Share

Kabanata 20

Wala ng masabi pa si Maisie pagkatapos niyang marinig iyon, kinaway na lamang niya ang kamay. “Okay, shareholder ka, at mayroon kang huling salita rito.”

Tumalikod siya at nakangiting lumapit sa mga customer. “Ladies and gentlemen, sumunod kayo sa akin sa VIP room at pag-usapan natin ang mga detalye.”

Tumango ang mga customer at sinundan si Maisie papunta sa VIP room.

Masaya si Willow nang marinig niya ang pagtatanggol sa kaniya ni Nolan.

‘Alam kong ako pa rin ang bias ni Nolan.’

“Nolan, hindi ko talaga alam na mayroong nangyaring ganoon. Mas bibigyan ko na ito ng pansin sa susunod.” Mayroong sinseridad na pag-amin ni Willow.

Tiningnan siya ni Nolan at malamig ang tonong sinabi, “Hindi mo naiintindihan ang market, kaya huwag kang pumasok sa ganoong sitwasyon sa susunod. Hayaan mo na si Maisie na asikasuhin iyon.”

Umalis na si Nolan kasama ni Quincy.

Yumuko si Willow habang bumabaon ang kuko niya sa sarili niyang mga palad.

‘Hindi ko na nga siya napaalis sa pamamagitan ng insidenteng ito, pero kailangan ko rin iwanan sa kaniya ang lahat. Ako ang official director ng Vaenna!’

Sa VIP room, inutusan ni Maisie ang mga empleyado na dalhin ang mga tunay na bersyon ng mga produktong binili ng mga customer at nilagay ang mga iyon sa mesa. “Bilang paghingi namin ng patawad, ibibigay namin ito sa inyo bilang regalo. Tungkol naman sa pera, binalik na namin iyon gamit ang respective platforms at matatanggap niyo kaagad. Pasensiya na po sa nangyari ngayong araw.”

Tumayo siya at nag-bow sa kanila bilang paghingi ng patawad.

Ngumiti ang babae at kinaway ang kamay. “Okay lang. Nakuha na namin ang totoong nangyari, at saka binigyan mo na rin kami ng paliwanag. Kaya kalimutan na natin ang insidenteng ito.”

“Salamat sa pag-intindi niyo, madam.” Personal na hinatid ni Maisie ang mga customers sa pinto, at masayang umalis ang mga customers.

Lumabas si Maisie sa elevator nang maganda ang mood, tumingala siya at nakita si Nolan na nakatayo sa harapan ng French windows ng corridor.

Kaagad na nawala ang maganda niyang mood. “Mr. Goldmann, alam mo naman siguro narito ka sa floor ko, tama?”

l‘Hindi ito ang floor ng opisina ni Willow.’

“Hinihintay kita.” Dahan-dahang tumalikod si Nolan, tinitingnan siya nang seryoso.

Pinilit na ngumiti ni Maisie at lumapit. “Anong problema, Mr. Goldmann? Narito ka ba para magreklamo ulit para sa girlfriend mo?”

“Pwede bang huwag kang magsalita nang ganiyan palagi?” Hindi gusto ni Nolan ang ganitong tono at attitude.

“Sorry, ganito lang talaga ako.” Nagkibit-balikat si Maisie.

Nakatikom lang ang mga labi ni Nolan.

‘Hindi iyon ang attitude na pinapakita niya kapag nakikipag-usap sa iba. Masungit siya kapag narito ako.’

“Heh, naiinis ka ba dahil tinulungan ko si Willow?”

.

Blangko ang tingin ni Maisie.

‘Ano?’

Tila nababasa ni Nolan si Maisie. “Alam kong hindi maganda ang relasyon mo kay Willow. Pinupuntirya mo siya dahil siya ang nagmana sa kumpanya ng nanay mo.”

Nilapitan niya si Maisie at marahang nagsalita. “Kailangan mong magpatawad kapag mayroong pagkakataon. Hindi man lang siya nagreklamo tungkol sa ginawa mo sa kaniya anim na taon na ang nakalilipas.”

“Anong ginawa ko sa kaniya six years ago?” Pinantayan ni Maisie ang tingin ni Nolan at biglang ngumisi. “Kung ganoon, si Willow ang biktima para sa iyo?”

Binaba ni Nolan ang tingin at hindi nagsalita.

Pinigil ni Maisie ang kaniyang ngiti, at nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha. “Oo, siya palagi ang kaawa-awa sa harap ng iba. Kahit ang tatay ko ay namomroblema sa tuwing nagpapaka-biktima siya, ikaw pa kaya.”

“Maisie Vanderb—”

“Mr. Goldmann,” Walang emosyong pinutol ni Maisie ang sinasabi ni Nolan. “Wala kang alam sa naranasan ko, kaya wala kang karapatang husgahan ako. Wala akong pakialam kung anong sinabi sa iyo ng kabigha-bighaning Willow, pero malinis ang konsensya kong sasabihin sa iyo ito. Ako ang biktima sa nangyari 6 years ago.”

Pagkatapos niyang magsalita ay kaagad siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang opisina. HIndi na niya hinintay pang magsalita pa si Nolan.
Mga Comments (116)
goodnovel comment avatar
Gina Delgado
balik nyo Ako chapter 707
goodnovel comment avatar
Gina Delgado
please balik nyo Ako sa chapter 707
goodnovel comment avatar
Teresita Sabiano
ung ang layo n ng nbasa ko tpos biglang ng refresh ung accnt ko at boom back to chapter1...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status