Share

Kabanata 9

Kinabukasan sa Vaenna Jewelry…

Nakaupo si Maisie sa sarili niyang opisina at tinitingnan ang mga disenyo ng jewelry collection ng kumpanya sa mga nagdaang taon. Hinagis niya ang mga files sa desk. "Nasaan ang creativity? Sa nakikita ko, hindi nila ang ibig sabihin ng salitang 'design'. Lahat ba ng alahas na pinaglaanan ng napakalaking pera ng Vaenna Jewelry sa mga nakalipas na taon ay narito lang para magparami ng bilang?"

Tila nahihiya ang staff na nakatayo sa office. "Miss Zora, sinabi ni Director Vanderbilt na lahat ng bagong disenyo ay nakasunod lang dapat sa original design concept ng Vaenna."

Sumandal si Maisie sa upuan niya habang nakahalukipkip at nakangiti. "Anong original design concept ang sinusundan niyo?"

Tinaas niya ang mga litrato at ang database ng mga alahas. "Lahat ng ito ay mga walang kwentang basura nang ipakita niyo sa fashion at jewelry industry. Makapangyarihan nga si Director Vanderbilt, huh? tinanggap niya ang lahat ng elite sa design department pagkatapos niyang maupo sa pwesto. At nang hindi makagawa ang Vaenna ng sarili nitong mga produkto, ang mga natira galing sa ibang kumpanya lang ang kaya niyang ibenta. Kahit na mawalan ng pera ay hindi niya kayang gawin nang propesyonal."

Hindi na nagsalita ang clerk.

Tumayo si Maisie at sinabing, "Dalhin mo ako sa raw material warehouse."

"Sige po." Tumango ang clerk.

Naglakad si Maise kasama ang clerk papunta sa raw material warehouse at nagkataong nakasalubong nila sa entrance ng elevators ang lalaking ayaw niyang makita.

Bahagyang dumilim ang mga mata ni Nolan nang makitang hindi siya pinansin ni Maisie. Tumalikod siya. "Hindi ba dapat ay binabati mo ang isang tao kapag nakikita mo siya?"

Huminto si Maisie at naalala na ito nga ang lalaking kayang magbayad ng $150,000,000. Kaya naman, tiniis niya ang inis at tumalikod bago ngumiti nang maliit. "Tama, nice to see you, Mr. Goldmann."

"Saan ka pupunta, Miss Vanderbilt?"

Natigilan si Maisie. 'Alam niyang isa akong Vanderbilt?'

Lumapit sa kaniya si Nolan. "Saan ka pupunta?"

'Maraming libreng oras ang lalaking ito.'

Ngumisi si Maisie. "Bakit mo naitanong? dapat ba akong magpaalam sa iyo sa tuwing pupunta ako ng raw material house, Mr. Goldmann?"

'Controlling ang boyfriend ni Willow, huh?'

"Mabuti, gusto ko rin malaman kung ano ang madidiskubre mo kapag pumunta ka sa raw material warehouse."

Walang masabi si Maisie.

Ang raw material warehouse ay isang lugar kung saan iniimbak ang mga ores at raw materials na ginagamit sa paggawa ng alahas. Nang buksan ng babaeng staff ang mga ilaw, makikita ang mga kahon na nakasalansan sa gilid ng malaking warehouse, at ang mga diyamantent hindi pa natatapyas ay nakalagay sa shelves ng mesa.

Mayroong cutting machine sa mesa at lahat ng materyales ay kumpleto.

Lumapit si Maisie sa shelf, kumuha ng isang ore, at tiningnan itong mabuti. Dinala niya ang gemstone sa cutting machine.

Naalarma ang babaeng clerk at mabilis na nagtanong, "Miss Zora, anong ginagawa niyo?"

Hindi sumagot si Maisie. Bagkus, ginamit niya ang machine para buksan ang diyamante, at mayroon kaagad siyang napansin.

"Wow, umabot na rin ang Vaenna sa pamemeke ng gemstones ngayon?" Pinulot ni Maisie ang natapyas na diyamante at lumapit sa babaeng clerk. "Sino ang in charge sa raw material warehouse?"

Kinakabahang sumagot ang clerk, "Si Director Chester po."

Nagdilim ang ekspresyon ni Maisie. "Sabihin mo kay Director Chester na puntahan ako kaagad."

Lumapit si Nolan sa nahating diyamante at pinadaan ang bato sa singsing na suot niya. Isang mababaw ngunit halatang gasgas ang makikita sa ibabaw nito.

Nilapitan ni Maisie si Nolan habang nakahalukipkip, tinaas niya ang kilay at ngumisi. "Mr. Goldmann, kumpanya ito ng girlfriend niyo, wala ba kayong gagawin tungkol sa pamemeke ng gemstones?"

Binaba ni Nolan ang tingin, tumalikod at tumitig kay Maisie. "Hindi ba't ito rin ang kumpanyang sinimulan ng nanay mo?"

Nang mabanggit ang katotohanang ito, nanigas ang sulok ng mga labi ni Maisie.

"Walang magandang maidudulot kung palalakihin pa ito. Ayusin mo na lang nang tahimik." Mahinahon niyang saad.

'Ayusin nang tahimik?

'Heh, siguradong inaprubahan ni Willow ang pagkuha ng mga diyamenteng ito. Base sa market price ngayon, napakamahal ng mga tunay na produktont gawa sa diyamante, pero napakamura naman ng mga peke…

'Palalagpasin ko ito kung walang alam si Willow dito, pero hindi ako mauupo at manonood na lang kung bumili siya ng mga pekent diyamante dahil lang hindi niya kayang bayaran ang presyo nito.'

'Kung si Willow ang nasa likod nito…"

"Wala siyang alam tungkol sa mga alahas, kaya wala tayong magagawa kung naloko siya." Tumingin si Nolan kay Maisie at walang emosyong sinabi, "Huwag ka basta-bastang magbibigay ng konklusyon kung hindi mo pa alam ang buong istorya."

Palihim na natawa si Maisie. 'Para nga siyang si Waylon kapag nangangatwiran…Teka, anong iniisip ko?'

"Narito na po si Director Chester." Dinala ng babaeng clerk si Director Chester sa warehouse.

Kampante pang nakikipag-usap si Director Chester sa clerk kanina,pero nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya si Nolan.

"Mr. Gold…Mr.Goldmann, bakit kayo narito?" Namutla ang mukha ni Director Chester.

Lumapit si Nolan sa kaniya. "Anong nangyari sa mga pekeng diyamanteng ito?"

Nagsimulang pagpawisan ang noo ni Director Chester.

'Lagot na, utos ni Miss Vanderbilt ang pagbilo sa mga diyamenteng ito. Kapag nabuko iyon…

'Kahit na ituro ko si Miss Vanderbilt, girlfriend siya ni Mr.Goldmann. Ako lang ang masusunog kapag lumabas ang totoo!'

"Hindi…ako ang taong responsable sa batch ng mga ores na ito. Si Director Zaleski na nag-resign na ang in charge sa mga ores na ito. Hindi ko alam na nahulaan na ang mga batong ito."

'Nag-resign naman na ang taony iyon. Sa kaniya ko na lang ipapasa ang sisi.'

"Nagsisinungaling ka." Istriktony nagtanong si Maisie, "Hindi kailanman nakakita ng anumang hindi purong bato ang Vaenna noong nasa opisina pa si Director Zaleski. 15 taon siyang nagtrabaho sa Vaenna, hindi ba't matagal na sana siyang tinanggal kung nakagawa siya ng ganoong klaseng pagkakamali?"

Nabigla si Director Chester.

'Paano nalaman ni Miss Zora na nagtrabaho na si Xander sa Vaenna bago pa ang lahat ng ito?'

"Err…Hindi ko talaga alam.”

"Sa tingin ko, mayroon ka bang taong pinagtatakpan?" Seryosong nakatitig sa kaniya si Maisie.

Sinulyapan naman ni Nolan si Maisie ngunit wala siyang sinabi.

Lumitaw naman sa pinto si Willow sa sandaling ito.
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku nolan buksan mo yang mga mata mo sa pinag gagawa ni willow dahil pini peke ka lang ni willow na kunwari sya yong nakasama sa hotel
goodnovel comment avatar
Nail Alibo
ok mGanda xa kaso may bayad akala ko libre
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status