maisie sa trato sa kaniya ng babaeng ito.

Parang hindi propesyonal ang empleyado ni Willow.

Sinulyapan lang siya saglit ng receptionist. “Kung wala kang appointment, hindi kita matutulungan. Napaka-abalang babae ng director namin.”

Magalang na ngumiti si Maisie. “Lahat ba ng narito si Vaenna ay masama ang ugali katulad mo?”

“Anong sinabi mo? Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba nakikita na marami akong ginagawa? At saka, hindi kung sino lang si Miss Vanderbilt na pwede mong makita kung kailan mo gusto!”

“Oh, wow. Nagtataka ako kung sino ang gumagawa ng eksena rito. Nakakagulat na ikaw pala iyan, Maisie. Hindi ko akalain na mayroon ka pang lakas ng loob para magpakita sa bansang ito!”

Pagkalabas ng elevator ni Willow, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Nagulat siya nang makita niya si Maisie!

Bumalik talaga ang malanding bruha!

Dahan-dahan namang lumingon si Maisie. Habang tinitingnan ni Willow si Maisie, sumama ang kaniyang kutob. Anim na taon pa lang ang nakakalipas simula noong huli nilang pagkikita, pero ibang-iba na ang babaeng ito. Para siyang kaakit-akit na succubus!

“Hindi ba’t ikaw ang nag-imbita sa akin na bumalik sa Zlokova?” Mahinang tumawa si Maisie.

Nagulat si Willow pero bumalik pa rin ang kaniyang kayabangan. “Inimbita kita? Anim na taon pa lang ang nakalilipas pero makapal na ang mukha mo.” Nakahalukipkip siyang lumapit kay Maisie. “Wala ka bang natutunan sa anim na taon mong exile?”

Nang mabanggit ang nangyari noon, nanlamig ang mga tingin ni Maisie habang nanatili naman mahinahon ang itsura niya. “Congratulations sa pagiging director ng Vaenna Jewelry. Kaya lang, parang mas lalong pumapangit ang kumpanya sa ilalim ng pamumuno mo.”

Sana hindi magsara ang kumpanya balang araw.”

“Ikaw!”

Tinaas ni WIlow ang palad at sinampal siya sa mukha.

Natulala ang lahat dahil sa lakas ng sampal.

“Anong nangyayari?” Isang malalim at seryosong boses ang narinig malapit sa kanila.

Kaagad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Willow. Ang yabang at kasamaan na kanina’y naroon ay naglaho nang lumapit siya sa lalaki at animo’y kaawa-awa.

“Nolan, siya iyon! Kaya ko siyang patawarin sa pamamahiya sa akin, pero sumobra siya at sinumpang magsasara ang kumpanya ko.”
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana malaman ni Nolan na si Maesie talaga ang nakasama nya ng gabing yon sa hotel
goodnovel comment avatar
Geralyn Ederango
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status