Home / Romance / The Second Marriage Chance [Filipino] / KABANATA 4: Lantad na Pagkakanulo

Share

KABANATA 4: Lantad na Pagkakanulo

Sarah

Marahas na hinawakan ni Philip ang mga braso ko habang binabalot ng dilim ang kanyang paningin. Tila hindi niya ako nakikilala. Halos madurog ang buto ko dahil sa kanyang matinding galit at hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan—na madalas naman mangyari.

Tumatahip ang kanyang dibdib na kinaladkad ako pababa ng malapad na hagdan.

"Philip, please, calm down! I-I didn't do anything!" pakiusap ko habang naglalandas sa magkabilang pisngi ang luha. 

Nagagalit ang kasalukuyang panahon na kumokopya sa nararamdaman ng aking asawa.

Inilabas ako ni Philip sa main door ng Serenity Pines Estate at mabilis na yumakap sa akin ang lamig. Nanginginig ang aking mga labi nang tuluyang nanuot ang bawat patak ng malakas na ulan sa ugat at bawat himaymay ko.

Hindi pa ako nakababawi sa kung anong gamot na ipinaamoy sa akin. Kasing labo ng isip ko ang aking mga mata.

"No, Philip!" pakiusap ko. Kailangan niyang makinig sa akin dahil inosente ako at wala akong naintindihan sa nangyari. Dinukot ako, inosente—ngunit ang kanyang pang-aakusa ay pumutol sa bagyo na parang isang kutsilyo.

"Stay here!" sigaw niya sa akin nang itulak niya ako sa labas ng gate. 

"No, Philip! You have to believe me!" Nagsumamo ako sa kanya, ngunit ang kanyang paniniwala sa aking pagtataksil ay nilunod ang aking mga salita sa gitna ng rumaragasang bagyo.

"Hindi ako naniniwala sa kahit na anong salita na lalabas sa bibig mo! Sinong tanga ang maniniwala na wala kang ginawang pagtataksil gayong nahuli kita mismo sa silid natin?!" Kumukulob ang kanyang tinig sa malakas na kulog ng langit ngunit sapat para kumubli sa aking tainga.  

"Trust me, Philip! Please…" Humahagulgol na ako sa sobrang sakit. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ginalaw ng taong nakasuot ng hoodie!

"No! No! Philip!" Wala siyang nakikilala sa oras na iyon na isinara nang marahas ang gate.

On my knees, the cold asphalt biting my skin, I gazed up at the imposing Serenity Pines Estate, with tears cascading down my cheeks, tearing through my soul. My body trembled uncontrollably, ravaged by a chill that seemed to emanate from the very depths of my despair. 

Nagawa ko pang tumayo at saka panay hampas sa mataas na gate para niya ako pagbuksan. 

"Philip!" I exclaimed his name. But he didn’t bother to listen. 

Namanhid na lang ang kamay ko sa sakit hanggang sa ako na lang din ang napagod. Bumilog ako sa tabi ng gate habang niyakap ko ang aking mga binti, walang ginawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko rin naman kasi magagawa na umalis ng tirahan namin dahil wala akong pupuntahan. Siguro naman ay makararamdam ng awa si Philip at muli akong pagbubuksan ng gate.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagtagal sa ganoon. Magang-maga ang mata, basang-basa ng ulan na tila naliligaw na pato, nanunuot ang lamig hanggang sa dibdib ko.

Ang alam ko lang ay may humintong puting limousine sa harapan ko. Sa nanlalabong paningin ay lumitaw ang tila pamilyar na taong lumabas sa sasakyan na iyon, hanggang sa binalot ako ng dilim at niyakap ng mas malamig at basang simento.

Sa bawat minuto na lumipas, inuulap ang aking mga mata at mainit ang pakiramdam ko sa sarili, dinig ko ang pag-beep ng aparato sa aking tabi. Nanginginig ako sa lamig kahit pa nga tila wala na ako sa ilalim ng malamig na ulan, nababalot sa puti ang aking paligid.

"Ang lamig…" nangangatog na usal ko. 

Niyakap ako ng makapal na kumot dahilan para muli akong mapapikit, at saka tinungo ang lupain ng panaginip dahil naririnig ko si Amir—ang nakatatanda kong kapatid.

"What happened to you, Sarah? Nagpunta ako rito sa Highland Hills City para sa business trip. Hindi ko naman akalain na ganito ang aabutan ko sa ‘yo. Noong pinaimbestigahan ko ang pamilyang pinili mo, inakala ko na maayos ang buhay mo dahil nag-aaral ka naman at saka nakatira sa malaking villa. Hindi ko akalain na ganito ang aabutan ko."

Nakikita ko ang malungkot na ekspresyon ni Amir sa aking panaginip. Sinagot ko siya ng, "Ayos lang ako. Masyado kong mahal si Philip at hindi naman kami nagkaroon ng problema sa ilang taon na relasyon. Totoo ang imbestigasyon mo." 

Ayoko lang siyang bigyan ng problema o kahit na sino, lalo na si Philip, kaya ko nagawang magsinungaling.

Ngunit nangilid ang luha ko. Nais kong mapagod na mahalin ang taong pinaglaanan ko ng oras, panahon, at sobrang pag-ibig, ngunit ano ang magagawa ko kung masyado kong mahal si Philip kaya nakahanda akong gawin ang lahat? 

Unti-unting nawala ang imahe ni Amir at napalitan iyon ni Philip sa nanlalabong paningin.

*** 

Philip

Galit ako nang sobra at nais kong manapak sa nasaksihan ko. Nais kong maniwala na hindi ako lolokohin ni Sarah, ngunit naririnig ko rin ang malaking katanungan sa isip ko.

Sa labas, umalingawngaw ang mga kamao ni Sarah na humahampas sa mabigat na aluminum gate kasabay ng walang humpay na pagbuhos ng ulan. Isang bahagi sa aking isipan ay nais siyang puntahan, ngunit pinigilan ako ng pag-iisip na magmukhang tanga.

Kaswal ang relasyon ko kay Sarah. Siguro ay naboring siya sa relasyon namin. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay niyurakan niya ang pride ko at kung anong bagay na naglalaro sa aking dibdib.

‘Hindi niya ako niloloko, tama?’

Sa tabi ay panay ang usal ni Mommy ng masasakit na salita. "Masyadong walang hiya ang babaeng iyon! Ano ba ang akala niya rito sa pamilya natin? Siya na nga itong iniligtas natin sa kangkungan ay siya pa itong may karapatan na magloko? Sinasabi ko sa ‘yo, Philip! Nakakadiri ang ginawa ng babaeng iyon! Hindi ko siya tatanggapin sa pamilya!" 

Wala namang bago roon. Alam ko na hindi talaga gusto ni Mommy ang asawa ko.

"Saan mo nakuha ang mga larawan, ‘Ma?" tanong ko, sinusubukan kong panatilihing matatag ang aking boses sa kabila ng bagyong namumuo sa loob ko.

"Eh ‘di pinaimbestigahan ko! Nagpunta ako dito minsan nang hindi ko nakikita si Sarah. Ano ba ang ginagawa niya sa labas gayong may grocery na inihahatid dito linggo-linggo? Noon ko pinaimbestigahan ang naka-hoodie na jacket na nakikipagkita sa kanya sa labas. Maniwala ka! May relasyon sila!" 

Kadiliman ang bumalot sa aking sentido habang inaalala kung paano ko nasaksihan ang taong iyon at si Sarah sa silid! 

Ulila ang asawa ko. Kaklase siya ng kapatid ko sa ama na si Jane. May isang taon din kaming magkakilala ni Sarah at napapadalas siya sa Cornell mansion para mag-aral. Nagagawa ko na makipagkuwentuhan sa kanila ni Jane noong hindi pa mabigat ang trabaho ko sa Luminous.

Ayon kay Jane ay ulila si Sarah at umaasa sa scholarship. Nakiki-share pa nga ng N*****x at ilang subscription na nakakatulong sa klase kay Jane. But she’s a brilliant student at kung tutuusin ay nakapag-advance na ito sa ilang klase. Ang napuna ko noon ay dedicated si Sarah sa maraming bagay.

Hanggang sa dumating nga ang araw ng kasal ko, umalis si Megan at inalok ni Sarah ang sarili niya.

"Bakit mo inalok ang sarili mo na maging asawa ako?" tanong ko noon sa kanya.

Matagal bago siya sumagot. "K-kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng kasiguruhan na mabubuhay ako," iyon ang sagot niya sa akin noon.

Hindi ko nagugustuhan na naging opurtunista si Sarah. Nakakita siya ng oras at panahon para mapabilang sa pamilya ng mga Cornell kaya naman parang lumayo kaagad ang loob ko sa kanya. Ayokong-ayoko ng mga taong nananamantala at opurtinista dahil iyon ang imahe ng magulang ko. 

My mother's lineage can be traced back to Maple Grove, a quaint sanctuary in the northeastern countryside, where families earn a modest living through agricultural labor. She embodied the image of a rural girl who boldly seized the chance to marry a prosperous businessman—my father! Her fervent pursuit of wealth and authority is unmistakable, and her actions frequently vex me as much as my father's. 

Kung mayroong napapabuti sa pagkatao ko, iyon si Jane! Magkaiba kami ng ina, ngunit malalim ang pagmamahal ko sa kanya bilang kapatid. Nakita namin sa isa’t isa ang suporta at pagmamahal kaya nga pinoprotektahan ko siya kay Mommy. 

My thoughts are abruptly interrupted, snapping me back to attention. 

"Nakikinig ka ba, Philip?! Ano ang karapatan ng estupida na babaeng iyon na naisin na makapasok sa Pamilya Cornell! Mabuti pa si Megan! May sinasabi ang pamilya nila!" 

"Her name is Sarah, hindi ‘estupidang babae’!" sigaw ko.

Sa totoo lang ay napapagod na ako! Araw-araw kong hinaharap ang pulitika sa opisina, problema sa mapaghangad kong ina, at ngayon, ang nakakapasong pagtataksil ni Sarah.

"She's just another gold-digger bitch aiming to become your wife!" 

Naglabas ako ng hangin na may kasamang prustrasyon. Sa wakas ay nag-ipon ako ng lakas para humiling. "Ma, I appreciate it if you leave," hiling ko. 

"What?" sigaw niya sa akin. "At anong gusto mo? Hayaan ka na ipasok dito ang taksil mong asawa? Sinabi ko sa ‘yo, Philip!" 

"Stop it!" napasigaw na ako sa sobrang pagkaasar. Mali na sigawan ko ang nanay ko ngunit ayoko munang makinig.

"Roque!" sigaw ko habang diretso ang tingin sa aking ina na nagkikiskis ang ngipin. Driver niya ang pangalan na tinawag ko na naghihintay sa labas ng pintuan.

"Y-yes, boss?" pumasok ang driver at silbing bodyguard ng aking ina.

"Please escort Madam Cornell to the mansion," matigas kong utos. 

Sa isang matalim na pagkuyom ng kanyang panga, matigas na sumunod ang nanay ko sa likuran ni Roque. 

Matapos niyang umalis ay sinilip ko si Sarah sa labas, ngunit hindi ko siya nakita. Tinawagan ko si Alex para alamin kung nasaan ang asawa ko sa kasalukuyan.

Nakaiinip at tila walang katapusang paghihintay ng dalawampung minuto ang lumipas bago ako nakatanggap ng sagot.

"Boss, your newest neighbor, Amir Benner, took Madam Sarah to the hospital."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status