Share

Kabanata 13

Nang makita na talagang naiinis na si Nolan, alam ni Leila na walang mabuting maidudulot sa kaniya kung mas lalo niya pang gagalitin si Nolan.

Nagngalit ang mga ngipin niya at yumuko sa dalawang bata. “Pasensiya na, mga bata. Kasalanan ni tita, kaya patawarin niyo na ako.”

'Bwiset, hindi ko kayang dalhin nang mas magaan itong problema. Talagang hindi sila magtatagal dito kung ganun sila kasasamang mga bata!'

Pag-alis ni Leila, tumingin si Nolan kay Daisie. Bigla namang inangat ni Daisie ang kaniyang mukha at hinawakan ang kamay ni Colton. "Pasensya na, ayaw na naming kumain. Gusto na naming umuwi."

Naguguluhan si Nolan, pero kung iisipin kung ano ang nangyari, alam niya na baka natatakot din ang mga bata. "Sige, ihahatid ko na kayo pabalik."

"Hayaan mo na, kami na lang ang babalik."

Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Colton at biglang umalis.

Tulala namn si Quincy, "Mr. Goldmann, medyo may galit ang mga batang ito, huh?"

Hindi siya sinagot ni Nolan pero tumingin siya sa dalawang maliit na bagay sa likuran. Hindi siya sigurado ano ang iisipin sa puntong iyon.

Ang mga luha ni Calton ay tuluyan nang natuyo nang umalis na sila sa hotel. Ngumiti pa siya at nagmamayabang kay Daisie, "Kumusta naman yun? Hindi ba nah top-notch ang acting skills ko?"

Pero, hindi makatawa si Daisie.

Tumingin si Colton sa namumula at namamagang pisngi ni Daisie at sinabing, "Bwiset, ang matandang bruha na yun ay nakuha ka pang saktan. Hindi ko siya papakawalan pag nakita ko siya ulit!"

"Colton, ang tita na iyon ay nanay ni Willow. Totoo bang ayaw ni daddy na makilala tayo?"

Namumula ang mga mata ni Daisie, hindi man lang siya nakaramdam ng kahit anong sakit nung nabugbog siya. Pero, hindi niya matanggal ang katotohanang ang daddy niya ay nais lamang na maghingi ng tawad si Leila, at hindi na pag uusapan pa. Kitang-kita na wala siyang pakialam dahil siya ang nanay ng babaeng iyon.

Naramdaman niyang talagang hindi na sila gusto ng daddy nila, at sadyang na-disappoint siya sa kaniya.

Pinunasan ni Colton ang pisngi niya. "Huwag ka mag alala, hindi yan ang mangyayari. Ang mabisyong babaeng yun ay binubulag lamang si daddy. Maghintay pa tayo nang kaunti. Makikita rin natin sino ang totoo nating daddy sa tamang panahon."

'Hindi natin siya madaling makakausap ngayon. Makikipagaway lang si daddy kay mommy

'Kailangan nating maghintay pa nang kaunti.

'Hindi siya ang daddy na gusto natin kung patuloy niyang pinoprotektahan si Willow. Hindi rin naman natin kayang protektahan si mommy! at hindi rin natin kayang suportahan si mommy sa lahat ng ito!

Tumango si Daisie. "Oo!"

At Vaenna Jewelry…

Sa Vaenna Jewelry…

Si Leila ay naging alipin nang makilala niya si Nolan, at sa tuwing naiisip niya iyon, mas lalong hindi niya ito palalampasin. Kaya, nagmadali siyang pumunta sa Vaenna Jewelry para hanapin si Maisie.

"Maisie, bwiset ka, lumabas ka rito!" Nakilala agad ni Maisie kaninong boses iyon bago pa makapasok sa office si Leila.

Nakaupo siya sa kaniyang desk,

Pumunta si Leila sa kaniya at mabangis siyang tiningnan. "Grabe ka talaga, huh? Bumalik ka talaga sa Zlokova kasama ang dalawang b*stards pagkatapos ng anim na taon?"

'B*stards?’

Sinara ni Maisie ang mga dokumento at tumingin nang kakaiba kay Leila. "Anong ibig mong sabihin?"

"Anong ibig kong sabihin?" panunuya ni Leila, "May nakita akong dalawang bata sa restaurant kanina. Ngayon sabihin mo sa akin agad. Sayo ba ang dalawang batang 'yon?"

"Anong bata? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Inilapag ni Maisie ang mga folder.

'Nakita niya sila sa restaurant? Posible bang si Ryleigh ang nagdala sa kanila sa restaurant para kumain?

'Hindi, wala sa plano kong malaman ng Vanderbilts na kinuha ko na sila dahil ayokong mabantaan ako dahil sa aking mga anak!

"Hindi mo talaga alam ang tungkol dito?" tiningnan siya ni Leila suspiciously.

"Bakit mo naman nasabing sila ang mga anak ko? Hindi ko nga sila kilala, at nandito ka ngayon nagsasabi na nakita mo sila kung hindi pa naman kayo nagkikita sa personal dati."

Nag-isip si Leila.

'Totoo kayang ang mga batang iyon ay hindi sa bruhang ito?'

"Ms. Scott, pumunta ka rito upang tanungin ako as dahil lang may nakita kang dalawang bata. Bakit ka naman sobrang curious na ang mga batang iyon ay akin? Pero, kung sa akin man ang mga batang iyon, ano naman ito sayo?"

Hindi nakapagsalita si Leila ng ilang segundo, natawa si Maisie. "Para mong sinasabi na nanganak para sa anak mo. Imbes na problemahin mo ang mga bagay na tungkol sa akin, I advice na mas isipin mo ang anak mo."

"Ikaw!" galit na galit si Leila at hindi siya makapagsalita

"Paano naman ako? ilang taon na nakalipas simula nung binigay ng daddy ko sa anak mo ang Vaenna Jewelry, at nakita kong marami ng luma at magaspang na diamonds ngayon. Sa tingin mo bibigyan pa rin siya ng chance ni daddy sa kumpanyang ito pag nalaman niya ang tungkol dito?

Nagiba ang mukha ni Leila. "Anong lumabat magagaspang na diamonds? Huwag mo nga ako lokohin."

'F*ck man, anim na taon na ang nakalipas pero ang babaeng ito ay matalino pa rin ang dila?'

"Pero normal lang ito. ngayon ay nakatira ka na sa mayamang pamilya, at ang iniisip mo na lang ngayon ay ano ang kakainin, iinumin, saan ka magiging masaya. Kaya bakit ka pa magkakaroon ng pake sa kumpanya?" Sumandal nang kaunti si Maisie. "Kung wala kang utak sa larong ito, siguro matuto ka mula sa anak mo at bumuo ng kaalaman. Huwag mo lang pag-aralan kung paano bihisan ang iyong sarili tulad ng isang walang lasa na nouveau riche."

Namula si Leila matapos maapakan ang pagkatao, ngunit ngumiti siya nang pang asar nang makaisip siya ng isang bagay. "Pinanganak ka lang na may pilak na kutsara sa Vanderbilts simula nung bata ka, pero kung ang tatay mo ay hindi ikinasal kay Marina Gonzales, Matagal na siguro akong missus ng Vanderbilts."

"So bakit hindi ka kaagad pinakasalan ni daddy? Patawang tanong ni Maisie

Tinupi ni Leila ang kaniyang kamay, pinangalit ang kaniyang ngipin at sinabing, " Dahil bilang lalaki, pinili niya ang babaeng matutulungan siya sa career niya. Sa totoo lang, nakakaawa talaga ang nanay mo. Kahit na siya ang opisyal na asawa, hindi ba't niloko siya ng iyong ama sa huli?"

Nang makita kung gaano nanlamig ang mga mata ni Maisie, ipinagmamalaki ni Leila. "May mga taong nakatakdang bigyan ng magandang buhay, ngunit nakakalungkot na mabilis din silang maubusan ng suwerte. Ikaw at ang nanay mo ang mga klasikong halimbawa. Papakasalan ba ng daddy mo ang iyong ina kung hindi siya isang taga-disenyo sa simula? At liligawan ba niya ako pagkatapos ng tatlong taong kasal?

"Ayaw ng mga lalaki ang babaeng may kakayahan at sadyang pipiliin ang mas mahina. Alam ko ang gusto ng daddy mo at alam ko paano siya mapapayag, samantalang ang alam lang ng ina mo ay sabihan siyang unahin ang kaniyang career. Lahat ng lalaki ay mapapagod kaagad sa ganiyang klaseng babae.

Nakikinig sa pagmamalaki at kasiyahan ni Leila sa kanyang pagkilos at sa kanyang mga paliwanag hindi niya napansin na napatawa si Maisie. "Tama ka, ang isang tao ay wala ng talo kung nakamiy na niya ang pinakanakakahiyang bagay. Kung ang nanay ko ay maging kasing kapal mo, paano ka nagkaroon ng pagkakataon na idamay ang sarili mo sa kasal niya?"

"Ikaw…" galit na galit si Leila na hindi man lang siya makasagot

Tinatamad na iginalaw ni Maisie ang kaniyang kamay. "Ms. Scott kung wala ka ng gustong sabihin, patawarin mo ako kung mawalan ako ng mabuting pakikitungo. Pagtapos ng lahat, ang anak mo ay ginulo ang buong Vaenna Jewelry, at sa tingin ko sadyang matatag ang kumpanya dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang negosyo.

Tinupi ni Leila ang kaniyang kamay na may nakakainis na ekspresyon. "Huwag ka masyadong magmayabang dahil lamang kilala kang taga-disenyo ng alahas, Zora. Walang wala ka kung ikukumpara kay Mr. Goldmann.

"Hayaan mo akong ilagay muna dyan, mas mabuting huwag ka na mag-isip tungkol kay Mr. Goldmann. Si Willie ang totoong girlfriend ni Mr. Goldmann, at wala kang lugar para makipaglaban pa sa kaniya."

Pagtapos magsalita ni Leila, tumalikod na siya, at umalis papalabas ng opisina.

Ang ngiti sa mga labi ni Maisie ay maya-mayang naglaho.

'Wala akong pakialam sa boyfriend ni Willow, pero pag dating sa Vaenna Jewelry, ito ang isang bagay na hindi ko palalagpasin ano man ang mangyari.
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan lumaban ka Maisei huwag mong hahayaang tapak tapakan ka ng mag inang Willow
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status