Share

Kabanata 6

‘Humingi ng patawad? Gusto niyang bumalik ako at humingi ng patawad kay Willow?’

Ngumisi si Maisie at tiningnan nang masama si Nolan. “Mamamatay muna ako.”

Hindi inaasahan ni Nolan na bukod sa matapang at mayabang ang babaeng ito, matigas rin pala ang ulo nito. Naninigas ang mukha niya sa inis. “Kung hindi ka hihingi ng patawad, mabubura ang pangalan ni Zora sa fashion at jewelry field bukas.”

Noong una ay ayaw niyang pahirapan si Maisie, pero itinuturing niyang tagapagligtas si WIllow. Mas-set up sana siya anim na taon na ang nakalilipas nang gabing iyon kung hindi dahil sa kaniya.

Kahit na wala siyang nararadaman para kay Willow, hindi niya ito iniwanan sa mga nagdaang taon at hindi hinihindian ang mga materyal na pangangailan nito.

Talagang hindi maganda ang lagay ng Vaenna Jewelry sa mga nakalipas na taon, kaya naman siya na ang magbabayad ng $150,000,000 kay Zora.

Alam niyang kasalanan ni WIllow sampal na iyon, kaya sasabihin niya rin kay WIllow na humingi ng patawad kay Zora.

Wala siyang pakialam kung paano nila aayusin ang isyu na ito nang pribado, pero hindi niya hahayaan na saktan ng ibang babae si Willow sa harapan niya.

Ang kamay ni Maisie na hawak-hawak ngayon ni Nolan ay para bang nabali sa sakit. Naningkit ang mga mata niya, gayunpaman, hindi niya kailanman hahayaang tumulo ang luha niya sa harapan ng kalaban anuman ang mangyari! “Wala akong ginawang masama. Hindi ako hihingi ng patawad!”

Nang makitang nagmamatigas pa rin si Zora, ngumisi si Nolan. “Sa impluwensya ng mga Goldmann sa business circles, hindi lang masusunog ang reputasyon mo sa Zlokova, hindi na rin maririnig ng mga tao sa Stoslo ang pangalang Zora. Sigurado ka bang ayaw mo pa rin?”

‘Mga Goldmann…’

Nagngalit ang mga ngipin ni Maisie.

‘Kaya ako nagtataka kung bakit kaya akong bantaan ng lalaking ito. Iyon pala ay isa siya sa mga Goldmanns!’

Hindi natatakot si Maisie na mawala sa larangan niya, pero kailangan mag-aral ng mga anak niya sa Bassburgh, at kailangan niyang mabawi ang “Vaenna Jewelry” ng nanay niya.

‘Kailangan kong tiisin ang maliit na pagkatalo na ito para sa mas malaki kong plano. Hindi ko na dapat alalahanin ang kaunting kahihiyan ko sa lalaking ito.’

“Bitawan mo muna ako.”

Binitawan siya ni Nolan at tiningnan. “Pag-isipan mo itong mabuti.”

“Hindi ba’t hihingi lang naman ako ng patawad?” Tinaas ni Maisie ang mga kilay, tumalikod at naglakad paalis sa hagdanan.

Nilapitan niya si Willow nang bumalik siya sa opisina, sandaling bumukas ang matitingkad at kulay puti niyang mga labi. “Pasensiya ka na.”

Hindi inaasahan ni WIllow na hihingi ng patawad si Maisie, pero alam niyang si Nolan ang dahilan nito.

Masayang-masaya ang kalooban niya pero magalang na ngiti lang ang pinapakita niya. “Ayos lang, tungkol sa kontrata…”

Sinulyapan ni Maisie ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto at pinirmahan na ang kontrata. Gayunpaman, walang nakakita sa kaunting kurba ng kaniyang mga labi.

‘Pinilit akong bumalik sa Vaenna Jewelry nang “walang kalaban-laban”, kahit na ipinipilit kong ayaw ko.

‘Ituturo ko sa kanila ang kahulugan ng “pag-aalaga ng ahas sa sarili mong bahay” simula sa araw na ito.

Nilapag niya ang ballpen at agad na umalis matapos pirmahan ang kontrata.

Lumapit si Nolan sa desk, kinuha ang kontrata at tiningnan ito habang lumalapit naman sa kaniya si Willow. “Nolan, maraming salamat.”

“Huwag mo siyang kakausapin nang ikaw lang mag-isa.” Walang emosyon ang tono ni Nolan. Saka siya umalis kasama ang personal assistant pagkatapos ilapag ang kontrata.

Kinuha ni WIllow ang kontrata, bakas sa mata niya ang tuwa pagkatapos umalis ni Nolan. “Maisie Vanderbilt, sa huli ay mamamatay ka pa rin sa mga kamay ko.”

Isang Maybach ang nakaparada sa harapan mismo ng entrance, pinagbuksan naman ng pinto ng kotse si Nolan ng kaniyang personal assistant na si Quincy Lawson.

Kaagad na nagtanong si Nolan nang makasakay sa kotse. “Nakuha mo na ba lahat ng impormasyong hinihingi ko?”

Tumango si Quincy, tumalikod at inabot ang tablet sa kaniya. “Sir, naka-save lahat dito.”

Pinindot ni Nolan ang screen para makita lahat ng impormasyon, ngunit nakuha ang atensyon niya sa “Maisie Vanderbilt” na nakalagay sa full name column. Ang address na nasa ID niya ay ang kasalukuyang address din ng mga Vanderbilts.

Bahagyang nagdilim ang mga mata niya.

Sa Blackgold Group…

Nakatayo sina Daisie at Waylon sa labas ng entrance at pinagmamasdan ang magandang gusali na karapat-dapat lang na tawaging pinakamalaking kumpanya sa Bassburgh.

Pumasok ang dalawang bata sa lobby habang nagmamadali namang pumasok ang mga naka-suit na mga lalaki at babae. Ang iba ay mayroong hawak ng mga dokumento habang ang iba ay mayroong kasamang foreign clients na iba-iba ang lenggwahe.

Nakuha ng dalawang maliliit na bata ang atensyon ng maraming tao sa kalagitnaan ng magulong eksena.

Napansin ng babae sa front desk ang dalawang cute na bata, kaya magalang siyang lumapit at mahinahong nagtanong, “Hi, mga cutie pies. Sino ang hinahanap niyo?”

Nilabas ni Daisie ang personal information niya mula sa kaniyang dilaw na duck backpack bago sumagot, “Miss, napili po kami bilang endorsers ng brand na ‘Young Faces’. Sabi ng lalaki sa entrance ay pumasok kami rito para sa audition.”

Halos mahimatay ang receptionist sa adorable na boses ni Daisie. “Hindi niyo ba kasama ang mga magulang niyo?”

Kaagad naman sumagot si Waylon. “Ayaw po naming maabala si Mommy. Kaya po namin ito nang kami lang.”

“Wow, ang gagaling niyong bata. Sige, dadalhin ko kayo doon ngayon.”

“Salamat, MIss Beautiful!” Yumuko ang dalawang bata at pinasalamatan ang receptionist.

Hinawakan ng receptionist ang maliliit nilang mga kamay at dinala sila sa studio. Ang ‘Young Faces’ ay isang magarang children’s clothing brand sa ilalim ng Blackgold Group. Plano nga nilang kumuha ng dalawang batang model na photogenic at hindi takot mailagay sa spotlight upang maging kanilang spokesperson.

Dinala sila ng receptionists a studio. Bukod sa mga hanger ng damit, mayroon din ilang camera at background boards sa studio. Maraming bata ang labas-pasok sa studio para sa audition habang hinihintay ang kanilang turn.

Isang babaeng masungit ang itsura at napakadisente ng suot ang tila dismayado sa resulta ng mga litrato at nauubusan na ng pasensiya. “Anong gagawin ko dito? Dapat ay photogenic sila, photogenic! Naiintindihan mo ba ako?”

“Ate Nova, itong dalawang bata—”

“Argh, huwag mo akong abalahin…” Mayroon sanang sasabihin si Nova Daniell nang bigla niyang makita ang dalawang batang katabi ng receptionist.

Napatigil siya, halata sa ekspresyon niya ang labis na gulat. Nakatitig siya sa dalawang bata.

‘Paanong naging kamukhang-kamukha ng mga batang ito si Mr. Goldmann!?’

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
excited na ako sa pagkikita ng mag ama
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status