Sarah Binabalot ako ng lagim—iyon ang sigurado. Nagluluksa ang puso ko sa sobrang sama ng loob. Ano ang kasalanan ko para maranasan ko ang ganitong klase ng sakit? Tinalikuran ko ang kasal ko kay Philip ngunit hindi ko akalain na sobrang sama niya para wala siyang iwan sa akin. Hindi ko na nga maramdaman ang luha ko dahil nagdurugo ang kalooban ko at wala na akong magawa kung hindi ang magluksa. "Sarah! Sarah!" Tila nakikita ko si Amir na naroon sa aking harapan at nasa loob ng maliwanag na hospital ward. Nais kong sumagot sa kanya at yakapin siya, isumbong sa kanya ang mga naganap sa akin! Ngunit walang lumalabas sa bibig ko. May nagtatagong kaluluwa sa loob ng aking katawan na nagsusumigaw at nais na ilabas ang lahat ng sama ng loob at ibahagi kay Amir, ngunit para bang wala akong lakas at hinang-hina. "Anong ginawa n’yo sa kanya?!" sigaw ni Amir, sinipa ang mga kagamitan sa loob ng silid dahil sa kanyang galit. Dinig ko ang mga pagbasag sa loob ng hospital ward, umaata
Sarah Napatayo si Amir nang makita ako na lumapit sa kanila. Alam ko na nabigla siya, hindi niya siguro inaasahan na makikita ako na lalabas ng silid at maglalakad-lakad sa mansiyon. “Uhm…” Nagrolyo ang kanyang lalamunan bago nilingon ang kanyang nobya. “Nagpunta kami rito ni Jess para kausapin si Grandpa Mitchell para pag-usapan ang kasal namin.” Inayos ni Amir ang isa sa apat na silya. "Please, have a seat." "We're here to finalize details for the upcoming wedding, which is set for four months from now. I’d love to have you as a bridesmaid," wika ni Amir. “Babe, baka hindi pa magaling si Sarah sa araw ng kasal natin. You know? As much as I wanted her to be part of my bridal party, baka sirain niya ang kasal ko. I just hope she’s okay,” saad ni Jessica kung saan nakalitaw ang kanyang plastic na ngiti sa labi. “Miss, anong gusto mong inumin?” tanong sa akin ni Amanda. “A cold tea, please,” simple kong tugon. Nabigla si Amir na narinig niyang muli ang tinig ko. “Mas
Philip “Sarah, get me a drink,” I almost blurted out, realizing Sarah wasn’t home. Naglakad-lakad ako sa villa, binalot ako ng katahimikan na parang mabigat na kumot. Ang bawat hakbang ay umalingawngaw sa kawalan, binibigyang diin ang kawalan ng presensya ng aking asawa. Kapansin-pansing wala ang pamilyar na tanawin ng nakahiga niyang katawan sa sofa, na madalas na sumasalubong sa akin sa pag-uwi. Amidst the silence, a profound emptiness enveloped me, leaving me adrift in a sea of unresolved emotions. Ako ang nagsalin ng tubig habang pinakikinggan ang nakabibinging villa. Nakaramdam ako ng lungkot habang nag-iisa. Bumilog ang kamao ko bago sinakop ang sopa. Ang isipin na posibleng may relasyon si Sarah kay Amir Benner ay nagpapakulo sa dugo ko. I feel… empty. Siguro dahil nasanay ako sa presensiya ni Sarah sa loob ng tatlong taon. Sa pagkaasar ay binato ko ang baso na pinag-inuman ng tubig at umalis ng villa. Magpapalipas na lang ako ng gabi sa opisina. Ipinaalam ko ka
Sarah I smirked as I watched Philip's eyes widen in disbelief, Ngunit hinayaan ko ang indifference na mamuhay sa aking dibdib sa pagkikita namin matapos ang isang taon na nawalan kami ng kumunikasyon. With a deft flick, I transferred the car key into the waiting hand of Amir's head secretary. Sa pagkabigla ni Philip, hindi siya kaagad nakalapit sa akin. Nang kunin ang kanyang atensiyon ng kanyang team, perpektong nagbukas iyon sa akin ng daan para makaalis. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang daan palabas ng dome hanggang sa maramdaman ko na nasundan ako ni Philip. Naroon kami sa napakahabang hallway na ipinagbabawal sa manonood, tanging racers lang sa araw na ito at ilang tauhan ang makadadaan. "Sarah!" His voice pierced the air. Sht! Hindi ko siya nilingon. Nang lumiko ako ay mabilis ako na nagtago sa madilim na likuran ng hagdanan at pinigil ko kahit ang huminga para hindi niya ako makita. "Nasaan na ba ang babaeng iyon?!" Umalingawngaw sa likuran ng hagdanan ang kan
Sarah Ipinangako ko sa sarili ko na oras naman para ako ang mahalin ng mga lalaki. Ngunit hindi ako sigurado kung si Bronn ang magbibigay nito sa akin. Sa kabila ng mga pagdududa, nakaramdam ako ng matinding pangangailangan at para bang nauubos ang oras ko sa gitna ng kawalan ng katiyakan na hinaharap. Kailangan kong subukan lalo na’t isang taon na lang ang palugit na mayroon ako. Bronn’s thirty-three, the same age as— Kailangan kong putulin sa isipan ko ang taong iyon. Nais kong maasar! Nang dahil sa text message ni Jakob, naiisip ko tuloy ang siraulo kong ex-husband. “Pwede bang ngumiti ka na muna! Lalong nadadagdagan ang edad ko sa inaakto mo!” sita ni Grandpa Mitchell na para bang hindi siya sanay na wala akong emosyon. “Grandpa, huwag mo nang pagalitan si Sarah,” mungkahi ni Bronn. My grandpa emitted a frustrated huff. “Huwag mong intindihin ang sinabi ng lolo mo kanina. Narito ako para pag-usapan ang negosyo at wala nang iba," pahayag ni Bronn. “Magpapalit lang ak
Sarah Dalawang layunin ang nagtulak sa aking para magtungo sa Henderson. Una, para sa business transaction ko sa BM Technologies. Pangalawa, para maging bahagi ng pagdiriwang sa nakatakdang kasal ni Amir. Sa Henderson nakatira ang pamilya ni Jessica. Months ago, nakatakda na dapat ang kasal nila ngunit nagkaroon ng problema sa cosmetic surgery ng bruha. After I met her in Dubai, she decided to undergo a Brazilian butt lift surgery and a breast augmentation to achieve the hourglass figure she desired for her wedding photos. However, her recovery didn't proceed as smoothly as expected. Ayaw niyang magmukhang tanga sa mga larawan sa kanyang kasal, kaya nagpasya si Jessica na ipagpaliban ang kasal ng isa pang taon. Hindi ko napuna ang oras habang naroon ako sa silid na pinagamit ng BM Technologies sa amin ni Jakob. Patuloy sa pagtipa nang mabilis ang daliri ko habang ina-apply ang application codes sa platform. I must complete this task as soon as possible. Suddenly, a knock on my
Philip Si Sarah, ang dati kong asawa, ay nakatali kay Mr. Bronn Martin. Mula kay Amir Benner hanggang sa isang computer software developer. Halatang mahilig siyang makipag-ugnayan sa mayayamang lalaki, isang katotohanang pumukaw ng matinding galit sa loob ko. Nananatili pa rin siyang nakakaakit sa kanyang kabataan, kasama ang kanyang sopistikado at alon-along tsokolateng buhok na humahagod pababa sa kanyang likuran. Naalala ko na beinte-tres na siya at hindi na dalaga tulad noong una kaming nagkita at nagpakasal. Nagniningning sa ilalim ng banayad na ilaw ng washroom ang kanyang balat. Nakasuot ng madilim na bestida na umaakit at tumutukso sa makasalanan kong pag-iisip. "I’ve been trying to locate you for a year. Matapos mong magtago sa Dubai nang isang taon, hindi ko akalain na lilipat ka na rito? Dinaan ko na sa pinansiyal na paraan, ngunit wala akong natanggap na sagot. Sawa ka na ba kay Amir Benner dahil magpapakasal na siya kaya naman si Bronn Martin na ngayon ang napupusuan
Sarah Naiinis ako sa sinabi ni Philip, naikuyom ang kamao ko sa prustrasyon. The audacity of this disgusting man! Kasama niya si Megan ngunit ganoon na lang kung bastusin niya ako. Ninakawan pa ako ng halik ng walang hiya! Hindi ko nagugustuhan ang naglalarong emosyon sa katawan ko. Naroon pa rin ang pagkasabik! The way Philip breathed or the way his fingers caressed the wineglass or anything that caught my eyes were enough to shake every fiber of my being. Kailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na sinaktan ako ni Philip at ang anak namin para makalimutan ko ang kung anumang amor at excitement na namumuo sa aking katawan para sa kanya, at mapalitan iyon ng galit. "Are you alright, Sarah?" puna ni Bronn habang tinutungo namin ang daan palabas ng restaurant. "I’m fine! Babalik na ako sa suite. See you tomorrow!" sagot ko, tinatakpan ang naguguluhang isipan. Nauna sa amin na lumabas ng restaurant sina Philip at Megan dahil nagmaldita ang huli. The sight of her jealousy and i