Share

KABANATA 3: Pasanin

Philip

"Ibinigay ko sa ‘yo ang trabaho! Milyong dolyar ang ginastos para sa pelikula na ito at pagkatapos ay malalaman natin na hindi nagustuhan ng audience ang daloy ng kuwento? Hindi rin maganda ang feedback ng manonood dahil nahaharap ngayon sa kabi-kabilang eskandalo ang lead female cast!" Dumadagundong ang tinig ng aking ama sa kanyang malawak na opisina. 

"Do something!" sigaw niya at saka ibinato sa akin ang ilang mga papel na kanina ay nananahimik sa kanyang malapad na mesa.

Bumilog ang mga kamao ko at saka lumabas ng kanyang opisina. Sunod-sunod ang problema na hinarap ng Luminous at lahat ng iyon ay ibinuntong sa akin ng CEO—ang aking ama!

Ordinaryo ito sa opisina. Kahit na siya ang nagplano at dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ay sa akin pa rin niya ibibintang dahil nakaplano na ibigay sa akin ang posisyon bilang president ng production at trabaho ko na makita ang mga problema sa hinaharap! Sa ngayon ay dalawang taon na akong protégé bilang presidente ng Luminous Group, at hindi ko alam kung kailan niya ibibigay sa akin ang aktuwal na posisyon!

Halos ubusin ko ang oras sa trabaho at gawin ang lahat para lang ibigay ang lahat ng kapritso niya! Ngunit hindi ko yata makukuha ang amor na matagal ko nang hinahanap kay Dad. 

Nasasakal ako sa trato niya! Aminado ako na nagkakamali ako sa ilang desisyon at may mga bagay na nakaliligtaan sa opisina. Kailangan kong makuha ang posisyon na nararapat sa akin! 

Dala ang sama ng loob, ibinuhos ko ang lahat ng iyon sa trabaho.

Ilang oras lang ay pumasok ulit ang aking ama sa opisina at sunod na isinisi sa akin ang rank ng sikat na pelikula ngayon.

"Hindi mo nakuha ang celebrity na ito sa kabilang opisina! Kung narito sana siya sa Luminous, hindi tayo masasapawan ng StellarScape!" tukoy niya sa kalabang kumpanya, sunod na ibinato sa aking direksiyon ang iPad na naglalaman ng balita.

Hindi ko matukoy kung pang-ilan na ang iPad na iyon na madalas palitan sa tuwing ibabato niya sa kung kanino niya matipuhan na biktima ng kanyang galit. Unfortunately, ako ang biktima ngayong araw. Tahimik lang ako, ngunit magkasalubong ang mga kilay na tinanggap ang lahat ng kanyang sermon. Nakatayo lang si Alex sa gilid, hindi hinaharap ang mata ng ama ko.

Matapos lumabas ng CEO ay nais kong sumigaw, frustration boiled within me.

"Investigate the ranking!" matalim na utos ko kay Alex.

"Understood!" tugon niya bago ako pinaalalahanan. "Boss, we have a dinner meeting."

Hindi ako tumugon, hinayaan na kumalma at inayos ang sarili na nagtungo sa pagtitipon.

Sa event, mataas ang respeto na nakukuha ko sa mga kasosyo o mga taong nakakahalubilo dahil sa kabila ng trato sa akin ng aking ama, ako si Philip Cornell. Mataas ang respeto sa akin bilang nag-iisang tagapagmana ng Luminous Group. 

Hindi ko napigilan na uminom muli ng alak na ilang araw ko nang nakakasama dahil sa sama ng loob. I’m stressed out! Panay ang lagok ko ng whiskey hanggang sa mawalan na ako ng kontrol sa sarili.

Nagising ako nang katabi si Sarah. Pinakakalma ako ng kanyang mabining amoy. Kung mayroong lugar sa mundo na nais ko sanang manatili, iyon ang bedroom, dahil naroon si Sarah. Sa kanyang yakap, nakahanap ako ng kanlungan mula sa bagyong rumaragasa sa loob ko. 

Ang kanyang mga mata, isang nakakabighaning lilim ng kulay abo, maamo ang mukha at higit sa lahat, hindi niya dinadagdagan ang problema na nakukuha ko sa opisina at sa bahay. Hindi siya nagrereklamo sa oras o mga bagay na ibinibigay ko. 

Hinawi ko ang lahat ng saplot na tumatabing sa amin at saka ko siya inangkin sa mapusok na paraan.

Kinabukasan, dating gawi, sinalubong ako ng umaga na nasa isip na naman ang lahat ng problema nitong mga huling araw. Masakit ang ulo ko dahil sa pagkakalasing, ngunit kailangan kong magtrabaho.

Habang nakatayo ako sa ilalim ng napakalamig na buhos ng shower, natanggap ko ang mensahe ng aking ina.

Mom: Megan is back. Son, kailangan natin tulungan si Megan. Hindi maganda ang naging buhay niya sa abroad. Kahit naman papaano ay maayos ang pinagsamahan ninyo. Minaltrato lang daw siya ng kanyang nobyo at pagkatapos ay hindi siya pinapakain. Kung pwede sana ay ibili mo siya ng regalo o kahit na ano na pwedeng magpasaya sa kanya.

Kaswal ko lang na tiningnan ang mensahe at saka nagpatuloy sa preparasyon para sa pagpasok sa opisina. Close sa pamilya ko si Megan. Kaibigan ko siya mula pa elementary hanggang sa nagkaroon kami ng kaswal na relasyon. She’s a friend. Ngunit noong maisip niya na sumama sa ibang lalaki, hindi ako nakaramdam ng sakit, sa halip ay naasar ako dahil natapakan ang pride ko. 

Family oriented ang isa sa mga investor at hinanapan ako ng asawa sa edad ko noon na twenty-seven. Ang mga anak nga daw niya ay beinte lang hanggang twenty-five noong ikinasal. Kailangan nila ng babae bilang palamuti sa ilang pagtitipon at ilang pang bagay na may kaugnayan sa imahe ng isang responsableng lalaki. Iyon ang katwiran nila at kahit si daddy—at iyon nga ang naging rason kung bakit ako napapayag na magpakasal.

Katwiran ko noon na wala namang problema. Tulad ng nakagawian para akong robot na sinunod ang kagustuhan ng magulang ko, kumbinsido na gagamitin ko ang kapangyarihan nang walang kahirap-hirap sa sandaling umakyat ako sa pagkapangulo.

Sa kasalukuyan, naalala ko na 3rd-year wedding anniversary namin ni Sarah. Kinuha ko ang box ng kuwintas at saka kaswal na inilagay iyon sa mga dalahin ko.

A tidal wave of desire crashed over me, seeing Sarah sprawl on the bed, tempting every nerve in my body to reach out to her, yielding to the irresistible allure of her presence, just as I prepared to leave. Yet, like chains of obligation, the weight of impending office matters held me back. 

Kinagabihan, nakita ko si Megan sa restaurant. Umaliwalas ang kanyang mukha habang nakakunot ang aking noo na dala ang katanungan kung ano ang ginagawa niya roon. 

"Akala ko ba ay dinner ito na kasama sina Dad at Sarah?" tanong ko kay Mommy, walang ekspresyon sa mukha. 

"Aist! Pamilya naman si Megan! Tatlong taon siyang naghirap sa ibang bansa. Magkaroon ka naman ng awa!" sita ni mommy.

"Philip, p-pasensiya ka na… Nagkataon lang na nagkita kami ni Auntie sa labas," tugon ni Megan. Kahit alam ko na kasinungalingan iyon. 

Gayunman, nagkibit na lang ako ng balikat. Lumipas ang ilang minuto ng kuwentuhan sa pagitan nila habang panay ang sagot ko sa ilang emails gamit ang mobile phone. Their chatter annoyed me because I had office matters, and some required immediate responses. Ayoko na harapin na naman ang galit ni Dad.

Tumayo ako nang tanungin ako ni Mommy. "Saan ka pupunta?" 

"I need to call Alex." Sinilip ko ang relo at doon ko napuna na wala pa rin si Sarah hanggang sa kasalukuyan. Naiintindihan ko si Dad kung hindi siya makapunta rito sa dinner. Ugali naman niya na hindi pumunta sa ganitong pagtitipon. "Ma, pwede mo bang tawagan si Sarah? She’s late!" Hindi maikakaila ang pagkaasar sa tinig ko.

"Ano nga ba ang ginagawa ng isang iyon? My goodness! Hindi na nga nakakatulong sa gastusin!" 

Hinayaan ko na si Mommy. May problema na naman sa opisina at kailangan ng atensiyon ko. Lumabas ako at saka tinawagan si Alex. Kasalukuyan siyang nasa meeting ngayon para sa katauhan ko. Sumasakit ang ulo ko sa kabi-kabilang problema.

Nang matapos ang tawag ay si Megan ang bumungad sa akin. She has shorter hair. Glamorosa pa rin sa kasalukuyan matapos makabalik sa kanyang pamilya.

"Philip…" halos naiiyak niyang usal. Hindi siya makatingin.

"What is it?" tanong ko sa kanya.

"G-gusto ko lang humingi ng sorry," naluluha niyang sabi. Para bang lahat ng problema ay pasan-pasan niya. Naalala ko ang sinabi ni Mom na hindi maganda ang naging trato sa kanya ng kanyang nobyo hanggang sa pinabalik nga ito ng ama sa Highland Hills City nang malaman na minamaltrato ito sa ibang bansa.

"Ayos lang," paninigurado ko sa kanya. Nasaktan ang priide ko noon. Pero tatlong taon na iyon at sa totoo lang ay nakalimutan ko na! Mas masakit pa nga sa puso ang mga problema na ibinibintang sa akin sa opisina.

"Uhm, Sabi sa akin ni auntie, binilhan mo ako ng regalo?" she asked.

Agad na nagsalubong ang kilay ko. Naalala ko na nagpabili nga si Mom ng regalo para kay Megan na hindi ko nabigyan ng pansin.  

"I-I’m sorry!" naiiyak niyang usal. "Wala naman akong dapat na asahan."

Naglandas ang kanyang luha. Naasar ako ngunit hindi ko magawa na pagalitan siya. Kahit naman papaano ay naging magkaibigan kami ni Megan.

Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ko, at niyakap ko siya. "Ayos lang," simple kong sabi. 

Dinukot ko ang eleganteng box ng kuwintas na dapat sana ay kay Sarah. Siguro naman ay ayos lang na ibigay ko ito kay Megan. Wala naman pa naman si Sarah at naisip ko na bilhan na lang siya sa susunod.

Ikinabit ko iyon sa kanyang leeg bago kami sabay na pumasok sa restaurant.

Hindi ko na napansin ang oras hanggang sa magkayayaan kami na umuwi.

"May naiwan nga pala ako sa Serenity Pines Estate kanina," ani mommy kaya isinabay ko siya sa sasakyan.

Bumubuhos na ang malakas na ulan habang binabaybay ang daan pauwi. Ang unang pumasok sa isipan ko ay kung nasaan si Sarah.

Hindi pamilyar ang marungis na rubber shoes sa harapan ng main door. Naguguluhan ako kung sino ang may ari niyon lalo na at halatang malaki ang size nito sa asawa ko.

May ipinagawa ba si Sarah sa bahay? 

"Sinasabi ko na nga ba! May lalaki ang Sarah na yan!" usal ni Mommy na nagpaasim sa mukha ko. 

Ganoon na lang ang kaba ko nang marinig ang tili ni Sarah mula sa silid namin. Ngunit hinarap ako ng katotohanan nang makita ko si Sarah sa loob ng kuwarto, kasama ang hindi pamilyar na lalaki. 

Mabilis akong binalot ng galit at nais ko silang saktan! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status