Share

Kabanata 10

Nalaman ni WIllow na nagpunta sina Nolan at Maisie sa raw material warehouse, pati na rin ang pagpapatawag kay Director Chester. Kaya naman, nagmadali siyang pumunta rito sa takot na mayroong kung anong mabunyag.

Pinigil niya ang pag-aalala sa kaniyang puso at nagtanong na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari, “Anong nangyayari? Nolan, bakit ka narito?”

‘Bwisit. Bumalik lang ang bruhang ito para pahirapan ang buhay ko, huh? Nakapasok pa siya sa raw material warehouse!

‘Nag-utos ako dati na bumili ng hindi purong mga diyamante upang makatipid ng malaking pera. Pero hindi ko inakalang hahalungkatin ito kaagad ng bruhang ito pagkabalik na pagkabalik niya ng bansa!’

Tiningnan siya ni Nolan at walang emosyong nagtanong, “Anong mayroon sa mga hindi purong ores na ito?”

Hindi mapigilan ni Willow na ikuyom ang mga kamao, pero nagpanggap pa rin siyang inosente. “Hindi ako sigurado. Alam mo na dapat na wala akong alam tungkol sa mga diyamante at gemstones. Dumadaan nga sa akin ang approval ng pagbili ng mga diyamante, pero akala ko ay pareho lang iyon ng mga dumarating dati.”

Mayroon pa lang magandang dulot ang kawalan niya ng kaalaman tungkol sa mga diyamante.

Tumawa si Maisie. “Napakabait naman ni Dad. Ibinigay niya ang kumpanya sa isang taong walang alam sa alahas. Hindi siya natatakot na malugi ang kumpanya, ano?”

“Hindi…hindi ko talaga alam ang tungkol dito.” Naubusan na ng ideya si Willow, ang tanging magagawa na lang niya ay tumitig kay Nolan. “Nolan, kailangan mong maniwala sa akin.”

‘Maisie, bwisit ka, mapapaalis din kita!

Hindi sa hindi naniniwala si Nolan sa suspetya ni Maisie. Sadyang kasama niya lang si Willow sa mga nakalipas na taon. Kahit na wala itong alam sa fashion at jewelry industry, nagtatanong at natututo ito mula sa kaniya. Alam niyang hindi nagpapanggap si Willow.

Binaling niya ang tingin kay Director Chester. “Tanggal ka na sa trabaho.”

Natulala si DIrector Chester, pero tinanggap niya ang desisyon dahil hindi niya kayang kalabanin si Nolan.

Kinagat ni Willow ang labi niya nang masaksihan ang pagtanggal kay Director Chester. Mabuti na lang ay pinagkakatiwalaan sya ni Nolan.

Lumingon si Nolan kay Maisie at sinabi, “Ikaw na ang in charge sa pagbili ng mga diyamente at iba pang raw materials simula ngayon.”

Umalis na siya ng raw material warehouse pagkatapos sabihin iyon.

Habang naglalakad si Maisie pabalik sa opisina niya, hinabol siya ni WIllow, at hinawakan ang braso niya. “Maisie Vanderbilt, sinadya mong gawin iyon, ano?”

Tumalikod si Maisie, tinignan si Willow at namamanghang nagtanong, “Anong sinadya kong gawin?”

“Ikaw…Sinadya mo bang lapitan si Nolan? Dinala mo siya sa raw material warehouse, ano? Hh, sa tingin mo ba ay maniniwala si Nolan sa iyo?”

Makikita ang yabang sa mga mata ni Willow. “Nakita mo na mismo. Ako ang pinagkakatiwalaan ni Nolan, kaya huwag ka ng mag-abalang siraan ako.”

“Oh, sinasabi mo bang dinala ko siya sa raw material warehouse para pag-awayin kayo at sinabi ko sa kaniyang peke ang mga diyamante para maghinala siya sa iyo?”

something to do with me too?”

Nang makita ang nakasimangot na itsura ni Willow, ngumisi si Maisie at humalukipkip. “Bakit mo naisip na mayroon akong oras para pakialaman ang relasyon niyong dalawa? Siya ang gustong sumunod sa akin sa raw material warehouse. Kasalanan ko pa ba iyon?”

“Maisie, huwag mong isipin na paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo.”

“Kung hindi ka naniniwala, edi huwag. Bakit ka pa nag-aabalang sabihin lahat sa akin ito?”

Inis na inis si Maisie kaya dinagdag niya pa, “Hindi pa ako tapos sa iyo tungkol sa batch ng mga pekeng diyamante. Kung hindi lang nanay ko ang nagtayo ng Vaenna Jewelry, wala akong pakialam kahit ilan pang tao ang sumusuporta sa iyo.”

Kaya ngang sakupin ni Nolan ang kalangitan, pero hindi basta-basta lang si Maisie na kayang pigilan ng kung sino lang.

Paalis na sana siya nang hawakan siya ulit ni Wilow. “Maisie Vanderbilt, huwag mong isipin na pwede mo ng gawin lahat dahil lang bumalik ka. Huwag mong kalimutan na ang video mo—”

Hindi na nakatiis pa si Maisie, kaya tumalikod siya at inagaw ang mobile phone ni Willow.

“Anong ginagawa mo?” Gusto iyon mabawi ni Willow, pero umiwas si Maisie.

Habang nakatingin sa takot na ekspresyon sa mukha ni WIllow, ngumiti si Maisie. “Gustong-gusto mo akong binabantaan gamit ang video na iyon, hindi ba?”

Lumapit siya sa isa sa mga bintana ng corridor, nilabas ang kamay niya sa bintana, at bigang binitawan ang cell phone.

Pinanood ni Willow ang pagbsak ng cellphone niya mula sa 19th floor. Nagkapira-piraso ito. “Ikaw!”

“Gustong-gusto mo akong binabantaan gamit ang video na iyon, tama? Tingnan natin kung paano mo ako babantaan sa susunod ngayong wala na ang video.” Bumalik si Maisie sa opisina at hindi na lumingon.

Nanginginig si Willow sa galit, pero lumuwag din ang pakiramdam niya dahil nawala na rin ang video.

‘Hayaan mo na. Hindi na kailanman malalaman ni Nolan kung sino ang babaeng iyon simula ngayon.

‘Dismayado marahil sa akin si Nolan dahil sa nilantad ng bruhang iyon kanina. HIndi na ako makapaghintay. Magiging akin lang si Nolan kapag mayroon ng mangyari sa amin ngayong gabi!’

Dumating na rin ang gabi.

Sa study room ng Goldmann mansion…

“Sir, nakuha ko na. Si Maisie Vanderbilt ang anak ni Stephen Vanderbilt sa dati niyang asawa. Siya ang panganayna anak ng mga Vanderbilts. Isang jewelry designer ang nanay ni Maisie. Tinayo ng nanay niya at ni Stephen ang Vaenna Jewelry. Lahat ng shares ng kumpanya ay pagmamay-ari ni Stephen simula nang pumanaw ang nanay ni Maisie. Hindi ko pa rin malaman kung anong dahilan nang pagpunta niya sa ibang bansa anim na taon na ang nakararaan.” Maririnig ang boses ni Quincy mula sa cell phone na nalagay sa gilid.

Hawak ni Nolan ang impormasyon ni Zora at binabasa niya ito. Nagdilim ang mga mata niya habang pinapakinggan ang paliwanag ni Quincy.

‘Pinupuntirya niya ba si Willow dahil hindi niya matanggap na pagmamay-ari na ngayon ni Willow ang kumpanya? Pero, kung miyembero si Maisie ng mga Vanderbilts, bakit hindi siya kinilala ni Willow noong una?”

Lumalalim na ang gabi. Isinantabi muna ni Nolan ang lahat, bumalik siya sa kaniyang kwarto at nakitang mayroong ibang tao sa kama niya. Binuksan niya ang ilaw at nakita niya si Willow na patayo sa kama niya habang nakasuot ng manipis at revealing na pantulog.

Naging seryoso ang kaniyang mga mata, at walang emosyong nagtanong, “Bakit ka nasa kwarto ko?”

Pinapayagan niya itong manatili sa Goldmann mansion, pero hindi niya ito pinapatulog sa kaniyang kwarto.

Sinadya ni Willow na isuot ang damit na iyon at malinaw na nagbibigay ng motibo, pero mukhang hindi natuwa si Nolan.

Kinagat niya ang ibabang labi, nabawasan ang kaniyang kumpiyansa. “Nolan, nagtataka ako, hindi mo ako kailanman hinayaan na makalapit sa iyo simula noong gabi na iyon anim na taon na ang nakararaan. Mayroon ba akong nagawang mali?”

Napaka-inosente, kaawa-awa at banayad ng kaniyang ekspresyon.

‘Isang simpleng lalaki si Nolan. Siguradong kasinungalingan kung sasabihin niyang wala siyang nararamdaman.;

Nang makitang hindi nagsasalita si Nolan, nagkusa na si Willow na umalis ng kama at niyakap si Nolan. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at sinubukan itong halikan.

Nang palapit na ang mga labi ni Willow sa kaniya, lumitaw sa isipan ni Nolan ang mukha ni Maisie, at kaagad niyang tinulak si Willow palayo sa kaniya. Bakas ang pandidiri sa kaniyang mga mata.

“Nolan…” Gulat na gulat si Willow pagkatapos niyang matulak. “Nolan, diring-diri ka ba sa akin?”

‘Bakit? Bakit kaya niyang gawin iyon kay Maisie noon, pero hindi sa akin?’

‘Aksidente ang nangyari noon. Hinahayaan kitang manatili sa tabi ko, at kaya kitang bayaran sa anumang paraang gusto mo. Hindi na dapat masundan ang nangyari sa gabing ito.”

Mayroong naalala si Nolan nang tumalikod siya, tiningnan niya ulit si Willow. “Parte ng mga Vanderbilts si Maisie, tama ba ako?”

Nagulat si Willow.

‘Bakit niya biglang binanggit si Maisie? Mayroon ba siyang nalaman?’

‘Nakababata ko siyang kapatid…”

“Bakit hindi mo siya nakilala noong pumunta siya sa kumpanya, sinampal mo pa siya sa mukha?” Ang akala ni Nolan ay ginalit ng babaeng iyon si Willow kaya niya iyon nagawa.

Nalaman lamang niya na galing siya sa mga Vanderbilts pagkatapos niyang makita ang background information nito. Nalaman niya rin na ang nanay ng babaeng iyon ang nagtayo ng Vaenna Jewelry, at isa lang si Stephen sa mga shareholders ng kumpanya.

Kinagat ni WIllow ang labi at mahigpit na kinuyom ang mga kamao, ngunit nagpanggap siyang inosente. “Ang totoo, mayroon kaming pinag-awayan ng kapatid ko noon.”

“Ano iyon?”

Mayroong naisip si Willow, at namula ang kaniyang mga mata. “Siya ang taong naglagay ng gamot sa inumin ko noon. Alam kong pinuputirya niya kami ng nanay ko simula nang dumating kami sa mga Vanderbilts dahil anak ako sa labas. Siya dapat ang tagapagmana ng Vaenna Jewelry, pero galit na galit ang tatay ko at pinalayas siya dahil sa nangyaring iyon.”

Bahagyang nagdilim ang mukha ni Nolan.

‘Nilagyan din ng gamot ang inumin niya noon? Ginawa ba talaga ng babaeng iyon ang ganoong bagay kay Willow? Gayunpaman, base sa ugali ng babaeng iyon, hindi iyon imposible.’

Hindi alam ni Nolan ang dahilan kung bakit siya naiirita dahil dito.

“Magpahinga ka na.” Walang emosyong umalis si Nolan.

Kaagad na sumama ang tingin ni Willow pagkatapos magsara ng pinto.

‘Maisie, Maisie, si Maisie na naman! Isang banta lang para sa akin si Maisie. Hindi ko dapat hayaan na manatili ang babaeng iyon sa Vaenna!’
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku Nolan ipa DNA mo yong mga bata hindi kaba nagtataka kung bakit kamukhang kamukha mo sila Nolan
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
bobonh Mr gold
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status