Sarah
Natigilan ako nang umalingawngaw ang boses ni Amir sa telepono, hindi nakabawi sa pagkagulat. Saglit na huminto ang isip ko, at hindi ako makapaniwala.
Galit sa akin si Amir dahil iniisip niya na nagawa kong saktan o i-bully ang nobya niya, na siyang kabaligtaran sa tunay na naganap. Hindi niya ako kinausap at tuluyan niyang pinutol ang pakikipag-ugnayan sa loob ng tatlong taon.
“Brother?” May himig ng paniniguro sa aking tinig.
“Yes. That’s right!” His confirmation echoed hollowly, a stark reminder of the chasm between us.
The ache of longing for my brother pierced through me like a dagger. Yet, the cruel reality remained—he had already severed our ties. Sa palagay ko, naramdaman niya ang kaguluhan ng mga emosyong nagngangalit sa loob ko, na walang salita na mailabas sa pag-uusap namin.
“Listen, alam ko na hindi maganda ang mga naganap sa atin three years ago, pero kuya mo pa rin ako at alam mo na wala tayong aasahan sa isa’t isa kung hindi tayong dalawa lang din.”
“Na pinutol mo noong pinaniwalaan at pinili mo ang m*****a mong nobya kaysa sa akin!” kumawala ang mga salita sa aking labi, may halong hinanakit. Sa sobrang sama ng loob, nakalimutan ko na nga kahit ang kanyang pangalan.
“Sarah, hindi lang kayo nagkaintindihan ni Jess. She’s a good girlfriend at magpapakasal na kami,” wika niya sa kabilang linya.
Right! His girlfriend’s name is Jessica Woods. Tumawa ako ng pagak sa narinig, hindi ko maiwasan na mapailing.
“Well, congratulations! Iyon lang ba ang rason ng pagtawag mo sa akin? Para ipamukha lalo sa akin na sa kabila ng mga ginawa niya, pakakasalan mo siya?”
‘Tumulad ka sa akin sa katangahan!’ Nais kong sabihin. Dumadaloy na yata sa ugat namin ang bagay na iyon. Matagal ko nang naibahagi kay Amir na hindi siya mahal ni Jessica, at pera lang ng mga Benner ang gusto ng nobya niya.
But here's the kicker: Amir's infatuation with Jessica was so intense that he hung on her every word despite my warnings.
Nag-aral ako sa university noon kung saan nag-aaral si Jessica at doon ko nalaman na may relasyon siya sa isang professor, at kung sino-sino ang nilalandi niya sa school. Sinabi ko kay Amir ang tungkol doon, ngunit inartehan ako ng m*****a niyang nobya. Nabilog na niya ang ulo ng kapatid ko at pinaniwala na hindi niya iyon kayang gawin.
Bilang ganti, kung ano-ano ang pinaggagagawa ni Jessica sa akin sa school. She harassed me relentlessly, even spreading malicious rumors that I was pregnant and the father had an addiction. Naturally, none of it was true!
Despite my attempts to share this with Amir, he didn't listen, even going so far as to accuse me of causing the rift in his relationship due to alleged bullying. Masaya dapat ako sa balitang maghihiwalay sila, ngunit napaikot na ni Jessica ang ulo ng kapatid ko at tuluyan na akong hindi pinansin ni Amir nang mahulog sa beach noon si Jessica at sisihin ako na muntik siyang malunod.
Faced with such unjust blame and betrayal, I transferred schools to Crestwood University and started anew in Highland Hills.
“Listen, isa lang iyon sa mga rason kung bakit ako tumawag sa ‘yo, gusto talaga kitang kumustahin. Dinala kita sa ospital kagabi matapos kitang matagpuan sa kalsada, pero inilabas ka lang din ng walang hiya mong asawa kahit na hindi pa bumababa ang trangkaso mo. Akala ko ay masaya ang buhay na pinili mo matapos mong umalis sa poder ni Grandpa Mitchell, matapos mong putulin ang ugnayan sa akin, at nagpakasal sa mga Cornell?”
‘Akala ko rin… Akala ko ay sasaya ang buhay ko.’
Nagbabadya na naman ang mga luha ko na kumawala dahil sa kanyang tanong.
“Dinala mo ako sa ospital?” Kung ganoon ay totoo ang naganap sa panaginip ko kung saan bahagyang nakita ko ang anyo ni Amir.
“Yes, pero iniuwi ka lang din ng walang hiya mong asawa. Wala siyang pakialam kahit na mamatay ka sa villa ninyo!” Mahihimigan na hindi siya natuwa sa naganap.
Nag-isang linya ang mga labi ko at hindi ko maitama ang sinabi ni Amir. Totoo iyon. Heto nga at sinilip na ako ng ex ni Philip at tahasan na sinabi sa akin na layuan ko ang asawa ko na para bang ganoon lang iyon kadali.
“Ibabalik kita sa ospital ngayon para siguruhin na ayos ka na,” alok ni Amir.
Hindi maganda ang pakiramdam ko at nais ko rin makita si Amir kaya pumayag ako sa kanyang hiling.
***
Nagpahatid ako sa driver sa ospital kung saan kami magkikita ng kapatid ko. Ayokong mag-isip o magtanong si Philip kung sakali na makita kami sa labas, kaya naisip ko na pinaka-safe ang lugar na iyon.
Heto nga at habang tinatahak ko pa lang ang pasilyo, nagpadala ng mensahe sa akin ang asawa ko.
Philip: Nagpunta ka sa ospital?
Sigurado ako na ang driver ang nagbigay sa kanya ng impormasyon.
Sarah: Yes.
Tulad ng inaasahan ay hindi na siya sumagot. Ganito ang normal na palitan namin ng usapan; isang tanong, isang sagot.
Nagpunta ako sa garden area ng ospital at doon ko natagpuan si Amir. Nag-iisa siya sa malapad na bench habang may malaking tao na halatang bodyguard sa kanyang tabi. Tumayo siya at tumiim ang bagang nang mapansin ang anyo ko, at saka ako nilapitan.
“Let me help you. Ayos ka na ba?” Hinipo niya ang leeg at noo ko para suriin ang aking temperatura.
Halata na nadagdagan ang kanyang edad. Sampung taon ang tanda niya sa akin kaya thirty-two siya sa kasalukuyan. Tinulungan niya akong maupo sa bench habang nanunudyo ang luha ko na kumawala sa aking mata.
“God! I miss you so much!” he muttered.
“I hate you!” bulong ko kahit labas iyon sa ilong, because I miss my brother too! “Tatlong taon mo akong hindi kinausap dahil kay Jessica!”
Napangiwi siya. “I’m sorry… I know I’ve been a dick. Sa totoo lang, wala naman sana akong plano na makipagkita sa ‘yo, pero nang makita kita na nawalan ng malay sa mismong tapat ng villa n’yo, hindi ko napigilan na mag-alala sa ‘yo. What happened to you?”
Sa palagay ko, hahayaan ko na lang ang paksa tungkol sa kanyang nobya dahil halatang panay ang iwas niya kapag si Jessica ang usapan.
“I’m fine. Hindi lang kami nagkaintindihan ni Philip.”
“He’s a d!ck!”
“Brother please… It’s unreasonable na pag-usapan natin ang asawa ko gayong panay ang iwas mo kapag si Jessica ang paksa natin,” hindi ko napigilan na punahin.
Umisang linya ang kanyang labi at nagkibit siya ng balikat. Maya-maya ay nagpalitan na kami ng usapan. Kinumusta niya ang pag-aaral ko at ang buhay na pinili ko—at sinagot ko ng kasinungalingan ang lahat. I know my brother, at alam ko na gagawa siya ng aksiyon sa paraang hindi ko aasahan kung sasabihin ko na hindi maganda ang trato sa akin ng mga biyenan ko.
“Mahina na ngayon si Grandpa Mitchell, pero masama ang loob niya sa ‘yo sa pagtaliwas mo sa kasal na pinili niya para sa ‘yo,” saad ni Amir.
"I hope he's managing okay," I responded, a tinge of sadness coloring my words.
Nalungkot ako sa pagkakaalala sa aking lolo. Si Grandpa Mitchell ang tumanggap sa akin noong panahon na nagkasamaan kami ng loob ng tatay ko at Amir. Ngunit hindi niya nagustuhan noong nagpakasal ako kay Philip dahilan para tuluyan niyang putulin ang ugnayan niya sa akin dahil wala siyang maipakitang mukha sa kanyang kaibigan.
I know I fucked up! Iniwan ko ang lahat ng magandang bagay dahil niyakap ko ang buhay na kasama si Philip. Ngunit huli na sa pagsisisi.
Hindi pa maganda ang pakiramdam ko kaya naman nagpunta ako sa isang clinic matapos namin magkumustahan para magpacheck-up. Ayoko sanang isama si Amir, ngunit makulit siyang sumunod sa akin sa doktor.
Dahil kasama ko si Amir, hindi ako nagpakilala bilang Mrs. Sarah Cornell. I used my maiden name for medical records, Sarah Mitchell instead.
Pinagawa sa akin ang ilang test. Matapos ang beinte minuto, tulad ng kulog sa gabi, natigilan ako sa narinig, “Congratulations, Ms. Mitchell, you are pregnant!”
At sapat iyon para baguhin ang mundo ko.
Sarah Hindi ko maiwasan ang pananabik sa balitang nagdadalang-tao ako, an unstoppable force urging me to share the impending news with Philip. Hindi ko maalis sa aking pakiramdam na ang balitang ito ay posibleng magpabago sa relasyon namin. Nilalaro ng maraming paru-paro ang dibdib ko kahit pa nga alam ko na medyo hindi natuwa si Amir. "You're pregnant, and yet that jerk left you stranded outside your villa, soaked in the rain, and caused you to faint? I'll have a word with him, Sarah! He needs to face the consequences!" Amir seethed with anger. "Please don’t! Hindi nila alam na isa akong Benner!" pakiusap ko. "What?" Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Noong lumipat ako ng university, I used Grandpa’s last name, Mitchell. Sa lahat, ako si Sarah Mitchell, isang ulila," paliwanag ko sa kanya. "So, that's why he didn't know we're related." "Please, leave Philip alone!" Sa halip ay si Amir ang napagsabihan ko. Sigurado ako na imbes na makinig si Philip, ikagagalit niya ang
Sarah Humalukipkip nang mahigpit ang mga braso ni Philip sa kanyang dibdib, isang misteryosong ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi. Ang misteryosong kinang sa kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng lalim ng emosyon na hindi ko mawari. Isa lang ang alam ko, hindi niya ikinatutuwa ang narinig niya sa akin. "What's all this about?" he queried, a touch of amusement lacing his tone. Hindi siya galit, ngunit para bang nasa isip niya na nahihibang ako sa mga salitang binanggit ko. Nagrolyo sa lalamunan ko ang reyalisasyon, ang mga pasakit na pinagdaanan ko sa loob lang ng dalawang araw. Sapat iyon para ituloy ko ang nais ko! "Alam ko na gusto mo akong hiwalayan, Philip! Kaya ibinibigay ko na sa ‘yo ang laya sa kung sino man ang gusto mong asawahin!" Kung gusto man niyang ituloy ang relasyon niya kay Megan o sa sekretarya, at least hindi ako parang gago na naghihintay lang sa bahay para sa kanya. Doon tumiim ang kanyang galit. Hinablot niya ang magkabilang braso ko at saka pinai
Sarah Hilong-hilo si Madam Cornell habang naroon kami sa kanyang sasakyan para siya ihatid sa ospital. Hindi ko dapat ito ginagawa—iyon ang bulong sa akin ng isip ko na nagtatago sa ilalim ng katangahan at kabaitan ko. Gayunman, sa kabila ng verbal abuse na ginawa niya sa akin sa loob ng tatlong taon, sinasabi ko sa sarili ko na nanay siya ni Philip. This would be the final act of kindness. Kapag naihatid ko na siya sa ospital, padadalhan ko na lang ng mensahe si Alex para siya ang magsabi sa kanyang boss na si Philip. Nang makarating kami sa ospital, nagawa kong sumunod kay Madam Cornell. Sinubukan kong alalayan siya ngunit tila siya nandidiri na ayaw magpahawak sa akin. Sa isang nurse station, tinanong niya ang daan patungo sa isang nagngangalang Dr. Smith. Iniisip ko na baka regular si Madam Cornell sa clinic ng doktor na nabanggit kaya hindi na ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya. Ngunit nabigla na lang ako nang makita ang pasilyo kung saan nakasulat ang karatula
Sarah Binabalot ako ng lagim—iyon ang sigurado. Nagluluksa ang puso ko sa sobrang sama ng loob. Ano ang kasalanan ko para maranasan ko ang ganitong klase ng sakit? Tinalikuran ko ang kasal ko kay Philip ngunit hindi ko akalain na sobrang sama niya para wala siyang iwan sa akin. Hindi ko na nga maramdaman ang luha ko dahil nagdurugo ang kalooban ko at wala na akong magawa kung hindi ang magluksa. "Sarah! Sarah!" Tila nakikita ko si Amir na naroon sa aking harapan at nasa loob ng maliwanag na hospital ward. Nais kong sumagot sa kanya at yakapin siya, isumbong sa kanya ang mga naganap sa akin! Ngunit walang lumalabas sa bibig ko. May nagtatagong kaluluwa sa loob ng aking katawan na nagsusumigaw at nais na ilabas ang lahat ng sama ng loob at ibahagi kay Amir, ngunit para bang wala akong lakas at hinang-hina. "Anong ginawa n’yo sa kanya?!" sigaw ni Amir, sinipa ang mga kagamitan sa loob ng silid dahil sa kanyang galit. Dinig ko ang mga pagbasag sa loob ng hospital ward, umaata
Sarah Napatayo si Amir nang makita ako na lumapit sa kanila. Alam ko na nabigla siya, hindi niya siguro inaasahan na makikita ako na lalabas ng silid at maglalakad-lakad sa mansiyon. “Uhm…” Nagrolyo ang kanyang lalamunan bago nilingon ang kanyang nobya. “Nagpunta kami rito ni Jess para kausapin si Grandpa Mitchell para pag-usapan ang kasal namin.” Inayos ni Amir ang isa sa apat na silya. "Please, have a seat." "We're here to finalize details for the upcoming wedding, which is set for four months from now. I’d love to have you as a bridesmaid," wika ni Amir. “Babe, baka hindi pa magaling si Sarah sa araw ng kasal natin. You know? As much as I wanted her to be part of my bridal party, baka sirain niya ang kasal ko. I just hope she’s okay,” saad ni Jessica kung saan nakalitaw ang kanyang plastic na ngiti sa labi. “Miss, anong gusto mong inumin?” tanong sa akin ni Amanda. “A cold tea, please,” simple kong tugon. Nabigla si Amir na narinig niyang muli ang tinig ko. “Mas
Philip “Sarah, get me a drink,” I almost blurted out, realizing Sarah wasn’t home. Naglakad-lakad ako sa villa, binalot ako ng katahimikan na parang mabigat na kumot. Ang bawat hakbang ay umalingawngaw sa kawalan, binibigyang diin ang kawalan ng presensya ng aking asawa. Kapansin-pansing wala ang pamilyar na tanawin ng nakahiga niyang katawan sa sofa, na madalas na sumasalubong sa akin sa pag-uwi. Amidst the silence, a profound emptiness enveloped me, leaving me adrift in a sea of unresolved emotions. Ako ang nagsalin ng tubig habang pinakikinggan ang nakabibinging villa. Nakaramdam ako ng lungkot habang nag-iisa. Bumilog ang kamao ko bago sinakop ang sopa. Ang isipin na posibleng may relasyon si Sarah kay Amir Benner ay nagpapakulo sa dugo ko. I feel… empty. Siguro dahil nasanay ako sa presensiya ni Sarah sa loob ng tatlong taon. Sa pagkaasar ay binato ko ang baso na pinag-inuman ng tubig at umalis ng villa. Magpapalipas na lang ako ng gabi sa opisina. Ipinaalam ko ka
Sarah I smirked as I watched Philip's eyes widen in disbelief, Ngunit hinayaan ko ang indifference na mamuhay sa aking dibdib sa pagkikita namin matapos ang isang taon na nawalan kami ng kumunikasyon. With a deft flick, I transferred the car key into the waiting hand of Amir's head secretary. Sa pagkabigla ni Philip, hindi siya kaagad nakalapit sa akin. Nang kunin ang kanyang atensiyon ng kanyang team, perpektong nagbukas iyon sa akin ng daan para makaalis. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang daan palabas ng dome hanggang sa maramdaman ko na nasundan ako ni Philip. Naroon kami sa napakahabang hallway na ipinagbabawal sa manonood, tanging racers lang sa araw na ito at ilang tauhan ang makadadaan. "Sarah!" His voice pierced the air. Sht! Hindi ko siya nilingon. Nang lumiko ako ay mabilis ako na nagtago sa madilim na likuran ng hagdanan at pinigil ko kahit ang huminga para hindi niya ako makita. "Nasaan na ba ang babaeng iyon?!" Umalingawngaw sa likuran ng hagdanan ang kan
Sarah Ipinangako ko sa sarili ko na oras naman para ako ang mahalin ng mga lalaki. Ngunit hindi ako sigurado kung si Bronn ang magbibigay nito sa akin. Sa kabila ng mga pagdududa, nakaramdam ako ng matinding pangangailangan at para bang nauubos ang oras ko sa gitna ng kawalan ng katiyakan na hinaharap. Kailangan kong subukan lalo na’t isang taon na lang ang palugit na mayroon ako. Bronn’s thirty-three, the same age as— Kailangan kong putulin sa isipan ko ang taong iyon. Nais kong maasar! Nang dahil sa text message ni Jakob, naiisip ko tuloy ang siraulo kong ex-husband. “Pwede bang ngumiti ka na muna! Lalong nadadagdagan ang edad ko sa inaakto mo!” sita ni Grandpa Mitchell na para bang hindi siya sanay na wala akong emosyon. “Grandpa, huwag mo nang pagalitan si Sarah,” mungkahi ni Bronn. My grandpa emitted a frustrated huff. “Huwag mong intindihin ang sinabi ng lolo mo kanina. Narito ako para pag-usapan ang negosyo at wala nang iba," pahayag ni Bronn. “Magpapalit lang ak
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat
Sarah Nang tanungin ako kung ano ang una kong pupuntahan, isang direksiyon ang itinuro ko. Mahal ko si Philip at kaarawan niya ngayon, ngunit hindi ko palalampasin na makita na muna ang mga anak ko. Pumailanlang ang bell ng paaralan, at bumuhos ang paglabas ng mga bata mula sa magarang bakal na pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa niyon ang kambal, nakasunod sa kanila ang malaking bulto ni Josh na siniguro ang kanilang kaligtasan. Hindi nila ako namukhaan sa una dahil malaki ang ibinaba ng timbang ko kumpara noong huli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang anumang reaksiyon nila… habang-buhay ko silang iintindihin. Yakap ni Iris ang rabbit doll, si Rowan naman ay hawak ang lunch box nilang dalawa. Nagsimula akong lumuha hanggang sa labuin niyon ang mga mata ko. Ayad kong hinawi iyon para makita nang mas malinaw ang kambal. Malaki din ang diperensiya ng ipinagbago nila. Mas mataas na ngayon ang mga anak ko. May salamin sa mata si Rowan, at mas pumusyaw ang balat ni Iris. My be
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki