Share

Kabanata 18

"Nakahalukipkip si Maisie habang nakatingin kay Willow. “Bakit hindi ka mismo magtanong sa boyfriend mo? Bakit mo ako tinatanong?”

‘Nakakatawa ito. Para bang pinapalabas niyang inagaw ko ang boyfriend niya sa kaniya.’

Namutla ang mukha ni Willow dahil sa galit. “Maisie Vanderbilt, mawawala rin ang yabang mo, maghintay ka lang!’

Tinabig niya ang braso niya at umalis matapos magbigay ng ganoong banta.

Naningkit ang mga mata ni Maisie habang tinitingnan ang pag-alis ni Willow sa eksena. Sino ang mananalo sa huli? Wala pang nakakaalam.’

Sa opisina ni Maisie…

Nakaupo si Maisie sa harapan ng computer niya at nagsu-surf sa internet nang biglang isang staff member ang nagmamadaling pumasok. “Ms. Zora, mayroong nangyari!”

Mahinahong tinaas ni Maisie ang tingin nang makita kung gaano kakabado ang staff. “Anong nangyari?”

“Ilang customer ang bumili ng alahas sa store natin at nalaman nilang peke lahat iyon. Natrack nila ang pinaggalingan ng alahas sa kumpanya natin at nasa office building na natin sila ngayon. Ang sabi ng mga empleyado sa purchasing department ay binili ang mga raw materials base sa order niyo.”

Pagkatapos magpaliwanag, binaba ni Maisie ang tingin, pinatay ang kaniyang computer at tumayo. “Halika, tingnan natin..”

Sa lobby, nagkagulo na ang ilang bisita na galit na pumunta sa opisina dahil sa pekeng alahas.

“Ilang dekada ng nasa negosyo ang Vaenna Jewelry, pero gumagawa kayo ng peke. Gusto niyo pa bang mag-negosyo?”

“Ilang libong dolyar ang halaga ng pear bracelet na ito. Nagpunta ako sa ibang store para mag-inspeksyon at nalaman kong peke ang mga perlas na ito. Sinusubukan niyo bang lokohin ang mga customer niyo dahil lang sa reputasyon na mayroon kayo ngayon?” Isang babae ang galit na binato ang bracelet sa mesa. “Tingnan natin kung makakaligtas pa ang jewelry business niyo kapag nilabas ko sa publiko ang tungkol dito!”

Lumabas si Willow kasama ang secretary niya. Lumapit siya sa babae at nakangiti itong kinausap. “Madam, kumalma kayo. Nakipag-usap na kami sa aming purchasing department. Siguradong mayroong hindi pagkakaintindihan tungkol sa bagay na ito.”

“Hindi pagkakaintindihan?” Tinuro ng babae ang kahon ng bracelet. “Tingnan mo iyan! Malinaw na nabili ito sa store niyo, at mayroon pa akong resibo. Malinaw ang ebidensiya!”

Napakahinahon ni Willow. “Madam, hindi kailanman natagpuang peke ang mga produkto namin. Siguradong mayroong naging problema sa materyales ng supplier. Huwag kayong mag-alala, tatanungin ko ang designer namin tungkol sa source ng materyales namin kapag nandito na siya. Kung malalamang peke iyon—-”

“Dodoblehin ko ang bayad.” Narinig ang boses ni Maisie, at lahat ng tingin ay nabaling sa kaniya. Medyo huli na siyang dumating sa eksena.

Lumapit si Maisie sa counter, kinuha ang pearl bracelet at pinagmasdan ito. “Peke nga ang mga perlas na ito.”

“Tingnan mo, sinabi ko na sa iyong peke iyan!” Mas lalong lumakas ang loob ng babae.

Tiningnan siya ni Willow, “Zee, ikaw ang nag-order ng mga materyales na ito, at binili rin ng purchasing department ang mga materyales base sa order slip na binigay mo, pero bakit mga peke ito?”

Pagkatapos magsalita ni Willow, nilabas ng secretary sa likod niya ang order na nakuha mula sa purchasing department at inabot iyon kay Maisie.

Binasa ni Maisie ang slip at ngumiti. “Ito nga ang order slip na inabot ko sa kanila.”

“Zee, ginawa mo ba ito para sirain ang reputasyon ng Vaenna? Niloloko mo ang customers natin!”

Tiningnan nang masama ng babae si Maisie. “Ikaw ang bumili ng mga pekeng ito? Napakasama mo. Bakit kayo nagbubukas ng mga stores? Ibalik mo ang perang nawala sa akin!”

“Oo, bayaran niyo siya!”

“Kung hindi niyo kami bibigyan ng paliwanag ngayong araw, dadalhin namin ito sa korte. Sasabihin naming nagbebenta ang Vaenna Jewelry ng peke para makapanloko ng customers!”

Lihim na bumibilib si Willow sa sarili niya. ‘Maisie, tingnan natin kung paano ka mananatili sa Vaenna!’

“Anong problema ngayon?” Dumating sina Nolan at Quincy.

Lumapit kaagad si Willow nang makita niya si Nolan. “Nolan, nakakita na namin kami ng peke sa Vaenna, pero si Zee na ang responsable sa pagbili ng mga diyamante ngayon.”

Nang makita si Nolan, mabilis na lumapit ang babae at nagreklamo, “Mr. Goldmann, baka hindi niyo ito alam, pero bumili ako ng pekeng perlas sa Vaenna na nagkakahalaga ng ilang libong dolyar. Kaya pakiusap, ipaliwanag niyo ito sa akin. Isa itong malaking jewelry company, isang brand na ilang dekada na sa serbisyo, kaya bakit ito nagbebenta ng peke para manloko ng customers?”

Nakatuon ang tingin ni Nolan kay Maisie. Nilapitan niya ito at malamig na sinabi, “Ikaw ang responsable sa pagbili ng raw materials. Bigyan mo sila ng paliwanag.”
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku willow gagawin mo talaga ang lahat mapaalis mo lang si maisei laban maisei huwag kang magpakita ng kahinaan dyan sa kapatid mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status