Ngumiti si Sergio at tumango. “Tama ka, Alam kong bumalik na si Miss Vanderbilt sa Vaenna Jewelry, gusto ko sanang magkaroon ulit ng pagkakataon na makipag-collaborate sa iyo.”Ngumisi si Willow. 49 years old na si Sergio Baldwin at malapit ng mag-50. Ang anak niya sa kaniyang dating asawa ay kakatuntong pa lang ng 18. Ayon sa sabi-sabi ay hindi niya kayang pigilin ang sarili at napakarami laging babae. Sa huli, naubos na ang pasensya ng asawa niya at humingi ng divorce.Nakilala ni Sergio si Maisie noong birthday banquet ni Stephen ilang taon na ang nakalilipas, at simula noon, hindi niya maalis sa isipan niya si Maisie. Tinatanong niya pa minsan kay Willow akung kumusta na si Maisie. Dahil doon, pinainom ni Willow ng droga si Maisie noon para magkaroon ng pagkakataon si Mr. Baldwin sa kaniya. Sayang lang at pinaglagpas niya ang pagkakataong iyon.“Dahil sa akin?” Suminghal si Maisie. “Mr. Baldwin, nakakatuwang marinig sa iyo iyan.”“Zee, hinahangaan ni Mr. Baldwin ang talento
Walang plano si Sergio na patakasin ang isa man sa mga anak ng babae ng Vanderbilts ngayong gabi. Hihintayin na lang niyang makabalik ang isa, saka niya susunggaban ang dalawa!Matagal na nagpumiglas si Willow bago umepekto ang droga. Nanghina ang katawan niya. Hindi na siya makagalaw, napasandal ang katawan niya kay Sergio.Pinahiga siya ni Sergio.“Halika kay daddy.”Sa lady’s washroom….Nakaluhod si Maisie sa harapan ng toilet. Hawak-hawak ang kaniyang lalamunan, sinuka niya ang bawat patak ng juice. Dahan-dahan siyang tumayo at tinukod ang mga kamay sa pader.“Bwisit, parehas na mayroong droga ang dalawang juice!”Hindi lang siya ang pakay ni Sergio, puntirya rin nito si Willow!Hah! Gusto siyang i-set up ni Willow. Pero hindi basta na lang uupo si Maisie doon at hahayaang paglaruan. Matitikman din ni Willow ang sarili niyang gamot!Naghilamos siya. Medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam, lumabas siya ng impyerno nang mabilis.Nakatayo siya sa gilid ng kalsada, sinubukang t
Hindi inakala ni Nolan na napaka-serene at banayad ng mukha ni Maisie kapag natutulog ito.Pinagmasdan niya ang mga marka ng kagat sa mga daliri nito. Dahil ba pinainom siya ng gamot kaya kailangan niyang gawin iyon para manatiling gising? Paanong nabiktima ang matalinong katulad niya?Kung hindi niya ito nakasalubong ngayong gabi, kung hindi ito nakatakas, ang mangyayari sa…Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Maisie, at nanginig ang kaniyang mga pilikmata. Mukhang nananaginip siya nang masama.“Hindi!Nang marinig ang sigaw ni Maisie, lumapit sa kaniya si Nolan. “Maisie?”Sa panaginip niya, nakita na naman ni Maisie ang lalaking katalik niya noong gabing iyon, pero sa pagkakataong ito ay walang mukha ang lalaki…Dinilat ni Maisie ang mga mata. Nagulat siya sa malaking mukha sa harapan niya, kaya kusang tumaas ang kaniyang kamay. “Ahhh!”“Mr. Goldmann, ayos lang ba kayo….” Nang marinig ang ingay sa loob, pumasok si Quincy sa pinto. Pagkapasok niya, nakita niya ang namamaga a
Nang sumunod na araw–sa conference room ng Blackgold headquarters.Ang proseso ng seryosong meeting ay nagtatapos ng 30 minutong pasakit sa mga tao sa kwarto, lalo na ang madilim na aura mula sa taong nakaupo sa gitna, na siyang dahilan nanginginig ang mga nakaupo sa gilid.Ang isip ni Nolan ay wala sa meeting. Sa halip, ito ay napupuno ng malditang babaeng kagabi. Dahil lang sa buong magdamag siyang nananaginip ng mahalay, para siyang sinapian, ang tanging nakikita niya ay ang mukha ng babaeng iyon.Para siyang mababaliw.Nang matapos na ang pagpupulong, bumalik na si Nolan sa kaniyang opisina na may nakakuyom na panga. Hawak ang napakaraming dokumento, pumasok si Quincy. "Mr. Goldmann, bumalik ka na mula pagpupulong.""Oo." Umupo si Nolan sa kaniyang upuan na may inis."Magsiswimming kamu ngayong gabi."Napatigil si Quincy sa kalagitnaan ng pag aayos ng dokumento sa kamay niya at bilang napatingin. "Ano? bakit bilang gusto kong lumangoy?"Nagdadalawang isip si Nolan na tumingi
Lumabas si Maisie at isinara ang pinto sa office ni Willow.Habang nakatingin sa dokumento na pinirmahan ni Willow, napangisi si Maisie. Napakadali talagang paikutin ng mga mangmang na tao.Sa mga oras na iyon, bigla siyang tinawagan ni Ryleigh.Lumapit muna si Maisie papunta sa hagdan bago niya sinagot ang tawag.“Zee, puwede mo ba akong Samahan sa birthday party ni Uncle Boucher mamayang gabi? Sinabi ko kasi kay dad na dadalhin ko ang infamous designer na si Zora. Matagal ka na niyang gusting makita!”Noong narinig ni Maisie kung gaano ka-excited si Ryleigh, nagdalawang-isip siyang sumagot, “Pero hindi ko naman kilala yung mga Bouchers eh…”“Ako, oo! Tutal bumalik ka naman na ulit sa bansa natin, oras na para kumilala ka ng ibang mga tao. Who knows? Baka makita mo pa yung soulmate mo ro’n!”“Tatlo na ang anak ko. Anong soulmate sinasabi mo diyan?” sabi ni Maisie.“Aww, Zee! Sige na! Sumama ka na please?”Hindi niya talaga kayang hindi-an si Ryleigh. Kaya naman, wala nang na
Sa sandaling ito, dalawang lalaki ang tumayo sa itaas ng hagdanan.Nakasandal ang isang braso at mayroon namang hawak na wine glass sa kabila, binaba ng lalaking nakasuot ng navy suit ang kaniyang tingin sa nakakasilaw na anino sa gitna ng mga tao. Lumingon siya kay Nolan. Tinaas ang braso at tiningnan ang kaniyang relo. Halos sampung minuto nang nakatingin si Nolan sa babaeng iyon.“Napakaganda ng babaeng iyon.”“Mm,” Mahinang sagot ni Nolan.Pagkapasok nito ay kaagad niya itong napansin. Sa tuwing gagalaw ang babae sa gitna ng mga tao, sumusunod ang tingin ng lahat ng mga lalaki, lahat ay nagliliyab sa pagnanasa. Hindi niya na kailangan pang mang-akit, sapat na ang pagtayo niya roon upang makuha niya ang lahat ng atensyon.Gulat siyang tiningnan ni Helios Boucher. “Napakabihira ka lang magandahan sa isang babae!”Sa mga taong kilala niya si Nolan, hindi niya kailanman narinig ang lalaki na sumang-ayon na maganda ang isang babae. Kahit na kay Willow na palagi nitong kasama.Ina
“Helios!” Kinawayan siya ni Ryleigh.Hindi na nagulat si Maisie. Alam niyang asawa ni Mr. Boucher ang tita ni Ryleigh na nanay naman ni Helios.“Matagal na rin noong huli tayong nagkita, Ryleigh. Kaibigan mo ba siya?”Kumapit si Ryleigh sa braso niya at sinabing, “Siya ang best friend ko!”“Bakit ka nandito?” Naiiritang tanong ni Nolan kay Helios.Ngumiti si Helios at sinabing, “Para makilala ang binibining ito.” Si Maisie ang tinutukoy niya.Nagulat si Maisie. Gusto daw siyang makilala ng magaling na aktor?Hindi sumagot si Nolan, ngunit nagdilim ang kaniyang mga mata.Hindi pinansin ni Helios si Nolan, lumapit siya kay Maisie at maginoo itong inimbitahan. “Pwede ba kitang maisayaw?”Nagningning sa tuwa ang mga mata ni Ryleigh. Maganda ang taste ni Helios!Nabigla si Maisie. Lumingon siya sa matatalim na tingin ng ibang socialites. Kung tatanggapin niya ang sayaw na ito, baka “tanggalin” na siya ng mga socialites at mga fans nito.Siniko siya ni Ryleigh sa likuran, at
Nakatitig ang mga kalalakihan sa seksing katawan ni Maisie.Kapag tinitingnan ng mga lalaki ang mga babae, madalas silang nagsisimula sa katawan at umaangat papunta sa mukha. Sinong aayaw sa isang babaeng mayroong magandang katawan at magandang mukha?0Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon ng lalaki, kinilabutan siya nang maramdaman niyang mayroong nakatitig na isang pares ng mata sa kaniya. Tila nagmumula ang tingin mula sa kinatatayuan ni… Mr. Goldmann!Pagkatapos ng sayaw, isang masigabong palakpakan ang sumunod.Nagmamadaling naglakad palayo sa mga tao si Maisie habang sinusubukang hanapin si Ryleigh. Mayroon namang biglang humawak sa kaniya. Tumalikod siya at ngayo’y nakatayo na siya sa harapan ni Nolan.“Ikaw—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, “swoosh”, isang jacket ang bumalot sa kaniya mula sa taas.Hinubad ni Maisie ang jacket ni Nolan at nagtatakang nagtanong, “Anong ibig sabihin nito?”“Isuot mo iyan.” Halata ang pagka-bossy ni Nolan.Ngumiti si Maisie. “P