Lumabas si Maisie at isinara ang pinto sa office ni Willow.Habang nakatingin sa dokumento na pinirmahan ni Willow, napangisi si Maisie. Napakadali talagang paikutin ng mga mangmang na tao.Sa mga oras na iyon, bigla siyang tinawagan ni Ryleigh.Lumapit muna si Maisie papunta sa hagdan bago niya sinagot ang tawag.“Zee, puwede mo ba akong Samahan sa birthday party ni Uncle Boucher mamayang gabi? Sinabi ko kasi kay dad na dadalhin ko ang infamous designer na si Zora. Matagal ka na niyang gusting makita!”Noong narinig ni Maisie kung gaano ka-excited si Ryleigh, nagdalawang-isip siyang sumagot, “Pero hindi ko naman kilala yung mga Bouchers eh…”“Ako, oo! Tutal bumalik ka naman na ulit sa bansa natin, oras na para kumilala ka ng ibang mga tao. Who knows? Baka makita mo pa yung soulmate mo ro’n!”“Tatlo na ang anak ko. Anong soulmate sinasabi mo diyan?” sabi ni Maisie.“Aww, Zee! Sige na! Sumama ka na please?”Hindi niya talaga kayang hindi-an si Ryleigh. Kaya naman, wala nang na
Sa sandaling ito, dalawang lalaki ang tumayo sa itaas ng hagdanan.Nakasandal ang isang braso at mayroon namang hawak na wine glass sa kabila, binaba ng lalaking nakasuot ng navy suit ang kaniyang tingin sa nakakasilaw na anino sa gitna ng mga tao. Lumingon siya kay Nolan. Tinaas ang braso at tiningnan ang kaniyang relo. Halos sampung minuto nang nakatingin si Nolan sa babaeng iyon.“Napakaganda ng babaeng iyon.”“Mm,” Mahinang sagot ni Nolan.Pagkapasok nito ay kaagad niya itong napansin. Sa tuwing gagalaw ang babae sa gitna ng mga tao, sumusunod ang tingin ng lahat ng mga lalaki, lahat ay nagliliyab sa pagnanasa. Hindi niya na kailangan pang mang-akit, sapat na ang pagtayo niya roon upang makuha niya ang lahat ng atensyon.Gulat siyang tiningnan ni Helios Boucher. “Napakabihira ka lang magandahan sa isang babae!”Sa mga taong kilala niya si Nolan, hindi niya kailanman narinig ang lalaki na sumang-ayon na maganda ang isang babae. Kahit na kay Willow na palagi nitong kasama.Ina
“Helios!” Kinawayan siya ni Ryleigh.Hindi na nagulat si Maisie. Alam niyang asawa ni Mr. Boucher ang tita ni Ryleigh na nanay naman ni Helios.“Matagal na rin noong huli tayong nagkita, Ryleigh. Kaibigan mo ba siya?”Kumapit si Ryleigh sa braso niya at sinabing, “Siya ang best friend ko!”“Bakit ka nandito?” Naiiritang tanong ni Nolan kay Helios.Ngumiti si Helios at sinabing, “Para makilala ang binibining ito.” Si Maisie ang tinutukoy niya.Nagulat si Maisie. Gusto daw siyang makilala ng magaling na aktor?Hindi sumagot si Nolan, ngunit nagdilim ang kaniyang mga mata.Hindi pinansin ni Helios si Nolan, lumapit siya kay Maisie at maginoo itong inimbitahan. “Pwede ba kitang maisayaw?”Nagningning sa tuwa ang mga mata ni Ryleigh. Maganda ang taste ni Helios!Nabigla si Maisie. Lumingon siya sa matatalim na tingin ng ibang socialites. Kung tatanggapin niya ang sayaw na ito, baka “tanggalin” na siya ng mga socialites at mga fans nito.Siniko siya ni Ryleigh sa likuran, at
Nakatitig ang mga kalalakihan sa seksing katawan ni Maisie.Kapag tinitingnan ng mga lalaki ang mga babae, madalas silang nagsisimula sa katawan at umaangat papunta sa mukha. Sinong aayaw sa isang babaeng mayroong magandang katawan at magandang mukha?0Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon ng lalaki, kinilabutan siya nang maramdaman niyang mayroong nakatitig na isang pares ng mata sa kaniya. Tila nagmumula ang tingin mula sa kinatatayuan ni… Mr. Goldmann!Pagkatapos ng sayaw, isang masigabong palakpakan ang sumunod.Nagmamadaling naglakad palayo sa mga tao si Maisie habang sinusubukang hanapin si Ryleigh. Mayroon namang biglang humawak sa kaniya. Tumalikod siya at ngayo’y nakatayo na siya sa harapan ni Nolan.“Ikaw—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, “swoosh”, isang jacket ang bumalot sa kaniya mula sa taas.Hinubad ni Maisie ang jacket ni Nolan at nagtatakang nagtanong, “Anong ibig sabihin nito?”“Isuot mo iyan.” Halata ang pagka-bossy ni Nolan.Ngumiti si Maisie. “P
Kung siya nga talaga ang lalaki noong gabing iyon…Biglang nagdilim ang mga mata ni Maisie.Plinano ni Willow ang lahat ng nangyari noong gabing narungisan siya. Siya rin ang kumuntsaba sa lalaking iyon.Pero kung si Nolan ang lalaking kinuha ni Willow para sirain siya, kilala dapat siya ni Nolan.At saka, hindi siya naniniwalang ipapadala ni Willow ang ganoong klaseng lalaki sa kama niya. Siguradong ipagdadamot niya ito.Nang makitang hindi sumasagot si Maisie, nagtanong si Ryleigh, “Zee, naiisip mo rin ba?”“Kahit na siya nga iyon, sa tingin mo ba ay karapat-dapat na maging ama ng mga anak ko ang lalaking ginamit ni Willow?”Hindi nakasagot si Ryleigh. Napaka-astig ng statement na iyon!‘Sa Zlokova, si Zee lang ang mayroong lakas ng loob na isipin na hindi sapat si Mr. Goldmann.’Nagsimulang mag-buzz ang phone ni Maisie.Nang makita niyang si Colton ang tumatawag, mabilis siyang umalis si hall pagkatapos magsabi kay Ryleigh.Sinagot niya ang phone sa corridor. “
Anong problema ng lalaking ito?Binuksan ni Nolan ang pinto ng kotse at pautos na sinabing, “Hindi ako makikipag-diskusyon. Pumasok ka na.”Tumawa si Maisie. Nakakita na siya ng mga babaeng mayroong saltik pero sa lalaki ay hindi pa!Wala siyang emosyon nang sumakay sa kotse.Nang tanungin siya ni Nolan para sa kaniyan address, nag-alinlangan si Maisie at tila mayroong naisip. “Ibaba mo na lang ako sa intersection ng Oceana Drive.”Hindi siya papayag na ihatid siya nito hanggang sa pintuan niya.Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan.‘Oceana Drive? Hindi ba’t naroon ang mga villas sa gilid ng beach?Huminto si Nolan sa intersection ng Ocean Drive. Pagkatapos bumaba ni Maisie, nagpasalamat siya at umalis.Hindi kaagad umalis si Nolan. Nakatingin siya sa direksyon kung saan papunta si Maisie. Iyon nga talaga ang beach villa area!Pumasok si Maisie sa beach villa area. Maingat siya at patuloy lang sa paglalakad imbes na kaagad na pumasok sa kaniyang villa.Hininto ni Nolan
“Hindi sapat ang $150,000,000 para ubusin niyo.”Hindi nakaimik si Maisie.Napayuko na lang si Colton. “At mahirap sa inyo na kumita ng pera at alagaan kami. Walang nag-aalaga sa inyo, kaya gusto namin kayong tulungan.”Tumango si Waylon.Ngayong nakikita niya kung gaano ka-mature ang mga anak niya sa murang edad, hindi alam ni Maisie kung matutuwa siya o malulungkot.Sinusubukan niyang ibigay sa kanila ang pinakamagandang buhay na kaya nilang makamit. Kahit na wala silang tatay, hindi niya hahayaan na maliitin sila ng iba.Alam ni Maisie na mature ang mga anak niya. Hindi niya kailangan na mag-alala nang sobra, pero hinihiling niya na magreklamo ang mga ito sa kaniya minsan. Mas gagaan ang pakiramdam niya kapag nangyari iyon.Yumuko siya at ngumiti pagkatapos bumuntong-hininga. “Sige, alam kong gusto niyong tumulong, pero masiyadong delikado ang pagpasok sa entertainment business. Pag-usapan natin ito kapag mas matanda na kayo. Napakabata niyo pa. Hindi iyon magandang lu
Tumingala si Kennedy. “Pero binigay na ng tatay mo ang mga shares kay Willow. Hindi niya iyon basta-basta isusuko, at saka, “ang taong iyon” ang nakasuporta sa kaniya.”“Ang taong iyon” ay si Mr. Goldmann.Kumurba ang mga labi ni Maisie. “Simula noong bumalik ako, inoobserbahan ko ang relasyon nila. Kahit na pinoprotektahan ni Nolan si Willow, hanggang kailan niya iyon kayang gawin?”“Anong ibig mong sabihin?”“Anim na taon na sila Nolan at Willow, pero wala siyang intensyon na pakasalan siya. Kahit na hindi ko alam ang rason, mayroong isang posibleng konklusyon doon.”Bahagyang nanlamig ang mga mata ni Maisie. “Hindi siya interesado sa ideya na pakasalan si Willow, ibig sabihin ay wala siyang planong pakasalan siya. Sandali lang ang itatagal sa kaniya ni Willow. Hindi magiging mahirap para kay Nolan na makahanap ng babaeng mas higit kay Willow. Konting oras na lang bago ko mabawi ang mga shares ng Vaenna kay Willow.”Alam ni Kennedy na totoo ang mga sinasabi ni Maisie, per