Home / Romance / The Second Marriage Chance [Filipino] / KABANATA 2: Di-nakikitang Halaga

Share

KABANATA 2: Di-nakikitang Halaga

Sarah

Kailangan kong kalmahan at huwag masyadong isipin ang narinig ko—ang pagbabalik ni Megan.  

May dumaan pang babae na anak ni Mrs. Thompson na may kasamang tatlong anak na nagsipagtakbuhan sa tile floor at dinungisan ang couch. Matapos magmeryenda ay umalis din kaagad.  

Alas-dos ang sinasabi ng relo nang matapos maglaro ang mga ginang, naiwan ang mga pinagbalatan ng orange at balot ng biscuit, bukod pa sa ilang tasa at kalat na iiwan nilang lahat. 

Isa-isa silang lumabas ng Serenity Pines Estate, bago nagbilin ang biyenan ko.   

“Siya nga pala, ibinilin sa akin ni Philip na may dinner mamaya sa Heritage Harvest Hotel. Pumunta ka, at huwag mong kalilimutan!” huling mensahe ni Madam Cornell bago ako tinalikuran at tinungo ang naghihintay na itim na Mercedes-Benz S-Class kung saan may driver na nakatayo sa gilid. 

Bahagya akong na-excite sa narinig. Anniversary namin ni Philip ngayon at hndi ko maiwasan na isipin na may naghihintay na selebrasyon sa hotel.  

Ngumiti ako na nagawang kawayan ang sasakyan at pinagmasdan na isa-isang nagsialisan sa driveway.  

Doon ko napuna na may dalawang truck ng mga kagamitan sa hindi kalayuan—may lumilipat sa villa na katabi ng tirahan namin ni Philip. Hindi ko na ito binigyan pa ng pansin at tumuloy sa loob. 

Mainit ang hangin na ibinuga ng aking bibig nang lumantad sa akin ang mga kalat na kailangan kong linisin. Wala akong magagawa kung hindi linisin ang mga iyon bago ako tumuloy sa Heritage Harvest Hotel dahil ayaw ni Philip nang madungis. 

*** 

Mabibilis ang mga hakbang ko na tinahak ang daan patungo sa restaurant ng hotel. Late na ako ng thirty minutes dahil kailangan ko munang siguruhin na hindi makikita ni Philip ang mantsa sa couch na nadungisan ng isang batang bisita kanina. 

“Excuse me, saan ang restaurant ng hotel?” tanong ko sa isang babae na halatang staff ng hotel. 

“Lumiko lang po kayo riyan, ma’am!” sagot niya sa akin. 

Sinundan ko ang daan na binigay niya ngunit bago pa ako iluwa ng pasilyong pinanggalingan ko, napuna ko sina Philip at Megan sa labas ng restaurant. Agad akong kumubli sa pader para itago ang sarili.  

Halata na seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Walang emosyon ang asawa kong si Philip na inilabas ang box na nakita ko ng nagdaang gabi. Lumarawan ang sorpresa at saya sa mukha ni Megan bago iniabot ang kuwintas kay Philip para isuot sa leeg nito.  

Awtomatiko na nagtungo ang isang kamay ko sa aking dibdib at bumilog nang mariin. Nanginginig ang katawan ko matapos ang reyalisasyon.  

Hindi para sa akin ang kuwintas!  

Hindi para sa akin ang pagtitipon kung hindi para sa pagbabalik ni Megan!  

Hindi ko napupuna na may luha na palang nangilid sa magkabila kong pisngi at saka ako tumalikod na parang natalo sa sugal. 

‘Sarah, ano pa ba ang aasahan mo? Alam mo naman na sa simula pa lang ay si Megan naman talaga ang nakatakda para kay Philip.’

Nilapirot nang pinong-pino ang dibdib ko at para bang hindi ako makahinga. Malaking multo si Sarah sa relasyon namin.  

Eighteen ako nang una kong makita sa personal si Philip sa Cornell Mansion dahil best friend at matalik kong kaibigan si Jane na kapatid niya sa ama. Anak ni Mr. Cornell si Jane sa isa sa mga kabit nito. Sa murang edad ni Jane, sa kasawiang palad, namatay ang kanyang ina.  

Kaklase ko si Jane sa kolehiyo sa Crestwood University. Madalas kami sa mansiyon nila para doon mag-aral at para lihim na makita si Philip.  

Nineteen ako noong masaktan ako sa katotohanan na nakatakda ang araw ng kasal ni Philip kay Megan. Sa araw ng kanilang kasal, tila may ibang tadhanang nakatakda sa akin; umalis si Megan at sumama sa ibang lalaki.  

“This is your fault! May ginawa kang hindi maganda kaya umalis si Megan sa araw na ‘to! Ano ang gagawin natin! Nakakahiya na nasa labas ang mga investor at ilang supporter ng Luminary Productions!” Dumadagundong ang tinig ni Chairman Cornell—ang ama ni Philip sa pasilyo para siya pagalitan.

“We have to find another bride! Kaysa wala akong mukha na maipakita sa mga kasosyo ko sa trabaho! Do something!” sigaw muli ng lalaki.

Kinatok ko ang pintuan kahit na nakaawang iyon. Hinugot ang lahat ng lakas ng loob ko na inalok ko ang sarili na maging asawa ni Philip. 

Ganoon kalakas ang atraksiyon niya sa akin noong nasa edad ako ng katangahan. Handa ako na isakripisyo ang kabataan ko para kay Philip.  

Naging asawa ko siya, iyon ang magandang kapalit ng lahat—a substitute for Megan in his life.  

Sa loob ng tatlong taon ay umasa ako na ibabalik ni Philip ang pagmamahal na habang lumilipas ang araw ay mas lalong nadadagdagan! Hindi ba niya alam na marami akong isinakripisyo sa pinasok kong buhay sa loob ng tatlong taon! 

Gayunman, sa kabilang banda, hindi ko naman tuluyan na itinakwil ang pag-aaral ko. Sikreto na ipinagpatuloy ko ang online class. Pinayagan ako ng Crestwood University na bibihira lang nilang i-offer sa estudyante. Sikreto akong kumukuha ng Advanced Programming—isa sa mga rason kung bakit ako pumayag na hindi mag-hire ng maid. Ayokong isumbong ako kay Madam Cornell na mariin ang prinsipyo na kailangan kong pagsilbihan lang si Philip! 

Hindi ko napupuna na dumadantay na pala ang malamig na hangin sa aking balat habang tila wala sa sarili na tinatahak ang kalsada.  

Umalingawngaw ang tunog ng cell phone mula sa aking bag. Inaasahan ko na hinahanap ako ni Philip, itatanong niya kung nasaan na ako. Ngunit pangalan ni Jane ang naroon sa screen. Hinawi ko ang mga luhang namuo sa aking pisngi bago pinasigla ang tinig.  

Nasa London siya sa kasalukuyan para sa training habang naiwan ako sa Highland Hills City para maging asawa ni Philip. Wala tuloy akong mapagsabihan ng problema.  

“Bestie!”  

“Happy wedding anniversary!” masigla niyang bati sa akin.  

“Thank you!” Ngunit hindi napigilan ng mga luha ko na maglandas muli.  

Nasasaktan ako! Mabuti pa ang kaibigan ko ay naalala na anniversary namin ng kuya niya. Kay Philip ay wala man lang akong balita. Napuna man lang ba niya na wala ako sa restaurant? Pinigilan kong humikbi.  

“I miss you so much!” Hindi nawawala ang sigla ni Jane sa kabilang linya habang nilalapirot ng sobrang sakit ang dibdib ko.  

“I miss you too! Sana ay narito ka para mayakap kita nang sobra.” nangangatog ang bibig ko dahil pinilit kong huwag ipakita ang lungkot sa aking tinig.  

“Aw… How are you?” Kailangan ko ang tanong na iyon ni Jane.  

Kumusta na nga ba ako? Hindi ako okay! Pero ayokong istorbuhin ang kaibigan ko na nasa abroad. Ayokong poroblemahin siya sa buhay may-asawa ko kahit pa kapatid siya ni Philip. Kailangan kong malagpasan itong problema nang mag-isa.  

“I’m… fine,” tugon ko kay Jane. 

“Uuwi ako after ng exam! Magkikita tayo soon! I have to go! Inaantok na ako. Enjoy your night with Philip!” paalam sa akin ni Jane. 

Tuluyang lumabo ang mga mata ko matapos putulin ang tawag namin at saka naglawa ang pisngi ko sa sobrang lungkot. Kinalma ko ang sarili ko sa mga pag-iyak lalo na at mukhang nagbabadya ang pag-ulan. Kailangan kong makauwi sa bahay. 

Kapupunas ko pa lang ng basa kong pisngi nang may humintong van sa harapan ko at saka iyon nagbukas.  

Hindi ako agad nakakilos nang mabilis na bumaba ang dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso. 

“Ahhh!” Nagpabaling-baling ako sa mga nagdadaan na mga sasakyan para humingi ng tulong. 

Isa pang lalaki ang tinakpan ng basang bimpo ang aking bibig. Nanuot sa ilong ko ang matapang na amoy at bigla akong nanghina. Kasunod niyon ay unti-unting nagdilim ang aking paningin at tuluyan nang hindi nakakilos.  

Hindi ko alam kung ano ang mga naganap, nagising na lang ako na naroon na sa kama namin ni Philip katabi ang hindi nakikilalang lalaki. 

“Ahhh!” Napasigaw ako kasunod at saka napaatras. Naglandas sa ugat ko ang takot at pagsuri ko sa aking sarili.  

Ngunit ganoon na lang din ang panlalaki ng mata ko nang marahas na nagbukas ang pintuan at lumitaw si Philip na nasaksihan ang sitwasyon sa loob ng silid namin. Suot pa rin niya ang three-piece suit na gamit sa hotel kung saan ko siya nakita na isinusuot ang kuwintas kay Megan.  

"What the fvck is going on?!" Dumagundong ang kanyang boses na nagpagising lalo sa nahihilo kong isipan.  

Hinawakan niya ng lalaki sa kuwelyuhan nito at saka binigwasan ng suntok. Napatili ako sa takot, agad na tumakbo ang lalaki papalabas na para bang kabit na nahuli ng asawa.  

"Philip, please, you have to believe me! Dinukot ako! Hindi ko alam kung ano ang nangyari!” Bumilog ang kanyang kamay at dama ko na nais niya akong saktan, ngunit malakas ang pagpipigil sa sarili. Nagdidilim ang kanyang paningin. 

Lumitaw ang biyenan ko sa pintuan para magdagdag ng gulo. “Sinasabi ko na nga ba ‘eh! I told you, son! Kaya ako nagpupunta rito madalas sa Serenity Pines Estate para makita kung ano ang ginagawa ng babaeng iyan! Alam ko na nagdadala siya ng lalaki rito!” 

"N-no, that's not true!" agad kong buwelta kay Madam Cornell, nanginginig sa kaba.

May dinukot si Madam Cornell na mga larawan sa kanyang bag, umismid at saka initsa ang mga iyon sa kama.  

Nakita ko ang sarili ko roon na nasa kabilang panig ng mesa kausap si Jakob—kaklase ko sa Advanced Programming na madalas na nakasuot ng hoodie jacket. Maganda ang ngiti ko sa larawan. May isa pang larawan na niyakap ko siya sa tabi ng kanyang motor na iba naman ang kulay ng kanyang hoodie jacket.  

Doon pumasok ang anyo ng lalaki na kalalabas lang ng silid. Nakasuot din ang lalaki ng hoodie jacket.  

“Nakikipagkita ka sa kabit mo sa iba’t ibang restaurant! Hindi ka pa nakuntento at talagang dinala mo rito sa silid mismo ninyo?” sigaw ni Madam Cornell.  

No! No! Napapailing na lang ako at nais isatinig na hindi totoo ang bintang niya sa akin!  Nilabanan ko ang walang basehan na kanyang paratang na tila alon sa mabatong baybayin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status