“Ang sabi nga ni Mommy sa amin ay dapat kaming matuto ng tungkol sa ancestry namin. Ang totoo po, fan si Mommy ng mga antigo. Kung hindi po, hindi makakaisip si Mommy ng unique designs ng ‘Victorian-style antique jewlery’ noon sa Stoslo.”Tumawa ang tatay ni Nolan. “Kung ganoon, gusto kong makilala ang mommy mo sa susunod.”Tuwang-tuwa si Daisie dahil nakuha niya rin ang atensyon ng lolo niya para sa kaniyang Mommy!Tiningnan ni Nolan si Waylon na nakatayo sa tabi niya. Tinaas ng batang lalaki ang kamay at pinunasan ang pisngi, saka siya tumalikod at binigyan si Nolan ng masamang tingin..Mayroong naaalala si Nolan sa masamang tingin ni Waylon.“Noong huli kitang nakita, mayroon kang nunal sa sulok ng mata mo.”Pinunasan ni Waylon ang sulok ng mata niya at sinabing, “Ginuhit ko lang iyon.”“Lolo, natalo ka!” Masayang tumawa si Daisie.Hindi niya alam na hinayaan siyang manalo ng matandang lalaki. Nang makitang masayang tumatawa ang batang babae, tumawa rin siya kasabay nito. Ma
Kinagat ni Maisie ang ballpen at nag isip, pero natigil siya sa naglahong inspirasyon…“Zee.”Nang makita si Willow sa labas ng pinto, binaba na ni Maisie ang ballpen niya. "Walang tao rito. Pwede ka ng mag inarte. Nakakasuka.Kung ito ay ibang araw, sasagot sana si Willow sa masakit na sinabi niya. Pero ngayon, kinaya niyang sumagot nang mahinahon. "Hindi ako nandito para makipagaway. Alam kong mas marunong ka sa usaping negosyo."Nilagay ni Willow ang mga dokumentong hawak niya sa lamesa. "Alam 'kong alam mo ang palaisipang nangyayari sa Vaenna ngayon. May nangyari lang na mayroong kliyenteng gusto tayong suportahan sa platform para panghihikayat. Pwede ka bang sumama sa akin ngayong gabi at pag usapan natin yung kontrata? Kinuha ni Maisie ang kontrata, mabilisang binasa ang mga pahina, at napangisi. "Sige, sasama ako sayo.""Kita na lang tayo mamaya." nang tumalikod na si Willow para umalis, ang mata niya ay nanlamig.Kinuha ni Maisie ang folder para makita nang maayos a
Ngumiti si Sergio at tumango. “Tama ka, Alam kong bumalik na si Miss Vanderbilt sa Vaenna Jewelry, gusto ko sanang magkaroon ulit ng pagkakataon na makipag-collaborate sa iyo.”Ngumisi si Willow. 49 years old na si Sergio Baldwin at malapit ng mag-50. Ang anak niya sa kaniyang dating asawa ay kakatuntong pa lang ng 18. Ayon sa sabi-sabi ay hindi niya kayang pigilin ang sarili at napakarami laging babae. Sa huli, naubos na ang pasensya ng asawa niya at humingi ng divorce.Nakilala ni Sergio si Maisie noong birthday banquet ni Stephen ilang taon na ang nakalilipas, at simula noon, hindi niya maalis sa isipan niya si Maisie. Tinatanong niya pa minsan kay Willow akung kumusta na si Maisie. Dahil doon, pinainom ni Willow ng droga si Maisie noon para magkaroon ng pagkakataon si Mr. Baldwin sa kaniya. Sayang lang at pinaglagpas niya ang pagkakataong iyon.“Dahil sa akin?” Suminghal si Maisie. “Mr. Baldwin, nakakatuwang marinig sa iyo iyan.”“Zee, hinahangaan ni Mr. Baldwin ang talento
Walang plano si Sergio na patakasin ang isa man sa mga anak ng babae ng Vanderbilts ngayong gabi. Hihintayin na lang niyang makabalik ang isa, saka niya susunggaban ang dalawa!Matagal na nagpumiglas si Willow bago umepekto ang droga. Nanghina ang katawan niya. Hindi na siya makagalaw, napasandal ang katawan niya kay Sergio.Pinahiga siya ni Sergio.“Halika kay daddy.”Sa lady’s washroom….Nakaluhod si Maisie sa harapan ng toilet. Hawak-hawak ang kaniyang lalamunan, sinuka niya ang bawat patak ng juice. Dahan-dahan siyang tumayo at tinukod ang mga kamay sa pader.“Bwisit, parehas na mayroong droga ang dalawang juice!”Hindi lang siya ang pakay ni Sergio, puntirya rin nito si Willow!Hah! Gusto siyang i-set up ni Willow. Pero hindi basta na lang uupo si Maisie doon at hahayaang paglaruan. Matitikman din ni Willow ang sarili niyang gamot!Naghilamos siya. Medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam, lumabas siya ng impyerno nang mabilis.Nakatayo siya sa gilid ng kalsada, sinubukang t
Hindi inakala ni Nolan na napaka-serene at banayad ng mukha ni Maisie kapag natutulog ito.Pinagmasdan niya ang mga marka ng kagat sa mga daliri nito. Dahil ba pinainom siya ng gamot kaya kailangan niyang gawin iyon para manatiling gising? Paanong nabiktima ang matalinong katulad niya?Kung hindi niya ito nakasalubong ngayong gabi, kung hindi ito nakatakas, ang mangyayari sa…Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Maisie, at nanginig ang kaniyang mga pilikmata. Mukhang nananaginip siya nang masama.“Hindi!Nang marinig ang sigaw ni Maisie, lumapit sa kaniya si Nolan. “Maisie?”Sa panaginip niya, nakita na naman ni Maisie ang lalaking katalik niya noong gabing iyon, pero sa pagkakataong ito ay walang mukha ang lalaki…Dinilat ni Maisie ang mga mata. Nagulat siya sa malaking mukha sa harapan niya, kaya kusang tumaas ang kaniyang kamay. “Ahhh!”“Mr. Goldmann, ayos lang ba kayo….” Nang marinig ang ingay sa loob, pumasok si Quincy sa pinto. Pagkapasok niya, nakita niya ang namamaga a
Nang sumunod na araw–sa conference room ng Blackgold headquarters.Ang proseso ng seryosong meeting ay nagtatapos ng 30 minutong pasakit sa mga tao sa kwarto, lalo na ang madilim na aura mula sa taong nakaupo sa gitna, na siyang dahilan nanginginig ang mga nakaupo sa gilid.Ang isip ni Nolan ay wala sa meeting. Sa halip, ito ay napupuno ng malditang babaeng kagabi. Dahil lang sa buong magdamag siyang nananaginip ng mahalay, para siyang sinapian, ang tanging nakikita niya ay ang mukha ng babaeng iyon.Para siyang mababaliw.Nang matapos na ang pagpupulong, bumalik na si Nolan sa kaniyang opisina na may nakakuyom na panga. Hawak ang napakaraming dokumento, pumasok si Quincy. "Mr. Goldmann, bumalik ka na mula pagpupulong.""Oo." Umupo si Nolan sa kaniyang upuan na may inis."Magsiswimming kamu ngayong gabi."Napatigil si Quincy sa kalagitnaan ng pag aayos ng dokumento sa kamay niya at bilang napatingin. "Ano? bakit bilang gusto kong lumangoy?"Nagdadalawang isip si Nolan na tumingi
Lumabas si Maisie at isinara ang pinto sa office ni Willow.Habang nakatingin sa dokumento na pinirmahan ni Willow, napangisi si Maisie. Napakadali talagang paikutin ng mga mangmang na tao.Sa mga oras na iyon, bigla siyang tinawagan ni Ryleigh.Lumapit muna si Maisie papunta sa hagdan bago niya sinagot ang tawag.“Zee, puwede mo ba akong Samahan sa birthday party ni Uncle Boucher mamayang gabi? Sinabi ko kasi kay dad na dadalhin ko ang infamous designer na si Zora. Matagal ka na niyang gusting makita!”Noong narinig ni Maisie kung gaano ka-excited si Ryleigh, nagdalawang-isip siyang sumagot, “Pero hindi ko naman kilala yung mga Bouchers eh…”“Ako, oo! Tutal bumalik ka naman na ulit sa bansa natin, oras na para kumilala ka ng ibang mga tao. Who knows? Baka makita mo pa yung soulmate mo ro’n!”“Tatlo na ang anak ko. Anong soulmate sinasabi mo diyan?” sabi ni Maisie.“Aww, Zee! Sige na! Sumama ka na please?”Hindi niya talaga kayang hindi-an si Ryleigh. Kaya naman, wala nang na
Sa sandaling ito, dalawang lalaki ang tumayo sa itaas ng hagdanan.Nakasandal ang isang braso at mayroon namang hawak na wine glass sa kabila, binaba ng lalaking nakasuot ng navy suit ang kaniyang tingin sa nakakasilaw na anino sa gitna ng mga tao. Lumingon siya kay Nolan. Tinaas ang braso at tiningnan ang kaniyang relo. Halos sampung minuto nang nakatingin si Nolan sa babaeng iyon.“Napakaganda ng babaeng iyon.”“Mm,” Mahinang sagot ni Nolan.Pagkapasok nito ay kaagad niya itong napansin. Sa tuwing gagalaw ang babae sa gitna ng mga tao, sumusunod ang tingin ng lahat ng mga lalaki, lahat ay nagliliyab sa pagnanasa. Hindi niya na kailangan pang mang-akit, sapat na ang pagtayo niya roon upang makuha niya ang lahat ng atensyon.Gulat siyang tiningnan ni Helios Boucher. “Napakabihira ka lang magandahan sa isang babae!”Sa mga taong kilala niya si Nolan, hindi niya kailanman narinig ang lalaki na sumang-ayon na maganda ang isang babae. Kahit na kay Willow na palagi nitong kasama.Ina
Yumuko si Leah at binaon niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Morrison. Ilang araw ang lumipas, sa mga ebidensya na dala ni Aina pati ang mga pulis na naging witness, nasangkot si Dennis sa isang iskandong problema.Habang kumakalat ang iskandalo, naglakas-loob na rin ang mga babaeng inabuso niya para magsalita. Kahit ang hotel na ni-register sa pangalan ni Dennis ay iniimbistigahan. Nang marinig ng mga staff sa hotel na hinuli si Dennis, sinabi nila na matagal na silang binabalaan nito. Ginamit ni Dennis ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isabsa mga top management ng hotel para tulungan siya ng mga staff. At saka, mayroon siyang suite sa hotel na “privately reserved” para lang sa kaniya. Base sa mga staff members doon, lagi raw nagdadala ng iba’t ibang babae si Dennis sa kwartong iyon para pagsamantalahan. Walang pwedeng pumasok sa kwartong iyon nang walang permiso niya. At saka, kakaiba ang pagkakagawa sa card key para makapasok sa kwarto. Isa lang ‘yon, at siya lang ang m
Natulak ni Dennis palayo si Leah dahil sa sakit. Habang nakatingin sa pen na hawak ni Leah, galit na tumawa si Dennis at sinabi, “Hindi ako makapaniwala na may pen kang dala, pero wala na akong pakialam.”Binuksan niya ang drawer at kinuha ang handcuffs. “Dahil gusto mo naman na mahirapan, ibibigay ko ang gusto mo.”Nagulat si Leah. ‘Hindi pwedeng lagyan niya ako ng posas!’ Kinuha ni Leah ang lamp at ashtray sa mesa at hinagis niya kay Dennis, sobrang nagalit ito. Lumapit sa kaniya si Dennis at hiniga siya sa kama bago ilagay ang posas sa kaniyang kamay. Malakas na sumigaw si Leah para manghingi ng tulong at tingin siya nang tingin sa pinto.‘Bakit hindi pa sila pumupunta? Iniwan na ba ako ni Aina?’Nanginig si Leah nang nakalantad na ang kaniyang balat, may takot na bakas sa kaniyang mata. Puno ng galit ang mata ni Dennis na nakatingin sa nakailalim sa kaniya na parang isang lion na nakatitig sa kaniyang biktima, naghahandang kainin nang buo.Puno ng pandidiri si Leah, at h
Nagulat si Aina.Hindi niya inaasahan na may isang taong hindi niya kaano-ano ang totoong tutulong sa kaniya sa huli.“Ms. Younge, mas matalino siya sa inaasahan mo…”“Alam ko,” Mabilis na sagot ni Leah. “Ibig sabihin, kailangan ko na makipag-cooperate ka rin sa akin. Dahil ako ang next niyang target, ako ang magiging batibong. Kailangan mo lang siyang paniwalain na nagtagumpay siya sa plano niya.”Matapos iyon, inabot ni Leah ang phone niya kay Aina at sinabi sa kaniya ang password. “Matapos iyon, kailangan kong tawagan mo dyan yung may pangalan na Morrison. Tawagan mo rin ng pulis. Gagawin ko ang best ko para mabigyan ka ng oras.”“Bakit ka nagtitiwala sa akin?” Tanong ni Aina, hindi makapaniwala ang tono ng kaniyang boses.Hindi ba siya nag-aalala na baka iwan siya ni Aina pagkatapos niya gawin kay Dennis ang sinabi niya?“Kung gusto mo talaga akong saktan, hindi mo na sana sinabi sa akin bakit ka pumunta dito. Pwede mo namang ilagay na lang yung pill sa drinks ko nung hindi
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagyang nagulat si Leah, “May iba pang babae?”“Hindi ako ang una. Naloko niya rin ako.” Yumuko si Aina. Nagsimula siyang ikwento kay Leah kung paano siya niloko ni Dennis at pati ang tungkol sa malalang pang-aabuso sa kaniya.Nagulat si Leah at nahirapan siyang paniwalaan ang mga narinig niyang sinabi ni Aina. Ang trick na ginamit ni Dennis kay Aina at kapareho ng ginamit niya para mapalapit kay Leah.Una ay gagawa siya ng senaryo kung saan makakasalubong niya ang kaniyang target. Matapos iyon, ipapakita niya na isa siyang gentleman para hindi matakot sa kaniya ang kaniyang target at magkaroon sila ng pagkakaibigan. Napanalo na ni Dennis ang puso ng maraming babae dahil sa kaniyang itsura, background, at ang kaniyang palabiro, at palakaibigan na personlidad.Sa huli, sasabihin niya sa target niya na maging girlfriend niya at para makapag-sex siya sa kanila.Pag na-in love na ang target niya at pag naisip na nila na nakakuha na sila ng perfect na boy
Kinabukasan, pumunta si Leah sa meeting kasama ang Secretary-General. May meeting sila kasama ang ilang officials mula sa ibang bansa. Nagsusulat siya ng notes sa session habang nag-iinterpret para sa Secretary-General. Matapos ang dalawang oras na meeting, lumabas na siya ng building kasama ang Secretary-General na tumalikod sa gilid ng sasakyan. “May pupuntahan ako. Pwede ka na magpahinga ngayong araw.”Tumango si Leah. “Sige. See you soon.”Nang makaalis na ang sasakyan, nilabas ni Leah ang kaniyang phone na naka-silent mode, at nakita niya na may message sa kaniya si Morrison. Ngumiti siya at tinawagan ito. “Nasa meeting ako kanina. Nakapagdesisyon ka na ba, Mr. Shaw?”Tumikhim si Morrison at sobrang seryoso ang boses niya nang sinabi, “Anong oras matatapos ang trabaho ng girlfriend?” “Anong gustong kainin ng girlfriend ngayon?”“I…” Nakatikom ng labi si Leah. “Kahit ano. Kakainin ko lahat ng ibibigay sa akin, kahit yung boyfriend pa.”Umiinom si Morrison kaya bigla siyang
“Miss ko na siya.”Alam ni Morrison sino ang tinutukoy ni Leah, hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo. Iba na lang ang isipin mo!”May luha ang mata ni Leah pero hindi masabi ni Morrison kung malungkot ba siya o masaya. “Ikaw na lang ma-miss ko?”Napahinto si Morrison. Matapos ang ilang sandali, umupo siya sa sahig. “Sigurado ka bang hindi ka lasing?”“Mukha ba akong lasing?”“Medyo.”Yumuko si Leah. Hindi siya nag-isip nang sinabi niya ‘yon. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Morrison, kaya hindi sila magkakasundo. Nagsayang siya ng sampung taon sa pagmamahal niya kay Zephir, kaya ngayon ayaw na niyang maghangad ng kung anu-ano. Matapos ang ilang sandali, ngumiti siya.Yumuko si Leah para itago ang kaniyang mga mata. “Nagbibiro lang ako, huwag mo masyadong isipin.”Nagsimula na siyang magligpit. “Alright, tapos na ako, at magpapahinga na rin. Huwag mo kalimutan na i-lock ang pinto pag umalis ka.”Tumawa si Morrison. Nang makita niyang t
Napahinto si Leah. “Hindi niya girlfriend si Aina?”‘Eh bakit sabi niya… Saglit lang! Sabi ng interpreter single raw si Dennis. Wala siyang girlfriend at hindi rin siya kasal, bakit hindi niya sinabi sa publiko kung si Aina naman pala ang girlfriend niya?‘Wala sa department ang nakakaalam tungkol doon?’Tumawa si Morrison. “Marami siyang babae sa contacts niya. Sinong nakakaalam sino ang tinutukoy mo? Pero sa kung ano ang nakikita ko, ikaw ang plano niyang gawing susunod na target.”Nagulat si Leah at tumingin siya kay Morrison. “Kilalang kilala mo siya?”“Walang lihim sa Night Banquet na nananatiling lihim. Wala naman talagang mga labing nakatikom.”Suminag ang ilaw sa bintana, nakasunod ito sa sasakyan.Ilang sandaling tahimik si Leah bago sabihin, “May nakita akong ligature marks sa kamay ni Aina, at mukhang sobrang takot siya kay Dennis. Sabi niya sa akin huwag raw ako magtiwala sa kaniya.”Hindi naman plano ni Leah. Kahit na sinabi ni Dennis sa kaniya na niloko siya ni Ai
Tumayo si Leah. “Pupunta ako sa banyo.” Nang naglakad na siya palayo, nakatingin lang si Dennis sa kaniya. Nang pumunta siya sa banyo, napansin ni Leah na nandoon ang babae. Nagulat siya pero pumunta pa rin siya sa sink area.Nagtanong si Leah sa babae bilang colleague, “Marami ka bang nainom?”Umiling ang babae.“Mabuti naman. Hindi magandang uminom nang marami sa ganitong mga event.” Kumuha ng napkin si Leah at pinunasan ang lipstick niya. Matapos ang ilang sandali, nakita niya ang peklat sa kamay ng babae. “Anong nangyari sa kamay mo?”Kinabahan ang babae at binaba niya ang sleeve niya para takpan ng kaniyang kamay. “Wala.” Mabilis siyang naglakad palabas ng pinto pero huminto siya bago lumabas, tumalikod siya para tingnan si Leah. “Huwag ka magtiwala kay Dennis.”Mabilis na umalis ang babae.Kumunot ang noo ni Leah. ‘Huwag magtiwala kay Dennis…‘May nangyari ba sa kaniya? Yung peklat niya, dahil ba ‘yon sa tali?’ Nanatili lang si Leah doon ng ilang sandali pero bigla
“Gusto ng mga matatanda nang ganoon pero basta masaya sila.”Pagkalipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nagkaroon ng party ang Ministry of Foreign Affair at imbitado si Leah.Walang plano si Leah na pumunta pero pinilit siya ng mga ka-trabaho niya kaya pumayag siya.Pagkatapos ng trabaho, pumunta sila sa restaurant para sa party.Nang pumasok si Leah, napansin niya na nandoon si Dennis. Nakasuot siya ng blue sports jacket at mukhang fashionable.Umupo siya kasama ang dalawang babaeng interpreter.Pinaikot ni Dennis ang wine glass habang may kinakausap at nahagip ng mata niya si Leah. “Ms. Younge, ito ba ang unang beses mong sumama sa party?”Inasar siya ng isang babae. “Masyado mo siyang binibigyan ng atensyon. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”Ngumiti si Dennis. “Ayos lang sa akin ‘yon.” Halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakabukas niya tungkol doon.Kumunot si Leah at magalang na ngumiti. “Napaka prangka mo.”“Palagi naman.”Lumapit ang babae na katabi ni Leah