Share

Kabanata 19

Tiningnan ni Maisie si Willow, binaba niya ang hawak na pearl bracelet. Bahagyang nakakurba ang sulok ng kaniyang mga labi. “Hindi ko inorder ang batch ng mga pekeng ito, kaya hindi ko aakuin ang sisi.”

Lumapit si Willow at hinawakan ang kamay ni Maisie. “Zee, sabihin mo dapat ang totoo. Pagkatapos ng lahat, kumpanya pa rin ng tatay mo ang Vaenna. Hindi mo dapat sirain ang pinaghirapan ng tatay mo, tama?”

“Nagsasabi ako ng totoo.” Seryoso ang mukha ni Maisie habang hinihila ang kamay niya palayo, kinuha niya ang pear bracelet at lumapit sa babae. “Madam, bumili kayo ng pekeng alahas sa Vaenna at alam kong hindi maganda ang mood niyo. Binayaran niyo ito ng pera niyo.

“Pero huwag kayong mag-alala, hindi ko pwedeng hayaan na bumagsak ang reputasyon ng Venna sa putikan dahil lang sa ilang peke. Pinapangako kong hindi lang maibabalik ang pera niyo, pero makukuha niyo rin ang tunay na produkto pagkatapos kong malaman ang nasa likod ng insidenteng ito.”

Nabigla ang babae. Natural lang na tanggapin niya ang alok na ito dahil mababawi niya ang kaniyang pera at ang kaniyang alahas.

“Ayos iyon sa akin, pero sabihin mo, anong problema sa pekeng ito? Gusto lang namin makuha ang statement mo ngayon.”

Lumapit si Maisie sa staff ng purchasing department. “Noong inabot ko sa iyo ang purchase order, sinabi ko sa iyo na ikaw ang magiging responsable kapag mayroong nangyari sa batch ng materyales na ito, tama?”

Natulala ang clerk ng purchasing department at yumuko. “Pero inorder ang mga materyales base sa order slip na binigay niyo.”

“Oo nga, Zee, inorder lang ng purchasing department ang order na inabot mo sa kanila, kaya bakit sila ang sisisihin mo kapag mayroong nangyaring mali?”

“Ikaw ba dapat ang sisihin ko?” Humarap sa kaniya si Maisie.

Nabilaukan si Willow, at halatang nagbago ang ekspresyon niya.

Kumunot ang noo ni Nolan at walang emosyong tinitigan si Maisie. Alam niyang ang Vaenna ay isang kumpanyang itinayo ng nanay ni Maisie, imposibleng paglaruan niya ang reputasyon ng kumpanya.

Pinakita ni Maisie ang raw material order slip sa harapan ng lahat. “Sinymang mayroong alam sa alahas ay kilala ang kumpanyang Jade Mountain Co., ang supplier na isinulat ko sa order slip. Lahat ng mga diyamante at jade na gamit ng kalahati sa mga kumpanya ng alahas sa Bassburgh ay galing sa Jade Mountain Co..”

Tumango ang ilang bisita at nagdiskusyon. “Matataas na klase nga ang mga ores na galing sa Jade Mountain Co. Ilang milyon ang halaga ng mga gemstones at diyamanteng ginagawa nila.”

“Tama, hindi pwedeng maging peke ang mga bato ng Jade Mountain Co.”

Pinulot ni Maisie ang pear bracelet. “Ang mga perlas sa bracelet na ito ay gawa sa pearl power at crystal. Alam naman natin na maliit lang ang halaga ng crystal sa market. Hindi nito kasing presyo ang ginto, pilak at diyamante, at mayroon itong mataas at mababang klase.

“Ang mga premium at natural crystals ay nagkakahalaga lamang ng mga $400-600 per ounce, habang ang mga matataas namang kalidad ng crystals at nasa $200 per ounce.”

Kinwenta ng babae ang math gamit ang kaniyang mga daliri at biglang nagtanong, “Kung ganoon, mayroon bang halaga ang crystal na nasa bracelet ko?”

“Siyempre ay wala itong halaga. Ordinaryong crystals lang sila.” Ngumiti si Maisie at lumingon sa empleyado ng purchasing department. “Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa isang jewelry company, at hindi mo pa rin alam ang mga gemstones ng Jade Mountain Co.?”

Yumuko ang staff mula sa purchasing department, at halatang nahihiya.

Takot na takot si Willow. Hindi niya maaaring hayaang makaligtas pa si Maisie. “Binili nga nila iyon sa Jade Mountain Co., pero ngayong mayroong nakitang mga peke, pinapakita lamang nito na maaaring hindi totooo ang lahat ng diyamante at raw materials ng Jade Mountain Co.”

Bilib si WIllow sa sarili nang makitang tahimik na nakatingin sa kaniya ang lahat.

Gayunpaman, napansin niya kaagad na mayroong mali sa tingin ng lahat, at doon bahagyang namutla ang mukha ni Willow.

‘Mayroon ba akong nasabing mali?’

Tumawa si Maisie. “Director Vanderbilt, nagtatrabaho ka sa jewelry industry. Pero bakit hindi ka nagtanong tungkol sa Jade Mountain Co. noong pinamunuan mo ang Vaenna Jewelry? Huwag mo sabihin sa iba na peke ang raw materials ng Jade Mountain Co. kung wala kang masiyadong alam tungkol sa kanila. Hindi mo lang ipinapahiya ang may-ari ng Jade Mountain Co. pero pinapahiya mo rin ang sarili mo.”

Halos maging kulay pula na ang mukha ni Willow. Mayroon pang lihim na natawa nang marinig ang sinabi ni Maisie.

“Siguradong hindi nanggaling sa supplies ang dahilan ng mga pekeng perlas na ito. Kung ganoon nga, dapat nating bisitahin ang Jade Mountain Co. at kwestyunin sila. Pero kung ang batch ng materyales na ito ay hindi nanggaling sa Jade Mountain Co., ibig sabihin ay mayroong taong gustong sirain ang kumpanya. Kung ganoon nga ang kaso, hindi ako basta tatayo lang rito at aakuin ang sisi para sa kaniya.”

Pagkatapos sabihin iyon, tila bumaling ang tingin ni Maisie kay Willow. “Nagtrabaho ako sa jewelry design industry noong nasa Stoslo ako. Nahawakan ko na ang ginto, pilak, diyamante, gems, carnelian at jade. Pinagdududahan mo ba ang kakayahan kong matukoy ang tunay sa peke?”

Habang sinasabi niya iyon, tinitingnan niya nang masama ang mga empleyado ng purchasing department. “Oras na para palitan ang buong purchasing department.”

Kahit na kaswal na statement lang iyon, namutla ang lahat ng mukha ng empleyado ng purchasing department.

Kinakabahan si Willow pero tiniis niya ito at sinabing, “Zeee, kahit na ang mga tao ng purchasing department ang dahilan ng isyu na ito, hindi mo sila pwedeng tanggalin na lang. Pagkatapos ng lahat, ginawa lang nila ang inutos mo—-”

“Kung ganoon, sinasabi mo bang mayroong problema sa order ko?”

“I…”

Ngumisi si Maisie. “Nakita na ng publiko. Makikita sa order ang pangalan ng Jade Mountain Co., kaya anong naging problema kung dumating ang order sa purchasing department?

“Binalaan ko na sila noong oras na iyon na ang purchasing department ang magiging responsable sa anumag pagkakamali. Gayunpaman, bilang director ng kumpanya, malaking pagkakamali ang nagawa ng mga empleyado sa ilalim ng pamamahala mo. Nagbenta sila ng mga pekeng produkto sa mga customers. Kung ikaw ang magiging responsable sa insidenteng ito, hindi na ako mangingialalam.”

Kinagat ni Willow ang labi at hindi niya alam ang gagawin. Tiningnan na lamang niya si Nolan.

Dismayado nga si Nolan sa kung paano hinarap ni Nolan ang problema sa araw na ito, pero naiintindihan niyang hindi ito naiintindihan ni Willow. Kaya naman hindi siya nakipagtalo.

“Kung ganoon, tanggalin mo ang in charge sa purchasing department. Pagkakamali naman ito ng department.”

Hindi mapigilang mainsulto ni Maisie nang marinig niya iyon. “Hindi ba siya dapat maging responsable bilang director ng kumpanya?”

Huminto ang tibok ng puso ni Willow.

‘Anong ibig sabihin ng bruhang ito?’

Malamig ang tingin ni Nolan. “Hindi ganoon kalaki ang nalalaman ni Willow sa jewelry industry kumpara sa iyo. Marahil ay hindi niya alam ang ganiyang pagkakamali. Kaya paano mo siya gagawing responsable?”
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku nolan sana malaman mo na ang lahat kung sino ang may kagagawan ng mali walang iba kundi yang willow na yan
goodnovel comment avatar
Joan Batio-an Camilo-Felipe
Sino may full story PO nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status