Share

Kabanata 12

'Isang designer?'

Bahagyang naging seryoso ang mukha ni Nolan, at hindi niya mapigilang titigan si Colton. "Anong pangalan niya?"

"Hindi ganoon kasikat ang mommy namin, kaya hindi niyo siya makikikala kahit na sabihin namin ang pangalan niya sa inyo. Nga pala, mister, mayroon ba kayong girlfriend?" Mabilis na binago ni Colton ang usapan.

Naningkit ang mga mata ni Nolan.

'Girlfriend? mayroon akong kasamang babae, pero hindi ko kailanman inamin ja girlfriend ko siya.'

Ngumiti si Colton. "Bakit hindi namin ipakilala sa inyo ang mommy namin? kahit na hindi gaanong sikat ang Mommy namin, napakagaling naman niya. Napakaganda rin ng mommy namin. Tingnan mo naman kami! Nakikita niyo na dapat kung gaano kaganda amg mommy namin!'

Tinikom ni Nolan ang mga labi at walang anumang sinabi.

‘Sobrang naiiba nga ang itsura ng dalawang batang ito, kaya marahil ay maganda rin ang babaeng nagsilang sa kanila.

‘Pero sa anumang kadahilanan, imposible para sa akin na hindi maniwalang wala silang kaugnayan sa akin sa tuwing tinitingnan ko sila. Pero hindi nabuntis at nanganak si Willow.

‘At saka, parang pamilyar ang mukha ng batang babae habang mas lalo ko siyang tinitingnan…’

Nag-vibrate ang smartwatch ni Colton, yumuko siya at tiningnan ito. Tawag ito mula kay Waylon.

Nagpaalam siya at tumayo. “Mister, kailangan kong pumunta sa banyo.”

Tumakbo si Colton sa entrance ng banyo, pinindot ang answer button at nilagay ang relo sa kaniyang tainga. “Waylon?”

Nasa ospital ngayon si Waylon at hawak na niya ngayon ang DNA results.

“Colton, lumabas na ang resulta.”

“Siya ba ang daddy natin?”

“Oo, siya nga ang daddy natin!”

Tumango si Colton at kumunot ang noo matapos marinig ang sagot ni Waylon. “Hindi na nakapagtataka kung bakit kamukhang-kamukha natin siya. At dahil siya ang daddy natin, bakit kasama niya ang masamang babaeng iyon?”

Lumabas si Waylon sa entrance ng ospital dala-dala ang DNA results at sinabing, “Hindi ba’t sinabi sa atin ni ninang ang kwento? Pinalayas si Mommy sa bahay ng mga Vanderbilt dahil sa masamang planong ginawa ng babaeng iyon noon. Hindi alam ni Daddy ang tungkol sa atin. Hindi niya rin kilala ang Mommy natin. Siguradong dahil iyon sa masamang babae na iyon.”

Nagdilim ang mukha ni Colton. “Hmph, gustong angkinin ng masamang babae na iyon ang daddy natin? Mangarap siya!’

‘Maghintay lang siya at panoorin kung paano namin kikidnapin ang daddy namin!’

Biglang bumagsak si Colton sa sahig nang patalikod na siya.

Isang boses ng babae ang biglang narinig. “Saan nanggaling ang bastardong ito? Wala ka bang mga mataa?”

Pinagpag ni Leila ang damit niyang suot. Lahat ng ito ay mula sa isang designer brand, napakamahal, at nag-aalinlangan siyang isuot ito sa bahay. Sinusuot niya lang ito sa tuwing lalabas siya at kakain dito kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Paano siya matutuwa ngayong nadumihan ito ng isang bata?

Gayunpaman, pagkatapos niyang makita ang mukha ng bata, nalukot ang mukha ni Leila dahil sa gulat.

‘Ang batang ito…Bakit kamukhang-kamukha niya si Mr. Goldmann?’

Tumayo si Colton at pinagpag ang mga damit. “Ikaw ang walang mata, tita.”

“Sino…sino ang nanay mo?” Mayroong masamang kutob si Leila.

‘Isang bata na kamukha ni Mr. Goldmann ang bigla na lang lumitaw… Posible bang isa siyang bastardo mula sa kung sinong babaeng nakasama ni Mr. Goldmann?

‘Pero hindi iyon tama. Hindi mahilig sa mga babae si Mr. Goldmann, bukod sa gabing iyon anim na taon na ang nakalipas…’

Nang maisip ang nangyari noon, hindi na magawang mapakalma ni Leila ang sarili.

‘Hindi ba’t isang beses lang nakipagtalik ang bruhang iyon kay Mr. Goldmann? Paanong nangyaring nabuntis siya pagkatapos lang ng isang gabi?

‘Nakasalubong ko ang isang batang kamukhang-kamukha ni Mr. Goldmann kung kailan naman kababalik lang ni Maisie sa Zlokova.’

“Bakit mo naman naisip na karapat-dapat kang malaman kung sino ang nanay ko?” Hindi siya pinansin ni Colton at umalis.

Biglang hinawakan ni Leila ang braso niya. “Ikaw bastardo, hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na galangin ang mga nakatatanda?”

Lumingon si Colton at malamig na tiningnan si Leila. “Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na mahalin ang mga bata?”

Pareho sila ng mga mata ni Mr. Goldmann kapag nagagalit.

“Nanay mo ba si Maisie Vanderbilt? Ang malandi ba na iyon ang nanay mo!?”

Nang tawagin ni Leila na malandi ang nanay niya, kaagad na kinagat ni Colton ang kamay nito.

“Aaah!” Sa galit ni Leila sa pagkakagat sa kaniya at tinulak niya si Colton.

Bumagsak sa sahig si Colton at kaagad na umiyak. “Boohooohoo! Mayroong nananakit ng bata rito. Boohoohoo!”

Nakuha ng iyak ni Colton ang atensyon ng ilang waiter. Nakita ng mga waiter ang isang bata na nakaupo sa sahig at kaawa-awang umiiyak, at saka nila nakita ang isang babaeng masungit ang itsura. Kaagad silang lumapit para tulungang tumayo ang bata.

“Madam, bakit niyo naman nagawang itulak ang isang bata?”

“Wala kang pakialam. Nakita mo bang tinulak ko siya? Natumba siya mag-isa!”

Sumigaw si Colton habang umiiyak, “Nabangga ko lang kayo, pero tinulak niyo ako at tinawag na malandi ang mommy ko. Boohoohoo!”

Naawa ang mga waiter sa bata.

Nagmamadali ang restaurant manager para maihatid ang balita kay Nolan. Lalo na at kasama ni Mr. Goldmann ang bata para kumain dito.

Pagkatapos marinig ni Nolan ang paliwanag ng manager, tumayo siya at umalis kasama ng restaurant manager.

Kasabay nito, hinabol din sila nina Daisie at Quincy.

“Waylon!” Nakita ni Daisie si Colton na nakaupo sa sahig, umiiyak. Kaya naman, mabilis siyang lumapit at tiningnan nang masama si Leila. “Bakit mo tinulak ang kapatid ko!?”

“Nakita mo ba na tinulak ko siya? Mga bastardo, sa akin niyo pinapasa ang lahat ng sisi ngayon, ano? Hindi niyo ba ako kilala? Ipapakita ko sa inyo kung paano ko disiplinahin ang mga batang matitigas ang ulo katulad niyo!”

Ang galit sa loob ni Leila ay mas lalong nagliliyab sa tuwing naiisip niya na malaki ang posibilidad na mga anak ni Maisie ang mga batang ito. Itinaas niya ang braso at akmang papaluin ang mga bata.

Kusang umabante si Daisie para harangin iyon.

Bumagsak sa sahig ang maliit niyang katawan pagkatapos matanggap ang sampal, lahat ng waiter sa eksena ay galit na galit nang makita nila ito.

Hindi umiyak si Daisie, pero isang mapulang marka ang lumitaw sa maputi at malambot niyang pisngi.

“Ikaw…ikaw ang lumapit sa akin.” Nabigla si Leila dahil lumapit agad ang bata bago pa man umabot ang kamay niya.

Gayunpaman, sa sumunod na sandali, namutla ang mukha ni Leila nang makita niya si Nolan. “Mr. Gold…Mr. Goldmann…”

Pagkatapos makita ang marka sa pisngi ni Daisie, nagdilim ang ekspresyon ni Nolan, kasabay nito ang pagbaba ng temperatura sa paligid niya. “Mrs. Vanderbilt, bakit niyo ginawa ang kalupitang iyon sa isang bata?”

“I…Hindi, Mr. Goldmann. Ang batang ito ang unang bumangga sa akin. Hindi siya humingi ng pasensiya at sinagot-sagot pa ako. Kinagat niya pa ako. Tingnan niyo ito.” Nilahad ni Leila ang kamay niyang nakagat. Kitang-kita pa rin ang marka ng kagat.

Umiyak si Colton. “Ikaw ang unang nagalit sa akin. Tinawag mo pang malandi ang mommy ko! Kaya kita kinagat!”

Bumagsak ang malalaking luha mula sa kaniyang mga mata, napakasama ng loob ng mga waiter dahil kaawa-awa ang iyak ng bata.

“Kahit na nabangga kayo ng bata, aksidente lang iyon. Bakit kayo makikipag-away sa bata para sa napakaliit na bagay?”

“Oo, nanay ka rin. Hindi ka ba naaawa sa bata?”

“Pagkatapos ng malaking pangyayaring ito, baka magkaroon ng malaking epekto sa bata ang nangyari ngayon.”

Lumapit si Nolan kina Daisie at Colton. Una niyang tiningnan si Daisie na pinipilit hindi umiyak, at hinaplos ang pisngi nito na namumula at namamaga na. Saka niya pinunasan ang mga luha ni Colton.

Naapektuhan ang mood niya dahil sa nararamdaman ng mga bata.

Tumayo si Nolan at tiningnan nang mariin si Leila. “Humingi kayo ng pasensiya sa mga bata.”

“Mr. Goldmann, anong relasyon mo sa dalawang batang ito?”

Mahigpit na nakatikom ang mga labi ni Nolan.

‘Walang kaugnayan sa akin ang mga batang ito, pero…’

“Hindi mo kailangang alalahanin kung ano ang relasyon ko sa kanila. Kailangan niyo lang humingi ng patawad sa bata dahil kayo ang nanay ni Willow, at pinapangako kong hindi ko na kayo pahihirapan tungkol sa bagay na ito.”
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku sana malaman mo na nolan na hindi talaga si willow ang babaeng nakasama mo ng gabing yon dahil si Maisei ang nakasama mo at nagbunga ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status