Share

Kabanata 16

Walang sinabi si Maisie.

'Binuhos nila ang lahat ng makakaya nila para mapauwi ako para sa dinner. Inimbita pa nila si Nolan dito at pinipilit akong huwag manatili para sa dinner. Kung ganoon, kailangan kong manatili rito para makita kung anong pinaplano ng mag-inang ito.'

Tumingala sita at tumawa. "Okay, hindi na ako aalis para sa dinner."

Hindi inaasahan nina Willow at Leila na papayag si Maisie, pero sumasang-ayon ang lahat sa plano nila.

Nakayuko lamang si Maisie at hindi nagsasalita habang kumakain. Halos tahimik rin sina Stephen at Leila buong dinner, marahil dahil sa presensya ni Nolan.

Hindi gaanong kumain si Nolan. Gusto niyang tanggihan ang imbitasyon ni Willow nang magpasama ito sa kaniya pabalik sa bahay ng mga Vanderbilt, pero nabanggit si Maisie.

Dahil sa sinabi ni Willow na si Maisie ang nag-imbita sa kaniya sa bahay ng mga Vanderbilt, gusto niyang makita kung anong tinatago ni Maisie.

"Zee, anong nangyari sa iyo nitong nakaraang mga taon?"

Iyon lang siguro ang pagkakataon na naisip ni Stephen na magpakita ng pakialam sa anak niya.

Hindi man lang inangat ni Maisie ang tingin. "Naging masaya naman ako, salamat sa iyo."

Sandaling makikita ang hiya sa mukha ni Stephen.

Sinenyasan naman ni Leila si Willow gamit ang tingin. Doon lang nagsalita si Willow sa harapan ng kaniyang ama. Naglagay siya ng pagkain sa plato ni Nolan. "Nolan, kumain ka pa."

Kaagad na ngumiti si Leila at dinagdag, "Mr. Goldmann, salamat sa pag-aalaga mo kay Willie sa mga nakalipas na taon. Mabait at maaalalahaning bata si Willie, pero pagpasensiyahan niyo siya kung mayroon man siyang mga pagkukulang."

Yumuko si Maisie at muntik nang tumawa nang malakas.

Mayroong napansin si Nolan, inangat niya ang tingin at tiningnan si Maisie. "Parang mayroong gustong sabihin si Miss Vanderbilt?"

Natuon kay Maisie ang atensyon ng tatlong tao sa hapag-kainan.

Hindi mapigilang sumagot ni Maisie, "Anong sasabihin ko? pero nagtataka ako, Mr. Goldmann, nasa 30s ka na, at anim na taon na kayong magkasama. Oras na rin para pakasalan mo ang mabait at maalalahanin naming Willow."

Diniinan niya ang mga salitang "mabait" at "maaalalahanin" dahil nakita na niya ang pinaplano ng mga Vanderbilts.

Sa mga sinabi niyang iyon, si Leila, at kahit na si Willow ay nanigas ang ekspresyon.

Si Nolan naman ay nakatingin nang masama kay Maisie na para bang babalatan niya ito nang buhay.

Nag-aalala si Willow na baka mag-overthink si Nolan, kaya kaagad niyang dinagdag, "Nolan, nagbibiro lang si Zee, huwag mong seryosohin iyon."

Gayunpaman, walang pakialam si Maisie sa mga consequences at nagpatuloy sa pagsasalita, "Willow, paano ko ba ito sasabihin? Boyfriend mo si Mr.Goldmann, pero bakit napakagalang mo kapag kausap mo ang boyfriend mo?"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Willow, at pinanlisikan niya ng mata si Maisie.

Nang makitang hindi maganda ang ekspresyon ni Stephen, kaagad na pumagitna si Leila. "Zee, tingnan mo ang sarili mo. Anong sinasabi mo? hindi ito blind date."

'Bwisit, ang daming pwedeng sabihin ng bruhang ito, pero pinili niyang pag-usapan ang kasal ng dalawa. Sinasadya niya ba ito para ipahiya kami?

'Kahit na sinabihan namin si Willow na isama rito si Nolan upang pagparehain sila, imposibleng mapag-usapan namin iyon nang diretso. At hindi rin namin pwedeng ipilit ang buong kasal kay Nolan.

'Ginagawa namin ito sa harapan ni Maisie para lang malaman niya ang lugar niya at sumuko na kay Nolan, kaya ang dapat lang namin gawin ay patagong ilahad ang mensahe. Pero sinong mag-aakala na sisirain niya ang buong palabas!?'

Hindi tamga si Maisie. Pinupuntirya siya ng mag-ina at binabalaan siyang huwag magkaroon ng anumang ideya kay Nolan, at inimbita nila rito si Nolan at pinilit siyang mag-stay for dinner. Halatang-halata ang plano nila sa simula pa lang.

Kailangan niya pang galingan ang pagsabay sa kanila.

Hindi pinansin ni Maisie si Leila at patuloy na tinitigan si Nolan. "Mr. Goldmann, huwag mo sabihin sa akin na wala kang balak."

Nagpanggap na gulat si Maisie nang makita niya ang pagdilim ng ekspresyon ni Nolan. "Paano naman naging tama ito? hindi dapat masayang ang prime ng isang babae, 26 years old na rin si Willow. Hindi na siya bata. Oras na para magpakasal siya."

Mas lalong lumalala ang kahihiyam ni Willow, pero hindi siya naglakas-loob na tumingin kay Nolan.

Tumaas ang mga kilay ni Maisie. "O baka naman, Mr.Goldmann, pinaglalaruan mo ang nararamdaman ng kapatid ko?"

"Maisie Vanderbilt!" Hinampas ni Stephen amg mesa sa galit.. Hindi niya na inisip ang presensya ni Nolan. "Manahimik ka! Bakit mo pinagbibintantan si Mr. Goldmann!?"

Masayang tumawa si Maisie. "Nagagalit kayo dahil lang sinabi ko ang totoo? Dad, kahit si Mr.Goldmann ay hindi nagalit, kaya bakit mas maikli ang pasensiya niyo kaysa kay Mr.Goldmann?"

Kung gagantihan siya ni Nolan ngayon, ibig sabihin lang nito ay hindi siya nagpapatawad.

"Ikaw!" Lumitaw na ang mga ugat sa mukha at leeg ni Stephen sa sobrang galit.

'Napakasamang anak! hindi ko na dapat siya pinabalik kung alam kong pupunta ngayon sina Nolan at Willow.'

Binaba ni Maisie ang kaniyang silverware at tumayo. "Mukhang hindi na ako welcome na manatili pa rito. Tinutulungan ko lang kayong sabihin ang totoo, pero bigla kayony bumaligtad. Katulad ng inaasahan ko, ibang tao pa rin ako sa loob ng bahay ng mga Vanderbilt. Aalis na ako. Please, enjoy your meal."

Nanginginig sa galit si Stephen, habang natural lamang na mas masama ang ekspresyon nina Leila at Willow.

Maingat na lumingon si Willow kay Nolan. " Nolan…"

Tumayo si Nolan, seryoso ang mukha. Hindi na nagsalita si Willow nang maramdaman niya ang galit nito.

Nang makitang umalis si Nolan sa dining area nang hindi lumilingon, kinagat niya ang kaniyang labi.

Nawalan na ng gana si Stephen dahil galit na umalis sa eksena si Nolan. Hinagis niya ang silverware niya sa mesa, tumayo, at umakyat sa hagdan.

Sobra-sobra amg galit ng mag-ina kay Maisie!

Naglalakad si Maisie sa gilid ng kalsada at tatawag sana ng taxi, ngunit isang kamay ang biglang humila sa kaniya.

Muntik nang matumba si Maisie, nang mabalanse niya ang sarili ay tiningnan niya nang masama si Nolan. "Mr.Goldmann, anong ibig sabihin nito?"

Nagngangalit ang ngipin ni Nopan. "Sinadya mo ba iyon?"
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku Nolan huwag kang magalit sa ina ng iyong mga anak sana ipa DNA test mo ang mga bata para malaman mong mga anak mo sila kay Maisei
goodnovel comment avatar
Sherly Bolaños
Hindi nya kasi alam ang katotohanan
goodnovel comment avatar
Avery Mar
............ belat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status