Share

Kabanata 15

“Huminga nang malalim si Maisie upang pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Hindi ako sigurado sa kung anong klaseng attitude ang gustong makita ni Mr. Goldmann mula sa amin. Kung paghingi iyon ng patawad, ako na ang hihingi alang-alang sa kaibigan ko.”

‘Paghingi lang ng patawad ang gusto niya, hindi ba?’

Inipon ni Maisie ang lahat ng positibong emosyon sa loob niya at yumuko sa harapan ni Nolan. “Pasensiya na, Mr. Goldmann.”

Nang makita ang pagyuko ni Maisie, ang ironic ng pakiramdam ni Nolan. “Hindi ko inaasahang hihingi ng patawad si Miss Vanderbilt para sa kaibigan niya. Hindi ko makitang ikaw ang klase ng taong gagawa ng ikasasakit ng kapatid mo.”

Mapaghinalang tinuwid ni Maisie ang kaniyang tayo. “Anong ibig sabihin ni Mr. Goldmann?”

‘Sinaktan ko ang kapatid ko? Si Willow ba ang tinutukoy niya?’

Lumapit si Nolan sa kaniya, at walang emosyong sinabing, “Akala ko ay isa kang taong tatanggapin ang consequences ng mga nagawa niya, pero mukhang hindi ka ganoon.”

Tumalikod na siya at sinabing, “Palalagpasin ko sa ngayon ang nangyari ngayong araw.”

Kumalma na rin ang puso ni Ryleigh na halos lumabas na sa lalamunan niya. Ngunit nang maisip niya ang mga sinabi ni Nolan kay Maisie, nagtanong siya, “Zee, anong ibig sabihin ni Mr. Goldmann?”

“Paano ko malalaman?” Ngumiti si Maisie. “Baka iniisip niyang pinupuntirya ko si Willow, kaya pinagtatanggol niya si Willow bilang boyfriend niya, tama?”

“Ano? Girlfriend ni Mr. Goldann si Willow Vanderbilt?” Nagulat si Ryleigh. “Bulag ba si Mr. Goldmann? Napakaraming babae sa mundo, at kay Willow pa talaga siya nagkagusto?”

Lumingon sa kaniya si Maisie. “Tsismis pa rin ang iniisip mo? Pinapayuhan na kitang mag-isip ng paliwanag para sa tatay mo kapag nakauwi ka na.”

Naglakad siya agad pagkatapos magsalita.

Sumimangot si Ryleigh at kaagad siyang hinabol.

Kinabukasan…

Naglabas si Maisie ng isang listahan ng mga raw materials na kailangang bilhin at inabot iyon sa purchasing department staff. “Mag-order ka ng diyamante bse sa purchasing slip ko. Ikaw ang responsable sa anumang kapalpakan na mangyayari.

Tiningnan ng clerk sa purchasing department ang listahan sa slip at tumango. “Sige po.”

Inaayos na ng purchasing department staff ang listahan ng mga kailangang bilhin nang umalis si Maisie, doon naman tumunog ang office phone.

Binaba niya ang listahan sa mesa, tumayo, at lumapit sa telepono para sagutin ang tawag.

Isa pang babaeng clerk ang tumayo, lumapit sa mea niya, at kinuhanan ng litrato gamit ang kaniyang mobile phone ang orihinal na address at contact information ng manufacturer na nakalagay sa purchasing slip.

Pagkatapos bumalik nang mabilis sa kaniyang upuan, palihim niyang pinadala kay Willow ang litrato.

Hindi mapigilang mapangisi ni Willow nang makita niya ang litrato na pinadala sa kaniya ng clerk sa purchasing department..

‘Dahil ikaw ang in charge ng purchasing department, huwag mo akong sisihin dito.’

Tumunog ang landline ng office. Sinagot ni Willow ang tawag at sumagot, “Hello?”

“Willie, ilang beses ko nang tinatawagan ang phone mo, bakit nakapatay?” Hindi siya matawagan ni Leila sa cell phone, kaya sa landline na lang ng office siya tumawag.

Namutla ang mukha ni Willow nang marinig niya iyon. “Pinagpira-piraso ng bruhang iyon ang phone ko, kaya hindi niyo ako matawagan doon. Bibili ako ng bagong cell phone bukas. Bakit niyo ako hinahanap?”

“Ipapatawad ng tatay mo ang bruhang iyon pauwi ngayong gabi. Isama mo rin si Mr. Goldmann mamayang gabi. Hindi hahayaan ng tatay mo na magtagumpay ang bruhang iyon basta maging opisyal na kayo ni Mr. Goldmann!”

Hindi mapigilan ni Willow ang pagkunot ng kaniyang noo. “Ma, kailan mo pa nakitang sumama sa akin si Nolan para mag-dinner diyan, at paano kung ayaw niyang sumama?”

Sa nakalipas na taon, hindi kailanman sinabi ni Nolan na gusto niyang bumisita sa bahay ng mga Vanderbilts.

“Kailangan mo lang siyang lambingin para pumunta siya rito, gawin mo ang lahat. Huwag mong kalimutan, malaki na ang expectations sa iyo ng tatay mo ngayon. Paano ka namin matutulungan ng tatay mo kung hindi mo kayang gawin kahit iyan lang?”

Kailangan niyang magmadali at masiguro ang posisyon ng anak niya bilang opisyal na Mrs. Goldmann. Hindi siya mapakali simula nang makita niya ang dalawang bata sa restaurant noong nakaraang araw.

Mayroong punto ang mga sinabi ni Leila.

‘Sineseryoso na ako ni Dad nitong mga nakaraang taon dahil sa relasyon ko kay Nolan. Ngayong bumalik na si Maisie, at dahil isa na rin siyang top-notch international jewelry designer. Walang-awala ako sa harapan ni Maisie kung wala akong suporta ni Nolan.’

Naupo si Maisie sa kaniyang opisina at binabasa ang impormasyon ng lahat ng dating staff ng kumpanya. Nakatuon ang tingin niya kay Mr. Kennedy Fannon.

Naalala niya si Mr. Fannon dahil siya ang assistant ng nanay niya noon. Ito ang namahala sa Vaenna Jewelry at pinanatili ang sales ng Vaenna sa Bassburgh pagkatapos ng pagpanaw ng nanay niya.

Nagsimulang bumagsak ang sales ng Vaenna simula noong nag-resign siya.

Biglang nag-vibrate ang phone niya.

Pinagmasdan ni Maisie ang identity ng caller na lumitaw sa screen—ito ang tatay niyang matagal na niyang hindi nakakausap.

Hindi niya mapigilang mag-alinlangan sandali.

*****

Parang bago at kakaiba lahat para sa kaniya nang bumalik siya sa bahay ng mga Vanderbilts. Pagtapak niya sa villa, ang nanny ang unang taong nakakilala sa kaniya. “Milady?”

Nakasuot si Leila ng isang one-piece evening dress, nakaupo sa sofa at umiinom ng tsaa. Binaba niya ang teacup at agad na tumayo nang makita niya ang pagdating ni Maisie. “Oh, Zee, nakabalik ka na rin?”

Habang tinitingnan si Leila, hindi mapigilan ni Maisie na maisip ang sampal na tinanggap ni Daisie sa pisngi, kaagad na nagdilim ang ekspresyon niya.

‘Mayroon ka pang utang na sampal sa akin. Kailangan mo iyon bayaran.’

Ngumisi si Leila at lumapit. “Alam na ng tatay mo na nakabalik ka na sa Zlokova. Kaya naman pinatawag ka niya rito para kumain. Bakit ganiyan ang itsura mo? Hindi magandang makita ka ng tatay mo sa ganitong mood.”

Ngumisi si Maisie, “Bakit pakiramdam ko ay ito na ang huli kong kain?”

‘Hindi ko kailanman kinausap ang tatay ko simula nang bumalik ako sa bansa. Nakuha niya marahil ang impormasyon galing kay Willow o Leila.

‘Hindi niya rin ako kinontak sa nakalipas na anim na taon, pero pinatawag niya ako ngayon para maghapunan dito. Ang nakakakilabot pa ay hindi man lang siya nito binati nang imbitahan siya.

“Bakit mo naman tatawaging huling kain ang family dinner natin?”

“Huwag mo akong pasukahin. Mas sanay ako na tinatawag mo akong malandi. Mas mabait pang pakinggan iiyon.” Diniinan ni Maisie ang salitang ‘mabait’ na para bang sinusubukan niyang inisin si Leila.

Bago pa mawalan ng pasensya si Leila, isang malalim na boses ang narinig mula sa itaas. “Zee, anim na taon na ang nakalipas, pero wala ka pa pa rin tigil. Ganiyan mo ba kausapin ang nanay mo?”

Tumawa si Maisie. “Patay na ang nanay ko. Kung hindi ako nagkakamali, nandoon ka rin noong cremation niya.”

“Anong natutunan mo sa anim na taong nasa ibang bansa ka? Ganiyan ka na ba makipag-usap sa mga nakakatanda sa iyo ngayon?” Halos mamatay si Stephen sa matinding galit.

Noong una ay medyo nakonsensya siya sa pagpapalayas kay Maisie noon, pero hindi niya inakalang hindi pa rin ito nagsisisi.

Lumapit si Leila kay Stephen at kinumbinsi ito, “Dear, huwag kang magalit kay Zee. Madrasta niya lang ako. Naiintindihan ko kung bakit kahit maraming taon na ang nakalipas hindi pa rin ako natatanggap ni Zee.”

“Para sa akin, mas malala ka pa kaysa sa madrasta.”

“Maisie Vanderbilt!” Galit na galit na sigaw ni Stephen, “Pinabalik kita rito para mag-dinner hindi makipag-away sa pamilya mo. Kung hindi ka masaya, umalis ka!”

Tinitigan ni Maisie ang galit na galit niyang ama.

‘Wala pa rin siyang awa katulad noong araw na pinalayas niya sa bahay na ito. Pipiliin niyang maniwala sa kung anong sasabihin nina Leila at Willow sa kaniya. Samantalang, ako naman ay isa lang batang matigas ang ulo na palaging gumagawa ng gulo at hindi gumagalang sa nakatatanda.’

Ngumisi si Maisie. “Wala rin akong planong manatili pa rito ni isang segundo.”

Tumalikod siya at paalis na sana ng bahay nang pumasok naman si Willow kasama si Nolan na hawak-hawak niya sa braso.

Nang makita nina Leila at Stephen si Nolan, tumayo sila para batiin ito. Tuluyang nawala ang galit sa mukha ni Stephen na para bang hindi siya ang taong galit na galit kanina.

“Mr. Goldman, hindi ko inaasahang pupunta kayo.”

“Oo.” Tumango lamang si Nolan nang biglang dumapo ang tingin niya kay Maisie, nawalan ng emosyon ang kaniyang tono. “Masaya ata ang bahay ng mga Vanderbilts ngayon.”

Sinulyapan ni Stephen si Maisie at nag-aalinlangan itong ipinakilala, “Uh, siya ang bunso kong anak, si Maisie Vanderbilt.”

“Oh, ngayon ko lang naman na ang sikat na jewelry designer na si Zora ay anak pala ng mga Vanderbilts.”

Lihim na ngumiti si Stephen. “Oo, siya…namana niya ang talentong iyon sa nanay niya.”

Nakatayo lang doon si Maisie habang nakahalukipkip, nanonood na para bang ibang tao siya. Hindi niya mapigilang matawa sa napakagandang trato nila kay Nolan.

“Aalis na ako ngayon. Please, enjoy your dinner.”

Pinigilan siya ni Willow nang paalis na siya. “Zee, ngayong nakauwi ka na, samahan mo na kaming kumain.”

Sumabay si Leila sa script at nagpanggap na parang butihing ina. “Oo nga, Zee, huwag mo ng suwayain ang tatay mo sa ganitong okasyon.”
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gina Delgado
chapter 707 ma Ako bakit nawala
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sarap pag uintigin ng mag inang willow at leila ang galing best actres
goodnovel comment avatar
Avery Mar
nakakahigh blood Yung maginang Leila ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status