Home / Romance / The Second Marriage Chance [Filipino] / KABANATA 1: Alingawngaw ng Nakaraan

Share

The Second Marriage Chance [Filipino]
The Second Marriage Chance [Filipino]
Author: Feibulous

KABANATA 1: Alingawngaw ng Nakaraan

“Kahit isang beses man lang ba ay nakita mo sa sarili mo na minahal ako?” tanong ni Sarah na umaasa habang nakatingin sa matigas na anyo ni Philip. 

“Don’t make me laugh, Sarah. Everything between us has been purely about pleasure and business.”

Sa mabigat na damdamin, inilagda ni Sarah ang kanyang pirma sa mga papeles ng diborsyo, umaasa na balang araw, makahahanap siya ng lalaking magmamahal at sasamba sa kanyang kahalagahan.

***

Sarah 

Sa gitna ng tahimik na gabi sa Sun City Garden kung saan ako nakatira sa loob ng tatlong taon, narinig ko ang ‘click’ tanda na dumating na ang asawa kong si Philip Cornell. He’s running for president in Luminary Productions. 

Napabangon ako sa sofa kung saan ako madalas na naghihintay sa kanyang pag-uwi bago ko nilingon ang orasan na nakasabit sa pader. Ala-una na ng madaling-araw.  

Umawang ang malapad at makapal na pintuan ng tirahan namin at lumitaw ang susuray-suray na si Philip, umaalingasaw ang matapang na amoy ng alak sa kanyang katawan. Sinusuportahan siya ng kanyang assistant na si Alexander Davies. 

“A-anong nangyari sa kanya?” ang tangi kong naitanong kay Alex.  

“Madam, I’m really sorry. Something happened. Naparami ang inom ni Boss Philip,” tugon niya sa akin. Hindi na siya nagdagdag pa ng ibang impormasyon na madalas naman mangyari, kahit pa nga nais kong isaboses kung bakit napapadalas ang pag-uwi ni Philip nang lasing nitong mga nakaraang araw.  

“Please help me! Iakyat natin siya sa kuwarto.” 

Magkatulong kami ni Alex na iniakyat sa kuwarto si Philip. Sa kanyang mabigat na katawan kumpara sa akin na hindi hamak na mas maliit ang hubog sa kanya, pakiramdam ko, madudurog ang buto ko at magmamarka ng pasa ang aking laman.  

Hingal na hingal kaming dalawa ni Alex nang maihiga sa kama ang kanyang boss.  

“S-salamat!” 

Ngumiti lang ang lalaki bago tinungo ang pintuan para umalis. Bihirang-bihira kami na magkaroon ng palitan ng usapan, tulad ng asawa kong si Philip. 

Inalis ko ang sapatos ni Philip at ang kanyang medyas. Isinunod ko ang kanyang polo nang namumula ang pisngi. Hindi ko magagawa ang ganito kung sakaling nasa tama siyang katinuan.  

May ilang taon na nga ba akong nagpapantasya sa kanya? Malapit lang ang asawa ko sa akin, kung tutuusin ay abot-kamay ko lang siya bilang asawa, ngunit hanggang ngayon ay nananatili ang prinsipyo naming dalawa na hindi maaaring pakialaman ang buhay ng bawat-isa.  

Matapos kong maihubad ang kanyang polo ay sumuka siya sa sahig at kumalat ang maasim at masangsang na amoy sa paligid. Hinalukay ang tiyan ko at halos sumunod sa kanyang ginawa. Habang nilalabanan ang amoy, may kristal na namuo sa aking mga mata matapos kong pigilin ang sumuka rin.  

Wala kaming kasambahay dahil na rin sa kagustuhan ko kaya mag-isa kong lilinisin ang maasim at nakasusulasok na ibinuga niya sa kanyang bibig sa gilid ng kama.  

Tatlong taon ang nakaraan, ang sabi sa akin ng biyenan kong babae, trabaho naming mga babae ang pagsilbihan ang asawa namin. Umasa ako na sa ganitong paraan ay mapansin o makita man lang ako ni Philip bilang babae na masyadong nagmamahal sa kanya.  

Kinuha ko ang lahat ng maaaring ipanlinis sa sahig, ngunit hindi ko napigilan na umiyak sa aking sitwasyon habang ginagawa iyon.  

Hanggang kailan ko ba gagawin ang ganito? Hanggang kailan ko pagtitiisan na hintayin na ibalik din sa akin ang pagmamahal na sobra ko nang naipamahagi sa asawa ko?  

Sa kabilang banda, masyado kong mahal si Philip at nagawa ko na ang lahat ng pwede kong isakripisyo,  sa simpleng suka ba niya ay panghihinaan ako ng loob? 

Matapos linisin ang sahig at masiguro na hindi na mangangamoy ang buong silid, nagtungo ako sa wardrobe para maghanap ng kanyang susuotin. 

May nakita akong box sa isang cabinet na hindi pamilyar sa akin. Dinampot ko iyon at lumitaw sa akin ang napakagandang kuwintas na may blue sapphire na pinaliligiran ng maliliit na diyamante. 

Tomorrow marks our third wedding anniversary! Dumadagundong ang aking dibdib sa kaba at excitement. Hindi kaya ito ang ibibigay sa akin ni Philip? Kahit naman papaano ay tahimik ang relasyon ko sa kanya.  

Tahimik dahil hindi ko siya binibigyan ng problema bilang asawa. Tahimik dahil sa kabila ng ilang tao na nakakakilala sa relasyon namin, hindi alam ng publiko na nag-e-exist ako sa buhay niya.  

Nang bumalik ako silid, napanatag ako habang nakatitig sa kanyang maamong mukha na nararanasan ko lang sa ganitong pagkakataon hanggang sa makatulugan ko iyon.  

Nagising ako matapos ang ilang oras na may humalik sa aking leeg, nilapirot ang aking dibdib at sinindihan ang init na namumuo sa bawat ugat ko. 

Kung may bagay na nagpapa-excite at nagpapasarap sa buhay ko, iyon ang matamis na haplos ni Philip—bawat haplos at humihimig ng pagnanasa. Masarap ang bawat sandali na nakapagitan sa amin sa tuwing gagalawin niya ako. Bukod sa mga sandaling iyon, hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya.  

Initsa ang lahat ng pangit na ala-ala sa nagdaang gabi sa aking isipan, naganap ang matamis na pagsamba niya sa akin. 

*** 

“Sarah!” Umaalingawngaw ang tinig ng aking biyenan habang naroon ako sa kusina para maglinis. Maagang umalis si Philip. Nang magising ako ay wala na akong saplot at wala na rin siya sa aking tabi.  

“Madam Cornell?” Hindi na dapat ako nasosorpresa dahil madalas naman siyang magpunta sa Serenity Pines Estate para silipin kung maayos ba akong asawa ng kanyang nag-iisang anak. Madalas din na may imbitahan siyang mga kaibigan dahil hindi pinapayagan ng tatay ni Philip na kung sino-sino ang pinapupunta nito sa Cornell mansion.  

Chairman Cornell is a commanding figure both at home and in his marriage, while Madam Cornell prefers to keep the nature of their relationship discreet. Therefore, she consistently disrupts my peace whenever she extends invitations to her friends, encroaching upon the sanctity of my own home. 

May kasama siyang lima pang ginang na nakaupo na kaagad sa bilog na mesa para magtsismisan at maglaro ng cards. Tirahan namin ito ni Philip ngunit hindi ko maisaboses ang kagustuhan ko. 

“Hello, ladies!” mapakla kong bati sa kanila. Minsan gusto kong sabihin na huwag na muna silang pumunta sa bahay dahil maingay sila at nakadadagdag sa trabaho ko.  

“Hello, Sarah!” bati ng isang ginang. Ang apat ay hinayaan lang ako na para bang hindi ako nag-e-exist sa kanilang harapan.  

“Aba’t bakit naman nakatunganga ka pa riyan? Bilisan mo na’t ipaghanda mo kami ng tsaa at saka meryenda!” sita sa akin ni Madam Cornell. 

Bilang mabait na manugang, nagmadali ako na nagtungo sa kusina at saka sinunod ang nais niya.  

Bumalik ko sa grupo ng mga ginang matapos maghanda. Inilapag ang mga tasa ng tsaa at saka cookies at nakabalot na mga biscuit bago tumalikod para ipagpatuloy ang paglinis sa ilang parte ng bahay. Hindi nakaligtas sa akin ang kanilang usapan matapos kong tumalikod.  

“Siya nga pala, narinig ko na nakabalik na daw si Megan?” tanong ni Mrs. Wilson.  

Nanginig ang aking kamay at naibagsak ko ang vase na kasalukuyan kong binibigyan ng atensiyon.  

“Ano ba ‘yan, Sarah? Babasagin mo ba ang lahat ng gamit ng anak ko dito sa bahay?! My goodness! Alam mo bang sa Japan pa galing ang vase na binasag mo at sigurado ako na hindi mo kakayanin na bilhin!” galit na sita ni Madam Cornell. 

“S-sorry po! Lilinisin ko na lang po kaagad.” uutal-utal kong tugon. 

Kita ko na nais niya akong sabunutan o sampalin sa oras na iyon, ngunit may kasama siyang mga bisita kaya nauna na niyang pinigil ang sarili.  

‘Megan… Megan…’ Umaalingawngaw ang pangalan na iyon sa aking tainga habang nililinis ang bubog. May tumusok na maliit na bubog sa daliri ko at napakislot na lang ako sa sakit ngunit ininda ang maliit na butil ng pulang likido. 

Hindi ko mapigilan na kabahan. Megan is Philip's ex-fiancée, at nagbabalik ang babae.

Naisip ko ang ilang beses na pag-uwi ni Philip nang lasing nitong mga nakaraang araw. Ang pagbabalik ba ni Megan ang dahilan?  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status