Kinabukasan sa Vaenna Jewelry…Nakaupo si Maisie sa sarili niyang opisina at tinitingnan ang mga disenyo ng jewelry collection ng kumpanya sa mga nagdaang taon. Hinagis niya ang mga files sa desk. "Nasaan ang creativity? Sa nakikita ko, hindi nila ang ibig sabihin ng salitang 'design'. Lahat ba ng alahas na pinaglaanan ng napakalaking pera ng Vaenna Jewelry sa mga nakalipas na taon ay narito lang para magparami ng bilang?"Tila nahihiya ang staff na nakatayo sa office. "Miss Zora, sinabi ni Director Vanderbilt na lahat ng bagong disenyo ay nakasunod lang dapat sa original design concept ng Vaenna."Sumandal si Maisie sa upuan niya habang nakahalukipkip at nakangiti. "Anong original design concept ang sinusundan niyo?"Tinaas niya ang mga litrato at ang database ng mga alahas. "Lahat ng ito ay mga walang kwentang basura nang ipakita niyo sa fashion at jewelry industry. Makapangyarihan nga si Director Vanderbilt, huh? tinanggap niya ang lahat ng elite sa design department pagkatapos
Nalaman ni WIllow na nagpunta sina Nolan at Maisie sa raw material warehouse, pati na rin ang pagpapatawag kay Director Chester. Kaya naman, nagmadali siyang pumunta rito sa takot na mayroong kung anong mabunyag.Pinigil niya ang pag-aalala sa kaniyang puso at nagtanong na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari, “Anong nangyayari? Nolan, bakit ka narito?”‘Bwisit. Bumalik lang ang bruhang ito para pahirapan ang buhay ko, huh? Nakapasok pa siya sa raw material warehouse!‘Nag-utos ako dati na bumili ng hindi purong mga diyamante upang makatipid ng malaking pera. Pero hindi ko inakalang hahalungkatin ito kaagad ng bruhang ito pagkabalik na pagkabalik niya ng bansa!’Tiningnan siya ni Nolan at walang emosyong nagtanong, “Anong mayroon sa mga hindi purong ores na ito?”Hindi mapigilan ni Willow na ikuyom ang mga kamao, pero nagpanggap pa rin siyang inosente. “Hindi ako sigurado. Alam mo na dapat na wala akong alam tungkol sa mga diyamante at gemstones. Dumadaan nga sa akin
Kinabukasan…Ang mga litrato nina Daisie at Waylon ara sa 'Young Faces' brand ay sumikat sa internet at kaagad na sinakop ang Facebook. Naging pangatlo pa ang dalawang bata sa hot search dahil sa natural nilang kagandahan.#Endless Happiness#: Ang ganda ng mga litrato!#TurkeylessThanksgiving#: OMG, ang ganda at gwapo nila, paborito sila siguro ng diyos. Kainggit naman-#U summer U#: I wanna take a look at what their parents look like.#AngelWithoutWings#: Pambatang damit lang naman ito, pero kakaibang luxury ang binibigay ng dalawang bata. Dahil ba itsura nila?Napakainit ng comment section sa lahat ng posts. Halos lahat ay pinag-uusapan ang itsura ng dalawang bata.Nakaupo si Nolan sa administrative office ng Blackgold nang mapunta siya sa trending search result.Hindi lang hindi nagpakita ng stage fright ang dalawang bata sa mga litrato, pero perpekto rin ang coordination nilang dalawa, para bang pinanganak sila para sa stage.Hindi maintindihan ni Nolan kung bakit hi
'Isang designer?'Bahagyang naging seryoso ang mukha ni Nolan, at hindi niya mapigilang titigan si Colton. "Anong pangalan niya?""Hindi ganoon kasikat ang mommy namin, kaya hindi niyo siya makikikala kahit na sabihin namin ang pangalan niya sa inyo. Nga pala, mister, mayroon ba kayong girlfriend?" Mabilis na binago ni Colton ang usapan.Naningkit ang mga mata ni Nolan.'Girlfriend? mayroon akong kasamang babae, pero hindi ko kailanman inamin ja girlfriend ko siya.'Ngumiti si Colton. "Bakit hindi namin ipakilala sa inyo ang mommy namin? kahit na hindi gaanong sikat ang Mommy namin, napakagaling naman niya. Napakaganda rin ng mommy namin. Tingnan mo naman kami! Nakikita niyo na dapat kung gaano kaganda amg mommy namin!'Tinikom ni Nolan ang mga labi at walang anumang sinabi.‘Sobrang naiiba nga ang itsura ng dalawang batang ito, kaya marahil ay maganda rin ang babaeng nagsilang sa kanila.‘Pero sa anumang kadahilanan, imposible para sa akin na hindi maniwalang wala silang kaugn
Nang makita na talagang naiinis na si Nolan, alam ni Leila na walang mabuting maidudulot sa kaniya kung mas lalo niya pang gagalitin si Nolan.Nagngalit ang mga ngipin niya at yumuko sa dalawang bata. “Pasensiya na, mga bata. Kasalanan ni tita, kaya patawarin niyo na ako.”'Bwiset, hindi ko kayang dalhin nang mas magaan itong problema. Talagang hindi sila magtatagal dito kung ganun sila kasasamang mga bata!'Pag-alis ni Leila, tumingin si Nolan kay Daisie. Bigla namang inangat ni Daisie ang kaniyang mukha at hinawakan ang kamay ni Colton. "Pasensya na, ayaw na naming kumain. Gusto na naming umuwi."Naguguluhan si Nolan, pero kung iisipin kung ano ang nangyari, alam niya na baka natatakot din ang mga bata. "Sige, ihahatid ko na kayo pabalik.""Hayaan mo na, kami na lang ang babalik." Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Colton at biglang umalis.Tulala namn si Quincy, "Mr. Goldmann, medyo may galit ang mga batang ito, huh?"Hindi siya sinagot ni Nolan pero tumingin siya sa dalawang
Marahil galit nga si Leila kay Maisie, pero naipon niya na ang lahat ng poot sa loob niya. Kaya naman, pagkauwi niya ay nagpunta siya kay Stephen at nagreklamo tungkol kay Maisie.Binaba ni Stephen ang diyaryo, halatang nagulat siya. “Bumalik na si Zee sa Zlokova?”“Oo, siya na si Zora ngayon, isang world-renowned jewelry designer. Narinig kong sinabi ni Willow na sa sobrang lakas ng loob niya ay wala siyang pakialam na igalang si Mr. Goldmann, lalo na kami ni Willow.”Dahil alam ni Stephen na karelasyon ng anak niyang si Willow si Mr. Goldmann, malaki ang inaasahan niya rito at pinapahalagahan niya ito nang sobra.Kaya naman, natural lamang na hindi siya pwedeng maupo at manood na lang mula sa sulok ngayong nalaman niyang nakikipagsagutan si Maisie kay Mr. Goldmann. Pagkatapos ng lahat, hindi lang reputasyon at status ang gusto ni Stephen, ayaw niya rin galitin ang mga Goldmann. Paano niya magagawang maupo na lang sa buong insidenteng ito at panooring makuha sa kaniya ang perpekto
“Huminga nang malalim si Maisie upang pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Hindi ako sigurado sa kung anong klaseng attitude ang gustong makita ni Mr. Goldmann mula sa amin. Kung paghingi iyon ng patawad, ako na ang hihingi alang-alang sa kaibigan ko.”‘Paghingi lang ng patawad ang gusto niya, hindi ba?’Inipon ni Maisie ang lahat ng positibong emosyon sa loob niya at yumuko sa harapan ni Nolan. “Pasensiya na, Mr. Goldmann.”Nang makita ang pagyuko ni Maisie, ang ironic ng pakiramdam ni Nolan. “Hindi ko inaasahang hihingi ng patawad si Miss Vanderbilt para sa kaibigan niya. Hindi ko makitang ikaw ang klase ng taong gagawa ng ikasasakit ng kapatid mo.”Mapaghinalang tinuwid ni Maisie ang kaniyang tayo. “Anong ibig sabihin ni Mr. Goldmann?”‘Sinaktan ko ang kapatid ko? Si Willow ba ang tinutukoy niya?’Lumapit si Nolan sa kaniya, at walang emosyong sinabing, “Akala ko ay isa kang taong tatanggapin ang consequences ng mga nagawa niya, pero mukhang hindi ka ganoon.”Tumalikod na siya
Walang sinabi si Maisie.'Binuhos nila ang lahat ng makakaya nila para mapauwi ako para sa dinner. Inimbita pa nila si Nolan dito at pinipilit akong huwag manatili para sa dinner. Kung ganoon, kailangan kong manatili rito para makita kung anong pinaplano ng mag-inang ito.'Tumingala sita at tumawa. "Okay, hindi na ako aalis para sa dinner."Hindi inaasahan nina Willow at Leila na papayag si Maisie, pero sumasang-ayon ang lahat sa plano nila.Nakayuko lamang si Maisie at hindi nagsasalita habang kumakain. Halos tahimik rin sina Stephen at Leila buong dinner, marahil dahil sa presensya ni Nolan.Hindi gaanong kumain si Nolan. Gusto niyang tanggihan ang imbitasyon ni Willow nang magpasama ito sa kaniya pabalik sa bahay ng mga Vanderbilt, pero nabanggit si Maisie.Dahil sa sinabi ni Willow na si Maisie ang nag-imbita sa kaniya sa bahay ng mga Vanderbilt, gusto niyang makita kung anong tinatago ni Maisie."Zee, anong nangyari sa iyo nitong nakaraang mga taon?"Iyon lang siguro ang p
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma
Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah
Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam
Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha