Share

Kabanata 4

”Alam ng lahat na isang VIP si Nolan na minsan na rin inimbita ng royal family ng Stoslo, at kaibigan niya rin ang prinsesa ng Stoslo. Natural lamang na nakita na niya ang commemorative medal ng royal family. Makikita niya ang tricks ni Maisie kahit na mayrooon man itong maipakita!”

Ngumisi si Maisie. “Bakit ko ipapakita sa iyo ang ganoong kahalagang bagay?”

Pinapahawatig nitong hindi siya karapat-dapat!

Nanginginig na sa galit si Willow pero mayroon pa rin ngisi sa mukha niya. “Ibig bang sabihin ay wala kang lakas ng loob na maipakita iyon?”

“Tingnan mo siya, Nolan. Sinungaling siya. Alam niyang minsan ka ng bumisita sa royal family at makikilala mo ang medal. Kaya wala siyang lakas ng loob na ilabas iyon.” Ibang-iba ang ugali ni Willow pagdating kay Nolan.

Seryosong tumaas ang maninipis na labi ni Nolan. “Ideya ko ang pagbabayad ng $150,000,000. Ideya ko rin ang pagkuha kay Zora bilang designer namin. Kaya naman, palalagpasin ko ang nangyari ngayong araw kung mapapatunayan mong ikaw nga si Zora.

“Pero kung hindi mo magagawa…” Nilapitan ni Nolan si Maisie at isa-isang binanggit ang mga salitang, “Hindi ka mabubuhay ng isa pang araw sa Bassburgh.”

Nagulat si Maisie sa amoy na nagmumula sa isang cologne nang lumapit si Nolan.

‘Gucci cologne iyon!’

‘Bakit pareho sila ng gamit na cologne nung lalaking nasa gabing iyon anim na taon na ang nakararaan?’

Habang tinitingnan ang maputlang mukha ni Maisie, tinuwid ni Nolan ang kaniyang postura at hindi na binigyan pa ng pagkakataon pa si Maisie. “Dahil hindi mo kayang patunayan, magkusa ka nang umalis. Huwag mong hintayin na tumawag pa ako ng tao para ilabas ka.”

Masayang ngumisi si WIllow.

‘Maisie, oh, Maisie. Anim na taon na rin, bakit ka pa nag-abalang bumalik rito para lang maghukay ng sarili mong puntod?’

Biglang tinaas ni Maisie ang kaniyang noo at ngumiti nang malapad, “Sir, sigurado ka ba riyan?”

Nanliit ang mga mata ni Nolan habang tahimik siyang tinititigan.

“Sir, anong gagawin niyo tungkol sa sampal na natanggap ko sa pisngi galing kay MIss Vanderbilt kapag napatunayan ko ang pagkatao ko?”

Nagbago ulit ang ekspresyon ni Willow habang maingat na sinusulyapan si Nolan.

Kahit na siya na ngayon ang karelasyon ni Nolan, hindi siya kailanman hinawakan niyo sa mga nagdaang taon. Kung hindi dahil sa napakaganda niyang plano at ang paggamit niya ng sariling ID para sa reservation ng kwartong iyon, matagal na siyang pinagdudahan nito.

“Nolan…”

“Sasabihin ko sa kaniyang humingi ng patawad sa iyo,” Walang emosyong sagot ni Nolan.

Ang mga kamay ni Maisie na mayroong hinahanap sa kaniyang handbag ay tumigil sa paggalaw, tumingala siya. “Nasampal ako pero gusto mong humingi lang siya ng patawad sa akin?”

Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Nolan. “Kung ganoon, anong naiisip mo?”

Tumingin sa kaniya nang diretso si Maisie. “Ipinanganak at lumaki tayo sa isang bansa ng mabuting asal at respeto, at pinanghahawakan natin ang turo tungkol sa pagbabalik ng regalo sa ating kapwa. Hindi ba dapat ay sampalin ko rin siya para mawala ang sama ng loob ko?”

Hindi nagtangkang magsalita ang mga tao sa paligid. Medyo nagtataka pa sila.

‘Ang lakas ng loob ng babaeng ito na sabihin iyon kay Mr. Goldmann, siya nga ba talaga si…’

Nang makita ang pagka-arogante ni Maisie, tinikom ni Nolan ang mga labi niya.

‘Ang babaeng ito ang unang tao sa Bassburgh na naglakas loob na kausapin ko sa ganiyang tono.’

Matapos ang maikling sandali, mayroong kaunting hiya nang ibuka niya ang mga labi. “Ikaw, huwag mong sagarin ang swerte mo.”

“Kung ganoon, maghanap ka ng ibang designer. Hindi ako isang tao na basta na lang pinapalagpas ang mga bagay-bagay.” Nilabas ni Maisie ang medal at pinakita ito kay Nolan. “Dahil nakita mo na ang commemorative medal, tingnan mong mabuti.”

Saka niya binalik ang medalyon sa bag niya at walang ano-anong naglakad paalis.

Habang nakayuko ay makikita ang matinding galit ni Willow.

‘Paano nangyari ito? Paanong nangyaring ang bruhang iyon ay si…

‘Si Zora ang designer na kinuha ni Nolan mula sa Luxella gamit ang sarili niyang pangalan. Hindi ko magagawang ialok ang halagang iyon kung hindi niya inalok ang bayad na $150,000,000.

‘Sinong mag-aakalang ang designer na iyon ay si Maisie!?

‘Pinahiya ko lang ba si Nolan kanina habang tinatrato ko nang ganoon si Maisie?”

“Nolan, I…”

Inunat ni WIllow ang kaniyang kamay, umaasang mahawakan ang braso ni Nolan. Gayunpaman, inalis ito ni Nolan at tumalikod, at walang emosyong sinulyapan si Willow. “Ikaw ang aayos nito.”

Umalis siya nang hindi na nililingon pa si Willow.

Lumabas ng gusali si Nolan at ang bodyguard na naka-itim na naghihintay sa gilid ng isang Rolls-Royce ay binuksan ang pintuan nito para sa kaniya.

Pagkapasok niya sa sasakyan saka niya sinabi sa lalaking nakaupo sa passenger seat . “Gusto kong nasa mesa ko ang lahat ng impormasyong makukuha mo sa designer na si Zora sa loob ng dalawang araw.”

Sa Seaview Villa…

“Hmph, nakakagalit talaga si Willow Vanderbilt!”

Hawak ni Daisie ang kaniyang manika, lumapit siya kay Colton kasama ni Waylon, at tinitigan ang computer monitor. Pinagmasdan nila ang babaeng naka-display sa monitor, pare-pareho ang kanilang ekspresyon. “Ang pangit niya.”

Lumingon si Waylon sa nakababata niyang kapatid na lalaki. “Pinahamak ng babaeng ito si Mommy. Hindi natin siya dapat patakasin.”

Nagpakalum-baba si Daisie. “Pero anong gagawin natin sa kaniya?”

“Kailangan nating umisip ng paraan para maitago iyon kay Mommy.”

Nag-isip nang mabuti si Waylon, at saka pintik ang mga daliri bago sabihing, “Hindi ba’t sabi ni Ninang sa atin ay mayroon siyang sugar daddy? Magsimula tayo sa bigshot niyang kasama!”

“Anong pangalan nung lalaki sabi ni Ninang?” Tumingala si Daisie at nag-isip.

“Nolan Goldmann!” Nag-type si Colton sa keyboard, at lumabas kaagad ang webpage.

Natigil sa kanilang mga pwesto ang tatlong bata nang makita nila ang litrato ni Nolan nang pindutin ni Colton ang impormasyon ni Nolan. “Ang lalaking ito…Bakit kamukhang-kamukha natin siya?”

Gulat na gulat si Waylon habang tinititigan niya ang mga litrato.

‘Walang anumang sinabi sa amin si Mommy tungkol kay Daddy. Posible kayang…siya ang daddy namin?’

Sumang-ayon si Colton, mababakas ang pagkatuso niya sa kaniyang mga mata “Kung siya nga talaga ang daddy natin, napakadali lang nito.”

Naguluhan si Waylon. “Pero paano natin siya malalapitan?”

“Huwag kayong mag-alala, mga kapatid, ako na ang bahala. Hindi ba’t mayroong children’s clothing brand sa ilalim ng Blackgold Group na naghahanap ng spokesperson? Siguradong makukuha ko ang posisyon na iyon!” Tinapik ni Daisie ang kaniyang dibdib. Siya ang pinakamabilis mag-isip sa tatlo, kaya siguradong pulido ang planong ito.

“Sweethearts, nakauwi na ako!”

Sinara kaagad nilang tatlo ang webpage sa browser nang marinig ang boses ng kanilang ina.

“Mommy! Your Royal Highness!” Isa-isang lumabas ang tatlo sa kwarto at sinalubong si Maisie.

Nang makitang tahimik lang siyang hinihintay ng tatlo, nakangiti si Maisie nang pantayan niya ang mga bata. “Hindi niyo naman binigyan ng problema ang ninang niyo, ano?”

“Mommy, sa tingin niyo ba ay papahirapan namin si Ninang?” Tanong ni Colton habang umiiling.

Tumango si Daisie. “Tama, bakit namin papahirapan ang ninang namin? Papasalubungan pa nga kami ni ninang ng cake kapag nakauwi na siya!”

Mapait na ngumiti si Maisie.

‘Ako ang nagsilang sa tatlong ito. Hindi ba dapat ay kilala ko na sila?’

Ang pinakamakulit sa tatlong bata ay ang pangalawang si Colton. Malinaw na hindi niya namana ang sarkastiko at tusong personalidad nito mula sa kaniyang ina. Ang panganay ag pinaka-maaasahan at mabait, ngunit matapang pa rin kapag pinoprotektahan niya ang dalawang kapatid.

Ang pinakabata namang si Daisie ang pinaka-abnormal at kakaibang mag-isip sa tatlo. Malapit na niyang mailigaw sa maling landas ang mga kapatid niya dahil sa kakaiba niyang mga ideya.

“Mommy, parang malungkot kayo. Mayroon bang umaway sa inyo?” Si Waylon na napapansin ang lahat ay napagtanto kaagad na mayroong mali kay Maisie.

Napatigil si Maisie. Kanina pa niya iniisip kung bakit pamilyar sa kaniya ang lalaking nakilala niya kanina, lalo na ang itsura at amoy ng cologne nito na nakuha niya sa lalaking nakasama niya anim na taon na ang nakararaan.

“Mommy, mayroon kayong tinatago sa amin!”

Pinilit ni Maisie na ngumiti at tumayo nang makitang nababasa na naman siya ni Waylon. “Hindi dapat inaalala ng mga bata ang problema ng matatanda. Ipagluluto ko na kayo.”

Papunta na siya sa kusina nang tumunog ang cell phone niya.

Habang nakatingin sa hindi kilalang numero, napangiti siya.

‘Si WIllow Vanderbilt nga ito.’
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda mag ingat ka lang Maisie kay Willow baka may masamang binabalak yan
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
ang ganda...tnx miss A ito mga batang hahha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status