“Helios!” Kinawayan siya ni Ryleigh.Hindi na nagulat si Maisie. Alam niyang asawa ni Mr. Boucher ang tita ni Ryleigh na nanay naman ni Helios.“Matagal na rin noong huli tayong nagkita, Ryleigh. Kaibigan mo ba siya?”Kumapit si Ryleigh sa braso niya at sinabing, “Siya ang best friend ko!”“Bakit ka nandito?” Naiiritang tanong ni Nolan kay Helios.Ngumiti si Helios at sinabing, “Para makilala ang binibining ito.” Si Maisie ang tinutukoy niya.Nagulat si Maisie. Gusto daw siyang makilala ng magaling na aktor?Hindi sumagot si Nolan, ngunit nagdilim ang kaniyang mga mata.Hindi pinansin ni Helios si Nolan, lumapit siya kay Maisie at maginoo itong inimbitahan. “Pwede ba kitang maisayaw?”Nagningning sa tuwa ang mga mata ni Ryleigh. Maganda ang taste ni Helios!Nabigla si Maisie. Lumingon siya sa matatalim na tingin ng ibang socialites. Kung tatanggapin niya ang sayaw na ito, baka “tanggalin” na siya ng mga socialites at mga fans nito.Siniko siya ni Ryleigh sa likuran, at
Nakatitig ang mga kalalakihan sa seksing katawan ni Maisie.Kapag tinitingnan ng mga lalaki ang mga babae, madalas silang nagsisimula sa katawan at umaangat papunta sa mukha. Sinong aayaw sa isang babaeng mayroong magandang katawan at magandang mukha?0Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon ng lalaki, kinilabutan siya nang maramdaman niyang mayroong nakatitig na isang pares ng mata sa kaniya. Tila nagmumula ang tingin mula sa kinatatayuan ni… Mr. Goldmann!Pagkatapos ng sayaw, isang masigabong palakpakan ang sumunod.Nagmamadaling naglakad palayo sa mga tao si Maisie habang sinusubukang hanapin si Ryleigh. Mayroon namang biglang humawak sa kaniya. Tumalikod siya at ngayo’y nakatayo na siya sa harapan ni Nolan.“Ikaw—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, “swoosh”, isang jacket ang bumalot sa kaniya mula sa taas.Hinubad ni Maisie ang jacket ni Nolan at nagtatakang nagtanong, “Anong ibig sabihin nito?”“Isuot mo iyan.” Halata ang pagka-bossy ni Nolan.Ngumiti si Maisie. “P
Kung siya nga talaga ang lalaki noong gabing iyon…Biglang nagdilim ang mga mata ni Maisie.Plinano ni Willow ang lahat ng nangyari noong gabing narungisan siya. Siya rin ang kumuntsaba sa lalaking iyon.Pero kung si Nolan ang lalaking kinuha ni Willow para sirain siya, kilala dapat siya ni Nolan.At saka, hindi siya naniniwalang ipapadala ni Willow ang ganoong klaseng lalaki sa kama niya. Siguradong ipagdadamot niya ito.Nang makitang hindi sumasagot si Maisie, nagtanong si Ryleigh, “Zee, naiisip mo rin ba?”“Kahit na siya nga iyon, sa tingin mo ba ay karapat-dapat na maging ama ng mga anak ko ang lalaking ginamit ni Willow?”Hindi nakasagot si Ryleigh. Napaka-astig ng statement na iyon!‘Sa Zlokova, si Zee lang ang mayroong lakas ng loob na isipin na hindi sapat si Mr. Goldmann.’Nagsimulang mag-buzz ang phone ni Maisie.Nang makita niyang si Colton ang tumatawag, mabilis siyang umalis si hall pagkatapos magsabi kay Ryleigh.Sinagot niya ang phone sa corridor. “
Anong problema ng lalaking ito?Binuksan ni Nolan ang pinto ng kotse at pautos na sinabing, “Hindi ako makikipag-diskusyon. Pumasok ka na.”Tumawa si Maisie. Nakakita na siya ng mga babaeng mayroong saltik pero sa lalaki ay hindi pa!Wala siyang emosyon nang sumakay sa kotse.Nang tanungin siya ni Nolan para sa kaniyan address, nag-alinlangan si Maisie at tila mayroong naisip. “Ibaba mo na lang ako sa intersection ng Oceana Drive.”Hindi siya papayag na ihatid siya nito hanggang sa pintuan niya.Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan.‘Oceana Drive? Hindi ba’t naroon ang mga villas sa gilid ng beach?Huminto si Nolan sa intersection ng Ocean Drive. Pagkatapos bumaba ni Maisie, nagpasalamat siya at umalis.Hindi kaagad umalis si Nolan. Nakatingin siya sa direksyon kung saan papunta si Maisie. Iyon nga talaga ang beach villa area!Pumasok si Maisie sa beach villa area. Maingat siya at patuloy lang sa paglalakad imbes na kaagad na pumasok sa kaniyang villa.Hininto ni Nolan
“Hindi sapat ang $150,000,000 para ubusin niyo.”Hindi nakaimik si Maisie.Napayuko na lang si Colton. “At mahirap sa inyo na kumita ng pera at alagaan kami. Walang nag-aalaga sa inyo, kaya gusto namin kayong tulungan.”Tumango si Waylon.Ngayong nakikita niya kung gaano ka-mature ang mga anak niya sa murang edad, hindi alam ni Maisie kung matutuwa siya o malulungkot.Sinusubukan niyang ibigay sa kanila ang pinakamagandang buhay na kaya nilang makamit. Kahit na wala silang tatay, hindi niya hahayaan na maliitin sila ng iba.Alam ni Maisie na mature ang mga anak niya. Hindi niya kailangan na mag-alala nang sobra, pero hinihiling niya na magreklamo ang mga ito sa kaniya minsan. Mas gagaan ang pakiramdam niya kapag nangyari iyon.Yumuko siya at ngumiti pagkatapos bumuntong-hininga. “Sige, alam kong gusto niyong tumulong, pero masiyadong delikado ang pagpasok sa entertainment business. Pag-usapan natin ito kapag mas matanda na kayo. Napakabata niyo pa. Hindi iyon magandang lu
Tumingala si Kennedy. “Pero binigay na ng tatay mo ang mga shares kay Willow. Hindi niya iyon basta-basta isusuko, at saka, “ang taong iyon” ang nakasuporta sa kaniya.”“Ang taong iyon” ay si Mr. Goldmann.Kumurba ang mga labi ni Maisie. “Simula noong bumalik ako, inoobserbahan ko ang relasyon nila. Kahit na pinoprotektahan ni Nolan si Willow, hanggang kailan niya iyon kayang gawin?”“Anong ibig mong sabihin?”“Anim na taon na sila Nolan at Willow, pero wala siyang intensyon na pakasalan siya. Kahit na hindi ko alam ang rason, mayroong isang posibleng konklusyon doon.”Bahagyang nanlamig ang mga mata ni Maisie. “Hindi siya interesado sa ideya na pakasalan si Willow, ibig sabihin ay wala siyang planong pakasalan siya. Sandali lang ang itatagal sa kaniya ni Willow. Hindi magiging mahirap para kay Nolan na makahanap ng babaeng mas higit kay Willow. Konting oras na lang bago ko mabawi ang mga shares ng Vaenna kay Willow.”Alam ni Kennedy na totoo ang mga sinasabi ni Maisie, per
Malinaw na malinaw ang mga benepisyong makukuha ng Vaenna.“Zee, mahirap ang requirements ng Taylor Jewelry. Hindi sila basta na lang magiging interesado sa isang jewelry company. Bakit sila papayag na makatrabaho ang Vaenna?”Ngumiti si Maisie. “Huwag kang mag-alala. Mayroon akong plano…”Parang isang upper-class na naglakad papasok si Leila sa kumpanya dala ang kaniyang branded bag. Lahat ng empleyado ay alam na siya ang nanay ni Willow, kaya naman tinatawag siya ng mga ito na “Mrs. Chairman.”Gayunpaman, nang papunta na sana siya kay Willow para alamin kung gumana ba ang plano nito noong nakaraang gabi, nakita niya si Maisie at isang blond na lalaki na palabas ng elevator habang masayang nag-uusap. Sumeryoso ang kaniyang tingin. “Oh, nagdadala ka na ng mga lalaking inaakit mo sa opisina ngayon?”Sumimangot si Kennedy. Nang magsasalita na sana siya, pinigilan siya ni Maisie. Nginitian niya si Leila at sinabing, “Paano ako mas magiging magaling sa iyo sa pang-aakit ng mga l
Tumalikod si Maisie at tiningnan si Willow. “Sigurado ka?”Kung siya lang ang makikipagkita sa Taylor Jewelry, baka mayroon pang kaunting pag-asa, pero kung si Willow ang pupunta, baka ni hindi nito makausap ang kliyente.Ngumiti si Willow. “Hindi ko pwedeng hayaan na gawin mo ang lahat habang wala akong ginagawa.”Lihim na napangisi si Maisie. Sobrang tindi ng interes niyang matuuto dahil lang gusto niyang matuwa sa kaniya si Nolan.“Sige.”“Zee…” Gustong magsalita ni Kennedy, pero inabot na ni Maisie ang agreement kay Willow. “Iyan ang partnership proposal sa Taylor Jewelry. Salamat sa tulong mo.”Kumunot ang noo ni Nolan, at naging isang manipis na linya ang kaniyang mga labi.Masaya si Willow na handang ibigay sa kaniya ni Maisie ang agreement. Kung masasarado niya ang deal, mag-iiba ang tingin sa kaniya ni Nolan.Kung handang palagpasin ng babaeng ito ang oportunidad na ito, hindi niya ito masisisi.Mag-isang bumalik sa opisina si Maisie. Isang malalim na boses n