Share

Kabanata 14

Marahil galit nga si Leila kay Maisie, pero naipon niya na ang lahat ng poot sa loob niya. Kaya naman, pagkauwi niya ay nagpunta siya kay Stephen at nagreklamo tungkol kay Maisie.

Binaba ni Stephen ang diyaryo, halatang nagulat siya. “Bumalik na si Zee sa Zlokova?”

“Oo, siya na si Zora ngayon, isang world-renowned jewelry designer. Narinig kong sinabi ni Willow na sa sobrang lakas ng loob niya ay wala siyang pakialam na igalang si Mr. Goldmann, lalo na kami ni Willow.”

Dahil alam ni Stephen na karelasyon ng anak niyang si Willow si Mr. Goldmann, malaki ang inaasahan niya rito at pinapahalagahan niya ito nang sobra.

Kaya naman, natural lamang na hindi siya pwedeng maupo at manood na lang mula sa sulok ngayong nalaman niyang nakikipagsagutan si Maisie kay Mr. Goldmann. Pagkatapos ng lahat, hindi lang reputasyon at status ang gusto ni Stephen, ayaw niya rin galitin ang mga Goldmann. Paano niya magagawang maupo na lang sa buong insidenteng ito at panooring makuha sa kaniya ang perpekto niyang manugang?

Tinupi ni Stephen ang diyaryo at nilapag ito. “Ang batang iyon, hindi ko siya nakita sa loob ng anim na taon, at nagawa niya nang galitin si Mr. Goldmann?”

Tumabi sa kaniya si Leila at hinawakan braso ni Stephen, nagpanggap na naagrabyado. “Oo, hindi ba? Pumunta ako sa kumpanya kanina para paalalahanan siya tungkol sa kabutihan natin, pero…Pinagalitan niya ako.

“Dear, sa iyo mas nakikinig si Zee. Hindi natin siya pwedeng hayaan na lang na umasta nang ganoon. Hindi natin alam kung kailan masasali si Willow sa galit ni Mr. Goldmann kay Maisie. Mahirap iyon ayusin kapag dumating ang oras na iyon.”

Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ni Stephen habang seryosong sinasabi, “Pauuwiin ko ang batang iyon bukas.”

Lumakas ang loob ni Leila nang marinig iyon.

‘Hindi ko man kayong sumagot sa iyong bruha ka, pero hindi ako naniniwalang kahit ang tatay mo ay walang magagawa sa matalim mong dila.’

*****

Nang kumakain sila ng hapunan, nakita ni Maisie na medyo mataba ang pisngi ni Maisie. “Daisie, anong nangyari sa pisngi mo?”

“Mummy, lumabas kami nila ninang kaninang tanghalian, at nakasalubong namin ang nanay ni Willow. Bigla kaming tinanong ng masamang babae na iyon kung anak mo ba kami, at sinampal niya si Daisie.”

Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Maisie at halos mabali niya na ang kutsara. Kung hindi sa takot niyang matakot ang triplets, lalabas na siya ng mayroong dalang kutsilyo.

‘Bwisit ka, Leila! Kaya pala siya pumunta sa opisina ko kanina.

‘Pero sandali, paano nalaman ni Leila na mayroon akong mga anak? At paano siya nakasisiguradong mga anak ko sila?

Hinawakan ni Daisie ang kamay ng kaniyang ina. “Huwag kayong magalit, Mommy. Hindi po gaanong masakit. Nalulungkot lang ako na ang ibang bata ay pinoprotektahan ng daddy nila, pero ako hindi.”

Biglang huminto ang tibok ng puso ni Maisie, at nagdilim ang mga mata niya. Kahit na kaya niyang ibigay sa mga bata ang isang napakagandang growth environment, kulang pa rin sila sa pagmamahal ng isang ama.

Sobra siyang naaawa sa mga bata dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanila ang tungkol sa kanilang ama.

Pagkatapos ng lahat, kahit siya mismo ay walang alam tungkol sa lalaking iyon.

Tinaas ni Waylon ang tingin at mariing nagtanong, “Mommy, bakit tayo iniwanan ni Daddy?”

Sinundan ni Colton ang usapan at tumango. “Opo, opo, bakit ayaw na sa atin ni Daddy?”

Mayroon sanang sasabihin si Maisie nang biglang umiyak nang malakas si Daisie sa tabi niya. “Boohoohooo, nakakita na siguro ng ibang babae si Daddy. Kaya ayaw na niya kay Mommy at sa atin. Boohoohooo.”

Nagkatinginan sina Colton at Waylon.

‘Kahanga-hanga talaga ang acting skills ni Daisie.’

“Huwag kang umiyak, Daisie. Walang ganoong nangyari. Hindi kayo iniwanan ng daddy niyo.” Naubusan na ng ideya si Maisie. Banayad niyang pinunasan ang mga luha ng bata.

Huminto sa pag-iyak si Daisie at namumula ang mga matang tinitigan ang kaniyang ina. “Talaga?”

Nakangising sumagot si Maisie, “Oo, bakit kayo iiwanan ng daddy niyo?”

“Kung ganoon bakit wala kayong sinasabi sa amin tungkol kay Daddy? Bakit kami iniwan ni Daddy?”

Balak sanang ipagpatuloy ni Daisie ang kaniyang pagtatanong upang marating niya ang kadulu-duluhan nito.

Nang makita na nakatitig sa kaniya ang tatlong bata, tinakpan ni Maisie ang bibig at biglang nalungkot. “Huwag na natin ituloy ang usapan na ito. Hindi ko na babanggitin sa inyo ang daddy niyo dahil maaga siyang namatay. Nakikita ko na ang mga damong tumubo sa puntod niya ngayon.”

Hindi nakaimik ang tatlo.

‘Mommy, hindi ba kayo nakokonsensya?’

Tumawag naman si Ryleigh habang nag-iisip si Maisie ng paraan kung paano patitigilin ang tatlong bata. Pero ligtas na siya ngayon salamat sa tawag.

Tumayo siya at nagpunta sa balcony para sagutin ang tawag. “Kumakain ako. Anong problema?”

Gayunpaman, mayroong kakaibang boses ng lalaki sa kabilang linya. “Kamag-anak ba kayo ni Ms. Hill? Mula kami sa traffic police department…”

Nagmamadaling pumunta si Maisie sa presinto at nakita si Ryleigh na kaawa-awang nakaupo sa sulok.

Huminga siya nang malalim at lumapit, “Anong ginawa mo?”

“A…aksidente akong nakabangga ng kotse, at…pagmamay-ari iyon ng isang taong hindi ko kayang kalabanin.”

Baka nagalit niya ang isang tigre sa aksidenteng ito. Pag-uwi niya ay babalatan siya nang buhay ng tatay niya sa oras na malaman nito ang nangyari.

Tiningnan siya ni Maisie. “Kaninong kotse ang nabangga mo?”

Maingat na tumingin sa loob si Ryleigh habang isang traffic policeman naman ang lumabas ng opisina kasama ng dalawang lalaki.

Ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi si Nolan Goldmann, isang lalaking palagi na lang umaaligid sa kaniya.

Nanigas ang ekspresyon ng mukha ni Maisie. Tiningnan niya si Ryleigh at nagngalit ang mga ngipin. “Ang galing mong pumili ng biktima, pero bakit hindi mo siya pinatay sa aksidente?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Ryleigh, at inosente niyang sinabi, “Hindi ko talaga sinasadya. Nagmamadali ako, hindi ko alam..”

Takot na takot siya nang mabangga niya ang Rolls-Royce, at para siyang nakidlatan nang makita niya ang mga tao sa loob ng kotse.

Bahagyang nagdilim ang mukha ni Nolan nang makita niya si Maisie.

Lalo na ang eksena na hindi nawawala sa isipan niya noong lapitan siya ni Willow nang gabing iyon.

Lumapit siya sa kanila at dumapo ang tingin niya kay Maisie. “Ikaw ang guarantor na binigay niya sa amin?”

Bahagyang ngumiti si Maisie. “Oo, kasalanan ito ng kaibigan ko. Sundan na lang natin ang procedure, Mr. Goldmann, sabihin niyo lang kung magkano ang gusto niyong bayaran namin.”

HIndi nagbago ang ekspresyon ni Nolan. “Hindi na kailangan ng bayad. Malapit na rin naman ma-written off ang sasakyan na iyon.”

‘Written off?’

Tiningnan ni Maisie si Ryleigh. “Ganoon ba kaseryoso iyon?”

Umiling si Ryleigh, “Hindi, mayroong yupi.”

Si Quincy na nakatayo sa gilid ay nakangising nagpaliwanag, “Miss Vanderbilt, bawat sasakyan na pagmamay-ari ni Mr. Goldmann ay palaging bago at hindi pa kailanman napaayos. Mari-written off ang sasakyan ni Mr. Goldmann kahit na isang screw lang ang nawawala.”

“Sinasabi mo bang gusto mong bilhan ka ng bagong sasakyan ng kaibigan ko?” Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Maisie.

Para bang sinasabi ni Quincy na iyon ang dapat na hingin. “Depende iyon sa attitude na ipinapakita mo ngayon.”

“Ikaw…” Mawawalan na ng pasensya si Maisie samantalang mabilis naman hinila ni Ryleigh ang laylayan ng damit niya. Hindi niya kayang bumili ng bagong sasakyan.

Alam ni Maisie na hindi nagkukulang sa pera ang lalaking ito, kaya natural lang na hindi nito hihingin kay Ryleigh ang isang bagong kotse bilang kabayaran. Ginagawa lang niya ito para kalabanin siya.

“Base sa attitude ni Miss Vanderbilt, hindi ka pa ba masaya sa offer?”

Malapitan siyang tinitigan ni Nolan. Plano na niyang ipasa ito sa traffic police at walang intensyon na pagbayarin ang babaeng ito para sa buong kotse. Sadyang naalala niya lang ang sinabi sa kaniya ni Willow kagabi at medyo nainis nang malaman na ang pinatawag na guarantor ay si Maisie.

‘Walang sinuman ang nakaapekto sa emosyon ko nang ganito, kahit na babae. Gayunpaman, nawalan ako ng pasensiya dahil sa dalawang bata, at naaapektuhan naman ako ng babaeng ito ngayon?

‘At ginawa ba talaga ng babaeng ito ang bagay na iyon kay Willow noon?

‘Kung ganoon, gusto kong akita kung anong gagawin niya para sa ‘kaibigan’ niya ngayon.’
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku Maisei ingat ingat dahil gumagawa ng oaraan ang nag inang Willow para tuluyang magalit sayo ang ama ng mga anak mo Maisei
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
maraming kalaban maisie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status