JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
“Kahit isang beses man lang ba ay nakita mo sa sarili mo na minahal ako?” tanong ni Sarah na umaasa habang nakatingin sa matigas na anyo ni Philip. “Don’t make me laugh, Sarah. Everything between us has been purely about pleasure and business.” Sa mabigat na damdamin, inilagda ni Sarah ang kanyang pirma sa mga papeles ng diborsyo, umaasa na balang araw, makahahanap siya ng lalaking magmamahal at sasamba sa kanyang kahalagahan. *** Sarah Sa gitna ng tahimik na gabi sa Sun City Garden kung saan ako nakatira sa loob ng tatlong taon, narinig ko ang ‘click’ tanda na dumating na ang asawa kong si Philip Cornell. He’s running for president in Luminary Productions. Napabangon ako sa sofa kung saan ako madalas na naghihintay sa kanyang pag-uwi bago ko nilingon ang orasan na nakasabit sa pader. Ala-una na ng madaling-araw. Umawang ang malapad at makapal na pintuan ng tirahan namin at lumitaw ang susuray-suray na si Philip, umaalingasaw ang matapang na amoy ng alak sa kanyang katawa
Sarah Kailangan kong kalmahan at huwag masyadong isipin ang narinig ko—ang pagbabalik ni Megan. May dumaan pang babae na anak ni Mrs. Thompson na may kasamang tatlong anak na nagsipagtakbuhan sa tile floor at dinungisan ang couch. Matapos magmeryenda ay umalis din kaagad. Alas-dos ang sinasabi ng relo nang matapos maglaro ang mga ginang, naiwan ang mga pinagbalatan ng orange at balot ng biscuit, bukod pa sa ilang tasa at kalat na iiwan nilang lahat. Isa-isa silang lumabas ng Serenity Pines Estate, bago nagbilin ang biyenan ko. “Siya nga pala, ibinilin sa akin ni Philip na may dinner mamaya sa Heritage Harvest Hotel. Pumunta ka, at huwag mong kalilimutan!” huling mensahe ni Madam Cornell bago ako tinalikuran at tinungo ang naghihintay na itim na Mercedes-Benz S-Class kung saan may driver na nakatayo sa gilid. Bahagya akong na-excite sa narinig. Anniversary namin ni Philip ngayon at hndi ko maiwasan na isipin na may naghihintay na selebrasyon sa hotel. Ngumiti ako na nagawan
Philip "Ibinigay ko sa ‘yo ang trabaho! Milyong dolyar ang ginastos para sa pelikula na ito at pagkatapos ay malalaman natin na hindi nagustuhan ng audience ang daloy ng kuwento? Hindi rin maganda ang feedback ng manonood dahil nahaharap ngayon sa kabi-kabilang eskandalo ang lead female cast!" Dumadagundong ang tinig ng aking ama sa kanyang malawak na opisina. "Do something!" sigaw niya at saka ibinato sa akin ang ilang mga papel na kanina ay nananahimik sa kanyang malapad na mesa. Bumilog ang mga kamao ko at saka lumabas ng kanyang opisina. Sunod-sunod ang problema na hinarap ng Luminous at lahat ng iyon ay ibinuntong sa akin ng CEO—ang aking ama! Ordinaryo ito sa opisina. Kahit na siya ang nagplano at dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ay sa akin pa rin niya ibibintang dahil nakaplano na ibigay sa akin ang posisyon bilang president ng production at trabaho ko na makita ang mga problema sa hinaharap! Sa ngayon ay dalawang taon na akong protégé bilang presidente ng Lum
Sarah Marahas na hinawakan ni Philip ang mga braso ko habang binabalot ng dilim ang kanyang paningin. Tila hindi niya ako nakikilala. Halos madurog ang buto ko dahil sa kanyang matinding galit at hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan—na madalas naman mangyari. Tumatahip ang kanyang dibdib na kinaladkad ako pababa ng malapad na hagdan. "Philip, please, calm down! I-I didn't do anything!" pakiusap ko habang naglalandas sa magkabilang pisngi ang luha. Nagagalit ang kasalukuyang panahon na kumokopya sa nararamdaman ng aking asawa. Inilabas ako ni Philip sa main door ng Serenity Pines Estate at mabilis na yumakap sa akin ang lamig. Nanginginig ang aking mga labi nang tuluyang nanuot ang bawat patak ng malakas na ulan sa ugat at bawat himaymay ko. Hindi pa ako nakababawi sa kung anong gamot na ipinaamoy sa akin. Kasing labo ng isip ko ang aking mga mata. "No, Philip!" pakiusap ko. Kailangan niyang makinig sa akin dahil inosente ako at wala akong naintindihan
Philip Binabalot ako ng dilim at hindi ko alam ang gagawin ko nang marinig ko ang balita na nasa ospital ngayon si Sarah kasama ang taong hindi ko inaasahan. My knowledge of Amir Benner stems from my engagement within the racing community; he presently holds the position of president at TerraTraxx Automotive, situated in Dubai. "As per my investigation," pagsisimula ng paliwanag ni Alex, "Mr. Benner arrived in Highland Hills for business purposes. He's also collaborated with Luminary Productions to promote their latest car model." Hindi ko na inintindi pa ang sinabi niya. I don’t give a fuck who he was! Ang gusto kong malaman ay kung ano ang relasyon niya sa asawa ko. Para bang naiintindihan ni Alex, nagpatuloy siya sa paliwanag, "Boss, kanina lang dumating si Mr. Benner. I don’t think he knew Madam Sarah." Gustuhin ko man ay hindi pa rin ako pinakalma ng mga salita niya. Kanina lang ay natagpuan ko si Sarah na may kasamang ibang lalaki. Sa sobrang pagkadismaya, hindi ko na
Sarah Inuulap ang pakiramdam ko at tila wala sa sarili. Dama ko lang ang pamilyar na haplos ni Philip at ang kanyang mainit na halik sa aking labi at leeg, ngunit wala akong lakas para gumanti at suriin ang katotohanan. Hinihila ako ng dilim at dinadala sa mas malayong parte ng aking panaginip. Dahan-dahan na nagmulat ang mata ko matapos ang malalim na pagtulog. Pilit kong inaalala ang mga huling naganap sa akin habang natagpuan ang aking sarili sa silid namin ni Philip. Natatandaan ko na naroon ako sa labas ng villa matapos akong kaladkarin ni Philip at pabayaan sa malakas na ulan hanggang sa mawalan ako ng malay. Hindi ko gusto, ngunit nagpatuloy ang luha ko matapos alalahanin na pinaglaruan ako ng tadhana. May kumatok sa pintuan na nagpapiksi sa akin, tinapos ang katahimikan sa silid. "Sarah?" bigkas ng kung sino man ang nasa labas ng silid. Pinunasan ko ang luha ko, na para bang wala akong karapatan na umiyak at saka tinungo ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang m