Sarah
Inuulap ang pakiramdam ko at tila wala sa sarili. Dama ko lang ang pamilyar na haplos ni Philip at ang kanyang mainit na halik sa aking labi at leeg, ngunit wala akong lakas para gumanti at suriin ang katotohanan.
Hinihila ako ng dilim at dinadala sa mas malayong parte ng aking panaginip.
Dahan-dahan na nagmulat ang mata ko matapos ang malalim na pagtulog. Pilit kong inaalala ang mga huling naganap sa akin habang natagpuan ang aking sarili sa silid namin ni Philip.
Natatandaan ko na naroon ako sa labas ng villa matapos akong kaladkarin ni Philip at pabayaan sa malakas na ulan hanggang sa mawalan ako ng malay.
Hindi ko gusto, ngunit nagpatuloy ang luha ko matapos alalahanin na pinaglaruan ako ng tadhana.
May kumatok sa pintuan na nagpapiksi sa akin, tinapos ang katahimikan sa silid.
"Sarah?" bigkas ng kung sino man ang nasa labas ng silid. Pinunasan ko ang luha ko, na para bang wala akong karapatan na umiyak at saka tinungo ang pintuan.
Bumungad sa akin ang isang maid na mula pa sa Cornell mansion. Nakataas ang kanyang kilay.
"Maglilinis ako ng kuwarto," kaswal niyang sabi, walang bahid ng init o empatiya ang tono niya. Sa lahat ng tauhan mula sa Cornell Mansion, siya ang may hindi magandang pakikitungo sa akin.
"Bakit ikaw ang narito?" usisa ko sa kanya. Ngayon ba ang araw ng paglilinis sa villa?
"Ako at tatlo pang maid ang pinapunta ni Madam dito sa Serenity Pines Estate. Tumawag si Boss Philip at ni-request na ayusin ang villa dahil hindi daw kaya ng katawan mo." Nagawa niya pang pagmasdan ang kanyang bagong-bagong manicure na kuko. Sinasabi niyon na hindi siya nagtatrabaho nang maayos kahit sa mansiyon.
"Ako na ang maglilinis ng kuwarto namin ni Philip. ‘Yong ibang silid na lang ang ayusin n’yo," sa halip ay utos ko.
Ismid ang isinagot niya sa akin bago siya tumuloy sa katabing kuwarto.
Bahagya pa akong nahihilo at pilit na inaalala ang mga naganap kagabi. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko alam ngunit sinisikmura ako na posibleng epekto ng trangkaso o gamot.
Sinilip ko ang relo sa pader, at sinasabi niyon na nasa opisina na ang asawa ko. Nasa ganoong posisyon ako nang marinig na may humintong sasakyan sa tapat ng villa namin.
Nakikipagbuno ako sa ideya kung kaya kong humarap sa hindi inaasahang panauhin. Ngunit hinihiling ko na sana ay hindi ang biyenan kong babae ang basta na naman nagtungo sa Serenity Pines Estate nang walang pasabi.
Ngunit hindi ko inaasahan na si Megan ang bumaba mula sa makinis na Porsche Boxster na nakaparada sa labas. Nakasuot siya ng pulang-pulang bestida at litaw ang kanyang biyas, na nagpapatingkad sa kanyang mga kurba. Inalis niya ang kanyang salamin sa mata para salubungin ang tingin ko, hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang nagdala sa kanya dito.
Bahagya akong naasiwa sa suot ko na pantulog at hindi pa nagawang magsuklay. Nagrolyo ang lalamunan ko sa katanungan kung ano ang kailangan niya sa akin.
Inikot niya ang paningin sa villa, para bang nasa antisipasyon ang ilang bagay sa ilalim ng kanyang mata, habang naaasiwa naman ako sa kanyang presensiya.
"Ms. Megan, gusto mo ng maiinom?" tanong ng maid. Mabuti pa siya at nagawa niyang i-welcome ang bisita, samantalang ako ay inuulap ang isip sa dami ng katanungan na bumabalot dito.
Binigyan si Megan ng juice na inilapag sa kanyang harapan sa center table.
"Isa lang ang rason kung bakit ako narito," ang mga salitang lumabas sa mga labi ni Megan. Inilabas niya ang divorce agreement papers mula sa kanyang bag at kaswal na inilapag sa mesa.
"Makipaghiwalay ka kay Philip!" asik niya sa akin.
Umawang ang labi at saglit na hindi nagproseso ang utak ko sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko?
"Narinig ko na nahuli ka ni Philip kagabi na may dinalang ibang lalaki rito. Kung hindi ka na masaya sa relasyon n’yo, don’t worry, mabait ako para tulungan ka na makaalis sa relasyon mo kay Philip," aniya.
"I’m not divorcing Philip!" ang mabilis na lumabas sa bibig ko. Nahihibang na ba ang babaeng ito?
"Come on, Sarah. Don't be a b!tch, and sign the papers! Sa loob ng tatlong taon, hindi nawala ang komunikasyon ko kay Philip. Hinayaan ko lang na umupo ka sa puwesto ko bilang Mrs. Philip Cornell, but I got bored. Nakakapagod ang ganitong laro, you know? Kaysa naman paasahin ka, mas mabuti nang itama ang lahat," kaswal niyang sabi.
Nilapirot nang todong-todo ang dibdib ko sa narinig. Tatlong taon silang may lihim na ugnayan ni Philip?
While my husband is fvcking me, is he continuing his relationship with Megan? Kung ganoon, nasaan ako sa puso ni Philip sa loob ng tatlong taon? Kaya ba hindi ko makuha ang pagmamahal niya dahil ito ang dahilan?
Nabasa ni Megan ang nasa isip ko. "Nagkikita kami ni Philip sa ilang business conference at business trip niya sa abroad. He’s fvcking good! I like how he dominated me…" Lumabas ang kakaiba niyang ngiti sa labi.
Hindi ko ipinakita kay Megan na gusto ko nang umiyak. Sa kabilang bahagi ng utak ko, pakiramdam ko ay pinaglalaruan ni Megan ang emosyon ko. Nais kong isipin na hindi totoo ang sinabi niya at kalokohan ang lahat! Hindi manloloko ang tingin ko kay Philip!
Ngunit naglandas ang mga paningin ko sa leeg ni Megan kung saan nakakabit ang mamahaling kuwintas na nakita ko sa drawer ni Philip. Malinaw ang ebidensiya na iyon kung ano si Megan sa buhay ni Philip. Ako nga ay walang natanggap na kahit na ano, nagawa pang palayasin ng villa!
"Leave, Megan!" were the words that escaped my lips.
"What?" Naningkit ang kanyang mata sa narinig.
"I said, leave. This is my home! Wala akong pakialam kung nagkikita kayo ng asawa ko or kung nag-uusap kayo ng lihim sa labas or nagpapakant0t ka sa kanya! This is Serenity Pines Estate, and this property belongs to me!" I growled! "Nasa desisyon ko kung sino ang patutuluyin ko rito sa villa!"
Masakit malaman na may relasyon pa rin siya kay Philip, ngunit hindi ako papayag na dahil lang sa bumalik siya ay may karapatan na siyang manduhan ako. Masakit! Ngunit iiyak ako kapag hindi nakikita ng mga taong ito ang kahinaan ko.
"Isusumbong kita kay Philip! Sasabihin ko sa kanya itong ginawa mo!" pananakot ni Megan.
Kinurot ang puso ko sa narinig. Nalulungkot ako na magagawa niyang kausapin si Philip gayong hindi ko magawang magkaroon ng kaswal na palitan ng usapan sa asawa ko.
"Sarah! Si Ms. Megan iyan! Ano ka ba sa buhay ni Boss Philip? Mang-aagaw ka lang naman na nagawang i-offer ang sarili mo noong namomroblema sila para maghanap ng babaeng pakakasalan ni Boss noong umalis si Ms. Megan!" saad ng maid na nagawang makisali sa usapan.
Pinukulan ko siya ng tingin. Dinampot ko ang juice na inihanda niya kay Megan na naroon sa maliit na mesa at saka ibinuhos iyon sa kanya. Halos mapasinghap siya sa pagkabigla lalo na nang bumalot sa kanya ang lamig.
"Ganito ba ang aral na itinuturo sa Cornell Mansion? Halatang hindi ka nila naturuan ng tamang asal! I’m not Sarah, I’m your Madam Sarah! Get out!" Dumagundong ang tinig ko sa kabuuan ng villa.
Nabigla siya ngunit nang harapin niya ang naniningkit kong mga mata ay napipi siya sa takot.
"M*****a ka talagang babae ka na walang pinag-aralan! Kunsabagay, hindi ka nga pala nagpatuloy sa pag-aaral dahil inaasahan mo na masaya ka na sa kayamanan ni Philip," asik ni Megan.
"I'll say it again, the two of you, leave my villa right now!" I thundered, my voice echoing through the corridors with intensity.
"Aalis ka rin dito soon! Trust me!" banta ni Megan, nagpapadyak na lumabas ng villa. Naiwan pa ang maid na napalunok.
"Hindi mo alam kung nasaan ang pintuan?" usisa ko sa maid.
Nakasimangot na lumabas ng villa ang maid.
Mabigat ang dibdib at nanginginig ang kamay na dinampot ko ang divorce papers na iniwan ni Megan sa mesa bago ko tinungo ang daan pabalik ng master bedroom.
"M-Madam Sarah, ayos lang po ba kayo? Sinabihan kami ni Boss Philip na may sakit kayo kaya kami pinapunta rito para mag-asikaso ng villa sa buong maghapon," paliwanag ng isa pang maid na nakita ang lahat ng naganap.
Tinanguan ko lang siya at bumalik sa silid namin ni Philip.
Nakakapagod na ang maging mabait kung sa huli ay aabusuhin lang ito sa ‘yo ng mga tao. Kaya kung isumbong man ako ni Megan o ng maid kanina kay Madam Cornell at Philip, bahala na. Nasasaktan ako sa mga narinig ko, sa sitwasyon ko.
Masakit malaman na tatlong taon akong nabubuhay sa kasinungalingan.
Sa pagbabalik ko sa silid ay inilabas ko ang mga luhang kanina pa nais kumawala . Totoo naman ang sinabin ni Megan, ayoko lang tanggapin dahil sa marupok na pag-asa na kinapitan ko.
Nag-ring ang phone ko na naroon sa bedside table.
"H-hello!" sagot ko sa tawag habang sumisinghot.
"Sarah, it’s me." I heard my brother’s voice.
Sarah Natigilan ako nang umalingawngaw ang boses ni Amir sa telepono, hindi nakabawi sa pagkagulat. Saglit na huminto ang isip ko, at hindi ako makapaniwala. Galit sa akin si Amir dahil iniisip niya na nagawa kong saktan o i-bully ang nobya niya, na siyang kabaligtaran sa tunay na naganap. Hindi niya ako kinausap at tuluyan niyang pinutol ang pakikipag-ugnayan sa loob ng tatlong taon. “Brother?” May himig ng paniniguro sa aking tinig. “Yes. That’s right!” His confirmation echoed hollowly, a stark reminder of the chasm between us. The ache of longing for my brother pierced through me like a dagger. Yet, the cruel reality remained—he had already severed our ties. Sa palagay ko, naramdaman niya ang kaguluhan ng mga emosyong nagngangalit sa loob ko, na walang salita na mailabas sa pag-uusap namin. “Listen, alam ko na hindi maganda ang mga naganap sa atin three years ago, pero kuya mo pa rin ako at alam mo na wala tayong aasahan sa isa’t isa kung hindi tayong dalawa lang din.”
Sarah Hindi ko maiwasan ang pananabik sa balitang nagdadalang-tao ako, an unstoppable force urging me to share the impending news with Philip. Hindi ko maalis sa aking pakiramdam na ang balitang ito ay posibleng magpabago sa relasyon namin. Nilalaro ng maraming paru-paro ang dibdib ko kahit pa nga alam ko na medyo hindi natuwa si Amir. "You're pregnant, and yet that jerk left you stranded outside your villa, soaked in the rain, and caused you to faint? I'll have a word with him, Sarah! He needs to face the consequences!" Amir seethed with anger. "Please don’t! Hindi nila alam na isa akong Benner!" pakiusap ko. "What?" Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Noong lumipat ako ng university, I used Grandpa’s last name, Mitchell. Sa lahat, ako si Sarah Mitchell, isang ulila," paliwanag ko sa kanya. "So, that's why he didn't know we're related." "Please, leave Philip alone!" Sa halip ay si Amir ang napagsabihan ko. Sigurado ako na imbes na makinig si Philip, ikagagalit niya ang
Sarah Humalukipkip nang mahigpit ang mga braso ni Philip sa kanyang dibdib, isang misteryosong ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi. Ang misteryosong kinang sa kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng lalim ng emosyon na hindi ko mawari. Isa lang ang alam ko, hindi niya ikinatutuwa ang narinig niya sa akin. "What's all this about?" he queried, a touch of amusement lacing his tone. Hindi siya galit, ngunit para bang nasa isip niya na nahihibang ako sa mga salitang binanggit ko. Nagrolyo sa lalamunan ko ang reyalisasyon, ang mga pasakit na pinagdaanan ko sa loob lang ng dalawang araw. Sapat iyon para ituloy ko ang nais ko! "Alam ko na gusto mo akong hiwalayan, Philip! Kaya ibinibigay ko na sa ‘yo ang laya sa kung sino man ang gusto mong asawahin!" Kung gusto man niyang ituloy ang relasyon niya kay Megan o sa sekretarya, at least hindi ako parang gago na naghihintay lang sa bahay para sa kanya. Doon tumiim ang kanyang galit. Hinablot niya ang magkabilang braso ko at saka pinai
Sarah Hilong-hilo si Madam Cornell habang naroon kami sa kanyang sasakyan para siya ihatid sa ospital. Hindi ko dapat ito ginagawa—iyon ang bulong sa akin ng isip ko na nagtatago sa ilalim ng katangahan at kabaitan ko. Gayunman, sa kabila ng verbal abuse na ginawa niya sa akin sa loob ng tatlong taon, sinasabi ko sa sarili ko na nanay siya ni Philip. This would be the final act of kindness. Kapag naihatid ko na siya sa ospital, padadalhan ko na lang ng mensahe si Alex para siya ang magsabi sa kanyang boss na si Philip. Nang makarating kami sa ospital, nagawa kong sumunod kay Madam Cornell. Sinubukan kong alalayan siya ngunit tila siya nandidiri na ayaw magpahawak sa akin. Sa isang nurse station, tinanong niya ang daan patungo sa isang nagngangalang Dr. Smith. Iniisip ko na baka regular si Madam Cornell sa clinic ng doktor na nabanggit kaya hindi na ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya. Ngunit nabigla na lang ako nang makita ang pasilyo kung saan nakasulat ang karatula
Sarah Binabalot ako ng lagim—iyon ang sigurado. Nagluluksa ang puso ko sa sobrang sama ng loob. Ano ang kasalanan ko para maranasan ko ang ganitong klase ng sakit? Tinalikuran ko ang kasal ko kay Philip ngunit hindi ko akalain na sobrang sama niya para wala siyang iwan sa akin. Hindi ko na nga maramdaman ang luha ko dahil nagdurugo ang kalooban ko at wala na akong magawa kung hindi ang magluksa. "Sarah! Sarah!" Tila nakikita ko si Amir na naroon sa aking harapan at nasa loob ng maliwanag na hospital ward. Nais kong sumagot sa kanya at yakapin siya, isumbong sa kanya ang mga naganap sa akin! Ngunit walang lumalabas sa bibig ko. May nagtatagong kaluluwa sa loob ng aking katawan na nagsusumigaw at nais na ilabas ang lahat ng sama ng loob at ibahagi kay Amir, ngunit para bang wala akong lakas at hinang-hina. "Anong ginawa n’yo sa kanya?!" sigaw ni Amir, sinipa ang mga kagamitan sa loob ng silid dahil sa kanyang galit. Dinig ko ang mga pagbasag sa loob ng hospital ward, umaata
Sarah Napatayo si Amir nang makita ako na lumapit sa kanila. Alam ko na nabigla siya, hindi niya siguro inaasahan na makikita ako na lalabas ng silid at maglalakad-lakad sa mansiyon. “Uhm…” Nagrolyo ang kanyang lalamunan bago nilingon ang kanyang nobya. “Nagpunta kami rito ni Jess para kausapin si Grandpa Mitchell para pag-usapan ang kasal namin.” Inayos ni Amir ang isa sa apat na silya. "Please, have a seat." "We're here to finalize details for the upcoming wedding, which is set for four months from now. I’d love to have you as a bridesmaid," wika ni Amir. “Babe, baka hindi pa magaling si Sarah sa araw ng kasal natin. You know? As much as I wanted her to be part of my bridal party, baka sirain niya ang kasal ko. I just hope she’s okay,” saad ni Jessica kung saan nakalitaw ang kanyang plastic na ngiti sa labi. “Miss, anong gusto mong inumin?” tanong sa akin ni Amanda. “A cold tea, please,” simple kong tugon. Nabigla si Amir na narinig niyang muli ang tinig ko. “Mas
Philip “Sarah, get me a drink,” I almost blurted out, realizing Sarah wasn’t home. Naglakad-lakad ako sa villa, binalot ako ng katahimikan na parang mabigat na kumot. Ang bawat hakbang ay umalingawngaw sa kawalan, binibigyang diin ang kawalan ng presensya ng aking asawa. Kapansin-pansing wala ang pamilyar na tanawin ng nakahiga niyang katawan sa sofa, na madalas na sumasalubong sa akin sa pag-uwi. Amidst the silence, a profound emptiness enveloped me, leaving me adrift in a sea of unresolved emotions. Ako ang nagsalin ng tubig habang pinakikinggan ang nakabibinging villa. Nakaramdam ako ng lungkot habang nag-iisa. Bumilog ang kamao ko bago sinakop ang sopa. Ang isipin na posibleng may relasyon si Sarah kay Amir Benner ay nagpapakulo sa dugo ko. I feel… empty. Siguro dahil nasanay ako sa presensiya ni Sarah sa loob ng tatlong taon. Sa pagkaasar ay binato ko ang baso na pinag-inuman ng tubig at umalis ng villa. Magpapalipas na lang ako ng gabi sa opisina. Ipinaalam ko ka
Sarah I smirked as I watched Philip's eyes widen in disbelief, Ngunit hinayaan ko ang indifference na mamuhay sa aking dibdib sa pagkikita namin matapos ang isang taon na nawalan kami ng kumunikasyon. With a deft flick, I transferred the car key into the waiting hand of Amir's head secretary. Sa pagkabigla ni Philip, hindi siya kaagad nakalapit sa akin. Nang kunin ang kanyang atensiyon ng kanyang team, perpektong nagbukas iyon sa akin ng daan para makaalis. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang daan palabas ng dome hanggang sa maramdaman ko na nasundan ako ni Philip. Naroon kami sa napakahabang hallway na ipinagbabawal sa manonood, tanging racers lang sa araw na ito at ilang tauhan ang makadadaan. "Sarah!" His voice pierced the air. Sht! Hindi ko siya nilingon. Nang lumiko ako ay mabilis ako na nagtago sa madilim na likuran ng hagdanan at pinigil ko kahit ang huminga para hindi niya ako makita. "Nasaan na ba ang babaeng iyon?!" Umalingawngaw sa likuran ng hagdanan ang kan